RAIDEN "Huwag na huwag kayong magbubukas ng pintuan," bilin ko sa dalawang yaya ni Junior bago ako umalis. Nag-iwan din ako ng ilang tauhan upang magbantay dito sa mansyon, just in case na may hindi magandang mangyari. Binilinan ko din ng maigi ang mga nanny, na huwag papapasukin sina Mommy at JZ sa loob ng kuwarto. Huwag magbubukas ng pintuan, kahit si Mommy pa iyon. Pagod na pagod na ang isip at katawan ko. Pagod na akong mag-overthink pero heto na naman. Sana hindi ang asawa ko ang nakita nila.Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko nang makarating kami sa crime lab kung saan dinala ang bangkay na nakita nila. Hindi na ito makilala kaya hindi na din nila pinasilip pa sa akin. Pinakita nila sa akin ang gamit na na-recover sa bangkay. Wallet at kuwintas nga ito ng aking asawa."Y-Yeah, this is hers..." garalgal ang boses na sagot ko sa mga awtoridad. "Pero hindi siya iyan. Buhay pa ang asawa ko. Buhay pa ang asawa ko at kailangan niyo siyang hanapin! Hanapin niyo siya! Kaya ng
THIRD POVNapangiti ang lalake nang mapanood ang news sa malaking tv sa kanilang secret room. Laman ng balita ang kaniyang kapatid na hinahanap ng asawa nito. What a jerk. Hindi nila ito puwedeng galawin dahil na din ayaw nilang magalit ang kapatid nila. Baka magrebelde na naman ito at maisipan na namang umalis. Kailangan nilang magsama-sama at magkaisa. Ayaw niyang magkagulo silang magkakapatid. "Nagawa mo na ang inuutos ko sa'yo?" tanong niya nang tumawag ang isa sa tauhan niya na nasa Manila. "Good." Sa ganitong paraan man lang ay maiganti niya ang kaniyang kapatid sa asawa nito. Kung hindi lang sila binalaan ni Penelope, baka pinabagsak na niya ang negosyo ng lalake. Kayang-kaya niyang gawin iyon, pero inaalala lang niya ang kaniyang kapatid. Hindi din naman niya puwedeng hayaan na maghirap ang pamangkin niya. Si Raiden Junior. Lahat ng nangyayari ay alam niya. Alam din niya na ayaw maniwala ni Raiden na asawa nito ang naaagnas na bangkay na natagpuan sa sementeryo, kahit na n
RAIDEN"What happened to you?" tanong ko kay JZ. Umuwi kasi ito na mayroong pasa sa mukha at medyo magulo ang buhok. Wala naman akong pakialam kahit na mapuno pa ito ng pasa sa katawan. Nagulat lang ako dahil mukhang may kaaway ang babae. "Iyong kaibigan ng asawa mo!" pasigaw niyang sagot. "Ginawa sa'yo ni Pepper iyan?" Nangingiti ko namang tanong. "Oo! Sinampal niya ako at tinulak! Tapos nabangga ko iyong mga spoiled brats na iyon. Iyong isa doon ay anak ng shareholder mo sa kompanya."Tumango ako na kinainis naman niya. "Wala ka man lang gagawin?" naiinis niyang tanong. "Bakit ka kasi labas nang labas?" balewala namang sagot ko. Bumaba lang ako para kumuha ng alak, naubos na kasi ang alak ko sa kuwarto. Tulog na din si Junior at bukas na iyon gigising. Kailangan kong uminom para makatulog.Hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap ang lahat. Kahit sinabi ni Pepper na si Rosario iyong nakitang bangkay, hindi pa din ako naniniwala. Ramdam ko sa puso ko na buhay pa ang asawa
RAIDEN"Ano'ng plano natin?"Nagsalin ako ng alak sa baso para kumalma ako ng kahit kaunti. Ang hirap tanggapin na ang lahat ng nangyari sa pamilya ko ay kagagawan lahat ni JZ. Sana hindi na lang ako noon um-attend ng conference sa US. Hindi sana namatay ang kapatid ko at hindi din kami nasirang mag-asawa. Nag-aalangan pa akong umalis noon dahil nag-aalala ako kay Rosario. Hindi siya gusto nina Mommy at Stacey, at baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ng mga ito. "Magpa-party ka, tapos imbitahin mo ang mga ex ni Stacey.""Party? Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao. Namatay ang asawa—""Hindi si Rosario iyon," giit ko. Bakit ba hindi sila naniniwala sa akin? Kung hindi umalis si Pepper ng bansa, baka maniwaka pa ako na si Rosario nga iyong nilibing namin na bangkay. Ni hindi na naman nga mahanap ngayon si Pepper. I'm sure alam ni Pepper kung saan nagtatago ngayon ang asawa ko. Pagkatapos nito, hahanapin ko siya.Alam kong masama ang loob mo sa akin, honey. Galit ka at sinusubukan m
RAIDENLahat ng ebidensya na nakalap namin ay nabigay na namin. At patong-patong ang kinahaharap na kaso ni JZ ngayon. Bagamat hindi pa napapatunayan na siya ang nasa likod ng pagdukot kay Rosario, at pagkamatay na hinihinalang si Rosario, hindi pa din siya maaring magpyansa. Dahil sa kinahaharap niyang kasong kidnapping kay Junior, na nonbailable ay hindi siya pansamantalang makakalabas ng kulungan. Iyong lover ni Tilde na driver ng kapitbahay namin ang tumestigo laban kay JZ, sa paglason sa aking kapatid. Bago daw namatay si Tilde, inamin nito ang lahat sa lalake. Mayroon din siyang video na nagpalakas pa sa kaso. Sinalaysay niya sa video ang pag-utos ng babae sa kaniya. Nakukunsensya ito sa ginawa pero naunahan na siya ng babae.Hindi kami makapaniwala na magagawa ng kasambahay namin ang bagay na iyon. Matagal na siyang nagsisilbi sa amin, pero dahil sa isang milyong piso, nasilaw siya. Malawak ang connection ng pamilya ni JZ pero wala na silang magagawa ngayon. Ito ang dahila
PENELOPE Napapakamot na lang ako ng ulo habang nakasunod sa mga maligalig kong mga anak. Dinala ko sila dito sa isang park para makalanghap naman sila ng sariwang hangin. At mukhang enjoy na enjoy naman sila ngayon dahil kanina pa sila takbo nang takbo. Pawisan na ako, sa kabila ng malamig na klima. Napapasigaw ako sa tuwing nadadapa ang mga ito. Kahit babae si Tres, hindi din nagpahuli sa kakulitan. "Be careful, Dos!"Napapahilot na lang ako ng ulo ko. Mabuti na lang at naka-jogging pants at long sleeve shirt lang ako ngayon, dahil in-e-expect ko ng mangyari 'to. "Kami na po, Ma'am," sabi ng mga yaya nila. Kababalik lang nila dahil inutusan ko silang bumili ng makakain namin. Winawagayway ng mga ito ang hawak na makulay at malaking marshmallows kaya nagmamadali namang bumalik ang mga bata. Napaupo na lang din ako sa nilatag naming blanket at hinintay ang mga bata na makalapit. Mabuti at napagod na sila. Naupo na sila at nagsimula na ding kumain. "Kaunti lang ang ibigay niyo,
Tuwang-tuwa ang mga bata nang sumakay kami ng airplane. Dahil private plane ang sinakyan namin, hindi gaanong hassle. Katabi ng mga bata ang kanilang mga yaya, habang si Pepper naman ang nakaupo sa tabi ko, dahil dini-discuss niya sa akin iyong isa sa mga bagong project na kailangang maaprubahan. Tulog na ang mga bata kaya kahit paano kampante na ako. Ang inaalala ko ay baka mapagod sila ng husto sa byahe. Pero mukhang ayos lang naman sila. Mahaba-haba pa man din ang flight namin. Wala akong tulog. Nakadilat lang ang aking mga mata habang nagtatrabaho. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan, nang malapit ng mag-landing ang eroplano. Sa mansyon sa Nueva Ecija kami dumiretso at hindi sa Manila, dahil may binuksan kaming bagong negosyo dito. "Kailan ka aalis?" tanong ni Kuya habang paakyat kami ng hagdan. Karga nila ang dalawang bata na mahimbing ang mga tulog. Nakanganga pa ang mga ito. Walang kaalam-alam na dumating na kami ng Pinas. "Bukas na, Kuya. Matutulog mun
"Wala," sagot ko sa tsismosang bata, pero sumingit si Kuya. "Raiden is a bad guy.""Kuya!" saway ko, dahil kung ano-ano ang tinuturo sa bata. "Bakit? Totoo naman. Kung mabuti siyang tao—""Let's not talk about him." Hinilot ko ang aking ulo. "Yayden ish a bad guy," ulit naman ni Tres kaya napailing na lang ako. "Okay, you two... Let's go to sleep." Ano'ng oras na pero gising at hyper pa din sila. Nilinisan ko na muna sila dahil pawisan silang dalawa. Pagkatapos ay nahiga na kami sa bed. Binasahan ko sila ng story book. Tag-isa sila, dahil magkaiba ang book na gusto nila. Si Tres ay tungkol sa mga disney princess, samantalang si Dos naman ay tungkol sa mga animals. Niyakap ko sila nang makatulog na din sa wakas. Pinilit ko na ding matulog dahil bukas ay may gagawin ako. Sana may mapala ako bukas. Uno, give mommy some signs. PINAKAIN ko na muna ang mga bata ng almusal bago ako umalis. May lakad si Pepper kaya bodyguard lang ang kasama ko ngayon. Sina Kuya ay mamayang gabi pa an
Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t