Share

Kabanata 2

Penulis: Asiana Asia
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

✖-✖-✖-✖

Napabalikwas ng bangon si Holly nang magising kinabukasan. 

Kinapa niya ang sarili. "P-p-paano ako nakauwi?"

Wala naman sigurong nangyari sa kaniya. Kinapa niya ang braso at nakaramdam ng sakit. "A-aray."

Ano na naman kaya ang nangyari sa kaniya? Nadapa na naman ba siya? 

Humiga siya muli at inisip ang mga nangyari simula sa pagpunta niya sa bar kagabi hanggang sa...

Praning niyang niyakap ang sarili. "T-teka, may ginawa ba siya sa'kin? Bakit ang sakit ng braso ko?" 

Inalala niyang maigi ang mga nangyari. Wala talaga siyang ibang maalala. Ang tanging pumapasok lamang sa isip niya ay ang paghigit nito sa kaniya mula sa lalaking sumalo sa kaniya nang muntik na siyang matumba at magpresintang ito ang maghahatid sa kaniya, 'yon lang.

Naipikit niya ang mata ng mariin. Praning na siya kung pag-iisipan niya ng masama ang taong 'yon.

"Pero bakit masakit ang braso ko?" Hinilot-hilot niya ang kanang braso. Masakit talaga.

Tatayo na sana siya para ayusin ang sarili nang biglang umingit ang pinto ng kaniyang kwarto.Si Manang Flor siguro.

Tuluyan nang bumukas ang pinto at pumasok doon si... si Locel.

Hindi agad siya nakahuma, hindi niya inaasahan ang pagpasok nito. 

Nagtataka niya itong tiningnan at pinasadahan ang kabuuan nito. Maganda naman,  'yon nga lamang ay mukha itong masungit at hindi mapagkakatiwalaan. 

"Holly," tawag nito sa kaniya.

 Parang biglang kumulo ang dugo niya nang tawagin siya nito.  Nangungunot pa rin ang noo niyang panoorin itong maglakad palapit.

"Anong ginagawa mo dito?" diretsang tanong niya. Naiinis siya sa presensya nito.

"Pinapatawag ka na kasi ng Papa mo at kakain na ng lunch, kaya ako na ang nagprisentang umakyat." 

Natawa siya ng matabang. Totoo ba ang sinasabi nito? Ang Papa niya? Mukha bang maloloko siya nito? 

"Hindi niya ako pinapatawag, umalis ka na. Kakain akong mag-isa," walang gana niyang sabi at humiga  ulit. Tumalikod siya sa gawi nito at naiinis itong pinakiramdaman. Hindi pa rin ito umaalis.

"Holly, mag-ayos ka na ng sari--"

"Umalis ka na sabi!" Hindi na niya napigilang hindi sumigaw. Nanggigigil siya sa presensya nito at gusto niya itong sabunutan at itulak palabas... palabas ng kanilang bahay at palabas sa buhay ng Papa niya. 

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Naiimagine niya kung gaano kataas ang mga kilay nito sa oras na'yon.

"Sige, basta bumaba ka at kumain," sabi nitong mahihimigan naman ang pagiging sarkastiko. Hindi siya magaling na artista, hindi nito kayang itago ang tunay na ugali.

Nang umingit ang pinto pasara ay tumayo siya at padabog na nagtungo sa banyo. Sobrang nag-init ang ulo niya nang dahil lamang sa paglapit nito. Nakuha pa nitong magbait-baitan sa harap niya, eh mukha naman na hindi totoo ang ipinapakita nito. Pinapahiya lamang nito ang sarili.

Matapos ang isang oras ay lumabas na rin siya. Malas niya at nasa sala ang mga ito, ang Papa niya at si Locel.

"Anong oras ka umuwi?" walang kagana-ganang tanong ng Papa niya.

Hindi siya sumagot dahil hindi niya rin alam.

Dahil sa pananahimik niya ay nagbago bigla ang ekspresyon nito at galit siyang tiningnan.  "Iyan na lang ba ang gagawin mo ha? Holly?" tanong nito sa mataas na boses. 

"P-papa."

"Isa ka pa bang matinong babae? Maglalasing at uuwi ng madaling-araw?" Lumapit ito sa kaniya.

Hindi niya napigilang matawa ng mapakla. "Bakit Papa? Ikaw ba, naisip mo bang irespeto ang pagkamatay ni Mama? Ipaliwanag mo sa'kin lahat Pa--"

Malakas siyang sinampal nito dahilan para hindi niya maituloy ang sasabihin. Maging ang mukha niya ay napabaling sa lakas ng pagkaka-sampal nito.

"Wala kang karapatan magtanong," mariin nitong sambit. 

Inangat niya ang tingin dito at naglakas-loob na nagsalita. "Iyan na lang din ba ang lagi mong isasagot sa'kin Papa? Ang wala akong karapatan magtanong at malaman ang totoo?" 

Tinaas nito ang kamay para muli siyang sampalin pero naiwan ito sa ere. Nangiginig ang kamay nito, nagpipigil ng galit.

"Tama na Marlon," awat ni Locel sa Papa niya. Bumaling naman ito sa kaniya. "Hija..."

"M-malalaman ko rin ang totoo, kahit hindi n'yo sabihin." 

"Tumigil ka na sabi!" sigaw nito.

"Hindi ako titigil Papa," mariin niyang sagot. 

Hindi na siya nag-atubili, pasiring niyang tinalikuran ang mga ito at lumabas ng bahay. Nangangalit ang kalooban niya. Anak siya nito ngunit wala siyang karapatan? 

Padarag siyang sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon palayo. Hindi niya alam kung saan pupunta basta't gusto niyang maakaalis sa bahay na 'yon. Masyado na siyang nasasaktan sa pakikitungo ng mga ito sa kaniya. 

Nais lamang naman niyang malaman ang totoo ngunit walang nagsasalita kahit na isa sa kanila. Si Manang Flor, si Locel, lalo na ang Papa niya. 

 

Wala naman kasi siyang kilalang relatives ng Mama niya na pwedeng lapitan at pagtanungan. Wala itong ipinakilala sa kanila, ang kwento lang nito ay ulila na ito simula pa pagkabata, pero nabanggit na may isa itong kaibigan. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung sa Batangas pa rin ito nakatira dahil isang taon na rin simula no'ng huli silang pumunta sa beach house nila doon. 

Malakas siyang nagbuntong-hininga upang mabawasan ang galit na kaniyang nararamdaman.

.

.

Hapon na nang makarating si Holly sa beach house nila sa Batangas. Ang lugar na ito ang naisipan niyang puntahan dahil ayaw muna niyang umuwi sa kanila. Maliban do'n ay gusto niya ring magbaka-sakaling makita ang kaibigan ng Mama niya.

Isang babae ang sumalubong sa kaniya sa gate. Nasisiguro niyang nasa 60's na ito base sa hitsura.

Pinagbuksan siya nito.  "Ikaw ba ang anak ni Marlon? Ako nga pala si Celesta."

"Ako nga po, magandang hapon po, Manang Celesta."

"Pumasok ka na at ipaghahanda kita ng meryenda." 

"Sige po."

Sumalpak siya sa sofa nang makapasok na animo'y pagod na pagod sa b'yahe.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuang palapag. Wala pa ring nagbabago. Ang malaya at payapang atmosphere sa kabahayan ay naroon pa rin. Ang bago lamang ay si Manang na care taker. Wala na 'yong dati. Close kasi sila nito at akala niya ay ito ang sasalubong sa kaniya. Medyo nalungkot siya, gusto rin kasi niyang magtanong-tanong dito. 

"Oh, hija. Pasensya na at ito lamang ang naihanda ko, hindi ko kasi alam na darating ka, wala ring sinabi ang Papa mo kaya hindi ako nakapaghanda," mahabang lintanya nito.

Uminom siya ng tubig. "Ayos lang po. Ah, pwede po bang magtanong?" 

"Ano 'yon hija?"

"Ah, nasaan na po si Manang Minda, yung dating care taker po nitong bahay?" Umayos siya ng upo at hinintay ang sagot nito.

"Si Minda? Noong mamatay ang Mama mo ay umalis na rin siya, hindi na siya nagtrabaho dito kaya naman kumuha ulit ang Papa mo ng panibagong mag-aalaga nitong bahay." 

Napabuntong-hininga siya. "Kung gano'n po, nasaan na po siya ngayon?" 

"Ang alam ko ay sumunod na siya sa anak niyang nasa Romblon."

"Gano'n po ba?"  

Nawalan siya ng pag-asa. Masyadong malayo ang Romblon para puntahan, ngunit hindi naman imposible.

"Oo hija. Anong gustong mong hapunan nang sa gano'n ay makabili ako ng maluluto?" 

"Kahit anong seafoods na lang Manang," mahinahon niyang sagot.

"Oh, sige."

Tumayo siya at umakyat sa ikalawang palapag, sa kwarto niya. Naligo muna siya bago bumaba ulit.

Papalubog pa lang ang araw kaya naman lumabas muna siya at naglakad lakad sa tabing-dagat. Marami pa rin ang lumalangoy, mukhang nagkakasiyahan.

"Miss!" 

Lumingon siya sa sumigaw na iyon ngunit bola ang sumalubong sa mukha niya.

"Ah!" Napaupo siya sa buhangin sapo-sapo ang ilong. 

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya."

Tiningnan niya ang lalaking lumapit sa kaniya. Mukhang hindi nito malaman kung anong gagawin. Mukha na itong natataranta.

Nagsilapitan na rin ang mga kalaro nito sa kanila.

"Ikaw kasi Renier, hindi mo sinalo," paninisi nito sa isa.

"Hindi, ayos lang. Hindi naman dumugo," sabi niya.

"Sigurado kang ayos ka lang, Miss?" 

Tumango siya. "Oo,ayos lang ako." Tumayo siya at tinalikuran na ang mga ito. Nagsimula siyang maglakad paalis.

"Sorry talaga, Miss," pahabol na sabi pa nito.

Naglakad-lakad siya sa tabing dagat. Hinayaan niya ring mabasa ang kaniyang mga paa ng tubig-alon.

"Ang sakit no'n ah," asik niya.

Tinanaw niya ang lawak ng dagat. Narelax siya sa ginawang 'yon.  Dapat pala ay noon pa siya pumunta dito, hindi niya 'yon naisip. 

Umupo siya sa buhanginan. Pinuno niya ng hangin ang baga at malakas 'yong ibinuga pagkatapos. Paulit-ulit niya 'yong ginawa. Kung may makakapansin lang siguro sa ginagawa niya ay nasisiguro niyang pagkakamalan siya nitong baliw.

Maya maya pa ay may lumapit sa kaniya.

"Are you okay?"

Nilingon niya ang lalaki, ito 'yong nakatama sa kaniya ng bola kanina.  Base sa physical appearance nito ay kasing-edad lamang niya ito. 

"Pwedeng maki-upo?" tanong nito.

"Sige," sagot naman niya.

"About do'n sa sa kanina, sorry talaga. Ako nga pala sa Jin." Inabot nito ang kamay sa kaniya ngunit tinitigan niya lang 'yon. Nahihiya nitong binawi ang kamay mula sa pagkakalahad sa kaniya.

"Holly," pakilala niya sa sarili.

Ngumiti naman ito. "Nice, ang ganda ng name mo."

Hindi siya sumagot, sa halip ay tumingala siya at pinanood ang mga ibong nagliliparan. 

"May gagawin ka ba mamaya? Gusto kitang i-invite manood ng banda namin, hehehe."

Nilingon niya ulit ito. "Kumakanta ka?" 

"Mamaya lang, wala kasi si kuya kaya ako muna ang papalit." Tumayo ito. "Sige ha? Hihintayin kita mamaya, see you." Ngumiti pa ito at kumaway.

Naiwan siyang nakaupo at pinanood na lang ang bawat paghampas ng alon. 

Ilang minuto pa siyang nanatili sa kinauupuan nang naisipan niyang bumalik na sa beach house. 

Pumasok siya sa kwartong ginagamit noon ng Mama niya. Pinagmasdan niya ang loob nito, gano'n pa rin at walang pinagbago. Ang Family picture nila ay nando'n pa rin. 

Bigla niyang na-miss ang Mama niya. Para siyang maiiyak pagkakita sa nakangiti nitong mukha. 

Umupo siya sa kama. Binuksan niya ang maliit na cabinet na katabi nito. Tumambad sa kaniya ang napakaraming pictures,halo-halo. May may pictures siya na solo no'ng baby pa siya hanggang sa lumaki. Mayroon din silang dalawa ng Mama niya pati ng Papa niya. 

Isang litarato lang ang naiba. 

Kinuha niya iyon. Isang lalaki at ang Mama niya. Malawak pareho ang ngiti ng mga ito at kung titingnan mabuti ay para itong magkasintahan. Maganda ang ngiti ng mga ito, pati ang mga mata ay sinasabing masaya nga sila. Siguro ay naging boyfriend ito ng Mama niya. Hindi niya kasi masabing relatives ito dahil wala naman itong pinakilala sa kanila. Pero...

"Bakit naman mayroon nito dito?" taka niyang tanong sa sarili. 

Base sa hitsura ng mga ito ay nasisigurado niyang wala pa siya sa mundo nang kunan ito. Siguro ay nasa 20's pa lang ang Mama niya sa litrato, at ang lalaki naman, mukhang mas matanda ng ilang taon sa Mama niya. 

Tinitigan niyang mabuti ang lalaki.

"T-teka, parang nakita ko na siya." 

Inalala niya ang hanggang balikat nitong buhok at ang agaw pansing kulay asul nitong mga mata. Parang nakita na nga niya ito. 

"Ah, alam ko na." 

Noong birthday ng Mama niya bago ito mamatay. Kung hindi ito nagbago ng hair style ay siguradong ito nga 'yon. 

Matagal na ang picture pero nito lang nakaraan nang makita niya ito. Posible kaya ang naisip niya?

"Imposible 'yon."

Imposible ang naisip niya. Imposibleng nagkikita pa rin ang mga ito lingid sa kaalaman nila. Napapraning na talaga siya dahil sa naisip. 

Kinuha niya ang litrato at lumabas ng kwarto.

"Hija, kumain kana," bungad ni Manang Celesta sa kaniya pagkababa. "Inihanda ko na ang pagkain."

"Sige po Manang. Kumain na rin po kayo. Sabayan niyo ho ako." 

"Oh, sige."

Naglagay siya ng kanin sa plato.  "Ah, Manang Celesta, taga-rito po kayo 'di ba?" 

"Oo hija, bakit?"

"Noon po ba... nakita niyo na si Mama?"

Natigilan ang matanda at mukhang nag-isip pa.

"Ah, ang Mama mo. Oo, isang beses ko siyang n-nakita noon, noong huli kayong pumunta dito."

Nawalan siya ng pag-asa. "G-ganoon po ba?" 

Tinapos niya agad ang pagkain at nagpaalam sa matanda. Bumalik siya sa kwarto at naligo, matapos ay bumaba ulit. 

"Ah, Manang. Lalabas lang po muna ako." 

Pinasadahan niya ang suot na off-shoulder na bestida sa harap ng salamin. May kanipisan 'yon pero maganda pa rin tingnan at may pagka-elegante. Bumagay rin sa tangkad niya at kulay ng balat. 

"Sige hija, mag-iingat ka."

"Sige po, salamat."

Lumapit siya sa mga nagkakasiyahan at nagsisigawang mga tao sa harap ng isang organized stage. Ang iba ay nagbabasaan pa at mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa. Malalakas rin ang sigawan ng mga ito. 

"Grabe, ang gwapo ng vocalist!" 

"Oo nga, ang galing din niya. Kyah!"

"Drummer boy, ang cute mo!"

"Mas gwapo 'yong naggigitara! Wohh! Ang galing mo!"

Lumapit pa siya at nakipagsiksikan. Nakita nga niya si  Jin. Gwapo naman talaga ito pero tingin niya ay mas gumwapo pa ito lalo ngayon. Ganoon din naman ang mga kasama nito, ito nga lang ang pinakabata, dahil siguro 'yon sa hindi naman talaga ito ang vocalist ng banda kundi ang kuya nitong pinalitan muna niya.

Masaya ang buong paligid pero hindi niya makuhang magsaya dahil hindi naman talaga 'yon ang ipinunta niya dito.

Nakipagsiksikan ulit siya para makaalis. 

Naglakad-lakad lang muna siya sa tabing dagat, niyakap niya ang sarili nang sumimoy ang hangin. Nabasa rin pala ang ibang parte ng damit niya kaya mas lalong malamig sa pakiramdam.

Inilinga-linga niya ang paningin sa paligid at sa mga tao, lahat talaga ay nagsasaya maliban sa kaniya. S'ya lang yata ang nasa ganitong klase ng okasyon ngunit nagluluksa. 

Sa isang store, hindi kalayuan sa kaniya ay natanaw niya ang isang babae. At dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ay nakilala niya 'yon, ngunit mukha naman itong nagmamadali.

"Si Ate Daisy 'yon ah." Tumakbo siya. Hindi siya nagkakamali, 'yon 'yong kaibigan ng Mama niya at siguradong ito nga 'yon.

"Ate Daisy!" tawag niya dito pero hindi niya nakuha ang atensyon nito. Tumatakbo rin kasi ito at mukhang nagmamadali.

Lumiko ito sa madilim na parte kaya lumiko rin siya at sinundan pa rin ito.

"A-ate Daisy?" Luminga-linga siya. Hindi na niya ito makita.

Siguradong si ate Daisy 'yon pero bakit naman ito tumatakbo at pumunta sa ganito kadilim na lugar? Walang katao-tao sa lugar at purong mga niyog na lamang ang nandoon. Tahimik din ang buong paligid.

May kumaluskos sa 'di kalayuan.

"Ate Daisy?" 

Maingat siyang humakbang papalapit. Masyadong madilim sa lugar kaya naman kinakabahan na rin siya. Ngunit wala siyang nakita nang makalapit.

Lumabas siya mula sa kinaroroonan, kalsada na pala ang kabila no'n.

"Ate Daisy?"

Nakita niya itong pumasok sa isang convinient store, kaya naman mabilis siyang tumawid ngunit nang nasa gitna na siya ay biglang...

*Beeeeeeeeeeeeeep!

"Ah!" Duma-usdos ang palad at mga braso niya sa semento. 

"A-aray," daing niya. 

Nang maka-recover mula sa pagkakabagsak ay sinubukan niyang umupo. Tiningnan niya ang palad at mga braso, ang daming gasgas at ang ilan ay nasisiguro niyang malalim.

Hinipan niya ang siko nang makaramdam siya ng hapdi sa parteng 'yon.

"Aray," daing na naman niya.

Maya-maya pa ay may pares ng sapatos ang nakita niyang tumigil sa harap. Tiningala niya ang may-ari nito habang nakangiwi.

Sisigawan na sana niya ang lalaki nang makita niya ang kabuuan ng mukha nito na nasisinagan ng ilaw na nagmumula sa poste.

"Ikaw?"

Bab terkait

  • Stranger's Secret   Kabanata 3

    "Ikaw?" Ito 'yong lalaking sa bar at siya ring naghatid sa kaniya. Hindi ito umimik. Nakatingin lang ito sa kaniya na parang pinag-aaralan ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumapit pa ito sa kaniya at walang pasabi siyang binunat. Nabigla siya sa ginawa nito. "A-ano ba, masakit. Ibaba mo ako," utos niya habang iniinda ang nagkikirutang mga sugat. "May gasgas ka rin sa tuhod at mga paa mo, hindi kita pwedeng ibaba," tanging sagot nito. Walang kabuhay-buhay. Hindi na naka-angal pa si Holly nang dahan-dahan siya nitong i-upo sa back seat ng kotse nito, pagkatapos ay bumalik itong may dalang first-aid kit. Walang imik nitong kinuha ang kamay niya. Siya naman ay pinapanood lang ang bawat kilos nito. "Aray, a-ang sakit," angal niya. Hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya at tutok na tutok sa paglilinis ng gasgas niya sa palad. Nanginginig pa ang kamay nitong may hawak na bulak.

  • Stranger's Secret   Kabanata 4

    ✖-✖-✖-✖Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuukupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya.Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Nahirapan s'yang hanapin ang babae dahil sa bagay na ninakaw nito na pag-aari ng buong angkan na magagamit upang mamuhay bilang isang normal na tao.Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay...

  • Stranger's Secret   Kabanata 5

    ✖-✖-✖-✖Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang insidente. Nalaman ni Holly na ang pamilya ni Jin ang nagmamay-ari ng coffee shop na 'yon. Hindi niya lang ito nakikita noon dahil sa kabilang University ito nag-aaral. Nakita siya nitong tumakbo sa lugar na 'yon kaya sinundan siya nito. Nalaman din niyang nasa kulungan na ang dalawang nagtangka sa kaniya.Nagpapasalamat siya ng sobra sa binata.Biglang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tumatawag."Hello?""Hi, Holly. Good morning," sabi sa kabilang linya."Jin?"Bahagyang itong tumawa. "I want to invite you over for a dinner. Hindi pa tapos magcelebrate ng anniversary ang parents ko. Masyado nilang mahal ang isa't isa.""Sige," nakangiti niyang sagot kahit hindi naman nakikita ng binata."Talaga?""Oo naman. Sige, see you later.""See you later."Hindi niya ito matatanggihan. Bilang pasalamat na ri

  • Stranger's Secret   Kabanata 6

    ✖-✖-✖-✖Tahimik lamang si Holly habang nagbabasa ng pocket book. Nakaipit ito sa isang aklat kaya hindi pansin ng mga kagrupo. Kasalukuyan kasi silang nasa library ng tanghaling 'yon para mag-research sa assignment nila sa history. At hindi history book ang binabasa niya. It's not her first time naman na magbasa siya ng pocket book pero ito ang first time na magbasa sa gitna ng pag-aaral. Ibinabaling lamang niya ang atensiyon dito."May suggestion kayo na mas magandang topic?" tanong ni Ryan, ang leader nila.Hindi siya umimik at nagpatuloy sa pagbabasa. Hinayaan niya ang mga itong mag-usap."Ano bang ginagawa mo?" mataray na tanong ni Amy at saka hinablot ang librong binabasa niya."What the hell?" bulalas nito pagkakita sa pocket book. "We're trying our best here para makahanap ng interesting topic tapos ikaw... are you even with us?""Hindi," diretsang sagot niya. Muli niyang kinuha ang libro at itinuloy ang pagbabasa.

  • Stranger's Secret   Kabanata 7

    ✖-✖-✖-✖ Alam ni Khalil ang nangyayari kay Holly. Pinapanood niya ito mula sa puno katabi ng bahay nito na katapat ng kwarto ng babae. Napakabigat at alam niya ang ganoong pakiramdam. Galit na galit ang kalooban nito sa mga oras na 'yon at nais kumitil ng buhay. Mula sa pag-alis ng babae kanina at hanggang sa pag-uwi ay sinusundan niya ito. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ang nasa isip niya bago niya isagawa ang nasabing utos sa kaniya. At sa pagkakataong ito ay mayroon na siyang kakaunting patunay ngunit hindi pa ito sapat para masabing totoo nga ito. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya kung sakaling makagawa siya ng mali. Nasisigurado niyang buhay niya ang magiging kapalit at may mas hihigit pa ro'n. Ngunit kung patuloy siyang matatagalan ay maaaring hindi rin maganda ang kalabasan. Agad siyang nagkubli nang makitang sumilip sa bintana ang ama ng babae at pagkuwa'y sinarado na ang bin

  • Stranger's Secret   Kabanata 8

    "T-teka, teka lang." Binawi ni Holly ang braso mula kay Khalil. "Ikaw, sinusundan mo ba ako ha?" tanong niya. Ngunit sa halip na sagutin ay muli na naman siya nitong hinawakan sa braso at inalalayang umupo sa passenger seat. "H-hoy, bakit pakiramdam ko kilala mo na ako." Umupo sa driver seat si Khalil at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ihahatid na kita." Tinaas ni Holly ang kaliwang kamay. "D-don't. Dito lang muna ako." "It's late." "W-wala namang naghihitay sa'kin sa bahay kaya d-dito lang muna ako." Sumunod ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Hayyyy, ang sayyyyaaaa sayyyyaaaa namannnn..." ungot ni Holly maya-maya habang ang ulo ay nakahilig sa braso niyang nakapatong sa nakabukas na bintana na kotse. Tiningnan ni Khalil ang babae. Namumungay ang mga mata nitong diretso lang na nakatingin sa kung saan. At kahit nakatagilid ang mukha nito mula sa kaniya ay mababakas mo pa rin ang lungkot.

  • Stranger's Secret   Kabanata 9

    ✖-✖-✖-✖Lumabas si Khalil mula sa isa pang kwarto sa loob ng kaniyang apartment. Alam niyang nakaalis na si Holly.Kinuha niya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto ng kwartong tinuluyan nito kagabi. Hindi dapat niya ito dinala sa apartment niya ngunit panay ang ungot ng dalaga kagabi na kung p'wede ay hindi muna ito umuwi.'Thank you' --Iyon ang nakasulat sa papel."Oh, is that a love letter?"Napatiim bagang si Khalil nang marinig ang boses ni Tyron mula sa kaniyang likuran.Mariin niyang kinuyumos ang papel na hawak bago hinarap ang kapatid. "What are you doing here?""What did she say?" Nakangisi ito habang nakatingin sa papel na nasa kamay niya.Kinuwelyuhan niya si Tryon. "What are you doing here?" pag-uulit niya sa tanong.Hinawakan ni Tyron ang kamay niya at buong pwersa itong tinanggal mula sa mahigpit na pagkakakapit niya. "I'm just here to tell you this, bibigyan kita ng isan

  • Stranger's Secret   Kabanata 10

    "A-ano na naman?" tanong ni Holly sa babaeng kaharap."Nananadya ka ba?"Nakasandal sa isang puno sa may kadilimang bahagi ng tabing kalsada si Tyron. Akala niya ay matutuloy ang paglapit ng babae sa kaniya."Ano bang sinasabi mo? Kung tungkol ito sa break-up niyo ni Jin, wala akong alam tungkol do'n. H'wag mo akong sisihin."Nailing si Tyron, walang kwentang pinag-tatalunan."Anong ginagawa mo dito?"Nakangising nilingon niya si Khalil. "Nandito ka rin?" Kunwari ay hindi niya alam na tanong sa kapatid."Wala kang pakialam. Umalis ka na, walang dahilan para manatili ka dito."Pinakatitigan ni Tyron ang kapatid. "Ikaw, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" tudyo pa niya.Umigting ang panga ni Khalil. Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ay hindi niya nagugustuhan. "Huwag mong susubukang galawin ni dulo ng buhok ng babaeng 'yon. Hindi siya ang trabaho mo. Umalis ka na bago pa magbago ang

Bab terbaru

  • Stranger's Secret   Kabanata 20

    ✖-✖-✖-✖ Gabi na'y lumalangoy pa rin si Holly sa pool. Hindi s'ya makatulog. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Liza kanina. Paano nito nasabi 'yon? May alam kaya ito tungkol sa kaniya? Nang mapagod ay umahon s'ya at sinuot ang roba. Umupo s'ya sa upuan na nandoon at binuksan ang isang canned beer. Kanina ay sinubukan niyang tanungin ang Papa niya tungkol doon pero katulad ng dati'y wala s'yang nakuhang sagot. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa tubig habang ang kamay ay pinaglalaruan ang lata ng beer nang maramdaman niyang may umupo sa katabing upuan. "Malamig na, why aren't you getting inside?" tanong ni Justine at saka nagbukas ng beer. "I'm sorry about Liza's attitude earlier." Napabuntong-hininga naman s'ya at saka ito tiningnan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na h'wag kang hihingi ng pasensya para sa kapatid mo." "Kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang ganoong walang katotoha

  • Stranger's Secret   Kabanata 19

    60 years ago..."A-Ayokong umalis... p-please... dito lang ako... pinatay nila ang mama at papa ko..." iyak ng batang si Marlon. Narinig kasi ng batang lalaki ang usapan ng mga ito na ilalabas na ito mula sa lugar na iyon."Hindi maaari. Kailangan mo ng umuwi. Hindi ka ligtas sa lugar na ito," ani Dexter."Ayaw ko, p-papatayin din nila ako..."Nagkatinginan ang tatlo."Mas nakakatakot sa lugar na ito," ani Alexandre."Ako ang maghahatid sa'yo. Huwag ka ng umiyak," si Joaquin.Mas lalo lang umiyak ang bata. "Ayaw ko! Dito lang ako! Gawin niyo rin akong katulad niyo! Ayaw kong umuwi!"Nagkatinginan na naman ang tatlo."Bakit? Ano ba kami?"Agad na nagtago ang bata sa likod ni Dexter at natatakot na tiningnan si Alexandre.Natawa naman si Alexandre. "H'wag kang matakot sa'kin. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo iyon." At saka ito ngumiti pero ang bata'y mas lalo pang nagtago.Kinapit

  • Stranger's Secret   Kabanata 18

    Nang makapagpaalam sa isa't isa'y pinauna ni Holly na umalis ang mga kasama. Sinadya niya talaga 'yon para kausapin si Jin."Alam mo ba na ako ang ipagkakasundo sa'yo?" tanong niya sa binata na katabi lamang niya. Katulad niya'y pinauna rin nito ang mga magulang.Hinarap niya ito. Ito naman ay parang nag-aalinlangan na sumagot. Hindi naman niya ito sinisisi dahil katulad niya ay wala rin itong magagawa pwera na lamang kung tumanggi ito. Hindi naman sa naga-aasume pero hindi lingid sa kaniya ang ibig sabihin ng ikinikilos nito pero para sa kaniya ay kaibigan lang ang tingin niya dito."Y-Yes," sagot nito. "I'm sorry."Napabuntong-hininga naman s'ya. "Don't say sorry. Gusto ko lang naman malaman ang sagot sa itinanong ko. By the way, thank you." Siguro nga ay s'ya dapat ang magpasalamat dahil pumayag ang binata. "But I want to be honest Jin, pumayag lamang ako sa kagustuhan ng Papa ko dahil sa kalusugan niya." She doesn't want to give him false hope.

  • Stranger's Secret   Kabanata 17

    60 years ago...Suot ang isang pangkarinawang kasuotan , tumakbo si Dexter sa loob ng kakahuyan at tinahak ang isang makipot na duluhan at pagkalabas doon ay isang malawak na kaparangan na tinatabunan ng lilim ng mga nagkakapalang mga dahon ng mga puno. Limang-daang taon na s'yang namumuhay pero sa hitsura niya'y para lamang s'yang nasa bente-singko. Matikas ang pangangatawan. Hindi rin nakakatakot ang kaniyang aura, hindi katulad ng mga sumunod na henerasyon. At kahit na bampira ay mayroon s'yang malambot na puso.Siya ang Alpha- ang kauna-unahang bampira na nabuhay sa mundo at ang pinagmulan ng iba pang mga bampira. Ngunit wala pang nakakakita sa tunay niyang hitsura.Sa tuwing umaalis s'ya mula sa tahanan ay nagsusuot s'ya ng damit kagaya lang ng mga nasa mababang antas ng kanilang lipunan.Maya-maya pa ay dumating si Alexandre, ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Sumunod si Joaquin na dumating, ito ang ginawa niyang mensahero ng kanilang a

  • Stranger's Secret   Kabanata 16

    Ilang minuto ang lumipas nang bumitaw na rin si Khalil. Hinaplos niya ang pisngi ni Holly habang mataman itong tinitingnan sa mga mata. Napatitig naman si Holly sa lalaki. Gusto niya ng sagot. "Gusto mo rin ba ako?" tanong niya. Pero sa halip ay nag-iwas ito ng tingin. "Ihahatid na kita." Napatango s'ya ng tipid. Ano pala ang ibig sabihin ng halik na 'yon? "Kung gano'n, bakit mo ako hinalikan?" Hinawakan niya si Khalil sa braso at saka ito pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata. "I'm sorry," sabi lang nito at saka tumayo. "It's late. Kailangan mo ng umuwi." Malamya s'yang tumayo at sumakay na rin. At habang nasa byahe ay walang umiimik. Hanggang sa makarating ay tahimik pa rin silang dalawa. Umasa s'yang sasabihin nito na gusto rin s'ya nito at 'yon ang ibig sabihin ng halik na 'yon. "T-Thank you," sabi ni Holly. "Huwag kang magpasalamat." Kinapitan ulit niya ito na

  • Stranger's Secret   Kabanata 15

    Hindi pa man nasisimulan ni Holly ang pagkain niya para sa umagahan ay biglang sumugod si manang Celesta sa kaniya at sinabing tumatawag si Locel. Hindi niya sana ito kukunin pero nabasa niya ang reaksyon sa mukha ng matanda at mukhang importante ang tawag. "Holly," bungad ni Locel. "Kailangan mo ng umuwi." Napataas ang kilay ni Holly. "Why?" walang gana niyang tanong. "Ang Papa mo, dinala sa hospital." Doon natigilan si Holly. "B-Bakit, anong nangyari sa kaniya?" "Hindi naman ito urgent pero if you still care, umuwi ka dito, 'yon ay kung gusto mo pang umuwi at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya." Biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Locel. Matapos ang tawag ay hindi na s'ya magkandaugagang umakyat sa kwarto para kunin ang susi ng kotse. "Kailangan ko na hong umuwi manang Celesta." "Oh, s-sige... basta ay mag-iingat ka." Sumakay na agad s'ya sa kotse pagkalabas at saka 'yon pinaandar. Abot-abot ang kaba ni

  • Stranger's Secret   Kabanata 14

    Sapo ni Holly ang bibig dahil natatakot s'yang marinig ng mga kaklase niya ang mabilis niyang paghinga."It's creepy here. Bumalik na tayo sa beach house. Baka nandoon na s'ya," sabi ni Amy na sinang-ayunan naman ng lahat.Parang nabunutan ng tinik si Holly at nanghihinang napaupo sa lupa nang maramdamang wala na ang mga ito. Masyado s'yang pinanghihina ng kaniyang kaba."I told you not to come out at this hour."Nag-angat ng tingin si Holly sa dumating na si Khalil.Hindi s'ya makapagsalita at parang maiiyak na s'ya anumang oras. Pilit s'yang tumayo at lumapit sa lalaki. Bigla s'yang napayakap dito dahil sa takot. Sa takot na masaktan at makapanakit.Naramdaman naman niyang niyakap rin s'ya nito."Bumalik ka na.," sabi nito at hinawakan s'ya sa mga braso.Umiling si Holly. Wala ang kwintas niya at natatakot s'yang bumalik sa beach house dahil nandoon ang kaniyang mga kaklase."I-lock mo ang pinto ng kwarto mo kung

  • Stranger's Secret   Kabanata 13

    ✖-✖-✖-✖Nakatayo si Holly sa labas ng gate ng katabing bahay dala ang ipinahanda niyang hapunan kay manang Celesta. Nakita kasi niya si Khalil kanina na pumasok dito, hula niya ay dito na ulit ito tumutuloy matapos nang huli niya itong makita. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang mangyari ang insedente at hindi manlang s'ya nakapagpasalamat sa lalaki."Oh, Holly? Pasok ka, pasok ka," sabi ni aleng Demi, ang may-ari ng bahay."Salamat po. Dito po ba tumutuloy si Khalil?" Sumunod s'ya sa matanda."Ah, iyong gwapong lalaki ba?"Pakiramdam ni Holly ay namula na naman ang mukha niya nang tingnan s'ya ng matanda na may nanunudyong tingin."Oo, andito nga s'ya. Nasa taas. Halika at ihahatid kita. Nobyo mo ba s'ya, hija?"Napalunok si Holly at parang sinindihan na ang buong mukha niya. "H-Hindi po. Kaibigan ko lang po s'ya.""H'wag ka ng mahiya. Bagay naman kayo. Oh sige

  • Stranger's Secret   Kabanata 12

    ✖-✖-✖-✖Gamit ang palad, pinunasan ni Holly ang tumulong pawis sa gilid ng pisngi niya. Naglagay s'ya ng lupa at abono sa pasong binili n'ya kanina sa bayan para pagtaniman ng bulaklak.Wala s'yang magawa kaya naman ito ang naisipan niya. Matagal na rin noong huli s'yang magtanim ng bulaklak. Mayroon din naman sa bahay nila sa Manila pero nang mamatay ang Mama niya ay hindi na niya ito naalagaan.Dati ay ang pagtatanim ng bulaklak ang laging bonding nila ng Mama niya. Hindi niya hilig ang mga ito pero dahil sa Mama niya ay kinahiligan niya na rin."Hija, magtatanghali na. Hindi ka pa ba tapos?" si manang Celesta habang may dalang baso ng juice."Didiligan ko na lang po at tapos na.""Oh sige, iiwan ko na lang ito dito hah?" Inilapag nito ang hawak sa kalapit na mesa.Siya naman ay inisa-isang diligan ng mga tinanim.Biglang pumasok sa isip niya ang pinakapaboritong bulaklak ng Mama niya. Hindi niya alam na m

DMCA.com Protection Status