Share

CHAPTER 1

Author: marypaulette
last update Last Updated: 2021-06-01 15:40:06

Summer 2009

Nadatnan niya ang mga magulang sa komedor na nag-aagahan kasama ang bunso niyang kapatid.

"Anak, mabuti naman at gising ka na." Salubong ng ina niya nang makita siya nito.

"Morning Ma, Morning Pa." Humalik siya sa pisngi ng mga ito. Ginulo niya ang buhok ng bunso niyang kapatid sabay upo sa tabi nito.

"Kumain kana, Olivia. Bakit ba palagi ka na lang lumalabas sa gabi? Hindi ka ba nagsasawang mag party?" ani ng Mama niya.

"Ma, di ba sabi ko mag-enjoy muna ako bago ako mag trabaho?" sabi niya.

Kakatapos palang niya ng college last month. Gusto sana ng Papa niya na pumasok na siya sa kompanya nila para masimulan na ng Papa niya ang pagtuturo sa kanya. She took up Business Administration major in Marketing Management. Her parents choose that profession na hindi naman niya gusto. Pangarap niyang maging Interior Designer or Architect pero hindi sinang-ayunan ng mga magulang niya. After her graduation in High School, napag desisyonan ng mga magulang nila na lumipat at tumira dito sa Manila for good. They left Cebu one month after her graduation. Nagtayo ng negosyong Advertising Agency ang Papa nila habang ang Mama naman nila ay nagpatuloy sa pagtuturo sa isang public school. Fortunately, nagtagumpay naman ang Papa niya sa negosyong itinayo nito kaya hindi sila gaanong nahirapan. Bata pa naman ang Papa niya pero sinisiguro nito na mas mabuting matutunan niya ang pasikot sikot sa negosyo nila habang bata pa siya para makatulong na rin sa mga kapatid niya na nag-aaral pa.

Third year college na sa susunod na pasukan si May, ang sumunod sa kanya samantalang mag first year college naman si Ford, ang pangatlo sa kanilang magkakapatid. Ang dalawa niyang kapatid na sina Gella at Rios ay pawang nasa High School at ang bunso nila na si Rob ay nasa elementary pa lang.

After four years of running their business, nakikita niyang mas lalong lumalago ang negosyo nila patunay na kahit palaging pagod ang Papa nila masaya naman ito habang nagku-kuwento sa Mama nila.

"Siguro naman wala ka nang lakad mamayang gabi, anak?" sabi ng Papa niya

Napahinto siya sa pagsubo nang magsalita ang Papa niya.

"Wala naman, Papa." Nagsimula na siyang kumain ng hindi na nagsalita ang Papa niya. Mabait ang Papa niya pero nakakatakot rin kung magalit. Sobrang istrikto noong nag-aaral palang siya. Ngayon lang medyo lumuwag luwag nang mka-graduate siya sa college.

"May bisita tayo mamaya. Darating ang matalik kong kaibigan kasama ang pamilya niya. Dito sila mag di-dinner, kaya dapat kompleto tayo mamaya," sabi ng Papa niya sabay tayo. "Sumunod ka sa study room pagkatapos mong kumain, Olivia."

Tango lang ang naisagot niya sa kanyang Papa. Ninerbyos siya bigla dahil sa tono nito. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang malaking kasalanan. Pero parang wala naman. Sunod sunod ang naging pagsubo niya para makasunod agad sa Papa niya.

Minutes later, nakaupo na siya sa harap ng working table ng Papa niya. May pinipirmahang papeles ito kaya hindi na muna siya kumibo.

"You'll be 20 this year, di ba hija?" basag nito sa katahimikan.

"Yes, Papa. Bakit po?" aniya.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, anak. Alam kong hindi mo magugustuhan ang pag-uusapan nation, pero I want you to know that this is for you." Mataman siyang tiningnan ng Papa niya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan.

"Spill it, Pa!" aniyang hindi pinapahalata ang nararamdaman.

Huminga ng malalim ang Papa niya bago ito nagsalita.

"My best friend and I had an agreement when we were still young. Para ko na siyang kapatid. Kahit alam naming kalabisan ang manghimasok sa desisyon ng mga anak namin, itutuloy pa rin namin ang napagkasunduan." Tumigil muna ang Papa niya at inaarok ang saloobin niya. Kapagkuwa'y, "You're destined to be married, hija. Sa anak ng matalik kong kaibigan."

Wtf? Ano raw?!

"Pardon?" aniyang hindi makapaniwala. Tama ba ang narinig niya?

"Yes, Olivia. It's an arranged marriage, but I assure you hindi ka magsisisi. You'll meet him tonight, sa dinner natin. He belongs to a well-known and respected family in Cebu and even here, in Manila. My business sila all over the world - - -"

"W-wait, Pa. Naririnig n'yo ho ba ang sinasabi n'yo? W-why? It's 2009, Papa! Hindi na uso ang arranged marriage ngayon. I am still young at wala akong pakialam kung kasing yaman man niya si Prince Charles." Napatayo na siya sa kinauupuan. Frustration is written all over her face. Hindi niya gusto ang ideya na ipinagkasundo siya sa isang lalaki na hindi niya kilala. Ni hindi pa niya nakikita.

"Kilala ko ang pamilya ng lalaking mapapangasawa mo, anak. You'll be in good hands, hija. Hindi ka namin ipapahamak ng Mama mo," sabi ng Papa niya.

"Kahit na po. Hindi ko mahal ang lalaking 'yon, Papa. Of all people, I know you believe in love pero bakit ganito?" himutok niya. Halos magpapadyak na siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. She knew her father very much. Wala itong hindi ginusto na hindi nakukuha. At alam niya kung kanino siya nagmana sa katigasan ng ulo.

"Matututunan mo rin siyang mahalin, Olivia. Bago kayo ikasal, I'm sure mahal mo na siya," sabi ng ama niya.

"Papa, hindi nadidiktahan ang puso kusa mo itong mararamdaman. Paano kayo nakakasiguro na mamahalin ko agad ang taong yun?" Napasabunot siya sa sariling buhok.

"Why don't you face him tonight? We'll see kung ano ang mangyayari, hija."

Her father's smiling mischievously.

Naloko na. Nasapo niya ang noo.

Napapikit siya sa inis. Walang mangyayari kung makikipagdiskusyon pa siya sa ama niya. Mukhang desidido na ito sa binabalak nito.

'Good God! Please help me,' piping panalangin niya.

Nakadapa siya sa kama ng may kumatok sa kwarto niya. "Pasok, bukas yan!"

"Olivia?"

Hindi niya namalayang nakalapit na pala ang Mama niya. Hinahaplos ng Mama niya ang likod niya.

"Huwag kang magalit sa Papa mo. Ginagawa lang niya ito kasi alam niyang makakabuti sa iyo."

Tumihaya siya sa pagkakahiga.

"Never in my wildest dream na mangyayari ito sa akin, Ma. I've been a very good daughter ever since. Bakit ngayon pakiramdam ko, isa akong sakit ng ulo sa inyo?"

Hindi na niya napigilang umiyak. Masama talaga ang loob niya sa Papa niya. Imagine, ipapakasal siya sa kung sinong poncio pilatong 'yon. Nakalaan na ang puso niya sa taong matagal na niyang hinahanap. Kanina habang nagsasalita ang Papa niya, iisang tao lang ang naiisip niya.

'Hindi talaga maaari. Siya lang talaga ang gusto kong maging asawa, makasama habambuhay.'

"Magbabago pa naman siguro ang isip ng Papa mo. Huwag mo munang dibdibin, anak. Remember, magkikita pa lang kayo mamaya. Malay mo may makita ang Papa mo na hindi niya magustuhan," Kinindatan siya ng Mama niya. Malabong magbago pa ang isip ng Papa niya. Matalik na kaibigan ng Papa niya ang pamilya ng lalaking 'yon.

"O, siya sige. Huwag ka nang magmukmok diyan. May aasikasuhin lang ako sa ibaba." Paalam ng Mama niya. Hindi siya kumilos hanggang sa makalabas ang Mama niya. Napukaw ang pagmunimuni niya nang tumunog ang notification ng F******k account niya. Kahapon pa niya hindi nabubuksan ang F******k niya.

One new friend request ang nakalagay sa notification niya.

JA Estevez ang name ng nag sent ng friend request sa kanya. Hindi sana niya bubuksan ang profile nito pero na intriga siya sa profile picture nito. She hates people who has tattoos anywhere in their body. Narurumihan siyang tingnan but this one is an exemption. Looks like a tribal tattoo in the upper right side at the back of his shoulder. Obvious na lalaki ang may ari dahil sa nag-uumpugang mga muscles sa likod nito. Very hot! Mas lalo pa siyang na intriga. Hindi naman siya bastos pero she admired men with sexy body, lots of abs & oozing with sex appeal. Hindi naman mataas ang standard niya sa lalaki pero hindi na siya na a attract sa opposite sex magmula nang makita niya ang lalaki way way back in 2004. Ini-scroll niya ang timeline nang nakikipagkaibigan sa kanya. Wala siyang makita ni isang mukha ng may ari ng account, puro beautiful spots lang. Maliban sa profile picture nito, wala ng ibang picture doon. Nature lover obviously. Hindi niya ugali ang mag-accept ng kung kani-kaninong request sa f******k lalo na kung hindi niya kilala. As usual she ignored that request.

Nagulat siya nang biglang nag message si Macon sa kanya.

'Bruha! Don't forget next week. Hihintayin ko kayo ni Megan dito.'

Napangiti siya sa text nito.

'Yes Bru nka prepared na kaya. Handa na bagahe namin. Wag kalimutan ang tsibog diyan.'

'Nothing's change, matakaw ka pa rin,' sagot agad nito na ikinatawa niya. Nakalimutan niya bigla ang problemang kinakaharap niya.

'I have a surprise for you. Siguradong matutuwa ka. 😉'

Na excite tuloy siya bigla. Hindi na niya ito tatanungin. Siguradong bibitinin lang siya nito. Knowing her best friend.

'Looking forward to that surprise of yours. Dapat mapapanganga aq dyan ha,' sagot niya dito.

'Iiyak kapa Bru. Hahaha.'

Ngumiti siya at hindi na nag reply dito.

Inilapag niya ang cellphone sa kama. Binuksan niya ang drawer kung saan nakalagay ang diary niya noong High School pa lamang siya. Tumigil siya sa pagsusulat ng diary noong college na siya. Ewan, pero parang tinamad na siya sa pagre-report kay diary. (Haha!)

July 2004...

Nagulat siya ng may bumatok sa kanya. Paglingon niya, nakita niya si Megan at Macon na nakangisi sa kanya.

"Nakakainis kayo. Batukan ba naman," himutok niya.

"Well, siguradong makakakita ka ng fireworks diyan sa imagination mo!" tumatawang saad ni Macon sa kanya.

"Elaborate please. Ayoko nang binibitin. Masasabunutan ko kayo," nahawa na rin siya sa tawa ng dalawa.

"Nakuha ko na ang matagal mo nang minimithi."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Macon. Kinabahan siya bigla. Noong nagsimula ang klase nila, napansin ng dalawa na may nagbago sa kanya. Hindi na siya ang dating masayahin. Ngumingiti siya pero hindi umaabot sa mga mata niya. Kaya tinanong siya ni Macon at Megan. Wala na siyang choice kundi ang mag open up sa dalawa.

Kinuwento niya sa dalawa ang namagitan sa kanila ng lalaking 'yon. Namagitang titigan. Sa una, pinagtawanan siya ng dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi tatawa? Wala namang nangyaring kakaiba maliban sa tinginan nila ng lalaking 'yon. Pero nakita ng mga kaibigan niya ang epekto nang pangyayaring 'yon. Hindi big deal sa dalawa ang nangyari, pero para sa kanya malaking kahungkagan ang naramdaman niya pagkatapos nang bakasyon nilang 'yon.

Good thing na sinabi niya sa mga kaibigan niya ang nangyari. At mabuti na rin dahil nalaman niyang kaibigan ni Macon ang isa sa tatlong kasakasama ng lalaking nagustuhan niya nang mga panahong iyon. Nangako si Macon na hihingin ang pangalan at number ng lalaking nakapukaw sa interes niya.

Bumalik siya sa kasalukuyan ng may inilapag na puting papel sa armrest ng inuupuan niya. Dinampot niya ang papel at tinanong si Macon.

"Ito na ba 'yon?"

"Iyan na nga friend," malaki ang tawa ni Macon na umakbay kay Megan. Hindi rin mapuknat ang ngiti ng huli.

Napatawa siya bigla. Pakiramdam niya, nagliwanag bigla ang mundo niya. She reads what's written in the paper.

'Nike Jose Ocampo..

0905*******'

Related chapters

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 2

    July 2004..'Nike Ocampo, nice name.' Napangiti si Olivia habang ini-imagine niya ang mukha ni Nike. Thanks to her best friends. Nagkaroon na rin ng pangalan ang taong hindi mawala-wala sa isip niya. She could not believed love at first sight exists until such time came and wallop her.She do believe in love of course, but at first sight? Ewan. It's like you're in love in the idea of love but you don't really feel that exact feeling. But her doubt vanished when she saw the guy, the moment her eyes met his, the moment her eyes laid on him and she didn't knew it was already love until the scenario of a guy leaving consumed her. She felt pain, terrible pain all of a sudden. Ang sakit na hindi pa niya naranasan sa tanang buhay niya. Subalit alam niya ang tawag sa sakit na iyon dahil iyon ang nababasa niya sa mga nobela at mga palabas na napapanood niya. She was brokenhearted and will always

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 3

    Para siyang idinuduyan sa alapaap kung kaya't ipinikit niyang muli ang mga mata."Galit na galit sa inyo ang Papa ninyo, ma'am Olivia," sabi ng family driver nila na si Nilo."Kanina pa naghihintay ang mga bisita ninyo. Mabuti na lang po at mukhang mababait, lalo na ang binatang kasama nila."Napaismid siya sa narinig kay Nilo. Kahit lasing na lasing na siya, naririnig pa niya ang mga sinasabi nito."Buksan mo ang mga bintana, Nilo. Nahihilo na ako. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.""Eh ma'am, baka malaking po kayo lalo n'yan.""Wala akong pakialam!"Dali-dali nitong binuksan ang mga bintana at kahit nakapikit pa rin siya, isinandal niya ang ulo sa may gilid ng bintana. Para siyang masusuka kanina. Wala siyang pakialam kung makatulog siya sa sobrang kalasingan. Mas mabuti nga iyon ng hindi na muna niya makaharap ang mga magulang at ang sinasabing mga

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 4

    They got out of the car and crossed the street. It took them three hours to reach their destination, not to mention the heavy traffic. But the weariness brought by their travel was easily forgotten when they saw the majestic mansion in front of them. Nabalewala ang pagkabagot nila sa biyahe nang makita ang napakagrandiosong mansion sa gitna ng siyudad.She had no idea na ganito pala karangya ang buhay ng lalaking sinisinta niya. Parang gusto niyang manliit at umurong nalang."Yayamanin pala ang Nike mo, Olivia!" ani Megan."Megan, hindi ko siya Nike. Hindi siya akin.""Malay mo naman, maging iyo na siya pagkatapos ng gabing ito.""Heh! Tumigil ka nga, Megan!" napapailing nalang siya sa sinasabi ng kaibigan.She's too nervous to talk with them right now.Agad silang pinapasok sa mansion nang pinakita ni Macon ang dala nitong invitation. They're wearing a semi-form

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 5

    Kadaugan sa Mactan FestivalPalagi silang nanonood ng festival kasama ang mga kaibigan niya, pero iba ngayon dahil kasama nila sina Nike at Dion. Naghanap sila ng magandang puwesto para makita nila ng maayos ang mga nagpe-perform."Minsan lang ako nanonood noon ng festival kapag umuuwi ako dito sa Lapu-Lapu," ani Nike na katabi niya habang hawak hawak ang payong na dinala nila kanina.Masyado nang mainit nang magsimula ang nasabing event. Nahiya pa siyang ibigay dito kanina ang payong. Diyahe naman kasi sa itsura nito. Pero looking at him now, parang ang cute tingnan. Gwapong macho na nakapayong. Nagpumulit naman kasi itong kunin sa kanya ang payong niya."Bakit naman? Maganda pa naman ang festival dito," sabi niya."I am the kind of a person na hindi mahilig makisiksikan sa maraming tao. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.""Ganoon ba. Ikaw palang ang k

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 6

    Isang buwan ang matuling lumipas na puro pagliliwaliw ang ginawa nilang magkakaibigan. Roaming around the city, bar hoping, shopping, at napuntahan na din nila halos lahat ng mga tourist spots.Minsan sumasama sa kanila sina Dion at Nike, kaya masyadong napalapit na ang loob niya sa binata.Gayunpaman, dahil parati nilang kasama ang mga ito, palagi rin niyang naaalala si Johann. Kahit noon na hindi pa niya nakita ang dalawa ay walang araw na hindi niya naiisip si Johann. Pero nitong nakalipas na isang buwan ay mas lalong nag-uumigting ang pagnanais niyang makita na ito.Nasa Café silang magkakaibigan kasama sina Dion at Nike. Katatapos palang nilang mag salon at mag shopping nang makasalubong nila ang dalawa sa mall."Iimbitahan sana namin kayo ni Nike. Sailing and snorkeling in Hilutungan," maya-maya ay sabi ni Dion."We will be sailing to Hilutungan, Nalusuan and Caohagan. Tapos mag-oov

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 7

    Warning: Rated SPG!!!✌️✌️✌️**********************HAPON na nang makarating sila sa Caohagan Island. Pagkatapos magbabad sa dagat ay dumeretso na sila sa kanya-kanyang cottage na ookupahan. Magkatabi ang cottage na kinuha nila. Isa sa kanilang tatlo at isa naman kina Dion at Nike.Katatapos lang nilang magbanlaw at magbihis nang makatanggap siya ng tawag mula sa Papa niya."When are you coming back?" bungad nito sa kanya na kababakasan ng galit ang tinig."W-why, Papa?""Bumalik kana dito as soon as possible.""Pero, Papa. Hindi pa ho tapos ang bakasyon na hiningi ko sa inyo, 'di ba?""I don't care. I will be going to London next week at dapat nandito ka na bago ako umalis.""Ano pong gagawin n'yo doon?""This is not the right time to talk about that. Ang gusto ko, umuwi ka na bukas na bukas din." Pinatay na

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 8

    "OLIVIIIAAAA!!! JESUS CHRIST!!!"Napabalikwas siya nang bangon ng makarinig ng dumadagundong na boses.Her Father!Nanlaki ang mata niya nang makita ito sa paanan ng kamang hinihigaan niya."Pa-Papa!" biglang sumigid ang kirot sa kanyang ulo dahilan ng muli niyang pagpikit.Masakit na masakit ang ulo niya.Lasing na lasing pala siya kagabe. Here comes the worst part after drinking alcohol. Hangover! Nakakainis!"What is the meaning of this?!"Nagulat siya sa sigaw at galit na galit na tinig ng ama. Tiningnan niya ito at ganoon nalang ang pagkabahala niya nang makitang pulang pula ang buong mukha nito lalo na ang tainga nito."Bakit po ba? Kagigising ko lang po."Hindi sa kanya nakatingin ang Papa niya, kung hindi sa likod niya. Lumingon siya, at ganun nalang ang pagkabigla niya nang makita si Nike na nakaupo rin sa kama. Nanlaki ang mga mata

    Last Updated : 2021-06-01
  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 9

    7 years later... "Yes. I will call you tomorrow morning. Ibigay mo na lang mamaya kay Martina ang concept ng Monte. Okay." Tumayo na siya matapos ibaba ang telepono. Ang head ng Creative Team ang kausap niya. Agad siyang lumabas ng opisina at kinausap ang sekretarya niya."Martina, kindly receive the concept from Mr. Gaston. Kukunin ko na lang sa'yo bukas nang umaga.""Yes, ma'am."Dere-deretso siyang pumasok sa elevator. Her father's advertising agency is growing and expanding very quickly. She's now the Managing Director of their agency at katuwang siya ng ama niya sa pamamalakad ng negosyo nila.Kahit gaano man siya ka busy, she sees to it na makaka-uwi agad siya ng bahay nila before 6 pm.She's driving when her phone ring. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag."Hi, Vaughn!""Hello, Mommy. Where are

    Last Updated : 2021-06-01

Latest chapter

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 48

    The pain is excruciating. Ganito rin ang naramdaman niya noong makita ito sa restaurant at bookstore. Ngunit mas malala pa yata ngayon dahil sa nabasa niyang caption nito. Bakit pa ba ito pumayag na magpakasal sila gayong may nobya na naman pala ito?Sana hindi na lang ito pumayag. Pero hindi nga ba at kapakanan lang ng anak nila ang iniisip nito? Na mabigyan ng kompletong pamilya si Vaughn? Wala naman kasing pinangako na kung ano si Johann sa kanya. Kaya wala siyang karapatan na masaktan ng ganito.She could see that he's now happy with his girlfriend. Wala na ang Johann na naghahabol sa kanya noon. Ang Johann na nagmamahal at nababaliw sa kanya. Iyong Johann na ginawa ang lahat makuha lang ang atensyon niya. He was right. He moved on. At wala na siyang karapatan dito maliban sa maging ina ng anak nila at manatili sa tabi ng mga ito. Pero papaano naman ang buhay niya? Kung ito ay pwedeng mag-girlfriend, ibig sabihin ba ay pwede rin siyang mag-boyfriend?She thinks, no. Ewan niya per

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 47

    Halata sa mga magulang ni Johann ang galak habang nagsasalo sila sa hapag. Kahit bagong kain pa lang ay pinilit pa rin sila ng mga ito na kumain ng meryenda. Nalaman niya na ipinasok na ni Johann si Vaughn sa isang private school without her consent. Hindi man lang siya nito tinanong kung okay lang ba sa kanya. Though alam niyang maganda ang eskwelahang papasukan ng anak nila, nakaramdam pa rin siya ng hinanakit sa lalaki. Pagkatapos nilang kumain ay isinama siya ng anak papunta sa magiging silid nito. Naasiwa siya dahil hindi naman siya inanyayahan ni Johann. Subalit mapilit ang anak niya kaya naman napilitan siyang sumama. Hindi na lamang niya pinahalata na masama ang loob niya kay Johann. Baka isipin nito na nag-iinarte na naman siya. Tuwang-tuwa ang anak niya nang makita nito ang sariling kwarto. Sino ba naman ang hindi matutuwa. Sobrang ganda ng silid nito. Wala siyang masabi lalo na at may mga naka-display na mga laruan sa isang side. Mga laruan na paborito ng anak niya. Halat

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 46

    Agad siyang nahiga pagkatapos magpatuyo ng buhok. Domoble yata ang kaba niya dahil sa pag-iisip. Hindi na lang siya kinakabahan kundi nasasaktan rin.Mag-iisang oras na pero wala pa rin si Johann. Sino kaya si Celine? Ano ito sa buhay ni Johann? Girlfriend ba nito si Celine? Bakit ang lambing niya kay Celine?Napapikit siya nang mariin. Naiinis siya! Bakit ba ayaw siyang patahimikin ng isip niya? Hindi siya nagseselos. Pero kahit ilang beses niyang itanggi iyon, iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya.'Nababaliw na ako!'Babangon sana siya pero narinig niya ang mga yabag sa labas ng kwarto niya. Nakatalikod siya sa pintuan. Muli niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwaring tulog na. Alam niyang si Johann ang nasa labas ng silid niya. Hindi pa niya ito kayang harapin lalo na at ganito ang nararamdaman niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya sa isiping may girlfriend na ito. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid niya. Maging ang yabag ni Johann ay dinig na di

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 45

    Hindi niya inaasahan ngunit sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Agad rin siyang tumigil. Nagpakatatag at pinahiran niya ang nabasang mukha. Muling niyang inayos ang sarili. Mabuti na lamang at kanina pa lumabas ang Mama niya. Nakakahiya kung makikita siya nitong umiiyak.Minadali na niya ang pag-aayos. Naglagay lang siya ng konting kolorete sa mukha at manipis na lipstick. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok. Hindi naman kailangang paghandaan pa ng maigi.Tumayo na siya at lumabas ng silid. Tanging tunog ng takong ng sapatos niya ang maririnig sa hallway ng bahay nila. Tahimik ang paligid. Nahiling niya na sana kagaya ng katahimikan ng paligid ang kalooban niya. Dahil habang papalapit siya sa hagdanan ay pabilis naman nang pabilis ang kabog ng dibdib niya.Napatigil siya sa paglalakad nang buhat sa itaas ng hagdan ay nakita niya ang lalaking pakakasalan sa ibaba mismo ng hagdan at inip na inip na nakatingala sa kanya. Kung natigilan man ito ay hindi na niya n

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 44

    Chapter 44Patuloy pa rin sa pagkukwentuhan ang mga magulang nila habang magkaharap sila sa hapag. Napapagitnaan ng Mama niya at Mommy ni Johann si Vaughn na masayang kumakain. Nakikita niya sa mukha ng anak na masaya itong nakilala ang Lolo Thomas at Lola Aniela nito.Samantala, magkatabi naman sila ni Johann na nakaupo. Pareho silang walang imik pero napapansin niyang panay ang kain ng lalaki. Hindi kagaya niya na hindi pa yata nakakasampung subo simula ng mag-umpisa silang kumain."Kailan natin sila ipapakasal?" Naalerto siya nang marinig ang sinabing iyon ng Mommy ni Johann."Mas maigi sana kung sa lalong madaling panahon. Lumalaki na itong apo natin," ani naman ng Daddy nito na sinang-ayunan ng mga magulang niya."Bukas na kami magpapakasal sa huwes. Sa susunod na buwan nalang sa simbahan." Napatingin silang lahat kay Johann ng bigla itong magsalita. Nagulat siya sa tinuran nito. Masyado naman yata itong excited!"Kung sabag

  • Someone's Torturing Me   CHAPTER 43

    "Olivia, anak." Narinig niya ang boses ng Mama niya habang naglalakad siya pabalik sa kusina. Lumingon siya at nakita ito sa pintuan ng library."Ma?""Parini ka muna. Gusto kang makausap ng iyong Papa," ani ng Mama niya at pumasok na sa loob ng library pagkatapos siyang ngitian. Nadatnan niya si May at ang Mama niya na magkatabing naupo sa sofa. Ang Papa naman niya ay nakayuko at tila may binabasang papeles sa ibabaw ng mesa nito."Hello," aniya at pumasok na sa loob. Tiningnan siya ng mga ito."Maupo ka, hija." Tumalima naman siya sa utos ng ama niya. Pero nagsimula siyang kabahan ng makita kung gaano kaseryoso ang Papa niya. Maging ang Mama at si May ay seryoso rin."Ano po iyon, Papa?""Hija, gusto ko kayong makausap ng kapatid mo. Pero nauna na si May kaya sinabi ko na sa kanya kanina habang natutulog ka pa." Umayos siya ng upo at ini

  • Someone's Torturing Me   Chapter 42

    BUT she's a bit halted when she finally entered his private plane. Namangha siya sa nabungaran. Hindi ito katulad sa mga eroplanong nasakyan na niya. Walang dudang mayaman nga ang lalaking 'yon. His private plane is oozing with expensiveness. White walls, cream leather sofa and chairs, may nakahawing kulay itim na kurtina sa pagitan ng malaking sofa at mga upuan.May taglilimang upuan sa bawat gilid niya. Malaki sa pangkaraniwang upuan at kasya sa tatlong katao ang espasyon n'yon. May mga nakadikit na dalawang seat belts kada upuan. Sa sofa naman ay mayroon din subalit mas marami nga lang doon. Narinig niya ang mga yabag sa likuran niya kaya naman nagmadali siyang umupo sa kalapit na upuan. She doesn't want to sit in his sofa.Nginitian siya ni May at ni Melay nang makapasok ang mga ito. Kagaya niya ay namangha at nagulat rin si Melay nang ipinalibot ang tingin sa loob. Kabaliktaran ng kapatid niya. Sapantaha niya m

  • Someone's Torturing Me   Chapter 41

    Chapter 41Ignoring her indeed!Iyon ang napatunayan niya nang makasama nila ni Leon sina May at Johann. The table in between them is round. Katabi niya si May at Johann habang kaharap naman niya si Leon. Tahimik silang apat habang naghihintay sa order ng dalawang bagong dating.Siya, kinakabahan na tila may mga dagang naghahabulan sa dibdib. Kung ganito kalapit si Johann sa kanya, natural hindi mapirmi sa pagtibok ang puso niya. Ang tatlo, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Ang alam lang niya, hindi pa rin siya tinitingnan ng pangsampung mayaman na lalaki sa buong mundo. He's stiff and busy. Abala sa cellphone nito. Hindi ba dapat nag-uusap sila o di kaya ay dapat kausapin siya?Palihim siyang umingos sa ginawi ni Johann. "Johann offered, Ate. Sa private plane na lang daw nila tayo sumakay bukas. Uuwi na rin naman daw siya sa Pilipinas kaya pinapasabay na lang niya tayo.""W-what?" Pinanlakihan niya ng mga mata ang ka

  • Someone's Torturing Me   Chapter 40

    Chapter 40She can't fight the urge to glance at him. Kaya muli na naman niya itong ninakawan ng tingin. He's so engrossed of the book he's holding. Nakakapit na parang tuko pa rin ang babaeng kasama nito. Kumudlit ang panibugho niya sa tanawing iyon.She came to realized that despite his biggest secret she loathed him most, she somehow misses him. She longed to see his face, to touch him and be with him. Pero hindi pa rin niya ito patatawarin hanggat hindi ito humihingi ng tawad sa kanya. Lalong lalo na kung hindi ito magpapaliwanag sa kanya. Acting as if he didn't know her like what he's doing now will do no good for her. Mas lalo siyang naiinis sa inaasta nito.She continued her work at wala nang balak tingnan ang dalawang customers na nagpapakulo ng dugo niya. Hindi niya namalayang nakalapit na si Shane sa tabi niya."I can't believe this. The famous business tycoon, Johann Estevez is now here! Imagine? We're in the same place, breathing the sam

DMCA.com Protection Status