Share

CHAPTER 1

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2023-02-05 12:12:49

CHAPTER 1

Nakadungaw sa bintana ng sasakyan si Yorzuaa habang nakangiti dahil excited na siya na makita ang mapapangasawa. Sabik na rin siyang pagsilbihan ito at gawin ang gusto nitong gawin.

Kalaunan ay nanlaki na lang ang mga mata niya sa pagkamangha, gayundin ay napanganga siya nang makita ang malaking mansyon. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa personal.

"Ang ganda naman dito!" mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. Nang matapat ang sasakyan sa gate ay kusa itong nagbukas. Nadaan pa sila sa malaking fountain sa gitna bago naiparada ang sasakyan sa may mismong harapan ng malaking pinto.

Pinagbuksan si Yorzuana ng isang guard kaya't bumaba siya at nananatili pa rin ang pagmamangha niya sa mansyon. Para siyang isang prinsesa na pakakasalan ng isang prinsipe.

"This way, ma'am," sabi ng guard kaya't agad niya itong sinundan. Nakita niya na ang iba sa mga ito ay ibinababa ang kaniyang mga bagahe.

Sinundan ni Yorzuana ang guard. Manghang-mangha pa rin siya sa ganda at lawak ng mansyon. Mukhang mga mamahalin ang mga gamit lalo na ang nakakaagaw pansin na chandelier.

Maraming mga kwarto sa bawat madaanan. Ngunit nagtaka na lang siya nang ihatid siya ng guard sa isang kwarto. "Magpahinga po muna kayo," sabi nito sa kaniya.

"H-Ha? E nasa'n si Mr. Mizo--"

"Gagabihin po siya ng uwi galing sa opisina. Ibinilin niya sa 'kin na magpahinga po muna kayo pagkatapos ninyong kumain. Nasa mesa po ang pagkain ninyo. Aalis na 'ko," at walang ano-ano nang umalis na ang guard ngunit napahinto na lang siya nang tawagin siya ni Yorzuana.

"Ano po pa lang pangalan niyo?" magalang na tanong ng dalaga. Humarap sa kaniya ang guard at sinabi ang pangalan nito.

"Jaxen. Jaxen Abelardo po," sagot nito bago marahang niyuko ang ulo. Pagkatapos ay saka na ito nagpatuloy sa paglalakad.

Pumasok si Yorzuana sa kaniyang magiging kwarto at sinara ang pinto nito. Nagulat at namangha na lang siya sa lawak at ganda ng loob. Mala-prinsesa talaga ang ganda ng mansyon kaya't sigurado rin siya na mala-prinsesa rin ang ang ituturing sa kaniya ng lalaking mapapangasawa niya.

GUMISING nang maaga si Yorzuana upang maghanda sana ng almusal nang bigla ay bumungad sa harapan ng kaniyang pintuan ang dalawang maid. Dala nila ang dalawang tray. Ang isa ay may mga pagkain habang ang isa ay may inumin at mga utensils.

"Good morning, ma'am. Breakfast po ninyo," Nakangiting sabi ng maid bago sila pumasok ng kwarto ni Yorzuana kahit wala pa ang permiso nito.

"A-Ahh... Ehh... Salamat," tanging nasabi ni Yorzuana sa mga ito.

"Utos po ni sir Roger na hainan kayo sa tamang oras ng pagkain. Ibinibilin din po pala niya na h'wag daw kayong lalabas ng mansyon," ani naman ng isa.

"Nasa'n si Mr. Mizores?" takang tanong niya sa mga ito.

"Nasa kumpanya na po siya," tugon ng isang maid. Marahang yumuko bilang pagpapaalam ang dalawang maid nang may maalala naman ang isa na sasabihin niya sa dalaga.

"Oo nga po pala, mamaya po ay ibinilin ni sir Roger na sabay po kayong kumain ng hapunan. May ipinadala po siyang mag-aayos sa inyo para mamaya," sabi nito bago muling yumuko at saka sila tuluyang umalis.

Kinilig at nagwawala sa kaniyang isipan si Yorzuana dahil sa ibinalita ng kasambahay. Nae-excite siya sa kung ano ang mangyayari para mamaya. Dahil dito, nag-isip kaagad siya ng lulutuin at gusto niya mismong siya na ang magluluto para mapaghandaan ang mapapangasawa niya.

Kumpleto at wala ng dapat pang isipin si Yorzuana sa mga dapat niyang gamitin. Tila pinaghandaan ni Roger ang pagdating niya. Talagang prinsesa ang pagkakaturing sa kaniya nito.

ABALA sa paghahanda ng hapunan si Yorzuana at katuwang niya ang mga katulong sa mansyon. Ayaw pa siyang paglutuin ng mga ito dahil sa magagalit daw si Roger sa kanila. Ngunit dahil sa gustong gawin ay wala na silang nagawa.

Si Yorzuana rin ang nag-ayos ng mga gagamitin sa pagkain sa ibabaw ng mahabang mesa. Pagkatapos niyang gawin ito ay saka na siya naglinis ng sarili at inayusan bago ito bumaba.

Bagaman excited na siyang makita ang mapapangasawa ay bakas pa rin ang kaba sa dibdib ng dalaga.

Nang makababa sa dining area ay nakita na lang ni Yorzuana ang mga guard at maid na nakatayo sa magkabilang gilid. Napukaw rin sa kaniyang pansin ang lalaking nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Nakatali ang mahaba at kulay itim nitong buhok, may salamin sa mata dahil tila malabo ang paningin nito ngunit may kaaakit-akit na kulay kayumanggi ang kaniyang mga mata, malaki ang pangangatawan at nakamamatay na karisma.

Pero ang hindi maalis ni Yorzuana sa nararamdaman ay ang nakakatakot nitong tindig at pagkilos. Pakiramdam niya ay parang mamamatay siya sakaling magkamali siya ng gagawin.

"You prepared these foods," hindi alam ni Yorzuana kung tanong ba 'yon ng lalaki o isang pahayag lamang.

"O-Oo," nauutal niyang sagot saka lumunok ng laway sa kaba at takot.

"Why are you still there? Come and sit here beside me," sambit nito kaya't agad namang sumunod si Yorzuana. Bagaman kabado ay masaya siyang nakikita si Mr. Mizores na kinakain ang mga pagkaing niluto niya.

Parang naging estatwa si Yorzuana habang pinapanood si Mr. Mizores sa kaniyang pagkain. Natutuwa lang siya dahil mukhang nasasarapan ito sa niluto niya. Bigla na lang siyang natameme nang tinignan siya nitong muli.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" seryosong tanong nito sa kaniya.

"A-Ahmm.... Kasi n-natutuwa lang ako na kinakain mo yung hinanda ko," Kabado ngunit nakangiting sabi ni Yorzuana rito.

Walang inimik si Mr. Mizores sa sinabi nito, sa halip, pinunasan lang niya ang bibig at walang ano-ano nang tumayo ito at naglakad paalis.

"S-Saan ka pupunta?" tanong bigla ni Yorzuana dahilan kaya't huminto si Mr. Mizores sa kaniyang paglalakad.

"Wala kang pakialam," ito ang tanging sinabi ng binata bago ito tuluyang umalis.

Tila bumigat ang pakiramdam ni Yorzuana sa isinagot na 'yon ng kaniyang mapapangasawa. Hindi niya inaasahan ang sagot na 'yon.

HINDI makatulog at nasa balkonahe si Yorzuana habang tinatanaw ang napakaliwanag na buwan sa kalangitan. Iniisip niya kung saan kaya nagpunta si Mr. Mizores ng ganitong oras ng gabi. Gayundin, iniisip niya kung bakit napakaseryoso nito.

Nagtanong siya kanina sa isang maid kung saan ba nagtungo si Mr. Mizores ngunit lalong mas hindi nito alam. Tinanong niya rin dito kung galit ba ito at bakit tila wala sa mood. Ang sagot lamang ng maid ay stress lamang 'yon sa kumpanya.

Pumasok sa loob si Yorzuana at nahiga sa kama. Niyakap na lamang niya ang kaniyang teddy bear para maibsan ang takot at kabang nararamdaman niya. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at unti-unting nakatulog.

Sa gitna ng mahimbing niyang pagpapahinga ay nabulabog na lang siya nang makarinig siya ng isang malakas na pagbasag na umalingawngaw mula sa labas ng kaniyang kwarto. Agad napaupo at pinakinggan ni Yorzuana 'yon. 'Di nagtagal ay tumayo siya at lumabas ng kwarto para tignan kung may tao ba roon.

Bukas pa rin ang ilan sa mga naglalakihang ilaw kaya't mabilis siyang nakarating sa pinanggagalingan ng tunog na 'yon. Nakita na lang niya si Mr. Mizores na papasok sa isang kwarto at may naiwang basag na bote ng alak sa ilang dangkal pagitan sa kaniyang pinto.

Mukhang binabad nito ang sarili sa alak. Lasing na lasing. Pagewang-gewang rin ang paglalakad nito kaya't kaagad umalalay si Yorzuana para ipasok ito sa loob ng silid nito.

Inilapag ni Yorzuana si Mr. Mizores nang dahan-dahan sa ibabaw ng kama nito. Bagaman ilang dangkal lang ang layo ng nilakad niya ay napagod siya dahil sa bigat nito.

Nang masilayan ni Yorzuana ang buong kwarto ni Mr. Mizores ay tila nasa loob siya ng isang museo. May mga portrait na nakadikit sa bawat pader. Ang mas nakaagaw ng pansin niya ay ang malaking portrait ng tila pamilya nila.

Isang babae ang nakaupo sa magandang upuan habang kandong nito ang isang cute na batang babae. Nakatayo naman sa tabi nito ang lalaki na may buhat-buhat na isa rin namang batang lalaki ngunit mukhang bibo.

Napasingkitan niya pa ito ng pagkakatingin dahil tila may naaalala siya ngunit hindi niya naman alam kung ano ang eksakto.

At ang nakapukaw rin sa pansin niya ay ang pagkakamukha ng dalawang cute na batang lalaki. Tila kambal ang mga ito.

Kaagad napalingon si Yorzuana sa gawi ni Mr. Mizores at nakitang nagtatanggal ito ng polo. Marahil ay sa init dahil sa dami niyang nainom. Kaagad niya naman itong tinulungan at kumuha ng damit nito pampalit. Habang binibihisan ay napansin ni Yorzuana na may mahabang peklat ang binata sa dibdib nito.

"Saan ka ba kasi galing? Bakit ka naglalaklak ng alak?" tanong ni Yorzuana kahit na alam niyang hindi naman 'yon sasagutin ni Mr. Mizores dahil sa kalasingan. "Hayaan mo, aalagaan kita. Lahat gagawin ko para sa mapapangasawa ko. At pangako ko na magiging isa akong mabuting asawa sa 'yo," dugtong pa nito.

Marahang hinaplos-haplos ni Yorzuana ang pisngi ni Mr. Mizores at saka niya marahang hinalikan ang noo nito.

Kinumutan at iniwan na ni Yorzuana ang binata matapos niya itong bihisan. Lumabas siya ng kwarto at nilinis muna ang nabasag na bote bago ito bumalik sa sariling silid.

Related chapters

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 2

    CHAPTER 2"Wala kang pakialam."Alam niyang mabibigla ang babae sa sinabi n'yang 'yon ngunit gaya ng sinabi niya ay wala siyang pakialam.Walang ibang pagkakalibangan si Roger Mizores kundi ang uminom ng alak at gamitin ang mga babae. He believes that money CAN buy happiness. Kaya sa tuwing may magpapasaya sa kaniya, binibili niya ang mga ito.He bought Yorzuana because he knows that she can make him happy. Sa ganda at alindog ba namang taglay nito ay alam ni Roger na mapapaligaya siya nito.Umalis siya at nagpunta sa club to drink a lots of beer. Palagi niya itong ginagawa tuwing gabi. At nang makarating ay natawa na lang nang bahagya ang nag-iisa niyang kaibigan na si Janwill Excacio."Himala yata? Hindi ka sumipot sa tamang oras," umiiling nitong sabi kay Roger. Naupo lang si Roger sa tapat nito at saka nagsalin ng alak sa baso."Hmm...""Hulaan ko, binili mo?" tanong agad ni Janwill ngunit tinignan lang siya ni Roger. Napangisi at napailing na lang ito sa kaibigan. "Sinasabi ko na

    Last Updated : 2023-02-17
  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Nagising na lang bigla si Yorzuana nang makarinig siya ng tunog ng sinturon kaya't agad niyang tinignan kung kanino nanggagaling 'yon. Nakita niya na lang si Roger na isinusuksok ang kaniyang sinturon sa pang-ibaba nitong suot."You did not well," seryosong sabi niya kay Yorzuana habang hindi nakatingin dito. "Hindi ka mahusay sa kama," dugtong pa niya."T-This is my first ex--""I know."Parang balewala lang kay Roger ang mga sinasabi ni Yorzuana habang nagbibihis ito. Kalaunan ay hindi niya ito pinansin nang umalis siya at iniwan ang dalaga sa ibabaw ng kama. Tila tumamlay naman ang mukha ni Yorzuana dahil hindi niya napaligaya sa unang pagkakataon ang kaniyang fiance.Tumayo't nagbihis ang dalaga pagtapos ay lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa dining area. Kumakain na roon mag-isa si Roger at hindi siya pinansin. Animo'y balewala lang siya rito. Umupo ang dalaga na may tatlong upuang pagitan mula kay Roger. Tahimik siyang nagsandok at kumain. Maya-maya pa'y nang biglan

    Last Updated : 2023-04-15
  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Habang wala si Roger sa mansion ay kumilos si Yorzuana sa kung anong pwede niyang gawin para hindi maburyong, ngunit kahit anong pinagkakaabalahan ang gawin niya ay hindi niya maalis sa isipan si Daza: Ang babaeng nakalaguyo ni Roger nitong nakaraang gabi.Nag-iisip siya kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya? Maya-maya lamang ay biglang may kumatok sa kaniyang kwarto kaya't pinapasok niya ito. Bumungad naman sa kaniya si Jaxen. "Ma'am, handa na po yung pananghalian ninyo," saad nito sa kaniya. Napukaw na lang din sa kaniyang pansin ang hawak nitong aklat kaya't marahan siyang napaiwas ng tingin. "Mauuna na po ako."Kaagad namang tinago ni Yorzuana ang kaniyang mga gamit upang kumain ng tanghalian. Matapos nito ay kaagad din siyang bumalik upang simulang basahin ang mga dapat niyang alamin. Wala siyang kaalam-alam sa sekswal na bagay kaya't gano'n na lamang ang focus niya na alamin ang lahat ng ito.Nakakaramdam siya ng kaba dahil sa bagay na ito. No'ng una nila itong gin

    Last Updated : 2024-05-17
  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   SIMULA

    "10 billion dollars. Isn't that enough?"Bigla na lang napahinto ang mag-asawa nang offer-an sila ng ganitong kalaking halaga para lamang sa hinihinging kapalit nito. Animo'y naging estatwa ang mag-asawa dahil hindi makapaniwala sa presyong ibinibigay para sa kanila."B-But it's huge--""I know. But it's up to you if you want to deal with it or not. So I couldn't waste my time--""Yes, Mr. Mizores!"Kaagad tumugon ang padre de pamilya kaya't napalingon ang asawa nito sa kaniya. Takang-taka ang ina ng tahanan sa asawa nitong tila walang ibang iniisip kundi ang malaking halaga ng pera."Kailan mo ba siya balak kunin?" tanong muli ng padre de pamilya. Hinawakan siya ng kaniyang asawa at umiling-iling sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata nito na nakikiusap siya na huwag na huwag siyang papayag sa alok nito."Bukas ng gabi," walang emosyong tugon ni Mr. Mizores. "H'wag niyong sasabihing binili ko siya. Just tell her she has a man who's going to marry her. Don't be stupid.""Copy, Mr. Mizores

    Last Updated : 2023-02-04

Latest chapter

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 1

    CHAPTER 1Nakadungaw sa bintana ng sasakyan si Yorzuaa habang nakangiti dahil excited na siya na makita ang mapapangasawa. Sabik na rin siyang pagsilbihan ito at gawin ang gusto nitong gawin.Kalaunan ay nanlaki na lang ang mga mata niya sa pagkamangha, gayundin ay napanganga siya nang makita ang malaking mansyon. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa personal."Ang ganda naman dito!" mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. Nang matapat ang sasakyan sa gate ay kusa itong nagbukas. Nadaan pa sila sa malaking fountain sa gitna bago naiparada ang sasakyan sa may mismong harapan ng malaking pinto.Pinagbuksan si Yorzuana ng isang guard kaya't bumaba siya at nananatili pa rin ang pagmamangha niya sa mansyon. Para siyang isang prinsesa na pakakasalan ng isang prinsipe."This way, ma'am," sabi ng guard kaya't agad niya itong sinundan. Nakita niya na ang iba sa mga ito ay ibinababa ang kaniyang mga bagahe.Sinundan ni Yorzuana ang guard. Manghang-mangha pa rin siya sa ganda at lawak ng mans

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   SIMULA

    "10 billion dollars. Isn't that enough?"Bigla na lang napahinto ang mag-asawa nang offer-an sila ng ganitong kalaking halaga para lamang sa hinihinging kapalit nito. Animo'y naging estatwa ang mag-asawa dahil hindi makapaniwala sa presyong ibinibigay para sa kanila."B-But it's huge--""I know. But it's up to you if you want to deal with it or not. So I couldn't waste my time--""Yes, Mr. Mizores!"Kaagad tumugon ang padre de pamilya kaya't napalingon ang asawa nito sa kaniya. Takang-taka ang ina ng tahanan sa asawa nitong tila walang ibang iniisip kundi ang malaking halaga ng pera."Kailan mo ba siya balak kunin?" tanong muli ng padre de pamilya. Hinawakan siya ng kaniyang asawa at umiling-iling sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata nito na nakikiusap siya na huwag na huwag siyang papayag sa alok nito."Bukas ng gabi," walang emosyong tugon ni Mr. Mizores. "H'wag niyong sasabihing binili ko siya. Just tell her she has a man who's going to marry her. Don't be stupid.""Copy, Mr. Mizores

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status