Dahil busog at tapos na ang kwentuhan ay napag-isipan ni Zyra at Gaustav na magpahangin muna sa labas. Napansin ni Gaustav na sobra ang pag-iisip ni Zyra kaya hindi niya naiwasan na hindi tanungin ito kung anong problema. Hindi kasi masyadong nag-uusap ang dalaga noong kumakain sila. "Uy, Zyra. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi nag-uusap, ah. May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa akin." Tahimik lang noon si Zyra, iniisip niya kung dapat ba talagang sabihin niya kay Gaustav ang nasa isip niya. Nang ma-realize na kanina pa naghihintay ang binata sa sagot niya ay sumagot na rin siya nang tuluyan dito. "Wala naman, naisip ko lang kanina na baka napasama pa 'yong pagbibigay ko ng pera kay nanay. Ang dami niyang binili para sa amin. Oo, pwede naman talaga niyang gawin kahit na anong gusto niya roon sa pera. Pero, iba 'yong nasa isip ko eh. Mas ginamit niya pa sana sa mas makabuluhan, 'di ba?" sagot ni Zyra. Tumingin lang noon si Gaustav, kahit paano ay naiintindihan naman ni
Malungkot na umuwi sa condo ni Gaustav si Zyra. Habang pauwi ay hindi pa rin natatapos ang pag-iyak niya. "Alam ko naman na mahirap ang buhay namin! Pero para maging ganyan siya? Hindi ko maintindihan! Sumusobra na siya!" sigaw niya pagkalagay ng kanyang bag sa lamesa. "Zyra, please calm down. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iyak nang pag-iyak, okay? Umupo ka muna at kumalma," sabi ni Gaustav habang kumukuha siya ng tubig para ibigay sa dalaga. Humihikbi si Zyra nang umupo siya sa sofa. Iniisip niya kung paano siya makakabalik sa kanyang pamilya na hindi ganoon ang magiging reaksyon nila. Nang makakuha na ng tubig ay agad na binigay iyon ni Gaustav sa kanya. Ininom naman agad niya iyon dahil kanina pa siya uhaw dahil sa labis na pag-iyak. "Tama naman ang naging reaksyon ko kanina, 'di ba? Sumusobra na sila eh. Alam mo, hindi pa kita kilala ay ganun na si nanay. Mas lumala pa nga ngayon eh," sabi ni Zyra. FLASHBACK. . Tahimik na naglalaro si Zyra sa labas ng bahay nila na
Kinabukasan, pagpasok niya sa opisina ay pinagkwento agad siya ni Lenie dahil hindi na naman siya pumasok sa RCG. Inaasar-asar na siya ng kaibigan niya dahil napapadalas na ang biglaang pag-absent nito dahil lagi niyang kasama si Gaustav. "Ano? Siguro, kung anu-ano na ang nangyayari sa inyo ano? Aba, hindi na kita nakikita madalas dito sa kumpanya, ah!" biro ni Lenie. "Anong may nangyayari? Wala ah, puro problema nga ang meron kami ngayon eh!" sagot naman ni Zyra, kita na inis na inis siya. "Problema? Ano namang problema? Buntis ka na, ganon?" pang-aasar pa ulit ni Lenie sa kanyang kaibigan. "Alam mo, ikaw? Lalagyan ko ng tape 'yang bibig mo eh. Kung anu-ano kasi ang nalabas dyan. Naku, umayos ka nga! Baka kung sino pa ang makarinig sa atin, sige ka!" asar na sagot ni Zyra. "Sino naman? Sina Celeste at Vanessa? Naku, hayaan mo sila. Okay lang iyon. Ganon din naman ang nararamdaman ko kapag inaasar mo ako kay Sir Alexis eh. Pero, teka. Mabalik tayo sa sinabi mo, ano bang prob
Nagiging mabuti na ang relasyon nina Zyra at Gaustav. Halos isang linggo na rin silang magkasama sa condo. Kahit anong pagpipigil ni Zyra ay hindi niya magawang hindi mahulog kay Gaustav dahil kitang-kita naman niya na inaalagaan siya nito nang tama. Isang umaga ay nagluto ng bacon with egg si Gaustav at dahil naamoy iyon ni Zyra ay napabangon siya agad. Napangiti na lang siya nang makita ang binata na dala-dala ang isang tray habang nakangiti. Inayos ni Gaustav ang overbed table at pinatong doon ang pagkain ni Zyra. "Good morning. Bakit naman may paganito ka na ngayon? Seryoso ka ba rito? Parang ginagawa mo na akong prinsesa, ah?" nakangiting hirit ni Zyra. "Kulang pa nga iyan eh, dapat reyna na ang turin ko sa iyo. O, sige. Kumain ka na ha? Magliligpit lang ako sa labas. Ang dami ko kasing hugasin doon," paalam ni Gaustav, patayo na sana siya nang biglang tinawag ulit siya ni Zyra. "Gaustav, baka naman pwedeng mamaya ka na maghugas sa labas? Sabayan mo muna ako kumain, o. An
Dahil ang tagal lumabas ni Gaustav sa kwarto ay sinundan na siya ni Prescilla. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang makita niya si Zyra. Napatayo ang dalaga sa kama nang makita niya si Prescilla. "Ah, kaya pala. Nandyan pala ang girlfriend mo kaya hindi mo mabigyan ng oras ang anak mo. Okay, mas mabuti pa yata kung umalis na lang ako rito. Nakakaistorbo yata ako eh," sabi ni Prescilla, halata ang pagkainis sa kanyang boses. "Ano ba? Sinabi ko na nga sa iyo na sasama ako sa iyo, 'di ba? Huwag mo na siyang awayin dahil wala siyang kasalanan," sagot naman ni Gaustav. "Huwag awayin? E dahil sa babaeng iyan ay hindi mo maging isang ama sa anak mo!" sigaw ni Prescilla. Dahil sa ginawa niya ay lumapit si Zyra sa kanya para humingi ng patawad. Sa itsura pa lang ni Prescilla ay siguradong hindi na siya patatawarin nito. "Prescilla, I'm sorry kung ganoon ang tingin mo sa akin, ha? Huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman ang sitwasyon nating tatlo at hindi ko ipagkakait sa iyo si
On the way pa lang sa ospital ay nag-aaway na sa kotse sina Gaustav at Prescilla. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ng dalaga tungkol kay Zyra kahit na hindi naman niya ito kilala. "Gets ko naman na kayo noong babaeng iyon. Pero, emergency na lumalandi ka pa rin? Gaustav naman!" sigaw na sabi ni Prescilla. "Hindi ko naman alam, okay? I'm sorry. Sa akin ka na lang magalit, huwag na sa kanya. Hindi mo naman siya kilala eh," sagot ni Gaustav kaya mas lalong nainis si Prescilla. "Seryoso ka ba? Paanong hindi ako magagalit sa kanya e siya ang dahilan kung bakit hindi ka namin masolo ng anak mo? Gaustav, ni hindi ka na nga umuuwi sa mansion eh!" sigaw pa rin ni Prescilla. "Prescilla, alam mong bago pa sa akin ang pagiging ama. Please give me time, hindi pa ako sanay," sagot ni Gaustav. "Damn it! Ano naman kung hindi ka pa sanay? Ibig sabihin, kailangan ko pang ipaalala sa iyo na doon ka tutulog sa mansion para samahan mo kami? No! We need to have a schedule!" Inis man pero wala na
Sa buong araw ay nilaan na lang ni Zyra ang kanyang oras sa trabaho. Kahit wala siyang pasok noon ay pumasok siya dahil gusto niyang bumawi sa mga absences niya simula noong makilala niya si Gaustav. "Buti naman at napilit kitang pumasok. Okay din ito, atleast may pinag-aabalahan ka, hindi lang basta 'yong lalaking iyon, 'di ba?" sabi ni Lenie. "Oo nga eh, pero nag-aalala pa rin po ako kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uupdate sa akin si Gaustav. Ano sa tingin mo, BFF? Magtatanong na ba ako sa kanya?" sagot ni Zyra, halatang iyon pa rin ang nasa isip niya. "Ay, invested ka na talaga sa lalaking iyan. Sige, tawagan mo na siya. Kung nag-aalala ka na sa kanya eh," sagot ni Lenie. Agad na lumayo si Zyra at kinuha ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Gaustav pero hindi ito sumasagot. Sa pangatlong beses ay sumagot na ito. Pero, laking gulat niya nang si Prescilla ang sumagot sa tawag na iyon. "Ano ba at tawag ka nang tawag? Hindi na nga niya sinasagot, 'di ba? Ano b
Nagising na lang si Zyra, lumingon-lingon siya sa kanyang paligid. Nasa ospital na siya. Nakita niya si Lenie at Gaustav na naroon. Nag-uusap pero hindi niya marinig nang ayos kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa."Lenie, Lenie! Gising na siya!" sabi ni Gaustav pagkatapos ay lumapit siya kay Zyra. Agad ding lumapit si Lenie para tingnan si Zyra. Napangiti siya nang malaman na okay na ang kanyang kaibigan."Sige, dyan ka muna. Tatawag lang ako ng doktor. Sasabihin ko na gising na siya ha?" pagkasabi ni Lenie noon ay umalis na agad siya sa kwarto.Tumango-tango naman si Gaustav at sinabing siya muna ang magbabantay kay Zyra. Agad na umupo si Gaustav sa tabi ng dalaga. Ngumiti siya rito pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Ano? Ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Gago talaga 'yong lalaking 'yon eh! Humanda siya sa akin oras na makita ko siya. Anong akala niya? Hindi na niya pagbabayaran kung ano man ang ginawa niya sa iyo? Aba, hindi naman yata pwede iyon!" galit na galit n
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G