Sa buong araw ay nilaan na lang ni Zyra ang kanyang oras sa trabaho. Kahit wala siyang pasok noon ay pumasok siya dahil gusto niyang bumawi sa mga absences niya simula noong makilala niya si Gaustav. "Buti naman at napilit kitang pumasok. Okay din ito, atleast may pinag-aabalahan ka, hindi lang basta 'yong lalaking iyon, 'di ba?" sabi ni Lenie. "Oo nga eh, pero nag-aalala pa rin po ako kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-uupdate sa akin si Gaustav. Ano sa tingin mo, BFF? Magtatanong na ba ako sa kanya?" sagot ni Zyra, halatang iyon pa rin ang nasa isip niya. "Ay, invested ka na talaga sa lalaking iyan. Sige, tawagan mo na siya. Kung nag-aalala ka na sa kanya eh," sagot ni Lenie. Agad na lumayo si Zyra at kinuha ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Gaustav pero hindi ito sumasagot. Sa pangatlong beses ay sumagot na ito. Pero, laking gulat niya nang si Prescilla ang sumagot sa tawag na iyon. "Ano ba at tawag ka nang tawag? Hindi na nga niya sinasagot, 'di ba? Ano b
Nagising na lang si Zyra, lumingon-lingon siya sa kanyang paligid. Nasa ospital na siya. Nakita niya si Lenie at Gaustav na naroon. Nag-uusap pero hindi niya marinig nang ayos kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa."Lenie, Lenie! Gising na siya!" sabi ni Gaustav pagkatapos ay lumapit siya kay Zyra. Agad ding lumapit si Lenie para tingnan si Zyra. Napangiti siya nang malaman na okay na ang kanyang kaibigan."Sige, dyan ka muna. Tatawag lang ako ng doktor. Sasabihin ko na gising na siya ha?" pagkasabi ni Lenie noon ay umalis na agad siya sa kwarto.Tumango-tango naman si Gaustav at sinabing siya muna ang magbabantay kay Zyra. Agad na umupo si Gaustav sa tabi ng dalaga. Ngumiti siya rito pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Ano? Ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Gago talaga 'yong lalaking 'yon eh! Humanda siya sa akin oras na makita ko siya. Anong akala niya? Hindi na niya pagbabayaran kung ano man ang ginawa niya sa iyo? Aba, hindi naman yata pwede iyon!" galit na galit n
Kita ang awa sa mga mata ni Cynthia nang makita niya ang kanyang anak. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Dahil nga galit si Zyra sa huli nilang pagkikita ay hindi alam ng matanda kung paano ba niya i-aapproach ang kanyang anak. "Anak, paano naman nangyari ito sa iyo? Ang buong akala ko ay maayos ka sa poder ni Gaustav. Anong nangyari?" may pag-aalala sa boses ni Cynthia nang magtanong siya sa kanyang anak. "Oo nga, 'di ba ang sinabi mo sa akin Kuya Gaustav ay magiging okay si Ate Zyra kapag ikaw ang kasama niya? Bakit nangyari ito?" inis na sabi ni Leo, para bang gusto pa niyang awayin si Gaustav dahil sa nangyari sa Ate Zyra niya. Dahil sa nasaksihan ay napapikit na lang sa inis si Zyra. Gusto rin niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Kahit masakit pa ang kanyang sugat ay minabuti niyang sagutin ang nanay at kapatid niya para maprotektahan si Gaustav kahit paano. "Nay, Leo. Pwede ba? Huwag niyo namang sisihin kay Gaustav ang nangyari. Hindi naman niya
Nang magkaroon ng oras sina Zyra at Gaustav ay nag-usap sila. Hindi pa rin makapaniwala si Gaustav na mahal na siya ni Zyra. Agad na niyakap niya ang dalaga kahit pa nakahiga pa ito sa hospital bed. "Ah, aray! Gaustav, dahan-dahan ka naman. Masakit eh," reklamo ni Zyra kay Gaustav. "Ah, sorry! Oo nga pala, may sugat ka pa. Pasensya ka na ha? Pero Zyra, totoo ba 'yong sinabi mo sa nanay mo kanina? M-Mahal mo na ako?" nauutal pa si Gaustav nang itanong niya iyon kay Zyra. Dahil sa tanong ng binata ay nagulat at nahiya si Zyra. Hindi niya napansin na iyon pala ang sinabi niya sa kanyang ina kanina. "Ah, iyon ba ang sinabi ko?" tanong ni Zyra, nagkunwari pa itong walang alam. "Oo eh. Hindi mo na ba maalala?" tanong ni Gaustav, pansin na malungkot ang kanyang boses. "Hindi ko na tanda eh. Pero, kung ano man ang sinabi ko, hayaan mo na iyon. Wala lang naman iyon," pagsisinungaling ni Zyra. Dahil sa pagsisinungaling ng dalaga ay wala nang nagawa si Gaustav kung hindi ang tumango. Ila
Dalawang araw nga lang ang lumipas ay inuwi na ni Gaustav si Zyra sa mansion pagkatapos nitong ma-discharge sa ospital. Nagulat sina Vilma at Prescilla nang makita nila si Zyra. Inis na inis agad ang mukha niya, tila ba gusto niyang sabunutan si Zyra. "Gaustav, what is she doing here? Hindi ba't ang usapan natin ay ako ang titira rito sa mansion? Naroon na siya sa condo mo, 'di ba?" inis na tanong ni Prescilla, hindi pa man lang nakakaupo ang dalawa sa dining area."I guess, masisira na ang usapan na iyon because she will stay with us. Hindi siya safe sa condo. As you can see, may sugat siya. She was attacked by her ex-boyfriend," sagot ni Gaustav na lalong kinainis ni Prescilla."What? Ano naman kung may mangyari sa kanya? 'Di ba, sabi mo nga ay ex-boyfriend niya ang gumawa sa kanya noon, hindi naman tayo involved. So, why is she here?" sagot ulit ni Prescilla.Doon na nainis si Gaustav dahil kung anu-ano pa ang sinasabi ni Prescilla sa kanya. Agad niya itong nilapitan at kinausap
Dahil hindi nakita ni Prescilla si Gaustav sa kanyang kwarto ay nagtungo siya sa guest room. Nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak sa kanyang bibig nang makita na naghahalikan sina Zyra at Gaustav. "G-Gaustav?" nauutal na sabi ni Prescilla. Nagulat ang dalawa kaya napatigil sila sa kanilang ginagawa. Agad na tumayo si Gaustav dahil biglang umalis si Prescilla. Si Zyra naman ay naiwan sa kwarto, hiyang-hiya dahil nakita sila na naghahalikan. Sigurado siya na isusumbong sila ni Prescilla kay Vilma. "Prescilla, wait!" Agad na hinarap ni Prescilla si Gaustav. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit. Oo, alam naman niyang wala na silang relasyon pero hindi niya maiwasang hindi magselos. "Really, Gaustav? Dinala mo ang babaeng iyan para ipamukha sa akin na wala na tayo? Ganoon ba?" may luha nang pumapatak mula sa mata niya noong mga oras na iyon. "What? Anong ibig mong sabihin? Na nagseselos ka sa amin? Malinaw naman na wala na tayo, ah!" sagot ni Gaustav. "Oo, alam ko
Makaraan ang ilang linggo, dahil wala naman siyang pasok at naging okay na rin ang kanyang sugat ay minabuti ni Zyra na maagang gumising para paglutuan ng breakfast si Gaustav.Gusto na niyang idamay sina Vilma at Prescilla sa kanyang ipe-prepare na breakfast dahil gusto niyang magkaroon sila ng maayos na relasyon dahil sa mansion na nga siya titira. "Yaya Frida, ituro niyo po sa akin ang mga gusto ni Gaustav para iyon po ang mga gagawin natin. Saka, sabihin niyo na rin po sa akin kung ano ang gusto ni Tita Vilma para mapag-aralan ko rin po," sabi ni Zyra. "Di ba, ikaw ang girlfriend ni Gaustav? Bakit hindi mo alam ang gusto niya?" tanong ni Yaya Frida na kinagulat ni Zyra.Buti na lang at nakaisip agad ng palusot si Zyra."A-Ah, kasi po ay bago pa lang kami ni Gaustav. Hindi ko pa po alam 'yong mga gusto niya. Kaya, ituro niyo po sana sa akin kung ano 'yong mga gusto niya ha?" sabi ni Zyra.Tumango-tango na lang si Yaya Frida noon pagkatapos ay tinuro na kay Zyra ang mga gusto nina
Nang makapasok na si Gaustav sa kwarto ni Zyra ay kinamusta niya agad ito. Sa palagay niya nga ay naging OA pa siya dahil gusto na agad niyang dalhin sa ospital si Zyra. "O, kamusta ka na? Okay ka lang ba? Naku, ang sabi ni Yaya Frida sa akin ay masakit daw ang tiyan mo. Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" may pag-aalalang tanong ni Gaustav sa dalaga. "Ah, oo. Okay lang naman ako. May kumikirot lang pero for sure ay magiging okay din ito. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ni Zyra pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti para hindi na mag-alala pa si Gaustav sa kanya. "May kumikirot? Aba, mukhang dapat nga na magpa-check na tayo kasi baka lumala pa iyan," sabi ni Gaustav, tiningnan niya ang tiyan ni Zyra pero iwas na iwas ang dalaga sa kanya. Sa sobrang kulit ni Gaustav ay hindi na niya naiwasang magalit dahil puro tanong ang binata sa kanya. Ayaw na nga niyang malaman pa ni Gaustav ang totoo pero tanong pa rin ito nang tanong. "Eh, hindi. Baka kailangan na kasing-" hind
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G