Chapter: CHAPTER 48The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per
Last Updated: 2022-07-19
Chapter: CHAPTER 47Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat
Last Updated: 2022-07-07
Chapter: CHAPTER 46Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di
Last Updated: 2022-07-02
Chapter: CHAPTER 45Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n
Last Updated: 2022-06-18
Chapter: CHAPTER 44Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag
Last Updated: 2022-03-08
Chapter: CHAPTER 43"Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini
Last Updated: 2021-08-22