Malungkot na umuwi sa condo ni Gaustav si Zyra. Habang pauwi ay hindi pa rin natatapos ang pag-iyak niya. "Alam ko naman na mahirap ang buhay namin! Pero para maging ganyan siya? Hindi ko maintindihan! Sumusobra na siya!" sigaw niya pagkalagay ng kanyang bag sa lamesa. "Zyra, please calm down. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iyak nang pag-iyak, okay? Umupo ka muna at kumalma," sabi ni Gaustav habang kumukuha siya ng tubig para ibigay sa dalaga. Humihikbi si Zyra nang umupo siya sa sofa. Iniisip niya kung paano siya makakabalik sa kanyang pamilya na hindi ganoon ang magiging reaksyon nila. Nang makakuha na ng tubig ay agad na binigay iyon ni Gaustav sa kanya. Ininom naman agad niya iyon dahil kanina pa siya uhaw dahil sa labis na pag-iyak. "Tama naman ang naging reaksyon ko kanina, 'di ba? Sumusobra na sila eh. Alam mo, hindi pa kita kilala ay ganun na si nanay. Mas lumala pa nga ngayon eh," sabi ni Zyra. FLASHBACK. . Tahimik na naglalaro si Zyra sa labas ng bahay nila na
Masayang nag-uusap sina Zyra at Lenie sa isang coffee shop malapit sa Ramirez Group of Companies. Halos isang oras na silang nakatambay doon nang biglang nakita ni Zyra ang kanyang boyfriend na may kasamang iba. Hindi agad nakita ni Jeremy si Zyra dahl malayo ang dalawa sa pinto ng coffee shop.Gulat na gulat si Lenie nang makita si Jeremy. Agad siyang napatingin sa kaibigan dahil alam niyang ito ay boyfriend ni Zyra. Biglang tumayo si Zyra para puntahan ‘yong dalawa kaya sumunod agad si Lenie sa kanya.“Really now, Jeremy? Dito mo pa talaga dinala ang babaeng iyan sa coffee shop malapit kung saan ako nagtatrabaho? Binabalandra mo ba talaga sa akin na may iba ka?” sabi ni Zyra, nagulat naman si Jeremy nang makita ang kanyang girlfriend.“A-Ah, Let me explain, Zyra. Sinamahan ko lang si Kristine to meet her friend. Baka kasi-” hindi na natuloy ni Jeremy ang kanyang sinasabi dahil sinampal agad siya ni Zyra.Agad namang tumayo ‘yong babae para harapin si Zyra. Galit na galit ito kahit s
Pumunta na nga sina Lenie at Zyra sa sa isang bar malapit sa condominium ni Alexis. Doon sila pumunta dahil ayaw ni Alexis na lumayo pa ‘yong dalawa, lalo’t hindi pa siya kasama.“Buti pinayagan kang lumabas ni Sir Alexis ‘no? Anong pinaalam mo sa kanya?” tanong ni Zyra.“Simple lang, sabi ko gusto lang kitang makasama. Bonding kumbaga. Papayag naman ‘yon basta malapit at mag-uupdate lang ako sa kanya,” sagot ni Lenie.Nakaramdam ng inggit si Zyra noon pero hindi niya pinahalata. Uminom na lang siya ng Sangria na kanyang in-order doon sa bartender.Ilang minuto pa ay lumapit ang waiter kay Zyra. May dala itong drink, Sex on the Beach naman. “Para kanino ‘yan? Hindi naman kami um-order niyan. Lenie, sa iyo bang order ito?” sabi ni Zyra.“Ha? Hindi, ah. Parehas namang Sangria ang in-order natin. Hindi sa akin iyan,” sagot naman ni Lenie.“Para sa inyo daw po sabi noong VIP namin. Nasa kabilang table po siya. Doon po,” sabay turo ng waiter doon sa lalaki. May inabot pang papel ‘yong w
Nagising na lang sila noon. Parehas na walang saplot kaya gulat na gulat si Zyra. Hindi na niya maalala kung ano ang nangyari sa kanila ng lalaking katabi niya. Nagmadali siyang magbihis para makaalis na pero pilit siyang pinipigilan ni Gaustav. “Why? Hindi mo ba nagustuhan kung ano ‘yong nangyari sa atin kagabi? I’ll admit, nagustuhan ko talaga iyon and I’m hoping another one,” deretsahang sabi ni Gaustav na labis na kinagulat ni Zyra. “Really now? Alam mo, kung ano man ‘yong nangyari sa atin, wala na iyon. Ibaon mo na sa limot dahil kahit kailan ay hindi na kita makikita pang muli. Pangako iyan,” sagot ni Zyra. “Are you sure? What if I tell you that I want to get you pregnant, Ms. Zyra Bermudez?” sabi ni Gaustav kaya agad siyang sinampal ni Zyra. “Ouch! Why? Ginusto mo naman kung anong nangyari kagabi, ‘di ba? Bakit ngayon, nag-iba yata ang ihip ng hangin?” sabi ni Gaustav, hawak pa riin niya ang kanyang pisngi dahil sa sampal ni Zyra sa kanya. “Maybe I wanted it but I will
Dahil sa nangyari sa kanyang kapatid ay naisipan ni Zyra na mag part-time job pa sa isang fastfood chain malapit sa Ramirez Group of Companies. Pumapasok siya rito tuwing day-off siya roon sa kumpanya. Kung minsan nga ay nakikita niya ang kaibigang si Lenie roon pero dahil limited lang naman ang oras niya ay hindi na niya ito nakaka-chikahan. Isang araw, habang nagtatrabaho siya ay may lumapit na isang babae sa kanya. Hindi niya iyon agad nakilala pero noong nagsalita na ito ay nagsimula nang uminit ang dugo niya. “Aww, dito ka na pala nagtatrabaho? Akala ko ba, nasa RCG ka? Ano? Tinanggal ka na ba roon dahil sa pag-aaway natin sa labas ng kumpanya nila? Kawawa ka naman. Sige, order nga ako,” sabi ni Kristine. Kinalma muna ni Zyra ang kanyang sarili bago tuluyang magsalita. Ayaw naman kasi niyang mawalan ng trabaho kahit pa sabihin na part time lang iyon. Isa pa, nilagay niya rin sa kanyang isipan na buntis ang babae sa harapan niya kaya kailangan ay maging kalmado siya sa pakikipa
“Ano? Nawalan ka na ng part-time job? Bakit? Paano na iyan, anak? Saan ka na mag-aapply ulit ngayon?” may pangambang tanong ni Cynthia sa kanyang anak.“Hindi ko pa po alam sa ngayon pero hahanap po ako. Saka, okay pa rin naman po ‘yong kita ko sa RCG. Sa ngayon po ay iyon muna ang gagamitin ko para kay Leo,” nakayukong sagot ni Zyra.Inalis na kasi siya roon sa fastfoodchain dahil nagmakaawa si Kristine sa manager. Kahit kita naman na ‘yong customer ang nauna ay si Zyra pa rin ang may kasalanan. Sinubukan ni Zyra na magpaliwanag pero hindi iyon pinakinggan noong manager niya.“Ano kaya kung humiram ka ng pera roon sa boss ninyo ni Lenie? Fiance naman iyon ng kaibigan mo, ‘di ba? Baka naman maawa sa iyo at bigyan ka ng pera. Sabihin mo na lang, ikaltas sa sweldo mo,” suhestyon ni Cynthia.Napaupo na lang si Zyra sa kanilang sofa dahil sa narinig. Alam naman kasi niya na hindi ganoon kadali iyon. Isa pa, binigyan na rin siya ng kanyang boss kaya malabong pagbigyan siya nito.“Nay, naka
"Ah, kanina ka pa ba nandyan?" nahihiyang tanong ni Gaustav. Tumango-tango naman si Zyra at napayuko na lang dahil sa hiya. Hindi naman niya kasi sinasadya na marinig kung ano man 'yong pinag-uusapan noong dalawa. "Ano pala ang kailangan mo? Bakit ka napapunta rito?" Sige, pumasok muna tayo sa loob para mag-usap? Ayos lang ba iyon sa iyo?" tanong ni Gaustav. Napatingin naman si Zyra kay Gaustav dahil sa sinabi niya pero noong mga oras na iyon ay gusto na niyang mag-back out sa kanyang plano. "Ah, wala. Hindi na. Okay na iyon. Mas maigi yata kung unahin mo na lang 'yong problema mo sa babaeng iyon," sagot naman ni Zyra. "Problema? Wala na akong problema sa babaeng iyon dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi sa akin 'yong bata. Niloko niya ako, eh. Magtiis siya, hindi ako magpapaka-tatay doon sa bata," halatang galit si Gaustav nang sabihin niya iyon kay Zyra. "Pero paano kung-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Gaustav sa kanya. "Wala n
Umuwi si Zyra sa bahay nila na puno ng tanong sa kanyang sarili. Hindi niya talaga alam kung tama bang pumayag siya sa gusto ni Gaustav.Pero sa kabila ng mga tanong ay masaya siya dahil sa wakas ay mapapyansahan na niya ang kapatid na si Leo kahit pa nagkagalit sila ng nanay niyang si Cynthia.Pagpasok pa lang niya ng bahay ay tinanong na agad siya ng kanyang ina kung nakagawa ba siya ng paraan para mapawalang sala si Leo."O, ano? Nakahanap ka ba ng pera?" Sa tono pa lang ng nanay ni Zyra ay alam mong galit pa rin ito sa kanyang anak. Para ngang hindi na lalambot ang puso nito sa kanya.Hindi na lang nagsalita si Zyra, agad niya na lang pinakita ang cheke na kanyang hawak. Nanlaki ang mga mata ni Cynthia nang makita iyon.Ngumiti agad siya at niyakap ang anak. Para bang nabura na ang lahat ng galit nito sa anak kanina. Napailing na lang si Zyra.'Mahal mo na naman ako dahil nakagawa ako ng paraan, pero paano kaya kung hindi? Sigurado akong mainit na agad ang ulo mo sa akin.'"Anak,
Malungkot na umuwi sa condo ni Gaustav si Zyra. Habang pauwi ay hindi pa rin natatapos ang pag-iyak niya. "Alam ko naman na mahirap ang buhay namin! Pero para maging ganyan siya? Hindi ko maintindihan! Sumusobra na siya!" sigaw niya pagkalagay ng kanyang bag sa lamesa. "Zyra, please calm down. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iyak nang pag-iyak, okay? Umupo ka muna at kumalma," sabi ni Gaustav habang kumukuha siya ng tubig para ibigay sa dalaga. Humihikbi si Zyra nang umupo siya sa sofa. Iniisip niya kung paano siya makakabalik sa kanyang pamilya na hindi ganoon ang magiging reaksyon nila. Nang makakuha na ng tubig ay agad na binigay iyon ni Gaustav sa kanya. Ininom naman agad niya iyon dahil kanina pa siya uhaw dahil sa labis na pag-iyak. "Tama naman ang naging reaksyon ko kanina, 'di ba? Sumusobra na sila eh. Alam mo, hindi pa kita kilala ay ganun na si nanay. Mas lumala pa nga ngayon eh," sabi ni Zyra. FLASHBACK. . Tahimik na naglalaro si Zyra sa labas ng bahay nila na
Dahil busog at tapos na ang kwentuhan ay napag-isipan ni Zyra at Gaustav na magpahangin muna sa labas. Napansin ni Gaustav na sobra ang pag-iisip ni Zyra kaya hindi niya naiwasan na hindi tanungin ito kung anong problema. Hindi kasi masyadong nag-uusap ang dalaga noong kumakain sila. "Uy, Zyra. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi nag-uusap, ah. May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa akin." Tahimik lang noon si Zyra, iniisip niya kung dapat ba talagang sabihin niya kay Gaustav ang nasa isip niya. Nang ma-realize na kanina pa naghihintay ang binata sa sagot niya ay sumagot na rin siya nang tuluyan dito. "Wala naman, naisip ko lang kanina na baka napasama pa 'yong pagbibigay ko ng pera kay nanay. Ang dami niyang binili para sa amin. Oo, pwede naman talaga niyang gawin kahit na anong gusto niya roon sa pera. Pero, iba 'yong nasa isip ko eh. Mas ginamit niya pa sana sa mas makabuluhan, 'di ba?" sagot ni Zyra. Tumingin lang noon si Gaustav, kahit paano ay naiintindihan naman ni
Noong una ay ayaw pang magpasama ni Zyra kay Gaustav kaya pinilit niya pa ang dalaga. Nung mga oras na iyon ay gulong-gulo si Zyra, hindi niya alam kung paano sasabihin sa ina at kapatid kung ano ang nangyari. "Sige na, hanggang dito na lang ako. Hassle pa kasi sa iyo kung papasok ka pa roon e," sabi ni Zyra. "Ha? Hindi, ayos lang naman sa akin. Para na rin makita ko si Tita at 'yong kapatid mo. Okay lang naman siguro iyon sa iyo, 'no?" sagot ni Gaustav kaya wala nang nagawa si Zyra noon. Agad siyang kumatok sa pinto ng bahay nila. Naninibago pa nga siya dahil kung anu-anong dekorasyon ang nandoon. Akala tuloy niya ay hindi niya 'yon bahay. Nang buksan iyon ni Leo ay gulat na gulat siya. 'Yong gulat ay hindi masaya kung hindi takot. "A-Ate, bakit ka nandito? Akala ko ba ay titira ka na roon kay Gaustav?" tanong ni Leo, nauutal pa. "Ah, kailangan kong umuwi kasi nagkaroon ng problema sa kanila. Actually, nandito nga siya ngayon eh," sagot ni Zyra pagkatapos ay nakita ni Leo
Sa kotse pa lang ay hindi na mapakali si Zyra pero pinilit niyang hindi ipakita iyon kay Gaustav. Pero, dahil tahimik siya ay alam ni Gaustav na sobrang apektado niya sa nangyari. "Zyra, I'm sorry for what happened. Hindi ko naman alam na mangyayari ito. Patawarin mo sana ako at ang pamilya ko," sabi ni Gaustav habang nagda-drive. "Gaustav, wala namang tayo eh. I'm good with that. Masakit lang magsalita ang Daddy at Mommy mo pero okay lang sa akin iyon. Naiintindihan ko naman kung bakit nila ginawa 'yon eh," sagot ni Zyra, pero ang totoo ay durog na siya sa loob. "No, that is not okay. Nobody deserves that kind of treatment, lalo pa at hindi mo pa sila kilala. Ako ang nahihiya para sa kanila. Parang wala silang pinag-aralan sa mga inasal nila kanina," sagot naman ni Gaustav. Panis ang inis sa kanyang boses. "Gaustav, may dahilan kung bakit iyon ang ginawa nila. Maybe, iyon ang alam nilang best for you kaya ganoon ang naging desisyon nila," sagot ni Zyra na lalong kinainis ni Gaust
"At saan mo naman nakilala ang anak ko? Hindi kita kilala, hindi ka pa niya dinadala rito, ano?" mataray pa rin ang approach ni Vilma kay Zyra kaya kumakabog ang dibdib niya. "Tama po kayo, hindi pa po. Pero, may mga occasion po na magkasama kami ng anak niyo, minsan po sa birthday ng mga kaibigan namin," pagsisinungaling na rin ni Zyra para tumugma lang ang kwento nila. "Pero, lagi namang dinadala ni Gaustav ang mga kaibigan niya rito at never pa kitang nakita noon. So, who are you?" pagpipilit pa rin ni Vilma. "Tita, I'm a busy person kaya hindi niyo po talaga ako kilala. In fact, pati itong pagpunta ko sa inyo ay naka-schedule dahil sa sobrang pagka-busy ko," sagot na lang ni Zyra para matapos na ang kanilang usapan. Medyo nakahinga nang maluwag si Zyra nang tumahimik na si Vilma at tinuon na lang ang kanyang atensyon sa anak. "Anyways, kailangan daw makipag-usap ni Prescilla sa iyo tungkol sa anak niyo. Hija, I think you don't have a problem with that naman, ano?" sabi n
Sobrang kabado noon si Zyra, ang daming pumapasok sa isip niya. Bakit naman kasi kailangan na ipakilala na siya ni Gaustav sa magulang nito? Feeling niya, ang bilis-bilis ng mga pangyayari. "Sigurado ka ba rito? Ipapakilala mo na agad ako sa nanay mo? Paano kung hindi niya ako magustuhan? Baka kung anu-ano pa ang sabihin niya sa akin!" kabadong sabi ni Zyra. "Ano naman kung ayaw niya? Hindi naman siya ang makakasama mo kung hindi ako. Hayaan mo siya," sagot ni Gaustav pero kabado pa rin si Zyra noon. "Narinig ko na 'to sa kaibigan ko, e. Hindi siya tinanggap ng nanay noong mahal niya kasi mahirap lang siya. Ganoon din ang mangyayari satin, 'no?" sagot ni Zyra kaya nanlaki ang mga mata ni Gaustav at natawa na may halong kilig. "Anong ibig mong sabihin? Na gusto mo ako? Este, mahal mo na ako?" Agad na nanlaki rin ang mga mata ni Zyra dahil kung anu-ano na pala ang lumalabas sa kanyang bibig. "Ha? Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, sa madaling sabi ay baka nga ayaw sa akin
Simula noon ay hatid-sundo na ni Gaustav si Zyra sa trabaho. Lagi niyang sinasabihan ang binata na huwag na pero nagpupumilit ito kaya hinayaan na lang ni Zyra. Tuloy, kilig na kilig si Lenie sa tuwing nakikita niya na iyon ay ginagawa ni Gaustav sa kaibigan. "Uy, parang lagi ka na niya talagang hinahatid at sinusundo dito sa RCG. Grabe ha! Ang haba ng hair mo, BFF!" pang-aasar ni Lenie sa kanyang kaibigan. "Mahaba ka dyan? Naiinis na nga ako kasi laging nakasunod sa akin 'yan, parang aso. Parang hindi ako uuwi sa condo niya, e," sagot ni Zyra. "Ha? Hindi mo pa rin ba alam kung bakit ka hinahatid at sinusundo ni Gaustav? Girl, nililigawan ka niya! Manhid ka lang?" sagot ni Lenie kaya naman tinaasan siya ng kilay ni Zyra. "Nililigawan? Mukhang hindi naman niya kayang gawin 'yon. Binili niya lang nga ako eh. Sigurado na hindi 'yon marunong sa pagmamahal," komento ni Zyra. "Ay, na-judge agad? Zyra, mukhang okay naman siya, try mo kaya. Tutal, may nangyari naman na-" natigilan s
Kinabukasan, pagpasok ni Zyra sa RCG ay kinamusta agad siya ni Lenie dahil ilang araw siyang hindi pumasok. Nagtaka si Lenie kung bakit badtrip si Zyra nang magkita sila. "Uy, ano? Ayos ka lang ba? Bakit parang nakasimangot ka dyan? Hindi mo ba nailabas si Leo sa kulungan? E, 'di ba, kaya ka nga um-absent ay para doon? Anong nangyari sa iyo?" may pag-aalalang sabi ni Lenie."Nailabas ko naman na ng kulungan si Leo, pero kasi may problema pa rin ako ngayon," kwento ni Zyra."Ha? Ano pa bang problema mo? 'Yong bayad sa inutang mo? E, 'di ba, sabi naman niya ay okay lang na hindi mo agad bayaran iyon? Ano pang problema mo ngayon?" nagtatakang tanong ni Lenie."Oo, 'yong inutangan ko nga ang problema ko at hindi 'yong pambayad sa kanya ang dahilan kung bakit stressed ako ngayon," paliwanag ni Zyra."E, ano?""Lenie, si Gaustav Ramos. Sa kanya ako umutang. Alam mo ba kung ano ang gusto niya? Magsama kami sa condo niya. Ang matindi pa, gusto niya akong maging asawa at magkaroon kami ng ana
"Anong sabi mo? Tabi tayo?! Aba, wala naman sa usapan 'yon, ah!" inis na sabi ni Zyra nang kumalma na siya."Hindi naman na natin napag-usapan iyon. Akala ko ay payag ka na magtabi tayo. May nangyari na-" hindi na natapos ni Gaustav ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na si Zyra."Sinasabi ko sa'yo, hindi porket may nangyari na sa atin ay pwede mo nang gawin kung ano man ang gusto mo! Gawan mo ng paraan 'yan! Basta, ayaw kong tumabi sa iyo," galit na sabi ni Zyra pagkatapos ay umupo.Kitang-kita ni Gaustav ang pagsimangot ni Zyra sa kanya kaya alam niya na kailangan talaga niyang gumawa ng paraan. Natatakot siya na baka bigla na lang umalis si Zyra dahil hindi niya nasunod ang gusto nito."Sige na, doon ka na sa kama ko matulog," sabi ni Gaustav."Kung doon ako matutulog, saan ka?" tanong naman ni Zyra."Ako na ang bahala sa sarili ko. Kaya ko namang mag-book ng hotel. Doon na lang ako tutulog," sagot ni GAustav, tila ba malungkot siya kaya medyo na-guilty si Zyra sa kanyang ginawa.