Share

CHAPTER 2

Author: Rouzan Mei
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 2

"Wala kang pakialam."

Alam niyang mabibigla ang babae sa sinabi n'yang 'yon ngunit gaya ng sinabi niya ay wala siyang pakialam.

Walang ibang pagkakalibangan si Roger Mizores kundi ang uminom ng alak at gamitin ang mga babae. He believes that money CAN buy happiness. Kaya sa tuwing may magpapasaya sa kaniya, binibili niya ang mga ito.

He bought Yorzuana because he knows that she can make him happy. Sa ganda at alindog ba namang taglay nito ay alam ni Roger na mapapaligaya siya nito.

Umalis siya at nagpunta sa club to drink a lots of beer. Palagi niya itong ginagawa tuwing gabi. At nang makarating ay natawa na lang nang bahagya ang nag-iisa niyang kaibigan na si Janwill Excacio.

"Himala yata? Hindi ka sumipot sa tamang oras," umiiling nitong sabi kay Roger. Naupo lang si Roger sa tapat nito at saka nagsalin ng alak sa baso.

"Hmm..."

"Hulaan ko, binili mo?" tanong agad ni Janwill ngunit tinignan lang siya ni Roger. Napangisi at napailing na lang ito sa kaibigan. "Sinasabi ko na nga ba e. Lahat naman ng gusto mo dinadaan mo pera-pera. Kunsabagay, bilyonaryo nga naman."

"That's the only way to make her mine," walang emosyon namang tugon ni Roger bago naghithit ng sinindihang sigarilyo.

"Alam ko. Pero sinasabi ko lang sa 'yo, ha? Kapag 'yan nagsawa sa ugali mo, matutad din 'yan sa mga babaeng binili mo lang noon. Iiwanan at iiwanan ka rin n'yan. Although sabihin nating pagmamay-ari mo sila pero yung puso nila, hindi."

Tinignan lang ni Roger ang kaibigan at walang ano-ano nang maalala niya ang mga binili niya noong mga babae.

Sa buong buhay ni Roger bilang isang binata, siguro ay nasa apat hanggang limang babae na ang binili niya para lang paligayahin siya. Mayroong sa mga ito na ayaw, napilitan at gustong-gustong sumama sa kaniya.

Ngunit sa limang 'yon ay si Yorzuana lang ang tanging sumama na walang anumang kadahilanan. May tanong sa isip niya kung bakit pero hindi na niya ito aalamin.

"Tulala ka na naman d'yan. Magsaya muna tayo, Rodge. Teka lang at magpapatawag ako ng chica-babes," sabi pa ni Janwill bago pumito nang malakas at nagtawag ng dalawang babae.

HE woke up around 4:00 am to prepare himself to go to his company. Siya palagi ang pinakamaagang tao roon dahil mas inuuuna niya ang mag-isip nang mag-isip bago magtrabaho ang dapat itrabaho.

Hindi maalis-alis ang mapait niyang nakaraan sa kaniyang isipan. All of those were the reason why he's now a f*cking billionaire. Nakamit niya 'yon nang mag-isa at walang tulong ng sinuman.

But despite of this, hindi niya rin makakalimutan na dahil din sa yaman kung bakit nagkabuwag-buwag ang pamilya nila. He almost die because of money that he thought it would help him to make every people around to love him.

"Argh!" mahinang sambit niya sa sarili niya nang maalala niya 'yon. Panay ang paggalaw niya sa inuupuan niyang swivel chair habang pinapaikot-ikot ang ballpen sa mga daliri niya.

Pansamantala muna niyang itinabi sa kaniyang isipan ang pangyayaring 'yon nang maalala niyang bigla si Yorzuana. Sinabihan na niya ang mga tauhan na kung sakali mang may gawin itong hindi maganda ay ikulong ito sa kaniyang silid at siya na ang bahala rito. He already wasted a lots of money para sa mga babaeng gusto niyang bilhin ngunit tumakas at iniwan siya. This time, hinding-hindi na mauulit 'yon.

SA PAGKAGISING ni Yorzuana ay wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain at magpahinga dahil pinagsisilbihan siya ng mga tauhan sa mansyon. Nakaramdam siya ng pagkaburyong kaya't naisipan niyang maglakad-lakad muna. Sigurado naman siya na sa buong araw na ito ay hindi niya matatapos libutin ang buong mansyon.

Sa pagka-curious niya kagabi sa laman ng kwarto ni Roger ay 'yon ang pinuntahan niya. Muli niyang nakita ang maganda at malawak na kwarto ng aniya'y kaniyang mapapangasawa. Gusto niya itong makilala nang lubusan kaya't naghanap siya ng mga bagay na may laman ng identity nito.

Habang naghahanap ay may nalaglag na lang bigla mula sa mesa ang napakaraming papel kaya't agad 'yong dinampot ni Yorzuana at inayos bago inilagay sa mesa. Akmang aalis pa lamang siya nang bigla ay napansin niya ang papel na 'yon. Hindi man niya basahin ng buo ngunit alam niya na ang mga 'yon ay papeles ng bawat property ni Mr. Mizores. Ngunit ang mas lalong napukaw sa kaniya ay ang pangalan niya ring nakalagay rito.

Anong ibig sabihin nito?

Hinanap niya ang papeles na hinahanap niya at napangiti na lang siya sa sarili dahil nakalagay lang pala 'yon sa isang drawer.

"Roger Subenia Mizores," banggit ni Yorzuana sa pangalan nito at tila kinilig pa. "Babagay naman siguro sa 'kin yung apelyido niya, 'no? Yorzuana Mizores," sabi niya pa sa sarili habang nakangiti.

Binasa-basa pa ni Yorzuana ang mga nakalagay roon at tila kinabisado pa ang mga ito saka niya muling ibinalik 'yon sa kung saan niya nakuha. Hindi pa siya nakuntento ay nilibot at pinakialaman pa niya ang iba pang kagamitan sa kwarto ni Roger.

But this time, naka-focus naman siya sa mga aklat ni Roger na nakalagay sa bookshelves. Pinakialaman rin niya ang mga ito at napagtantong hindi pala 'yon mga totoong libro kundi mga lalagyanan lang pala ito.

"Ang dami namang sikreto dito!" pagmamanghang sabi ni Yorzuana sa sarili.

Mas lalo siyang namangha nang akmang kukunin niya ang isang aklat ngunit nagbukas ang bookshelves nang mahati ito sa gitna. Hindi siya makapaniwala na sa likod nito ay may natatagong kwarto. Dahil sa kuryosidad ay pinasok niya ito.

Dahan-dahang naglalakad si Yorzuana habang tinitignan ang buong paligid. May mga naka-display sa dingding na mga tila papeles na nasa loob ng isang frame at may babasagin na tila harang nito. Para siyang nasa loob ng isang museo. Akmang gagalawin niya ang isa sa mga iyon nang bigla na lang may humawak sa kaniyang kamay. Sa gulat niya ay agad siyang napatingin kung sino 'yon.

"What the hell are you doing in my room?!" galit na galit na tanong ni Mr. Mizores sa kaniya kaya't nakaramdam siya ng pagkatakot. Agad siya nitong hinila palabas mismo ng kwarto at tinulak ito dahilan kaya't napakapit na lang bigla si Yorzuana sa isang mesa.

"H-Hindi ko naman sinasadya na--"

"H'wag mong papakialaman ang mga kagamitan ko! Nagkakaintindihan ba tayo?!" tanong ni Mr. Mizores dahilan at napatango na lang si Yorzuana dahil sa pagkatakot. Hindi niya namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya kaya't dali-dali niyang iniwas ang tingin kay Roger.

Hindi na umimik pa si Yorzuana at bigla na lang tumakbo paalis papunta sa kaniyang silid. Pagkapasok ay agad niyang sinara ang pinto at walang ano-ano nang maiyak na lang siya. Panay naman ang pagpahid niya sa kaniyang mga luha at iniisip na kasalanan din naman niya kung bakit nagalit si Mr. Mizores. Dapat ay hindi na lang niya 'yon pinakialaman pa.

HINDI NAPANSIN ni Yorzuana na nakatulog na pala siya habang iniisip ang nangyari. Hapon na nang magising siya. Bagaman takot ay binuksan niya ang pinto ng kaniyang kwarto at lumabas para sana humingi ng tawad kay Roger. Alam niyang mali na pinakialaman niya ang gamit na hindi naman kaniya.

"Are you hungry?"

Agad na lang napalingon si Yorzuana dahil sa malalim na boses na 'yon na nagtanong sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na si Mr. Mizores ay nasa likod lang niya habang nakapamulsa ang mga kamay at seryosong sinusundan siya.

"I was in your room. Hindi mo ba 'ko nakita?" seryoso pang tanong nito.

"A-Ahmm... Mr. Mizo--"

"Go and prepare yourself."

Ito lang ang tanging narinig niya kay Roger bago ito umalis. Huminga na lang siya nang malalim dahil alam naman niya na hindi siya no'n pakikinggan. Ngunit para kahit papaano ay matuwa ito sa kaniya, sinunod ni Yorzuana ang sinabi ng aniya'y mapapangasawa. Nilinis niya ang sarili at hinanda. She even put make up on her face para hindi magmukhang ewan sa harapan ng binata.

Matapos ng mahabang proseso ng pag-aayos ay saka siya lumabas ng kwarto. Dumiretso siya ng dining area sa inaakala na magsasabay ulit silang kakain ngunit wala ito. Nagtaka na lang si Yorzuana kung nasa saan si Mr. Mizores.

Umakyat muli siya para sana bumalik sa silid ngunit nakita niya na nakaawang nang bahagya ang pinto ng kwarto ni Mr. Mizores. Bagaman takot ay sinunod niya ang kuryosidad at 'yon ay lapitan 'yon.

"Come."

Halos tumindig ang balahibo niya nang marinig ang mahina at mababang boses ni Mr. Mizores. Nakaupo ito habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"A-Anong ibig sabihin nito? Anong meron?" Nagtataka at kinakabahang tanong ni Yorzuana.

"Apology will be accepted if you satisfy me, lady. Go and pleasure your fiance," tila ba nang-uuto na sabi ni Roger sa dalaga. Samantala, tila ba'y nag-sink in sa utak ng dalaga ang sinabi nito. Kaya't bagaman kabado at nanginginig ay gusto niyang mapaligaya ang kaniyang magiging asawa.

Isinara ni Yorzuana ang pinto ng kwarto nang makapasok siya. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harapan ni Roger at doon ay hinubad ang kaniyang suot na animo'y wala siya sa kaniyang sarili.

Samantala, halos magningning naman ang mga mata ni Roger nang makita ang ganda ng hubog ng katawan ng dalaga.

Kaugnay na kabanata

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3Nagising na lang bigla si Yorzuana nang makarinig siya ng tunog ng sinturon kaya't agad niyang tinignan kung kanino nanggagaling 'yon. Nakita niya na lang si Roger na isinusuksok ang kaniyang sinturon sa pang-ibaba nitong suot."You did not well," seryosong sabi niya kay Yorzuana habang hindi nakatingin dito. "Hindi ka mahusay sa kama," dugtong pa niya."T-This is my first ex--""I know."Parang balewala lang kay Roger ang mga sinasabi ni Yorzuana habang nagbibihis ito. Kalaunan ay hindi niya ito pinansin nang umalis siya at iniwan ang dalaga sa ibabaw ng kama. Tila tumamlay naman ang mukha ni Yorzuana dahil hindi niya napaligaya sa unang pagkakataon ang kaniyang fiance.Tumayo't nagbihis ang dalaga pagtapos ay lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa dining area. Kumakain na roon mag-isa si Roger at hindi siya pinansin. Animo'y balewala lang siya rito. Umupo ang dalaga na may tatlong upuang pagitan mula kay Roger. Tahimik siyang nagsandok at kumain. Maya-maya pa'y nang biglan

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4Habang wala si Roger sa mansion ay kumilos si Yorzuana sa kung anong pwede niyang gawin para hindi maburyong, ngunit kahit anong pinagkakaabalahan ang gawin niya ay hindi niya maalis sa isipan si Daza: Ang babaeng nakalaguyo ni Roger nitong nakaraang gabi.Nag-iisip siya kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya? Maya-maya lamang ay biglang may kumatok sa kaniyang kwarto kaya't pinapasok niya ito. Bumungad naman sa kaniya si Jaxen. "Ma'am, handa na po yung pananghalian ninyo," saad nito sa kaniya. Napukaw na lang din sa kaniyang pansin ang hawak nitong aklat kaya't marahan siyang napaiwas ng tingin. "Mauuna na po ako."Kaagad namang tinago ni Yorzuana ang kaniyang mga gamit upang kumain ng tanghalian. Matapos nito ay kaagad din siyang bumalik upang simulang basahin ang mga dapat niyang alamin. Wala siyang kaalam-alam sa sekswal na bagay kaya't gano'n na lamang ang focus niya na alamin ang lahat ng ito.Nakakaramdam siya ng kaba dahil sa bagay na ito. No'ng una nila itong gin

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   SIMULA

    "10 billion dollars. Isn't that enough?"Bigla na lang napahinto ang mag-asawa nang offer-an sila ng ganitong kalaking halaga para lamang sa hinihinging kapalit nito. Animo'y naging estatwa ang mag-asawa dahil hindi makapaniwala sa presyong ibinibigay para sa kanila."B-But it's huge--""I know. But it's up to you if you want to deal with it or not. So I couldn't waste my time--""Yes, Mr. Mizores!"Kaagad tumugon ang padre de pamilya kaya't napalingon ang asawa nito sa kaniya. Takang-taka ang ina ng tahanan sa asawa nitong tila walang ibang iniisip kundi ang malaking halaga ng pera."Kailan mo ba siya balak kunin?" tanong muli ng padre de pamilya. Hinawakan siya ng kaniyang asawa at umiling-iling sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata nito na nakikiusap siya na huwag na huwag siyang papayag sa alok nito."Bukas ng gabi," walang emosyong tugon ni Mr. Mizores. "H'wag niyong sasabihing binili ko siya. Just tell her she has a man who's going to marry her. Don't be stupid.""Copy, Mr. Mizores

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 1

    CHAPTER 1Nakadungaw sa bintana ng sasakyan si Yorzuaa habang nakangiti dahil excited na siya na makita ang mapapangasawa. Sabik na rin siyang pagsilbihan ito at gawin ang gusto nitong gawin.Kalaunan ay nanlaki na lang ang mga mata niya sa pagkamangha, gayundin ay napanganga siya nang makita ang malaking mansyon. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa personal."Ang ganda naman dito!" mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. Nang matapat ang sasakyan sa gate ay kusa itong nagbukas. Nadaan pa sila sa malaking fountain sa gitna bago naiparada ang sasakyan sa may mismong harapan ng malaking pinto.Pinagbuksan si Yorzuana ng isang guard kaya't bumaba siya at nananatili pa rin ang pagmamangha niya sa mansyon. Para siyang isang prinsesa na pakakasalan ng isang prinsipe."This way, ma'am," sabi ng guard kaya't agad niya itong sinundan. Nakita niya na ang iba sa mga ito ay ibinababa ang kaniyang mga bagahe.Sinundan ni Yorzuana ang guard. Manghang-mangha pa rin siya sa ganda at lawak ng mans

Pinakabagong kabanata

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 2

    CHAPTER 2"Wala kang pakialam."Alam niyang mabibigla ang babae sa sinabi n'yang 'yon ngunit gaya ng sinabi niya ay wala siyang pakialam.Walang ibang pagkakalibangan si Roger Mizores kundi ang uminom ng alak at gamitin ang mga babae. He believes that money CAN buy happiness. Kaya sa tuwing may magpapasaya sa kaniya, binibili niya ang mga ito.He bought Yorzuana because he knows that she can make him happy. Sa ganda at alindog ba namang taglay nito ay alam ni Roger na mapapaligaya siya nito.Umalis siya at nagpunta sa club to drink a lots of beer. Palagi niya itong ginagawa tuwing gabi. At nang makarating ay natawa na lang nang bahagya ang nag-iisa niyang kaibigan na si Janwill Excacio."Himala yata? Hindi ka sumipot sa tamang oras," umiiling nitong sabi kay Roger. Naupo lang si Roger sa tapat nito at saka nagsalin ng alak sa baso."Hmm...""Hulaan ko, binili mo?" tanong agad ni Janwill ngunit tinignan lang siya ni Roger. Napangisi at napailing na lang ito sa kaibigan. "Sinasabi ko na

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   CHAPTER 1

    CHAPTER 1Nakadungaw sa bintana ng sasakyan si Yorzuaa habang nakangiti dahil excited na siya na makita ang mapapangasawa. Sabik na rin siyang pagsilbihan ito at gawin ang gusto nitong gawin.Kalaunan ay nanlaki na lang ang mga mata niya sa pagkamangha, gayundin ay napanganga siya nang makita ang malaking mansyon. Ngayon lamang siya nakakita ng ganito sa personal."Ang ganda naman dito!" mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. Nang matapat ang sasakyan sa gate ay kusa itong nagbukas. Nadaan pa sila sa malaking fountain sa gitna bago naiparada ang sasakyan sa may mismong harapan ng malaking pinto.Pinagbuksan si Yorzuana ng isang guard kaya't bumaba siya at nananatili pa rin ang pagmamangha niya sa mansyon. Para siyang isang prinsesa na pakakasalan ng isang prinsipe."This way, ma'am," sabi ng guard kaya't agad niya itong sinundan. Nakita niya na ang iba sa mga ito ay ibinababa ang kaniyang mga bagahe.Sinundan ni Yorzuana ang guard. Manghang-mangha pa rin siya sa ganda at lawak ng mans

  • Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)   SIMULA

    "10 billion dollars. Isn't that enough?"Bigla na lang napahinto ang mag-asawa nang offer-an sila ng ganitong kalaking halaga para lamang sa hinihinging kapalit nito. Animo'y naging estatwa ang mag-asawa dahil hindi makapaniwala sa presyong ibinibigay para sa kanila."B-But it's huge--""I know. But it's up to you if you want to deal with it or not. So I couldn't waste my time--""Yes, Mr. Mizores!"Kaagad tumugon ang padre de pamilya kaya't napalingon ang asawa nito sa kaniya. Takang-taka ang ina ng tahanan sa asawa nitong tila walang ibang iniisip kundi ang malaking halaga ng pera."Kailan mo ba siya balak kunin?" tanong muli ng padre de pamilya. Hinawakan siya ng kaniyang asawa at umiling-iling sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata nito na nakikiusap siya na huwag na huwag siyang papayag sa alok nito."Bukas ng gabi," walang emosyong tugon ni Mr. Mizores. "H'wag niyong sasabihing binili ko siya. Just tell her she has a man who's going to marry her. Don't be stupid.""Copy, Mr. Mizores

DMCA.com Protection Status