RAIDENIlang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap si Rosario. Ilang taon kong pinapalaking mag-isa ang aming anak na nangungulila sa isang ina. Hindi kami nagkukulang sa pagpaparamdam sa kaniya kung gaano namin siya kamahal, pero alam kong hindi iyon magiging sapat, lalo na kapag magsimula na siyang magkaisip. Kapag nalaman niya na ang isang pamilya ay may, Daddy, Mommy at siya. Sana bago pa man dumating ang panahon na iyon, mahanap ko na ang aking asawa. Kahit minsan hindi ko naisip na sumuko sa kaniya. Each month, naglalaan ako ng araw para hanapin siya, kahit na hindi ko alam kung paano ko sisimulang hanapin siya. Wala akong idea. Wala ding lead dahil hindi ko din mahanap si Pepper. Ilang milyon na ang nailabas kong pera para sa paghahanap sa kanila, pero wala man lang development. Pero hindi ako susuko para sa anak ko. Kailangan ko ding mahanap si Rosario. Kailangan niyang malaman na hanggang ngayon ay siya pa din ang laman ng puso ko. Kailangan k
"Why are you drinking?"Hindi ko tiningnan si Kuya. Nakaupo ako dito sa bar habang umiinom ng red wine. Pampakalma lang dahil hanggang sa makauwi ako ng bahay ay naiinis pa din ako. Kapag magkrus ulit ang landas namin ng Raiden na iyon, at subukan akong lapitan at kausapin, masusuntok ko talaga siya. Isa iyon sa mga dapat pala ay ginawa ko noon. Bakit ba hindi ko iyon ginawa? Sinaktan niya ako ng husto, tapos nagbait-baitan ako. Urgh! "Kuya, tulungan niyo akong hanapin si Uno. Ilang taon na ang nakalipas, Kuya. Hangga't hindi natin siya nahahanap..." Tinuro ko ang aking dibdib. "It will be always empty here..."Kuya sighed. "May gagawin pa pala ako." Tinapik niya ang balikat ko bago tumalikod. "By the way..." aniya kaya nilingon ko siya. Mataman siyang nakatingin sa akin. Para bang nananantya at nag-aalangan sa gusto niyang sabihin. Kumibot ang kaniyang labi. "Nabanggit sa akin ni Pepper iyong tungkol sa reading ng last will...""Hindi ako pupunta, Kuya.""You should go."Kumun
"Kuya, ano'ng gagawin ko?" Kanina pa ako nagrereklamo pero walang imik ang mga kapatid ko. Si Pepper ay tahimik din habang umiinom ng alak. "Nasa sa'yo naman iyon kung papayag ka o hindi.""Ayaw kong pumayag. Mayaman naman tayo, hindi ko kailangan ang pamana ni Lolo."Tumango si Kuya. "Yeah, pero kapag hindi ka nakipagtulungan, hindi makukuha nina Raiden ang mga mana nila. I'm sure may mga napundar naman na sila, hindi sila maghihirap kapag hindi nakuha ang mga mana nila sa matanda."Bakit pati sila kinokonsensya pa ako? Nakasimangot akong tumingin sa kanila. "Oh, bakit?" defensive na tanong ni Pepper. "Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo ako?" bintang ko habang pinanliliitan ko sila ng mga mata. "Wala kaming kinalaman sa sitwasyon na kinahaharap mo ngayon. Choice mo iyan. Kung sabihin naming oo o hindi, kung ayaw mo namang sumunod. Desisyon mo pa din naman ang masusunod. Balatuan mo na lang kami." Tumawa sina Kuya. "Huwag kang mag-alala, mag-stay kami dito ng tatlong buwan
RAIDENAlam kong pahihirapan ako ni Rosario pero handa naman akong mahirapan. Ngayong araw ang first day niya sa kompanya kaya inagahan ko ang pagpasok. Pinili kong isuot ang pabiroto niyang suit ko. Siya pa ang bumili nito dati para sa akin. Ilang taon na ang nakaraan pero nandito pa din ang mga ito sa aking closet. Maging iyong mga gamit na iniwan niya nang umalis siya ay narito pa din. Hindi ko ito pinakialaman. "Good morning, Daddy!"Nakangiti kong pinagmasdan ang aking anak na nagkukuskos ng kaniyang mga mata. May pasok din siya ngayon sa school kaya hindi ko siya maisasama sa kompanya upang ma-meet niya ang kaniyang Mommy. Mamayang hapon na lang siguro pagkatapos ng kaniyang afternoon nap. Susunduin ko siya mamaya at dadalhin kay Rosario. Pagkatapos n'on ay mag-d-dinner kami. Nakaplano na ang lahat ng gagawin ko ngayong araw. Iyon nga lang, may panira. Iyong pinsan ng kakilala ni Mommy na newbie ay panay ang akyat sa aking opisina. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na huwa
Nakaupo ako sa sofa habang nakakandong naman sa akin si Uno. Pinapatahan ko siya dahil sinisinok na siya dahil sa pag-iyak. "Tahan na, baby ko. Love ka ni Mommy.""I love you too, Mommy..." Pulang-pula na ang kaniyang mukha dahil sa labis na pag-iyak. Lumapit sa amin si Raiden. May dala siyang dalawang bottled water para sa aming mag-ina. "Thank you, Daddy. Mommy is already here." Ngumiti si Raiden at hinaplos ang buhok ng anak. "As I promised, son."Bumalik na din siya agad sa kaniyang trabaho, dahil kailangang i-rush iyon hanggang tanghali. Ako naman ay hindi na nakapagtrabaho. Kanina ko pa hinahalik-halikan ang aking anak. Hindi ako nagsasawa. Miss na miss ko talaga siya. Madami akong gustong itanong kay Raiden pero busy pa siya. Mag-isa niyang pinalaki ang anak namin. Lumaking walang ina si Uno habang sina Dos at Tres naman ay lumaking walang ama. Hindi ko naman iyon ginusto. Choice iyon ni Raiden noon dahil pinili niya sina JZ at Uno. Ayaw ko na munang isipin iyon dahil s
Nanatiling tikom ang aking bibig, habang si Raiden naman ay titig na titig sa akin ang mga mata niyang nanlalabo na dahil sa mga luha. Hindi ako dapat maawa sa kaniya. Hindi ko din kailangang magpaliwanag sa kaniya. Ako naman talaga si Rosario Bayani. Ang nilihim ko lang sa kaniya ay ang tungkol sa aking ama na isang Neville. Hindi ko sinabi na isa akong Neville, dahil nang tinakasan ko ang kasal ko, tinalikuran ko na din ang pagiging isang Neville ko. Dismayado siyang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay basta na lang siyang umalis. Ang kaniyang ina ay napakurap at tila hindi malaman ang gagawin. Para bang bigla ding nag-iba ang tingin niya sa akin dahil sa kaniyang nalaman. Pero kahit ano pa ang iniisip niya sa akin, wala na akong pakialam pa. May ilang mga tao na nakatingin na pala sa amin. Ayaw ko na ding magtagal kaya bumalik na ako sa suite namin. Tulog na ang mga bata. Sina Kuya at Pepper ay narito na din. Um-order sila ng mga alak at pagkain dahil hindi sila nakakain at n
"Papuntahin ko na lang ang yaya niya dito para magdala ng mga damit niya.""No need, Raiden. May mga pinamili akong damit para sa kaniya.""Okay. Mag-enjoy na lang kayo. Kung hindi mo gustong pumasok sa work habang wala ako, puwede kang hindi pumasok. Alam kong mabo-bore ka lang kapag wala ako."Nagtaas ako ng kilay. "Kung hindi ko lang iniisip na wala kayong mamanahin—""Yeah. Thank you for caring for us."Inikot ko ang aking mga mata. He chuckled and then sighed. Bumalik kami sa trabaho at maya-maya pa ay uwian na. Sinalubong ako ng dalawang bodyguard ko sa baba ng kompanya. Pumasok kami ni Uno sa loob pero hindi pa agad umalis ang sasakyan dahil hindi pa sinasara ni Raiden ang pinto. "Be a good boy, buddy.""Yes, Daddy."Tiningnan ako ng lalake. "Kapag kailangan mo ng katuwang you can call me, I'll ask for her nanny to come—""Hindi na. Kaya ko na 'to." Mas makulit pa nga iyong kambal sa bahay. Tumango siya. "I'm gonna miss you both."Nag-iwas ako ng tingin. Dinig ko naman ang
May message ulit si Raiden paggising namin kinaumagahan pero hindi ako nag-reply. Baka kasi iniisip niya na ayos na kami, kaya panay naman ang text niya. Nakaligo na ang mga bata bago pa kami bumaba upang makapag-almusal. Sa garden katabi ng pool kami kumain, total wala naman akong pasok sa work. Hindi ko lang alam sa mga kapatid ko kung papasok sila o dito sila sa bahay mag-work. Maaga pa lang pero maingay na ang buong kabahayan dahil sa tatlong anak ko. Buhay na buhay ang bahay na ilang taong hindi natirhan. It feels home. Iyong emptiness sa aking puso dahil sa pangungulila kay Uno ay napunan na. Naiiyak ako sa kasiyahan pero natawa ako nang makita ko ang itsura ng mga kapatid ko. Nakangiwi sina Kuya dahil tumitili ang mga bata. Natawa na lang kami. "Sasakit naman ang mga lalamunan niyo niyan, e," sabi ko habang naiiling. Pinaupo ko na sila para makakain na din kami. "No. Eat first. Finish your food first," saway ko sa kanila dahil gusto na daw nilang maglublob sa pool. "But
Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t