"OLIVIIIAAAA!!! JESUS CHRIST!!!"
Napabalikwas siya nang bangon ng makarinig ng dumadagundong na boses.
Her Father!
Nanlaki ang mata niya nang makita ito sa paanan ng kamang hinihigaan niya.
"Pa-Papa!" biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo dahilan ng muli niyang pagpikit.
Masakit na masakit ang ulo niya.
Lasing na lasing pala siya kagabe. Here comes the worst part after drinking alcohol. Hangover! Nakakainis!"What is the meaning of this?!"
Nagulat siya sa sigaw at galit na galit na tinig ng ama. Tiningnan niya ito at ganoon nalang ang pagkabahala niya nang makitang pulang pula ang buong mukha nito lalo na ang tainga nito."Bakit po ba? Kagigising ko lang po."
Hindi sa kanya nakatingin ang Papa niya, kung hindi sa likod niya. Lumingon siya, at ganun nalang ang pagkabigla niya nang makita si Nike na nakaupo rin sa kama. Nanlaki ang mga mata
7 years later... "Yes. I will call you tomorrow morning. Ibigay mo na lang mamaya kay Martina ang concept ng Monte. Okay." Tumayo na siya matapos ibaba ang telepono. Ang head ng Creative Team ang kausap niya. Agad siyang lumabas ng opisina at kinausap ang sekretarya niya."Martina, kindly receive the concept from Mr. Gaston. Kukunin ko na lang sa'yo bukas nang umaga.""Yes, ma'am."Dere-deretso siyang pumasok sa elevator. Her father's advertising agency is growing and expanding very quickly. She's now the Managing Director of their agency at katuwang siya ng ama niya sa pamamalakad ng negosyo nila.Kahit gaano man siya ka busy, she sees to it na makaka-uwi agad siya ng bahay nila before 6 pm.She's driving when her phone ring. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag."Hi, Vaughn!""Hello, Mommy. Where are
PAGOD niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi pa siya nakapagbihis at nakapagtanggal ng sapatos. Pakiramdam niya ay para siyang nahahapo sa maghapong trabaho. Ganito nalang palagi ang nararamdaman niya sa tuwing matatapos ang isang buong araw na pagtatrabaho. He's exhausted.. all those years pagkatapos niyang mag kolehiyo ay tumulong agad siya sa ama sa pagma manage ng negosyo ng pamilya nila.Nayayamot siyang tumayo at dumeretso sa mini bar at nagsalin ng alak sa kopitang naroroon.He's alone and lonely.Lumapit siya sa glass wall ng penthouse niya at mula doon ay kitang kita niya ang mga nagkikislapang ilaw mula sa ibaba ng hotel nila. Napabaling ang atensyon niya ng tumunog ang cellphone niya sa bulsa ng slacks niya."Hello?" agad niyang sinagot ng makitang si Velle ang tumatawag"How are you handsome?""Tss.. Handsome my ass!" napangiti siya ng m
HINDI na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagparoo't parito sa loob ng comfort room nila na nasa kusina. Hindi siya mapakali. Mabuti nalang at naglakas loob siyang magpaalam kanina para pumunta sa bathroom. Hindi pa niya alam kung paano umakto sa harap ng mga kasama niya. At ngayon nga ay hindi niya alam ang gagawin. Ayaw na niyang bumalik doon pero magtataka ang mga magulang niya lalo na ang asawa niya.Sa maraming beses na hindi na niya mabilang kung ilan ay humarap siya ulit sa salamin na naroroon. Marahil ay namumutla siya kanina habang kaharap ang taong matagal na niyang hinanap at matagal na rin niyang nakalimutan.'Nakalimutan mo nga ba siya Olivia?'Marahil ay hindi..Hindi niya nakalimutan pero mas pinili niyang kalimutan na lamang si Johann. Pero ano itong pagbibiro ng tadhana na kung kailan inilagay na niya ang alaala ng lalaki sa pinaka gilid ng kanyang puso't
"Olivia? Tinatanong kita kung kilala mo ba si Johann?" mataman siyang tiningnan nang ama niya"N-no Papa.. Ngayon ko lang po siya nakita." aniya na yumuko at nag astang ipagpapatuloy ang pagkain. Hindi siya makatingin nang deretso sa ama niya dahil mababatid nitong nagsisinungaling siya.Sa estado niyang iyon ay mabibilaukan siya kung ipagpapatuloy niya ang pagkain. Napansin niyang kumakain na nang dessert ang mga magulang niya at kapatid pero hindi pa rin ubos ang kanin at ulam na inilagay niya sa pinggan niya. Hindi niya namamalayang hindi pala siya nakakakain nang maayos."Akala ko ay kilala mo siya. Nagugulat ako sa mga reaksyon mo hija.""I'm fine. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko pero kaya ko naman ho."Mahabang katahimikan ang sumunod na nangyari dahilan para makakain siya nang maayos."Excuse me.. May I use your comfort room?"Hindi na siya nag
JOHANN'S day went well at hindi niya inaasahan ang mga pangyayari. Masaya siya at nakaharap na niya ang babaeng matagal na niyang itinatangi. He's a busy person. Managing their family's business.. businesses in fact, marami at nakakapagod ang magpabalik balik sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa. Wala siyang karapatang magreklamo dahil kung hindi niya aasikasohin ang mga negosyo nila ay mapipilitan ang ama niya na pangasiwaan lahat iyon. Hindi maaari dahil mapapagod ang ama niya and worst baka atakehin na naman ito sa puso. Sisisihin na naman niya ang sarili.Inilibot niya ang paningin sa kabuoan nang bahay. His cousin's house at ngayon ay bahay na niya. He bought it two months ago. Ipinagbili nalang ng pinsan niya sa kanya dahil doon na siya umuuwi pag nandito siya sa Pilipinas bagay na ipinagtaka nito at nang mga magulang niya.Siya lang at si Velle ang may alam sa totoong rason kung bakit mas pinili niyang dito mamalagi. Nagtatampo ang m
"Good morning mommy.."Naalimpungatan siya ng marinig ang boses ng anak niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita nya ang masayang ngiti nito."Wake up mom, I need to go to school."Napabalikwas siya ng bangon ng rumehistro sa utak niya ang sinabi ng anak. Tiningnan niya ang orasan sa bedside table.Seven thirty five na pala."Kumain ka na ba anak?""Opo mom, sabay kami ni Daddy kanina."Naalala niyang ngayon pala ang alis ni Nike papuntang Palawan. Agad niyang siyang pumunta ng cr, naghilamos at isinuot ang roba."Come baby, let's go. Si Yaya na muna ang maghahatid sayo sa school ha? Medyo napagod kasi si Mommy kahapon kaya late na ako nagising.""Opo mom. Don't worry."Hinaplos niya ang pisngi ng anak at inakay na ito palabas ng silid. Pababa na sila ng hagdan ng marinig niya ang boses ng kapatid sa
'Oh, I wake up in the nightAnd I reach beside me hoping you would be thereBut instead I find someoneWho believed in me when I said, "I'd always care"'That it's sad to belong to someone else when the right one comes along, Yes, it's sad to belong to someone else when the right one comes along.'So I'll live my life in a dream worldFor the rest of my daysJust you and me walkin' hand in handIn a wishful memoryOH, I guess it's all that it will ever be... 'Lumalakas ang tibok ng puso niya lalo pa at pagsulyap niya kay Johann ay nakatitig pa rin ito sa kanya.Ang klase ng titig na inaarok ang totoong s
IT'S EARLY IN THE MORNING pero subsob na siya sa pagtatrabaho. Isang araw lang siyang nawala pero nakatambak na agad ang mga tatrabahuin niya.May kumatok sa pinto niya at pumasok si Martina."Excuse me ma'am?" anito"Yes?" Saad niya na hindi man lang ito tinitingnan. Busy siya sa binabasang report nang Marketing team nila."May problema po tayo." noon niya ito tiningnan"What is it?""It's about our endorser on Avelon's beauty products. Nagkaroon ng aksidente at hindi siya makakarating. Supposedly ay ngayon ang start ng shoot nila.""Pwede pa naman nating e postpone ang shooting diba?""Tumawag po si Ma'am Regina. Naaksidente raw po at nabalian daw ng buto si Ms. Antoinette.""What?!" napatayo siya at nahintakutan sa narinig mula ditoMatagal nang model nila sa Antonette dePablo at marami itong ini-endorse na produ
The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per
Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat
Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di
Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n
Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag
"Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini
BUT she's a bit halted when she finally entered his private plane. Namangha siya sa nabungaran. Hindi ito katulad sa mga eroplanong nasakyan na niya. Walang dudang mayaman nga ang lalaking 'yon. His private plane is oozing with expensiveness. White walls, cream leather sofa and chairs, may nakahawing kulay itim na kurtina sa pagitan ng malaking sofa at mga upuan.May taglilimang upuan sa bawat gilid niya. Malaki sa pangkaraniwang upuan at kasya sa tatlong katao ang espasyon n'yon. May mga nakadikit na dalawang seat belts kada upuan. Sa sofa naman ay mayroon din subalit mas marami nga lang doon. Narinig niya ang mga yabag sa likuran niya kaya naman nagmadali siyang umupo sa kalapit na upuan. She doesn't want to sit in his sofa.Nginitian siya ni May at ni Melay nang makapasok ang mga ito. Kagaya niya ay namangha at nagulat rin si Melay nang ipinalibot ang tingin sa loob. Kabaliktaran ng kapatid niya. Sapantaha niya m
Chapter 41Ignoring her indeed!Iyon ang napatunayan niya nang makasama nila ni Leon sina May at Johann. The table in between them is round. Katabi niya si May at Johann habang kaharap naman niya si Leon. Tahimik silang apat habang naghihintay sa order ng dalawang bagong dating.Siya, kinakabahan na tila may mga dagang naghahabulan sa dibdib. Kung ganito kalapit si Johann sa kanya, natural hindi mapirmi sa pagtibok ang puso niya. Ang tatlo, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Ang alam lang niya, hindi pa rin siya tinitingnan ng pangsampung mayaman na lalaki sa buong mundo. He's stiff and busy. Abala sa cellphone nito. Hindi ba dapat nag-uusap sila o di kaya ay dapat kausapin siya?Palihim siyang umingos sa ginawi ni Johann. "Johann offered, Ate. Sa private plane na lang daw nila tayo sumakay bukas. Uuwi na rin naman daw siya sa Pilipinas kaya pinapasabay na lang niya tayo.""W-what?" Pinanlakihan niya ng mga mata ang ka
Chapter 40She can't fight the urge to glance at him. Kaya muli na naman niya itong ninakawan ng tingin. He's so engrossed of the book he's holding. Nakakapit na parang tuko pa rin ang babaeng kasama nito. Kumudlit ang panibugho niya sa tanawing iyon.She came to realized that despite his biggest secret she loathed him most, she somehow misses him. She longed to see his face, to touch him and be with him. Pero hindi pa rin niya ito patatawarin hanggat hindi ito humihingi ng tawad sa kanya. Lalong lalo na kung hindi ito magpapaliwanag sa kanya. Acting as if he didn't know her like what he's doing now will do no good for her. Mas lalo siyang naiinis sa inaasta nito.She continued her work at wala nang balak tingnan ang dalawang customers na nagpapakulo ng dugo niya. Hindi niya namalayang nakalapit na si Shane sa tabi niya."I can't believe this. The famous business tycoon, Johann Estevez is now here! Imagine? We're in the same place, breathing the sam