April 2004
"Dalian mo na diyan! Mahuhuli na tayo, Olivia!" sigaw ng bestfriend niya na si Megan. Pupuntahan nila ang isa pa nilang kaibigan sa karatig bayan. Every summer they will visit their friend at tinataon nilang fiesta sila pupunta para double purpose ika nga.
"Ano ba! Bakit ang tagal mo?"
ani Megan na nasa likod na pala niya na di niya namalayan."Hindi pa ako tapos hindi ko makita ang damit na ni regalo ni Mama."
Paborito niya ang damit na 'yon na kanina pa niya hinahanap. 'Yon sana ang susuotin niya sa sayawan bukas. Dahil besperas na bukas siguradong magkakaroon na naman nang sayawan. At naiinis siya kasi hindi niya mahanap hanap.
"Iba nalang ang dalhin mo baka maiwan na tayo ng jeep, Olivs!" ani Megan.
"Oo na sige na, nakakainis naman kasi baka pinakialaman na naman ng kapatid ko."
Pagkarinig niya ng Olivs kay Megan siguradong nauubos na ang pasensya nito. Ganoon ang kaibigan niya pag humuhulagpos na ang pagtitimpi. Ibang-iba sa kaibigan nilang si Macon. Mabait si Macon at kahit naiinis na nakukuha pa ring magbiro at tumawa.
"Dali na kanina pa naghihintay si Lola Rosario sa labas. Naniningkit na ang mga mata."
Siguradong galit na nga ang Lola niya ngayon, ayaw pa nman nito nang pinaghihintay. Palagi kasing sumasabay ang Lola niya sa kanila pag pyesta sa barrio. Taga do'n ang Lola niya katunayan pamangkin ni Lola si Macon, kapatid ng Lola niya ang tatay ni Macon. Ibig sabihin Tita na niya si Macon. Labindalawa ang anak ng kapatid ng Lola niya, pang walo si Macon na kaedad niya. Siya naman panganay sa anim na magkakapatid pareho sila ni Megan. Panganay din si Megan pero lima lang silang magkakapatid. Bestfriend niya si Megan since Elementary at hanggang ngayon na mag Fourth Year High School na sila. First Year High School sila ng maging kaibigan nila si Macon.
Pagdating nila sa sakayan eksaktong paalis na ang jeep mabuti nalang at nka-abot sila.
Hindi naman gaanong kalayuan ang biniyahe nila, mga 45 minutes lang nakarating na sila. Dahil besperas na bukas maraming tao na ang nagliliwaliw sa daanan para mamasyal.
Dumeretso agad sila sa bahay nila Macon. Pagdating doon naabutan nilang nagluluto si Nay Nene, nanay ni Macon at hipag ni Lola Rosario.
"Ate, halika! Pasok na kayo," ani Nay Nene ky Lola Rosario.
"Kanina pa naghihintay si Macon sa inyong dalawa nando'n sa labas baka hindi kayo nagkita kasi kanina pa 'yon doon." Nakaharap si Nay Nene sa kanila habang kinukuha ang kanilang mga bag.
"Puntahan nalang po namin, Nay. Baka magtampo na iyon," ani niya habang papalapit sa Lola niya.
"La, puntahan lang namin si Macon babalik din kami agad." Tumango lang ang Lola niya.
Kaagad silang lumabas ni Megan para hanapin ang kaibigan. Malapit sa simbahan ang babaan ng jeep baka doon naghintay ang kaibigan nila. Sa mismong bahay kasi nila Macon sila ibinaba ng driver.
"Excited na ako mamaya sa sayawan," sabi ni Megan habang namimilipit na animo'y kinikilig.
"Baka makita ko mamaya ang ex ko, na miss ko na 'yon."
Taga rito ang ex ni Megan na ka school mate lang nila. Dahil bakasyon nga hindi na nakikita ni Megan ang ex. Ewan niya kung bakit naghiwalay ang dalawa. Matagal na ang anim na buwan kay Megan. Sa kanilang tatlo, si Megan ang pinakamaraming boyfriend, maganda na matangkad pa kahit kayumanggi ang balat niya. Maituturing na pang modelo ang katawan ng kaibigan niya.
Samantalang siya, palaging cute ang tawag sa kanya. Medyo chubby siya, pati pisngi chubby din pero maputi siya at singkit. Kahawig daw niya ang sikat na actress na si Angelica Panganiban. Sa edad na kinse hindi pa siya body conscious. Bahala na kung chubby siya, masaya siya pag maraming masasarap na pagkain na nakahain sa harap niya. Oo, matakaw siya at habang nasa High School, dadalawa palang ang naging boyfriend niya. Hindi nagtatagal kasi hindi naman niya mahal. Crush, oo pero pag naging sila na, nagsasawa na siya agad. Si Macon naman ang NBSB, masyadong pihikan. Mataas kasi ang standards pagdating sa lalaki.
"Ang daming tao friend, baka mahirapan tayong hanapin si Macon."
Napukaw ang pag-iisip niya nang magsalita ang kaibigan. Luminga-linga siya sa paligid, marami ngang tao.
"Punta tayon do'n sa gilid. Kita natin do'n lahat ang mga dumaraan," wika niya.
"Tara sige," ani Megan.
Sabay silang naglakad ni Megan. Nakatayo lang sila sa gilid habang tinitingnan ang bawat tao na dumaraan sa harap nila, nagbabakasakali na dumaan ang kaibigan nila. Maraming tao na ang dumaan sa harap nila pero wala pang Macon na nakikita ang mga mata nila.
'Nasaan na kaya yun?' Malapit na siyang mainip. Naghintay pa sila ni Megan. Hanggang sa maagaw ang pansin niya sa tumigil na jeep sa bandang kanan nila. Nagsibaba ang mga pasaherong sakay ng jeep. Hindi niya mawari kung bakit hindi matanggal tanggal ang tingin niya sa mga bumababa. Hanggang sa..
Parang tumigil ang ikot ng mundo niya nang bumaba ang isang matangkad na lalaki sa jeep. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki.
Gorgeous.. so gorgeous, that word suddenly flashed in here mind once their eyes met. Matangkad, matangos na ilong, manipis ang mapupulang labi, thick eyebrows, chinkee eyes.. and she's lost of words to describe exactly the guy in front of her. Yeah guy.. kasi kahit matangkad ito nakikinita pa rin ang kabataan sa mukha nito. She bets he's just exactly her age.
Dahan dahang naglalakad ang lalaki dahil sa sikip ng daanan dahilan nang patuloy nilang pagtitig sa isa't isa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya matanggal ang pagtitig dito. What's wrong with her? Parang namamagneto siya sa mga titig nito. And what's wrong with this guy? Titig na titig din sa kanya.
Nararamdaman niya ang pagbilis nang pintig ng puso niya. Namalayan na lang niya na nakalingon na siya at papaliko na ang lalaki pero patuloy pa rin ang pagtitig nila sa isa't isa.
"Friend! Hey.. kanina pa kita kinakausap. Sino bang tinitingnan mo?" boses ng kaibigan niya ang pumukaw sa nagliliwaliw niyang isip kasabay nang pagtigil ng titig niya sa binata.
"H-ha? A-ano kasi.. a-ahm.." she's lost for words.
'What the fuck is happening to me?'
Nilingon niya ang lalaki at gano'n nalang ang kabog ng dibdib niya nang makitang lumingon din ito sa kanya. Titig na titig na naman. Hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Panghihinayang at panlulumo ang nararamdaman niya at hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng damdamin ang umuusbong sa kanya ngayon.
"Hoy! Gising bruha!" Napakurapkurap siya nang maramdamang tinampal ni Megan ang balikat niya.
"A-ahm s-sorry.. a-anong sinasabi mo?"
"Bakit nauutal ka?" ani Megan na nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Mga pangeeeet. Nandito pala kayo eh. Kanina pa ako hanap nang hanap sa inyo, mga gaga kayo!" boses ni Macon ang narinig nila. Sabay silang napabaling ni Megan sa kaibigan.
"Ayy naku bruha ka! Kanina pa din kami naghahanap sa'yo. Saan ka ba nagsusuot ha?" sabi ni Megan sabay yakap kay Macon. Yumakap rin siya sa kaibigan. She's still shock with what happened just a while ago kaya hindi niya maibuka ang bibig para batiin si Macon.
"Olivs, what's wrong?"
Talagang hindi manhid si Macon kasi naramdaman agad nito na parang may mali sa kanya.
"Wala. May nakita lang ako kanina. Akala ko kilala ko hindi pala."
Ngumiti siya kay Megan at Macon. Kailangan niyang maging okay dahil hindi siya titigilan ng dalawa. Iwawaksi nalang niya sa isipan ang lalaki na nakatitigan kanina.
'It's nothing.. normal nalang siguro ang gano'n,' ani ng isip niya.
Sabay sabay silang naglakad pabalik sa bahay nila Macon. Nagkamustahan silang tatlo. Nagtanong sa bawat isa kung ano ang pinagkaabalahan sa panahong hindi sila nagkita-kita.
8pm.
"Friends, ano? Tara lets?" it's Macon who's asking. Nakagayak na rin ito katulad nila.
"Kanina pa kami ready day. Ikaw nalang ang hinihintay namin," sabi ni Megan na hindi maipinta ang mukha. Nakangisi lang si Macon kasi alam nilang lilipas din agad ang pagkainip nang excited na kaibigan.
"Ang gaganda natin," aniya na malawak ang ngiti habang tinitingnan ang suot nila. They're wearing a simple blouse and jeans. Siya lang ang naka-rip jeans at black na blouse.
Balck is her favorite color. Kahit naka black lahat, okay lang. Pero iba ngayon, she's wearing white jeans na butas butas ang bandang hita.
"Pinaghandaan eh," Megan said.
"Tara! Let's go beauties," ani Macon.Nilakad lang nila ang papuntang covered court. Sa ganitong probinsya, ang covered court ang nagsisilbing disco house nila. Open nga lang. Sa ganitong okasyon Kuratsa muna ang inaatupag ng mga event organizers. Kuratsa ang tawag sa magkapares na nagsasayaw sa saliw ng musika habang may naglalagay ng pera sa gitna. Naglalagay ang magkapares na nagsasayaw gano'n din ang ibang nanonood na karamihan ay mga bisitang inimbitahan ng hermana sa taong ito.
Pagdating nila sa covered court, may nakahanda ng upuan para sa kanila kasama ang mga bisita. Pabilog na mesa na nakalaan para sa mga bisitang dalaga at binata. Marami nang nakaupo kaya para silang mga mahihinhin kung kumilos. Pareho silang nahihiya, kahit minsan parang walang hiya sila kung magsalita may mga pagkakataon din namang para silang di makabasag pinggan. Lihim nalang siyang natawa sa mga ginawi ng dalawang kaibigan. Sa kanilang tatlo, siya ang pinaka mahinhin at madalang magsalita. Kaya minsan natatakot ang ibang lalaki na manligaw sa kanya. They're intimidated by her looks not just by her father na Mayor sa kanilang bayan. Maraming ring natatakot sa ama niya. Mabait ang ama niya pero nakaka-intimidate ang aura, masyadong istrikto kung tingnan ang panlabas na anyo. Her mother is a public school teacher.
"Sana makita ko na si Dennis," ani Megan. Si Dennis ang tinutukoy nitong ex boyfriend nito.
"Pwede bang maghunos dili ka. Baka sabihing atat na atat ka sa kanya," sabi niya.
She suddenly feel a stare behind her. Para bang kanina pa may nakatingin sa kanya pero ngayon lang niya nabigyang pansin. Gusto niyang lumingon pero nahihiya siya sa dami ng tao sa likod nila. Sino kaya yo'n?
Hindi na niya kinaya ang kuryosidad. Bahala na.
Dahan dahan siyang lumingon para tingnan kung sino ang tumitingin sa kanya. Gano'n na lang ang gulat at bilis nang tibok ng puso niya nang mapagsino ang taong nakatingin sa kanya.
That guy.. the gorgeous mestiso!
Bigla siyang napabaling sa harap. Bigla siyang nahiya na kinabahan na hindi niya mawari. Ang lalaki na nakatitigan niya kanina sa daan. Masyado itong malapit sa kanya. Just one seat behind her. Ngayon lang siya nakaramdam ng nerbiyos dahil lang sa lalaki.
Bakit ganoon? Wala naman siyang ginagawa.
'Ah walang habas kung tumingin ang lalaking to ah,' anang isip niya.
Pinagsawalang bahala nalang niya ang lalaki hanggang sa magsimula ang sayawan. Pero ganoon pa rin ang nangyayari. Aksidenteng napapatingin siya sa lalaki at gano'n na lang ang pintig ng puso niya nang makitang nakatitig na naman ito. Parang kanina pa siya tinitingnan.
Lumipas ang magdamag na doon lang nakatuon ang isip niya, sa lalaking walang habas kung makatingin. Buong gabi haggang sa mag-umaga pag tumitingin siya sa lalaki gano'n din ang ginagawa nito, ang titigan din siya.
Hanggang sa napag desisyonan nilang umuwi na magkakaibigan. She wants to look at her back. Gusto niyang makita ang lalaki bago siya umuwi pero nahihiya siya. Sa huli napagdesisyonan niyang lumingon. Baka hindi na niya ito makita bukas.
And to her surprise, the guy intently looking at her na may munting ngiti sa mga labi. I want to see him smile again pero anong sasabihin niya. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito at wala siyang balak alamin pa. Ayaw niyang siya ang mauna. Pero gano'n na lang ang pag-asam ng puso niya na sana ay lapitan siya nito, kausapin at tanongin nang maraming tanong.
THREE days passed na ganoon lang ang nangyayari sa kanila ng estrangherong lalaki. Kapag nakaksalubong niya ito, nakikita niyang tumititig din ito sa kanya. Gusto niyang lumapit dito pero nakakahiya talaga. Wala sa vocabulary niya ang maunang magpapansin sa lalaki.
Titingnan niya ito at titingin din ito sa kanya. Hanggang doon lang ang nangyayari sa kanila nang guwapong tisoy na 'yon.
Hanggang sa dumating ang araw na uuwi nalang sila ng kaibigan at Lola niya.
'Kumusta na kaya siya?' anang isip niya habang magkaharap silang nag-aagahan ni Megan, Macon at ng Lola niya. Kagabi ang huli nilang pagkikita, pagtitinginan pala.
Sa isiping hindi na niya makikitang muli ang lalaki, biglang may bumikig sa lalamunan niya. Hindi siya makalulon bigla. Kinuha niya ang isang basong tubig at dali-daling uminom.
And realization hit her!
It was love at first sight!
I was inlove, at first sight!
Nanlumo siya. Sa isiping hindi na niya makikita ulit ang lalaki ay biglang sumikip ang dibdib niya. Parang pinipiga sa sakit.
Ano pang gagawin niya? Ni hindi nga niya alam kung saan nakatira ang lalaking 'yon. She wants to cry pero ayaw niyang makita ng mga kaibigan at ng Lola niya.
Sana..
Sana magkita pa sila ulit. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya mangingiming lapitan ang lalaki at kakausapin. She hopes that God will hear her small request.
'I just want to know his name and talk to him, iyon lang..'
Summer 2009Nadatnan niya ang mga magulang sa komedor na nag-aagahan kasama ang bunso niyang kapatid."Anak, mabuti naman at gising ka na." Salubong ng ina niya nang makita siya nito."Morning Ma, Morning Pa." Humalik siya sa pisngi ng mga ito. Ginulo niya ang buhok ng bunso niyang kapatid sabay upo sa tabi nito."Kumain kana, Olivia. Bakit ba palagi ka na lang lumalabas sa gabi? Hindi ka ba nagsasawang mag party?" ani ng Mama niya."Ma, di ba sabi ko mag-enjoy muna ako bago ako mag trabaho?" sabi niya.Kakatapos palang niya ng college last month. Gusto sana ng Papa niya na pumasok na siya sa kompanya nila para masimulan na ng Papa niya ang pagtuturo sa kanya. She took up Business Administration major in Marketing Management. Her parents choose that profession na hindi naman niya gusto. Pangarap niyang maging Interior Designer or Architect pero hindi sinang-ayunan ng mga magulan
July 2004..'Nike Ocampo, nice name.' Napangiti si Olivia habang ini-imagine niya ang mukha ni Nike. Thanks to her best friends. Nagkaroon na rin ng pangalan ang taong hindi mawala-wala sa isip niya. She could not believed love at first sight exists until such time came and wallop her.She do believe in love of course, but at first sight? Ewan. It's like you're in love in the idea of love but you don't really feel that exact feeling. But her doubt vanished when she saw the guy, the moment her eyes met his, the moment her eyes laid on him and she didn't knew it was already love until the scenario of a guy leaving consumed her. She felt pain, terrible pain all of a sudden. Ang sakit na hindi pa niya naranasan sa tanang buhay niya. Subalit alam niya ang tawag sa sakit na iyon dahil iyon ang nababasa niya sa mga nobela at mga palabas na napapanood niya. She was brokenhearted and will always
Para siyang idinuduyan sa alapaap kung kaya't ipinikit niyang muli ang mga mata."Galit na galit sa inyo ang Papa ninyo, ma'am Olivia," sabi ng family driver nila na si Nilo."Kanina pa naghihintay ang mga bisita ninyo. Mabuti na lang po at mukhang mababait, lalo na ang binatang kasama nila."Napaismid siya sa narinig kay Nilo. Kahit lasing na lasing na siya, naririnig pa niya ang mga sinasabi nito."Buksan mo ang mga bintana, Nilo. Nahihilo na ako. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.""Eh ma'am, baka malaking po kayo lalo n'yan.""Wala akong pakialam!"Dali-dali nitong binuksan ang mga bintana at kahit nakapikit pa rin siya, isinandal niya ang ulo sa may gilid ng bintana. Para siyang masusuka kanina. Wala siyang pakialam kung makatulog siya sa sobrang kalasingan. Mas mabuti nga iyon ng hindi na muna niya makaharap ang mga magulang at ang sinasabing mga
They got out of the car and crossed the street. It took them three hours to reach their destination, not to mention the heavy traffic. But the weariness brought by their travel was easily forgotten when they saw the majestic mansion in front of them. Nabalewala ang pagkabagot nila sa biyahe nang makita ang napakagrandiosong mansion sa gitna ng siyudad.She had no idea na ganito pala karangya ang buhay ng lalaking sinisinta niya. Parang gusto niyang manliit at umurong nalang."Yayamanin pala ang Nike mo, Olivia!" ani Megan."Megan, hindi ko siya Nike. Hindi siya akin.""Malay mo naman, maging iyo na siya pagkatapos ng gabing ito.""Heh! Tumigil ka nga, Megan!" napapailing nalang siya sa sinasabi ng kaibigan.She's too nervous to talk with them right now.Agad silang pinapasok sa mansion nang pinakita ni Macon ang dala nitong invitation. They're wearing a semi-form
Kadaugan sa Mactan FestivalPalagi silang nanonood ng festival kasama ang mga kaibigan niya, pero iba ngayon dahil kasama nila sina Nike at Dion. Naghanap sila ng magandang puwesto para makita nila ng maayos ang mga nagpe-perform."Minsan lang ako nanonood noon ng festival kapag umuuwi ako dito sa Lapu-Lapu," ani Nike na katabi niya habang hawak hawak ang payong na dinala nila kanina.Masyado nang mainit nang magsimula ang nasabing event. Nahiya pa siyang ibigay dito kanina ang payong. Diyahe naman kasi sa itsura nito. Pero looking at him now, parang ang cute tingnan. Gwapong macho na nakapayong. Nagpumulit naman kasi itong kunin sa kanya ang payong niya."Bakit naman? Maganda pa naman ang festival dito," sabi niya."I am the kind of a person na hindi mahilig makisiksikan sa maraming tao. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.""Ganoon ba. Ikaw palang ang k
Isang buwan ang matuling lumipas na puro pagliliwaliw ang ginawa nilang magkakaibigan. Roaming around the city, bar hoping, shopping, at napuntahan na din nila halos lahat ng mga tourist spots.Minsan sumasama sa kanila sina Dion at Nike, kaya masyadong napalapit na ang loob niya sa binata.Gayunpaman, dahil parati nilang kasama ang mga ito, palagi rin niyang naaalala si Johann. Kahit noon na hindi pa niya nakita ang dalawa ay walang araw na hindi niya naiisip si Johann. Pero nitong nakalipas na isang buwan ay mas lalong nag-uumigting ang pagnanais niyang makita na ito.Nasa CafĂŠ silang magkakaibigan kasama sina Dion at Nike. Katatapos palang nilang mag salon at mag shopping nang makasalubong nila ang dalawa sa mall."Iimbitahan sana namin kayo ni Nike. Sailing and snorkeling in Hilutungan," maya-maya ay sabi ni Dion."We will be sailing to Hilutungan, Nalusuan and Caohagan. Tapos mag-oov
Warning: Rated SPG!!!âď¸âď¸âď¸**********************HAPON na nang makarating sila sa Caohagan Island. Pagkatapos magbabad sa dagat ay dumeretso na sila sa kanya-kanyang cottage na ookupahan. Magkatabi ang cottage na kinuha nila. Isa sa kanilang tatlo at isa naman kina Dion at Nike.Katatapos lang nilang magbanlaw at magbihis nang makatanggap siya ng tawag mula sa Papa niya."When are you coming back?" bungad nito sa kanya na kababakasan ng galit ang tinig."W-why, Papa?""Bumalik kana dito as soon as possible.""Pero, Papa. Hindi pa ho tapos ang bakasyon na hiningi ko sa inyo, 'di ba?""I don't care. I will be going to London next week at dapat nandito ka na bago ako umalis.""Ano pong gagawin n'yo doon?""This is not the right time to talk about that. Ang gusto ko, umuwi ka na bukas na bukas din." Pinatay na
"OLIVIIIAAAA!!! JESUS CHRIST!!!"Napabalikwas siya nang bangon ng makarinig ng dumadagundong na boses.Her Father!Nanlaki ang mata niya nang makita ito sa paanan ng kamang hinihigaan niya."Pa-Papa!" biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo dahilan ng muli niyang pagpikit.Masakit na masakit ang ulo niya.Lasing na lasing pala siya kagabe. Here comes the worst part after drinking alcohol. Hangover! Nakakainis!"What is the meaning of this?!"Nagulat siya sa sigaw at galit na galit na tinig ng ama. Tiningnan niya ito at ganoon nalang ang pagkabahala niya nang makitang pulang pula ang buong mukha nito lalo na ang tainga nito."Bakit po ba? Kagigising ko lang po."Hindi sa kanya nakatingin ang Papa niya, kung hindi sa likod niya. Lumingon siya, at ganun nalang ang pagkabigla niya nang makita si Nike na nakaupo rin sa kama. Nanlaki ang mga mata
The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per
Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat
Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di
Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n
Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag
"Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini
BUT she's a bit halted when she finally entered his private plane. Namangha siya sa nabungaran. Hindi ito katulad sa mga eroplanong nasakyan na niya. Walang dudang mayaman nga ang lalaking 'yon. His private plane is oozing with expensiveness. White walls, cream leather sofa and chairs, may nakahawing kulay itim na kurtina sa pagitan ng malaking sofa at mga upuan.May taglilimang upuan sa bawat gilid niya. Malaki sa pangkaraniwang upuan at kasya sa tatlong katao ang espasyon n'yon. May mga nakadikit na dalawang seat belts kada upuan. Sa sofa naman ay mayroon din subalit mas marami nga lang doon. Narinig niya ang mga yabag sa likuran niya kaya naman nagmadali siyang umupo sa kalapit na upuan. She doesn't want to sit in his sofa.Nginitian siya ni May at ni Melay nang makapasok ang mga ito. Kagaya niya ay namangha at nagulat rin si Melay nang ipinalibot ang tingin sa loob. Kabaliktaran ng kapatid niya. Sapantaha niya m
Chapter 41Ignoring her indeed!Iyon ang napatunayan niya nang makasama nila ni Leon sina May at Johann. The table in between them is round. Katabi niya si May at Johann habang kaharap naman niya si Leon. Tahimik silang apat habang naghihintay sa order ng dalawang bagong dating.Siya, kinakabahan na tila may mga dagang naghahabulan sa dibdib. Kung ganito kalapit si Johann sa kanya, natural hindi mapirmi sa pagtibok ang puso niya. Ang tatlo, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Ang alam lang niya, hindi pa rin siya tinitingnan ng pangsampung mayaman na lalaki sa buong mundo. He's stiff and busy. Abala sa cellphone nito. Hindi ba dapat nag-uusap sila o di kaya ay dapat kausapin siya?Palihim siyang umingos sa ginawi ni Johann. "Johann offered, Ate. Sa private plane na lang daw nila tayo sumakay bukas. Uuwi na rin naman daw siya sa Pilipinas kaya pinapasabay na lang niya tayo.""W-what?" Pinanlakihan niya ng mga mata ang ka
Chapter 40She can't fight the urge to glance at him. Kaya muli na naman niya itong ninakawan ng tingin. He's so engrossed of the book he's holding. Nakakapit na parang tuko pa rin ang babaeng kasama nito. Kumudlit ang panibugho niya sa tanawing iyon.She came to realized that despite his biggest secret she loathed him most, she somehow misses him. She longed to see his face, to touch him and be with him. Pero hindi pa rin niya ito patatawarin hanggat hindi ito humihingi ng tawad sa kanya. Lalong lalo na kung hindi ito magpapaliwanag sa kanya. Acting as if he didn't know her like what he's doing now will do no good for her. Mas lalo siyang naiinis sa inaasta nito.She continued her work at wala nang balak tingnan ang dalawang customers na nagpapakulo ng dugo niya. Hindi niya namalayang nakalapit na si Shane sa tabi niya."I can't believe this. The famous business tycoon, Johann Estevez is now here! Imagine? We're in the same place, breathing the sam