Share

CHAPTER 3

Author: marypaulette
last update Last Updated: 2021-06-01 15:41:26

Para siyang idinuduyan sa alapaap kung kaya't ipinikit niyang muli ang mga mata.

"Galit na galit sa inyo ang Papa ninyo, ma'am Olivia," sabi ng family driver nila na si Nilo.

"Kanina pa naghihintay ang mga bisita ninyo. Mabuti na lang po at mukhang mababait, lalo na ang binatang kasama nila."

Napaismid siya sa narinig kay Nilo. Kahit lasing na lasing na siya, naririnig pa niya ang mga sinasabi nito.

"Buksan mo ang mga bintana, Nilo. Nahihilo na ako. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin."

"Eh ma'am, baka malaking po kayo lalo n'yan."

"Wala akong pakialam!"

Dali-dali nitong binuksan ang mga bintana at kahit nakapikit pa rin siya, isinandal niya ang ulo sa may gilid ng bintana. Para siyang masusuka kanina. Wala siyang pakialam kung makatulog siya sa sobrang kalasingan. Mas mabuti nga iyon ng hindi na muna niya makaharap ang mga magulang at ang sinasabing mga bisita ng mga ito. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

"Ano bang nangyayari dito sa anak mo, Mariana?" ani Papa sa galit na boses.

"Nagtataka ka pa, Leonardo? Alam mo naman kung ano ang pinoproblema niyang anak natin hindi ba?"

Naririnig niya ang mga magulang ngunit hindi niya magawang imulat ang mga mata. Pakiramdam niya, anumang sandali ay mabubuwal at masusuka siya.

May umaalalay sa kanya upang makatayo. Her beloved father, of course!

"Ang mahal kong Papa," sabay hagikhik at pasuray suray na naglakad habang iginigiya siya ng kanyang Papa.

"Nakakahiya sa mga bisita natin, Olivia! Talagang inuubos mo ang pasensya ko. Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Ano na lang ang sasabihin ng matalik kong kaibigan?" halatang pinipigalan lang ng Papa niya ang pagtaasan siya ng boses.

Naramdaman niyang bigla silang tumigil ng Papa niya sa paglalakad.

"Amigo, naku eh pasensya na talaga kayo ha? Masyado akong nahihiya sa inyo dito sa ginawa ng anak namin."

Sinubukuan niyang tumayo ng tuwid pero bigla siyang natapilok.

"Opps!" natawa siya sa nangyari at sinubukang imulat ang mga mata.

"I - I am so sorry." She keeps on blinking. Hindi niya masyadong maaninag ang mga kaharap niya.

"Amigo, mas mabuti pa siguro iakyat mo na lang muna ang dalaga mo. Marami pa namang pagkakataon na makaharap ulit siya."

"Mas mabuti pa nga Amigo, Aniela. Hijo, pagpasensyahan mo na itong dalaga namin. Hindi naman siya ganito talaga. Nabigla lang sa mga ipinahayag ko sa kanya kanina," boses ng ama niya.

"No problem, Tito. I understand. Kahit ako man ay nabigla rin sa mga nangyayari," ani ng isang baritonong boses.

She suddenly smirked.

And someone tsked.

"So pleased to finally meet you too." She could sensed amusement in his tone.

Pinilit niyang tingnan ang lalaking nagsalita pero nanlalabo pa rin ang paningin niya. And why does she feel a tingling sensation upon hearing the voice of an unknown man? Hindi yata ay masyado na siyang nalunod sa espiritu ng alak.

Halos umabot nang isang linggo ang panenermon sa kanya ng mga magulang, especially her father na walang araw na hindi siya pinapagalitan. Kuntodo hingi rin siya ng paumanhin sa mga ito.

Late na ng ma realized niya na mali ang ginawa niya. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin. Sana pala pinakiharapan na lang muna niya nang maayos ang bisita ng mga magulang. Nangako naman siya sa mga ito na hindi na mauulit ang nangyari at hindi na niya gagawin ang ginawa sa muli nilang pagkikita.

Three months from now, napagkasunduan ng mga magulang niya at ng mga kaibigan nito ang pagkikita nilang muli. Sisiguraduhin din niyang tatanggihan niya nang maayos ang pasyang pagpapakasal sa kanila ng mga magulang nila. Mas mabuti sigurong kausapin rin niya nang masinsinan ang lalaking iyon.

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT.

Pareho silang excited ni Megan nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. They can't wait to see their best friend, Macon. Napagkasunduan nilang susunduin mismo sila ni Macon sa airport.

It's been 3 years mula nang makita nila ito. Hindi na sila ulit nakauwi ng Cebu dahil sa masyadong busy na sa kanya-kanyang buhay.

Sa Manila na rin nakatira ang pamilya ni Megan. Two years after nilang lumipat ay sumunod din ang mga ito. Taga Manila ang Mama ni Megan kaya hindi nahirapan ang mga itong lumipat agad. Nagkataong naka destino na rin sa Manila ang Papa nito.

"This is where we belong, friend" ani Megan na sandaling tumigil sa paglalakad at idinipa ang mga kamay. "Masyado kong na miss ang Cebu!"

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Change is the only permanent thing in this world, indeed! Marami nang ipinagbago ang Cebu. Marami na ring turista ang dumadayo dito kahit noon pa mang maliliit pa sila. But looking at the airport now, parang mas dumarami pang lalo ang mga dayuhan sa ngayon. No wonder, Mactan-Cebu International Airport is the second busiest international airport in the Philippines.

Nagulat siya ng biglang nagtitili si Megan sa tabi niya. Nakita na pala nito si Macon. Maluwang siyang napangiti nang makita rin ang kaibigan. Sa video call nalang sila nag-uusap nito ng hindi na sila makapunta ng Cebu. Minsan rin lang kung lumuwas ng Manila si Macon dahil ayaw nito doon. Sinalubong din niya ito nang yakap gaya ni Megan. She missed her so much.

"How are you, pretty one? Mas lalo kang gumanda ah," puna niya dito.

"Hindi lang ako ang gumanda. Ang gaganda na rin ninyo, mga friends!"

"So, panget talaga kami noon? Yeah, alam na namin 'yon," natatawa siya sa sinabi ni Megan.

"Alam mo ang sagot diyan, Megan bebe. Anyways, excited rin sina Mama na makita kayo!" sabi ni Macon

"Sa inyo muna kami tutuloy ni Megan ngayon. Bibisitahin ko rin si Lola Rosario. Alam kasi niyang pupunta ako ngayon dito sa Cebu, baka magtampo."

She misses her Lola Rosario. Kahit na palagi itong lumuluwas ng Manila kasama ang Auntie Maricel nila.

"Sasama kami sa iyo, friend. Gusto rin naming maka-usap si Lola. Matagal na kaming hindi nakapag-usap."

"Yeah, me too! Minsan pinapasyalan ko siya pag pumupunta ako sa mall, dinadalhan ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Nakakalungkot nga lang minsan. Kasi kapag nakikita niya ako palagi niyang sinasabi na kung bakit daw mas pinili niyong sa Manila manirahan," sabi ni Macon habang nagmamaneho.

Hindi niya masisisi ang Lola Rosario niya. Mas gusto kasi ng Papa niya na sa Manila na magtayo ng negosyo. Mas malaki kasi ang posibilidad na magtatagumpay ito doon base na rin sa klase ng negosyong pinapangarap nito. At hindi nga ito nagkamali. His father's business is booming.

"Balak siyang kunin ni Papa at dalhin sa Manila, kaso ayaw naman ni Lola. She loves Cebu very much," ani niya.

"Kumusta na kaya ang garden ni Lola Rosario?" ani Megan.

"Mas lalong gumanda, friend!" nakangiting sabi ni Macon. Napangiti na rin siya. May green house ang Lola niya at kadalasang, doon sila nagtatambay noon na magkakaibigan.

Nag-usap pa sila at nagkumustahan. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa bahay nina Megan. Mas lalong lumaki at gumanda ang bahay nina Macon. May mga kapatid kasi si Macon na nakapag-asawa ng mga foreigner. Bukod sa pinagawan sila nang malaking bahay, binigyan din ng mga negosyo ang mga magulang ni Macon.

Sinalubong sila ng Mama ni Macon.

"Naku, ang mga batang ito! Ang lalaki n'yo na! Mas lalong kayong gumanda at hiyang na hiyang kayo sa Maynila."

Niyakap niya rin ito nang mahigpit. "Kumusta kana Nanay? Gimingaw nakos imung luto." (Miss na miss ko na ang mga luto mo)

"Ay sus! Dugay na mo wa mungari. Gimingaw na sad mi sa inyo." (Matagal na rin kayong hindi pumarito. Nami miss na rin namin kayo)

"Siya sige, pumasok na muna tayo at nagugutom na ako. Doon na natin ipagpatuloy ang kuwentuhan sa hapagkainan," sabi ni Megan at nagpatiuna nang maglakad papunta sa dining area.

"Anyways, naalala mo ba 'yong sinasabi kong sorpresa?" ani Macon sa kanya nang kumakain na sila.

"Uhum. What is it this time?"

Hindi siya gaanong interesado sa sasabihin nito. Masyado siyang engrossed sa kinakain.

"We will have someone to meet tomorrow," makahulugan siya nitong tiningnan.

"Who?" tanong ni Megan.

"Someone from your past, Olivia."

"Sabihin mo na nga kasi, pa suspense pa!"

"Nike Jose Ocampo!"

Agad na nabitin ang gagawin sana niyang pagsubo. Sino daw?

"My cousin, Dion, told me na nakauwi na daw dito sa Cebu si Nike Jose Ocampo. And they will be having a party tomorrow, sa bahay ng mga Ocampo."

"Oh! The Nike Ocampo from Olivia's past."

Nanunudyong ngumiti si Megan sa kanya.

Hindi niya alam ang gagawin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa kasalukuyan.

'Ito na ba yun Lord?'

"Olivia."

"R-Really?"

"I am not kidding." Macon intently looking at her.

"H-How? I-I mean, w-when?" nauutal niyang tanong dito.

"Geez! I told you already. Hindi ka nakikinig, Olivia!" sabi nitong natatawa na.

"Nandito na sa Cebu si Nike mo and may pa party sila bukas nang gabi," ani Megan.

"Welcome party. Hindi ko lang alam kung kailan siya dumating dito sa Cebu," sabi ni Macon.

Doon palang nag-sink in sa utak niya ang sinasabing sorpresa sa kanya ni Macon. At hindi niya mawari ang totoong nararamdaman. At last, dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. Anong gagawin niya oras na makaharap na niya ang binata?

'Binata?'

"I - is he.. s - single?" kinakabahan niyang tanong kay Macon.

"As far as I know, Yea. He's still single sabi ng pinsan ko." Kinindatan siya nito.

"Nag-usap kami ni Megan, the night na nag lasing ka sa kanila. So, 'yon agad ang tinanong ko kay Dion."

"I have no idea na ganoon pala ang epekto ng in love anoh? Or talaga sigurong masyado lang OA ang isa diyan," sabi ni Megan.

"Palibhasa, hindi mo pa naramdaman ang ma inlove kaya hindi ka maka relate," natatawang saad ni Macon.

"Oo, kayo na. Kayo na ang mga sawimpalad na umiibig sa mga taong hindi naman umiibig sa inyo!"

"It's better to experience one sided love than no experience at all."

"Ang ganda ko kasi kaya iyong mga lalaki ang mga umiibig sa'kin." Binuntutan pa nito nang halakhak.

Excited siya, kinakabahan na ewan. Iniisip niya kung ano ang gagawin at sasabihin bukas sa paghaharap nila ng lalaki. Maalala pa kaya siya nito? Anong gagawin niya kung hindi na? Marami pang tanong ang bumabagabag sa kanya pero iisa lang ang inaasam niya.

'Sana man lang maalala siya nito.'

Related chapters

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 4

    They got out of the car and crossed the street. It took them three hours to reach their destination, not to mention the heavy traffic. But the weariness brought by their travel was easily forgotten when they saw the majestic mansion in front of them. Nabalewala ang pagkabagot nila sa biyahe nang makita ang napakagrandiosong mansion sa gitna ng siyudad.She had no idea na ganito pala karangya ang buhay ng lalaking sinisinta niya. Parang gusto niyang manliit at umurong nalang."Yayamanin pala ang Nike mo, Olivia!" ani Megan."Megan, hindi ko siya Nike. Hindi siya akin.""Malay mo naman, maging iyo na siya pagkatapos ng gabing ito.""Heh! Tumigil ka nga, Megan!" napapailing nalang siya sa sinasabi ng kaibigan.She's too nervous to talk with them right now.Agad silang pinapasok sa mansion nang pinakita ni Macon ang dala nitong invitation. They're wearing a semi-form

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 5

    Kadaugan sa Mactan FestivalPalagi silang nanonood ng festival kasama ang mga kaibigan niya, pero iba ngayon dahil kasama nila sina Nike at Dion. Naghanap sila ng magandang puwesto para makita nila ng maayos ang mga nagpe-perform."Minsan lang ako nanonood noon ng festival kapag umuuwi ako dito sa Lapu-Lapu," ani Nike na katabi niya habang hawak hawak ang payong na dinala nila kanina.Masyado nang mainit nang magsimula ang nasabing event. Nahiya pa siyang ibigay dito kanina ang payong. Diyahe naman kasi sa itsura nito. Pero looking at him now, parang ang cute tingnan. Gwapong macho na nakapayong. Nagpumulit naman kasi itong kunin sa kanya ang payong niya."Bakit naman? Maganda pa naman ang festival dito," sabi niya."I am the kind of a person na hindi mahilig makisiksikan sa maraming tao. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.""Ganoon ba. Ikaw palang ang k

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 6

    Isang buwan ang matuling lumipas na puro pagliliwaliw ang ginawa nilang magkakaibigan. Roaming around the city, bar hoping, shopping, at napuntahan na din nila halos lahat ng mga tourist spots.Minsan sumasama sa kanila sina Dion at Nike, kaya masyadong napalapit na ang loob niya sa binata.Gayunpaman, dahil parati nilang kasama ang mga ito, palagi rin niyang naaalala si Johann. Kahit noon na hindi pa niya nakita ang dalawa ay walang araw na hindi niya naiisip si Johann. Pero nitong nakalipas na isang buwan ay mas lalong nag-uumigting ang pagnanais niyang makita na ito.Nasa Café silang magkakaibigan kasama sina Dion at Nike. Katatapos palang nilang mag salon at mag shopping nang makasalubong nila ang dalawa sa mall."Iimbitahan sana namin kayo ni Nike. Sailing and snorkeling in Hilutungan," maya-maya ay sabi ni Dion."We will be sailing to Hilutungan, Nalusuan and Caohagan. Tapos mag-oov

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 7

    Warning: Rated SPG!!!✌️✌️✌️**********************HAPON na nang makarating sila sa Caohagan Island. Pagkatapos magbabad sa dagat ay dumeretso na sila sa kanya-kanyang cottage na ookupahan. Magkatabi ang cottage na kinuha nila. Isa sa kanilang tatlo at isa naman kina Dion at Nike.Katatapos lang nilang magbanlaw at magbihis nang makatanggap siya ng tawag mula sa Papa niya."When are you coming back?" bungad nito sa kanya na kababakasan ng galit ang tinig."W-why, Papa?""Bumalik kana dito as soon as possible.""Pero, Papa. Hindi pa ho tapos ang bakasyon na hiningi ko sa inyo, 'di ba?""I don't care. I will be going to London next week at dapat nandito ka na bago ako umalis.""Ano pong gagawin n'yo doon?""This is not the right time to talk about that. Ang gusto ko, umuwi ka na bukas na bukas din." Pinatay na

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 8

    "OLIVIIIAAAA!!! JESUS CHRIST!!!"Napabalikwas siya nang bangon ng makarinig ng dumadagundong na boses.Her Father!Nanlaki ang mata niya nang makita ito sa paanan ng kamang hinihigaan niya."Pa-Papa!" biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo dahilan ng muli niyang pagpikit.Masakit na masakit ang ulo niya.Lasing na lasing pala siya kagabe. Here comes the worst part after drinking alcohol. Hangover! Nakakainis!"What is the meaning of this?!"Nagulat siya sa sigaw at galit na galit na tinig ng ama. Tiningnan niya ito at ganoon nalang ang pagkabahala niya nang makitang pulang pula ang buong mukha nito lalo na ang tainga nito."Bakit po ba? Kagigising ko lang po."Hindi sa kanya nakatingin ang Papa niya, kung hindi sa likod niya. Lumingon siya, at ganun nalang ang pagkabigla niya nang makita si Nike na nakaupo rin sa kama. Nanlaki ang mga mata

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 9

    7 years later... "Yes. I will call you tomorrow morning. Ibigay mo na lang mamaya kay Martina ang concept ng Monte. Okay." Tumayo na siya matapos ibaba ang telepono. Ang head ng Creative Team ang kausap niya. Agad siyang lumabas ng opisina at kinausap ang sekretarya niya."Martina, kindly receive the concept from Mr. Gaston. Kukunin ko na lang sa'yo bukas nang umaga.""Yes, ma'am."Dere-deretso siyang pumasok sa elevator. Her father's advertising agency is growing and expanding very quickly. She's now the Managing Director of their agency at katuwang siya ng ama niya sa pamamalakad ng negosyo nila.Kahit gaano man siya ka busy, she sees to it na makaka-uwi agad siya ng bahay nila before 6 pm.She's driving when her phone ring. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag."Hi, Vaughn!""Hello, Mommy. Where are

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 10

    PAGOD niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi pa siya nakapagbihis at nakapagtanggal ng sapatos. Pakiramdam niya ay para siyang nahahapo sa maghapong trabaho. Ganito nalang palagi ang nararamdaman niya sa tuwing matatapos ang isang buong araw na pagtatrabaho. He's exhausted.. all those years pagkatapos niyang mag kolehiyo ay tumulong agad siya sa ama sa pagma manage ng negosyo ng pamilya nila.Nayayamot siyang tumayo at dumeretso sa mini bar at nagsalin ng alak sa kopitang naroroon.He's alone and lonely.Lumapit siya sa glass wall ng penthouse niya at mula doon ay kitang kita niya ang mga nagkikislapang ilaw mula sa ibaba ng hotel nila. Napabaling ang atensyon niya ng tumunog ang cellphone niya sa bulsa ng slacks niya."Hello?" agad niyang sinagot ng makitang si Velle ang tumatawag"How are you handsome?""Tss.. Handsome my ass!" napangiti siya ng m

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 11

    HINDI na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagparoo't parito sa loob ng comfort room nila na nasa kusina. Hindi siya mapakali. Mabuti nalang at naglakas loob siyang magpaalam kanina para pumunta sa bathroom. Hindi pa niya alam kung paano umakto sa harap ng mga kasama niya. At ngayon nga ay hindi niya alam ang gagawin. Ayaw na niyang bumalik doon pero magtataka ang mga magulang niya lalo na ang asawa niya.Sa maraming beses na hindi na niya mabilang kung ilan ay humarap siya ulit sa salamin na naroroon. Marahil ay namumutla siya kanina habang kaharap ang taong matagal na niyang hinanap at matagal na rin niyang nakalimutan.'Nakalimutan mo nga ba siya Olivia?'Marahil ay hindi..Hindi niya nakalimutan pero mas pinili niyang kalimutan na lamang si Johann. Pero ano itong pagbibiro ng tadhana na kung kailan inilagay na niya ang alaala ng lalaki sa pinaka gilid ng kanyang puso't

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 48

    The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 47

    Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 46

    Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 45

    Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 44

    Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 43

    "Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini

  • Someone's Torturing Me   Chapter 42

    BUT she's a bit halted when she finally entered his private plane. Namangha siya sa nabungaran. Hindi ito katulad sa mga eroplanong nasakyan na niya. Walang dudang mayaman nga ang lalaking 'yon. His private plane is oozing with expensiveness. White walls, cream leather sofa and chairs, may nakahawing kulay itim na kurtina sa pagitan ng malaking sofa at mga upuan.May taglilimang upuan sa bawat gilid niya. Malaki sa pangkaraniwang upuan at kasya sa tatlong katao ang espasyon n'yon. May mga nakadikit na dalawang seat belts kada upuan. Sa sofa naman ay mayroon din subalit mas marami nga lang doon. Narinig niya ang mga yabag sa likuran niya kaya naman nagmadali siyang umupo sa kalapit na upuan. She doesn't want to sit in his sofa.Nginitian siya ni May at ni Melay nang makapasok ang mga ito. Kagaya niya ay namangha at nagulat rin si Melay nang ipinalibot ang tingin sa loob. Kabaliktaran ng kapatid niya. Sapantaha niya m

  • Someone's Torturing Me   Chapter 41

    Chapter 41Ignoring her indeed!Iyon ang napatunayan niya nang makasama nila ni Leon sina May at Johann. The table in between them is round. Katabi niya si May at Johann habang kaharap naman niya si Leon. Tahimik silang apat habang naghihintay sa order ng dalawang bagong dating.Siya, kinakabahan na tila may mga dagang naghahabulan sa dibdib. Kung ganito kalapit si Johann sa kanya, natural hindi mapirmi sa pagtibok ang puso niya. Ang tatlo, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Ang alam lang niya, hindi pa rin siya tinitingnan ng pangsampung mayaman na lalaki sa buong mundo. He's stiff and busy. Abala sa cellphone nito. Hindi ba dapat nag-uusap sila o di kaya ay dapat kausapin siya?Palihim siyang umingos sa ginawi ni Johann. "Johann offered, Ate. Sa private plane na lang daw nila tayo sumakay bukas. Uuwi na rin naman daw siya sa Pilipinas kaya pinapasabay na lang niya tayo.""W-what?" Pinanlakihan niya ng mga mata ang ka

  • Someone's Torturing Me   Chapter 40

    Chapter 40She can't fight the urge to glance at him. Kaya muli na naman niya itong ninakawan ng tingin. He's so engrossed of the book he's holding. Nakakapit na parang tuko pa rin ang babaeng kasama nito. Kumudlit ang panibugho niya sa tanawing iyon.She came to realized that despite his biggest secret she loathed him most, she somehow misses him. She longed to see his face, to touch him and be with him. Pero hindi pa rin niya ito patatawarin hanggat hindi ito humihingi ng tawad sa kanya. Lalong lalo na kung hindi ito magpapaliwanag sa kanya. Acting as if he didn't know her like what he's doing now will do no good for her. Mas lalo siyang naiinis sa inaasta nito.She continued her work at wala nang balak tingnan ang dalawang customers na nagpapakulo ng dugo niya. Hindi niya namalayang nakalapit na si Shane sa tabi niya."I can't believe this. The famous business tycoon, Johann Estevez is now here! Imagine? We're in the same place, breathing the sam

DMCA.com Protection Status