✖-✖-✖-✖
Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.
Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap.
"Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya.
"What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?"
"Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.
"What the hell? Pwede bang tumulong ka?"
"P'wede ba?" naiinis niyang singhal.
"What?"
Naiinis niyang kinuha ang bag at tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Amy habang masama pa rin ang tingin sa kaniya.
"It's okay. We can do and finish it later. Saan tayo p'wede mamayang gabi?" singit naman ni Ryan.
Sumang-ayon naman ang iba dito.
"At my place. Ako lang at si Manang Med ang nasa bahay. We can do it there. Okay lang sa inyo?" ani Amy.
Natuwa naman ang mga lalaking groupmates nila sa suggestion nito, mukhang excited.
Tss...
"Okay, so see you then? 7 pm... later," sabi pa nito sa mukha niya at nanguna ng lumabas.
Siya naman ay nagpaiwan. Muli siyang umupo at sinubsob ang mukha sa braso niyang nakapatong sa lamesa.
Pumasok na naman sa isip niya ang nangyari kagabi. Siguradong may malakas na p'wersang dumaan sa likod niya. At habang tinitingnan ang paligid ay nakita niya si weird guy, ngunit hindi siya sigurado kung ito nga 'yon. Nakainom siya kaya hindi niya alam kung ilusyon lang na makita ito sa ganoong sitwasyon niya. Nagtataka na siya sa nangyayari.
Nangyari lang naman ito simula ng makita niya ang lalaki. At simula no'n ay hindi na naging normal pa ang mga bagay sa kaniyang paligid.
Ngunit baliw na siya kung iisipin niyang dahil nga ito dito. At sumasakit na rin ang ulo niya kakaisip sa mga bagay-bagay.
Dumaan ang first subject sa tanghali hanggang sa huling subject, ngunit ang atensiyon niya ay wala sa buong durasyon ng klase.
"Don't forget... 7 pm. We all have to be there. Bukas ang reporting kaya umayos tayong lahat," ani Ryan.
"Excited na ako tol, masosolo ko na rin si Amy," bulong ni Christian. Mahina naman itong sinapok ni Leo.
"Don't tell me, nagseselos ka?"
"Gago."
Nanguna na siyang maglakad sa mga ito dahil balak pa yatang magpaabot ng gabi sa bagal ng paglalakad. Siguradong popormahan lamang naman ng mga ito si Amy na ngayon ay nasa loob pa rin dahil kinakausap pa ng guro.
"It's Liza and Justine's 18th birthday next month. Anong plano mo?"
Pagkapasok niya sa bahay ay iyon agad ang narinig niya mula sa Papa niya. Nasa sala ang mga ito at kausap si Locel.
"Alam mo naman na first time nilang magkakaroon ng malaking celebration, kaya naman gusto kong gawing bongga ang birthday nila. Alam kong matutuwa ang mga 'yon."
"Nakauwi na 'ko," agaw pansin niya sa dalawa dahilan upang unti-unting nawala ang malapad na ngiti ni Locel.
"N-nand'yan ka na pala. Bumaba ka pagkatapos mong magbihis, ipaghahanda ko kayo ng meryenda," sabi nito habang pilit ang ngiti.
"Sige."
Walang makikitang kahit na anong emosyon sa mukha niya at marahil ay nagtataka ito sa kaniya. Kadalasan kasi ay laging nakakunot ang noo niya at galit sa tuwing makikipag-usap siya sa mga ito.
Matapos magbihis ay bumaba nga siya. Naabutan niya ang kambal sa kusina.
"Ate Holly," tawag ni Liza sa kaniya. Si Justine naman ay tahimik lang na kumakain.
"Are you okay?" tanong ni Liza.
"Huh?"
"Kanina, I heard them. Pinag-uusapan ka nila."
"I'm okay."
"Why?" singit naman ni Locel.
"I heard, sinasabihan nilang ampon si Ate Holly."
"W-what?" parang gulat na gulat na reaksiyon ni Locel. "Who told them that?"
Nagkibit-balikat lang naman si Liza.
Padabog niyang ibinaba ang basong hawak. Pati ba naman dito ay maririnig niya ang salitang 'yon? Hindi ba p'wedeng manahimik na lang? Hindi ba nakakaramdam ang mga ito?
"May problema ba Ate Holly?"
"Wala." Tumayo siya at mabibigat na humakbang palabas. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kaniya pero hindi na niya pinansin pa.
Padarag niyang sinarado ang pinto ng kwarto niya at sumandal do'n. Malakas ang ginawa niyang pagbuntong-hininga, paulit-ulit.
At nang kumalma ay nagligo siya at inayos ang sarili.
Masyado pang maaga para pumunta kila Amy pero nababagot na siyang mag-stay sa kwarto.
"Where are you going?" tanong ng Papa niya pagkababa niya.
"Sa bahay ng kaklase ko. Gagawa ng homework."
At nang hindi ito umimik ay lumabas na siya. Sa labas na lang din siya kakain, total naman ay ala-sais pa lamang.
Pumasok siya sa isang maliit na karinderya. Hindi naman siya maarte kaya dito na lamang siya kakain. Um-order siya ng sisig at kanin.
Habang kumakain ay pansin niya ang mga lalaking panay ang tingin at lingon sa gawi niya. At kapag makikita niya naman itong nakatingin sa kaniya ay agad namang magbabawi ng tingin.
"Ang ganda niya no? Mukhang mayaman, pero bakit dito s'ya kumakain?" bulong ng isang babae ngunit dinig naman niya.
Wala namang batas na hindi p'wedeng kumain ang mayayaman sa karinderya. Bukod doon ay hindi siya ang mayaman kundi ang Papa niya. Naiisip nga niyang maghanap na lamang ng part-time job at gumastos ng sariling pera, ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay baka hindi maging maganda ang performance niya sa trabaho.
Nang matapos ay nagbayad siya at lumabas na. Nakita pa niya si Amy na lumabas sa isang botique. At hindi na siya nagulat nang makitang may kasama itong lalaki, hindi si Manuelo na boyfriend nito, ibang lalaki. Nakapulupot pa ang mga braso nito sa lalaki at mukhang nag-eenjoy.
Sumakay na rin siya sa kotse nang mawala na ang mga ito sa paningin niya.
.
.
.
Habang tumatagal ang oras ay naiinip na si Holly. Para lamang siyang display sa loob, hindi siya nakikipag-participate kaya panay ang singhal sa kaniya ni Amy. Ang iba naman ay hinahayaan lamang siya.
"Wala ka bang balak tumulong?" tanong na naman ni Amy.
"Uuwi na ako." Mas mabuti sanang hindi na lang siya pumunta. Wala siyang naitutulong dahil nasa ibang bagay ang utak niya. At mas makakabuti siguro kung umuwi na lang dahil baka masagutan lang niya ito.
"Huh? Bakit uuwi ka na?" tanong naman ni Ryan.
"Masama ang pakiramdam ko."
"Gano'n ba? Kaya mong mag-drive?"
Tumayo siya para magpaalam sa mga ito.
"Hayaan niyo s'ya. Wala naman s'yang naitutulong," mataray na sabi ni Amy sa mga kagrupo.
Napabuntong-hininga siya. "Mauna na ako, sorry sa inyo."
Pagkalabas niya ay agad siyang sumakay sa kotse at saka ito pinaandar.
Namanglaw ang kaniyang mata nang mapansin ang isang pamilyang masayang kumakain sa isang maliit na karinderya. Bigla siyang nakaramdam ng inggit at lungkot. Namimiss niya ang masasayang araw kasama ang Mama at Papa niya. At ngayon, pakiramdam niya ay iniwan na siya ng mundo. She feel so out of place. At ang bigat-bigat sa pakiramdam.
Nang makauwi ay sobrang katahimikan ang sumalubong sa kaniya. Hindi pa rin siya sanay na hindi nakikita ang Mama niya na sinasalubong siya kapag uuwi ng ganitong oras dahil hinihintay siya nito.
Biglang namasa ang mata niya at naglandas ang luha sa kaniyang pisngi.
Binuksan niya ang bintana ng kwarto at tumayo sa harap no'n. Maliwanag ang paligid dahil sa maliwanag na sikat ng buwan. Pinahid niya ng palad ang nabasang pisngi at dinama ang kwintas na suot habang nakatingin pa rin sa buwan. Bigay ito sa kaniya ng Mama niya at simula pa lang daw ng isilang siya ay suot-suot na niya ito. Hindi niya ito inaalis sa kaniya dahil iyon ang utos sa kaniya ng Mama niya.
Tinanggal niya ito mula sa leeg at pinagmasdan.
Napaka-ganda nito at masasabi niya na parang hindi pangkaraniwan. Sa loob ng ring ng pendant nito ay tila kamukha ng buwan, parang ito ang pinakabato ng kwintas ngunit hindi makinang. Parang isang maliit at totoong buwan ang nakikita niya. Kakaiba para sa kaniya ang disenyo ng kwintas.
Dinama niya iyon sa tapat ng dibdib na parang sa paraan na 'yon ay yakap niya ang Mama niya.
---
Ten years ago...
"Mama! Mama!" Humahangos ang walong taong gulang na si Holly palapit sa Mama niya. Hawak-hawak nito ang dirty ice cream na binili sa isang mama.
Sinalubong naman siya nito. "Holly, anak? Bakit ka ba tumatakbo?"
Dinama niya ang kwintas. "E-eh kasi po... m-may lumapit sa aking isang mama. Tinitingnan niya ang kwintas ko at tinanong niya kung saan ko ito nakuha. Sabi niya bibilhin niya sa'kin ng malaking halaga. N-nakakatakot siya Mama."
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Natatandaan mo ba ang hitsura niya?"
Umiling ang bata.
"Sa susunod ay h'wag ka ng lalayo sa'kin ha?At h'wag na h'wag mong tatanggalin sa'yo ang kwintas na 'yan."
"Bakit po Mama?" naguguluhang tanong ni Holly.
"D-dahil regalo ko sa'yo yan. Malulungkot si Mama kapag nakita niyang hindi mo 'yan suot."
Napangiti naman ang batang si Holly dahil sa sinabi nito. "Hindi ko po tatanggalin, ayaw kitang makitang malungkot, Mama."
Kinuha nito ang kamay niya. "Halika na. Naghihintay na ang Papa mo sa kotse."
Masaya silang naglakad palapit sa kotse habang magkahawak ang kamay.
At tuluyan ng nawala sa isip ng batang si Holly ang nakakatakot na mama.
---
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Holly. At hindi niya namalayang umiiyak na naman pala siya. Pinahid niya ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi at muling pinagmasdan ang kwintas. Mas lalo lamang niyang na-miss ang kaniyang ina dahil sa ala-alang 'yon.
"I miss you..." mahinang usal niya.
Isasara na sana niya ang bintana nang mapatalon siya sa gulat. May bumagsak mula sa bubong na katapat ng kaniyang kwarto. Maging ang kwintas na hawak niya ay nabitawan niya at nalaglag sa sahig.
Lakas-loob siyang dumungaw at tumingin sa ibaba. Abot-abot ang kaba niya habang ginagawa 'yon, ngunit wala siyang nakita kahit na anong bagay do'n. Bigla siyang kinilabutan at mabilis na sinara ang bintana. Sakto naman na pumasok si Locel sa kwarto.
"A-anong ginagawa mo dito?" Napalitan ng galit ang takot na nararamdaman niya. Bigla ay parang gusto niyang lapitan at saktan ang babae pagkakita pa lamang niya sa mukha nito.
"Kumain ka na ba?" tanong nito, hindi pinansin ang tanong niya.
Sisigawan na sana niya ito nang bahagya siyang napaatras dahil sa nag-ibang pakiramdam. Pakiramdam niya ay may kakaibang nangyari sa katawan niya, parang bumibigat at nag-iinit ang kaniyang mga mata. Naiyuko niya ang ulo dahil sa hindi makayang pakiramdam.
"Okay ka lang, hija?"
Ano bang nangyayari sa kaniya? Parang naninigas ang kalamnan niya at parang may kakaibang dumadaloy sa mga ugat niya.
"H-holly? A-anong nangyayari s-sayo?" Bigla ay parang nahintakutang tanong ni Locel. "H-holly."
Mas lalo pang nasiklaban ang galit na nararamdam niya para sa babae. At hindi niya ito makontrol. Dahan-dahan niya itong tiningnan at gano'n na lamang ang gulat nito sa mga mata at bakas ang sobrang pagkatakot.
"H-ho-holly." Napaatras ito ngunit hindi maalis ang tingin sa kaniya. Ano bang ikinatatakot nito?
Pinag-aralan niya ang mukha nito habang bumabaling-baling ang kaniyang mukha hanggang sa manatili ang tingin niya sa leeg nito. At hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang kaniyang ginagawa. May mali sa kaniya.
Pinikit niya ang mata pero ganoon pa rin ang pakiramdam. Para siyang sinapian dahil sa kakaibang ikinikilos niya.
Muli niyang tiningnan ang babae.
"H'wag mo akong s-sa-saktan," takot na takot na sabi ni Locel sa kaniya habang umaatras. Nanginginig rin ang mga kamay nitong hinahanap ang seradura ng pinto ng kaniyang kwarto.
Mabagal siyang lumapit dito ngunit nagtatalasan pa rin ang mga tingin na ipinupukol sa babae.
"Saan ka pupunta?" matigas niyang tanong.
Lalong nataranta si Locel at hindi malaman ang gagawin. Mukha na itong hihimatayin anumang oras. Namumutla na ito.
"Inagaw mo sa'kin ang Papa ko," mariin niyang sabi. At hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon ng diretsa sa babae.
"H-hindi k-ko inagaw s-sayo ang P-papa mo."
Ngunit sa sinabi nito ay lalo pang nagpagalit sa kaniya. Parang may kung anong pwersa ang nagtutulak sa kaniya na sugurin at saktan ito.
"P-pakiusap, h-wag mo akong s-sasaktan." Para itong kandilang nauupos sa hitsura nito. Nanlalaki rin ang mga mata nito at mukhang takot na takot sa nakikita.
Napapikit siya ng mariin nang mayroong matinis na umugong sa tainga niya na nagpasakit ng kaniyang ulo ngunit nawala rin ito agad. Bigla ay parang nawala ang kaluluwa niya sa katawan. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. At ang sumunod ay nakita na lamang niya ang sarili na sinunggaban ito.
" P-p-please...l-let me go!" sigaw nito habang ang mga kamay ay nakaprotekta sa leeg nito na gusto niyang puntiryahin.
"Ano bang nangyayari s-sayo?! Ahh!" Iniwas-iwas nito ang leeg.
Hindi niya rin alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Nilalabanan niya ang sarili ngunit mas malakas ang tuksong kagatin ito at kitilin ang buhay.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng babae at tinanggal sa pagkakatakip sa leeg nito.
"H-holly, h-hija," sobra na ang panginginig ng boses nito.
Ngunit wala s'yang pakialam. At parang lango sa drogang inamoy-amoy niya ang leeg nito.
"Did you kill my mother?" bigla ay tanong niya.
Kita niyang na-estatwa ito habang nanginginig ang labi. Dahil sa ekspresyon na 'yon ay mas nagkaroon siya ng pagnanais sa saktan ito hanggang sa malagutan ng hininga. Matigas niyang hinawakan ang panga nito at ibinaling iyon pakaliwa.
Ngunit hindi pa man niya nagagawa ang nais gawin sa babae ay malakas ng kumalabog ang pinto, dahilan upang bitawan niya si Locel na napa-upo na sa sobrang takot.
At bago pa tuluyang bumukas ang pinto ay mabilis na siyang nakapasok sa banyo. Hindi niya alam kung paano niya 'yon nagawa ng ganoong kabilis.
Mula sa labas ay dinig niya ang sigaw ng Papa niya at ang boses ni Liza at Justine na nag-aalala.
Napaluhod siya sa tiles ng banyo. Bakit niya 'yon nagawa? Anong nangyayari sa kaniya?
Unti-unti ay bumalik sa normal ang pakiramdam niya. Wala na ang bigat sa buong katawan niya, ngunit sobra siyang nanghina. Namumungay na rin ang mga mata niya at wala ng lakas para kumilos. Pakiramdam niya, anumang oras ay mawawalan na siya ng malay.
At hindi nga siya nagkamali.
Naramdaman na lamang niyang bumagsak ang kaniyang katawan sa malamig na sahig ng banyo.
✖-✖-✖-✖
Naiwan sa lapag ang nahulog na kwintas ni Holly, ang hugis buwan nitong bato ay mistulang naging kulay dugo at lumiliwanag.
✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin
"T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.
✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan
"A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?"Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan."Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan. "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang
✖-✖-✖-✖Suot lamang ang kulay itim na two-piece, pinatungan ito ni Holly ng puting short shorts.Pinagmasdan niya ang sarili sa harap ng salamin sa loob ng kaniyang kwarto. Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat ang kulay ng suot.Dinampot niya ang kulay puting cover up knitted dress at lumabas ng kwarto at diretsong lumabas ng bahay.May mangilan-ngilang naglalangoy at pawang mga turista. Hindi pa kasi weekend kaya kakaunti pa ang tao.Nilublob n'ya ang katawan sa tubig at lumangoy papunta sa may kalalimang bahagi, sakto lamang para makabalik s'ya agad sa tabi.Sandali niyang kinalimutan ang lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw at hayaang damhin niya ang kapayapaan ng gabi.Inangat niya ang katawan upang makalanghap ng hangin.Napakaganda ng gabi at napakaraming bituin. Pati ang nagkikislapang mga ilaw ay nakadaragdag ng kagandahan at kapayapaan.Pumikit s
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m
✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige
Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung
✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha
60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit
Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.
60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a
Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na
Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni
Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung
✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige
✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m