PENELOPE Napapakamot na lang ako ng ulo habang nakasunod sa mga maligalig kong mga anak. Dinala ko sila dito sa isang park para makalanghap naman sila ng sariwang hangin. At mukhang enjoy na enjoy naman sila ngayon dahil kanina pa sila takbo nang takbo. Pawisan na ako, sa kabila ng malamig na klima. Napapasigaw ako sa tuwing nadadapa ang mga ito. Kahit babae si Tres, hindi din nagpahuli sa kakulitan. "Be careful, Dos!"Napapahilot na lang ako ng ulo ko. Mabuti na lang at naka-jogging pants at long sleeve shirt lang ako ngayon, dahil in-e-expect ko ng mangyari 'to. "Kami na po, Ma'am," sabi ng mga yaya nila. Kababalik lang nila dahil inutusan ko silang bumili ng makakain namin. Winawagayway ng mga ito ang hawak na makulay at malaking marshmallows kaya nagmamadali namang bumalik ang mga bata. Napaupo na lang din ako sa nilatag naming blanket at hinintay ang mga bata na makalapit. Mabuti at napagod na sila. Naupo na sila at nagsimula na ding kumain. "Kaunti lang ang ibigay niyo,
Tuwang-tuwa ang mga bata nang sumakay kami ng airplane. Dahil private plane ang sinakyan namin, hindi gaanong hassle. Katabi ng mga bata ang kanilang mga yaya, habang si Pepper naman ang nakaupo sa tabi ko, dahil dini-discuss niya sa akin iyong isa sa mga bagong project na kailangang maaprubahan. Tulog na ang mga bata kaya kahit paano kampante na ako. Ang inaalala ko ay baka mapagod sila ng husto sa byahe. Pero mukhang ayos lang naman sila. Mahaba-haba pa man din ang flight namin. Wala akong tulog. Nakadilat lang ang aking mga mata habang nagtatrabaho. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan, nang malapit ng mag-landing ang eroplano. Sa mansyon sa Nueva Ecija kami dumiretso at hindi sa Manila, dahil may binuksan kaming bagong negosyo dito. "Kailan ka aalis?" tanong ni Kuya habang paakyat kami ng hagdan. Karga nila ang dalawang bata na mahimbing ang mga tulog. Nakanganga pa ang mga ito. Walang kaalam-alam na dumating na kami ng Pinas. "Bukas na, Kuya. Matutulog mun
"Wala," sagot ko sa tsismosang bata, pero sumingit si Kuya. "Raiden is a bad guy.""Kuya!" saway ko, dahil kung ano-ano ang tinuturo sa bata. "Bakit? Totoo naman. Kung mabuti siyang tao—""Let's not talk about him." Hinilot ko ang aking ulo. "Yayden ish a bad guy," ulit naman ni Tres kaya napailing na lang ako. "Okay, you two... Let's go to sleep." Ano'ng oras na pero gising at hyper pa din sila. Nilinisan ko na muna sila dahil pawisan silang dalawa. Pagkatapos ay nahiga na kami sa bed. Binasahan ko sila ng story book. Tag-isa sila, dahil magkaiba ang book na gusto nila. Si Tres ay tungkol sa mga disney princess, samantalang si Dos naman ay tungkol sa mga animals. Niyakap ko sila nang makatulog na din sa wakas. Pinilit ko na ding matulog dahil bukas ay may gagawin ako. Sana may mapala ako bukas. Uno, give mommy some signs. PINAKAIN ko na muna ang mga bata ng almusal bago ako umalis. May lakad si Pepper kaya bodyguard lang ang kasama ko ngayon. Sina Kuya ay mamayang gabi pa an
RAIDENIlang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap si Rosario. Ilang taon kong pinapalaking mag-isa ang aming anak na nangungulila sa isang ina. Hindi kami nagkukulang sa pagpaparamdam sa kaniya kung gaano namin siya kamahal, pero alam kong hindi iyon magiging sapat, lalo na kapag magsimula na siyang magkaisip. Kapag nalaman niya na ang isang pamilya ay may, Daddy, Mommy at siya. Sana bago pa man dumating ang panahon na iyon, mahanap ko na ang aking asawa. Kahit minsan hindi ko naisip na sumuko sa kaniya. Each month, naglalaan ako ng araw para hanapin siya, kahit na hindi ko alam kung paano ko sisimulang hanapin siya. Wala akong idea. Wala ding lead dahil hindi ko din mahanap si Pepper. Ilang milyon na ang nailabas kong pera para sa paghahanap sa kanila, pero wala man lang development. Pero hindi ako susuko para sa anak ko. Kailangan ko ding mahanap si Rosario. Kailangan niyang malaman na hanggang ngayon ay siya pa din ang laman ng puso ko. Kailangan k
"Why are you drinking?"Hindi ko tiningnan si Kuya. Nakaupo ako dito sa bar habang umiinom ng red wine. Pampakalma lang dahil hanggang sa makauwi ako ng bahay ay naiinis pa din ako. Kapag magkrus ulit ang landas namin ng Raiden na iyon, at subukan akong lapitan at kausapin, masusuntok ko talaga siya. Isa iyon sa mga dapat pala ay ginawa ko noon. Bakit ba hindi ko iyon ginawa? Sinaktan niya ako ng husto, tapos nagbait-baitan ako. Urgh! "Kuya, tulungan niyo akong hanapin si Uno. Ilang taon na ang nakalipas, Kuya. Hangga't hindi natin siya nahahanap..." Tinuro ko ang aking dibdib. "It will be always empty here..."Kuya sighed. "May gagawin pa pala ako." Tinapik niya ang balikat ko bago tumalikod. "By the way..." aniya kaya nilingon ko siya. Mataman siyang nakatingin sa akin. Para bang nananantya at nag-aalangan sa gusto niyang sabihin. Kumibot ang kaniyang labi. "Nabanggit sa akin ni Pepper iyong tungkol sa reading ng last will...""Hindi ako pupunta, Kuya.""You should go."Kumun
"Kuya, ano'ng gagawin ko?" Kanina pa ako nagrereklamo pero walang imik ang mga kapatid ko. Si Pepper ay tahimik din habang umiinom ng alak. "Nasa sa'yo naman iyon kung papayag ka o hindi.""Ayaw kong pumayag. Mayaman naman tayo, hindi ko kailangan ang pamana ni Lolo."Tumango si Kuya. "Yeah, pero kapag hindi ka nakipagtulungan, hindi makukuha nina Raiden ang mga mana nila. I'm sure may mga napundar naman na sila, hindi sila maghihirap kapag hindi nakuha ang mga mana nila sa matanda."Bakit pati sila kinokonsensya pa ako? Nakasimangot akong tumingin sa kanila. "Oh, bakit?" defensive na tanong ni Pepper. "Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo ako?" bintang ko habang pinanliliitan ko sila ng mga mata. "Wala kaming kinalaman sa sitwasyon na kinahaharap mo ngayon. Choice mo iyan. Kung sabihin naming oo o hindi, kung ayaw mo namang sumunod. Desisyon mo pa din naman ang masusunod. Balatuan mo na lang kami." Tumawa sina Kuya. "Huwag kang mag-alala, mag-stay kami dito ng tatlong buwan
RAIDENAlam kong pahihirapan ako ni Rosario pero handa naman akong mahirapan. Ngayong araw ang first day niya sa kompanya kaya inagahan ko ang pagpasok. Pinili kong isuot ang pabiroto niyang suit ko. Siya pa ang bumili nito dati para sa akin. Ilang taon na ang nakaraan pero nandito pa din ang mga ito sa aking closet. Maging iyong mga gamit na iniwan niya nang umalis siya ay narito pa din. Hindi ko ito pinakialaman. "Good morning, Daddy!"Nakangiti kong pinagmasdan ang aking anak na nagkukuskos ng kaniyang mga mata. May pasok din siya ngayon sa school kaya hindi ko siya maisasama sa kompanya upang ma-meet niya ang kaniyang Mommy. Mamayang hapon na lang siguro pagkatapos ng kaniyang afternoon nap. Susunduin ko siya mamaya at dadalhin kay Rosario. Pagkatapos n'on ay mag-d-dinner kami. Nakaplano na ang lahat ng gagawin ko ngayong araw. Iyon nga lang, may panira. Iyong pinsan ng kakilala ni Mommy na newbie ay panay ang akyat sa aking opisina. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na huwa
Nakaupo ako sa sofa habang nakakandong naman sa akin si Uno. Pinapatahan ko siya dahil sinisinok na siya dahil sa pag-iyak. "Tahan na, baby ko. Love ka ni Mommy.""I love you too, Mommy..." Pulang-pula na ang kaniyang mukha dahil sa labis na pag-iyak. Lumapit sa amin si Raiden. May dala siyang dalawang bottled water para sa aming mag-ina. "Thank you, Daddy. Mommy is already here." Ngumiti si Raiden at hinaplos ang buhok ng anak. "As I promised, son."Bumalik na din siya agad sa kaniyang trabaho, dahil kailangang i-rush iyon hanggang tanghali. Ako naman ay hindi na nakapagtrabaho. Kanina ko pa hinahalik-halikan ang aking anak. Hindi ako nagsasawa. Miss na miss ko talaga siya. Madami akong gustong itanong kay Raiden pero busy pa siya. Mag-isa niyang pinalaki ang anak namin. Lumaking walang ina si Uno habang sina Dos at Tres naman ay lumaking walang ama. Hindi ko naman iyon ginusto. Choice iyon ni Raiden noon dahil pinili niya sina JZ at Uno. Ayaw ko na munang isipin iyon dahil s