Nang makapasok na si Gaustav sa kwarto ni Zyra ay kinamusta niya agad ito. Sa palagay niya nga ay naging OA pa siya dahil gusto na agad niyang dalhin sa ospital si Zyra. "O, kamusta ka na? Okay ka lang ba? Naku, ang sabi ni Yaya Frida sa akin ay masakit daw ang tiyan mo. Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" may pag-aalalang tanong ni Gaustav sa dalaga. "Ah, oo. Okay lang naman ako. May kumikirot lang pero for sure ay magiging okay din ito. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ni Zyra pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti para hindi na mag-alala pa si Gaustav sa kanya. "May kumikirot? Aba, mukhang dapat nga na magpa-check na tayo kasi baka lumala pa iyan," sabi ni Gaustav, tiningnan niya ang tiyan ni Zyra pero iwas na iwas ang dalaga sa kanya. Sa sobrang kulit ni Gaustav ay hindi na niya naiwasang magalit dahil puro tanong ang binata sa kanya. Ayaw na nga niyang malaman pa ni Gaustav ang totoo pero tanong pa rin ito nang tanong. "Eh, hindi. Baka kailangan na kasing-" hind
Kinabukasan, pagpasok na pagpasok ni Zyra sa RCG ay kitang-kita na nakasimangot agad siya. Napansin iyon ng mga katrabaho niya kaya hindi nila naiwasang hindi magtanong. "Zyra, bakit nakasimangot ka dyan? May problema ka ba? Ngayon ka na nga lang ulit pumasok, ganyan pa ang mukha mo. Smile ka naman dyan!" sabi ni Vanessa. "Oo nga, bad vibes ang dala niyan. Sige ka," sabat din naman ni Celeste. "Pwede ba? Magtrabaho na lang kayo dyan. Huwag niyo akong pakikialamanan! Kita nyong badtrip na 'yong tao eh!" sagot naman ni Zyra. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mood swings niya. Basta na lang kasing ganoon ang nararamdaman niya simula pa noong umaga. Padabog siyang nag-ayos ng kanyang gamit para makapagtrabaho na. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Lenie at umupo na sa cubicle niya. Napansin ni Lenie na nakasimangot ang kanyang kaibigan kaya tinanong niya agad ito kung ano ang problema. "O, ano na naman ang problema mo? Sa mansion? Kay Tita Cynthia?" "Wala.
Ilang araw nang iniisip ni Zyra kung ano ang gagawin niya ngayong buntis na siya. Lalo pa siyang kabado dahil alam niyang bawal sa RCG ang mga empleyadong may anak."Sige na, BFF. Magpacheck-up ka na bukas pagkatapos ng shift natin. Please? Tingnan natin kung okay ang baby mo," sabi ni Lenie, todo siya sa pangungulit sa kanyang kaibigan dahil kitang-kita na problemado ito."Lenie, sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Ang dami kong iniisip simula noong nalaman kong buntis ako eh," sagot naman ni Zyra.Tiningnang mabuti ni Lenie ang kanyang kaibigan pagkatapos ay ngumiti siya rito. "Kaya nga nandito ako, 'di ba? For the mean time, tayo lang muna ang nakakaalam nitong secret mo. Tutulungan kita. Huwag kang mag-alala," sagot ni Lenie.Napatingin si Zyra sa kaibigan, para bang may gusto siyang itanong dito na hindi niya matanong-tanong.Nang makita ni Lenie kung paano siya tumingin ay alam na agad nito kung ano ang nasa isip niya. Kaya, sinagot niya agad ito."Naku, kung ang nasa isip mo
Nang makasakay na sa kotse ay magkahalong saya, kaba at takot pa rin ang nararamdaman ni Zyra. Ang daming tanong sa isip niya na kailangan ng kasagutan. Ini-start na ni Lenie ang kanyang kotse pagkatapos ay tumingin kay Zyra at ngumiti. Pakiramdam niya, pati siya ay buntis din dahil sa kanyang nalaman. "BFF, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano? E, wala pa nga kaming label ni Gaustav. Paano kung ayaw niya pala akong panagutan? Kawawa naman 'yong bata-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Lenie sa kanya. "Hep! Hep! Masyado nang marami ang nasa isip mo, BFF. Pahinga ka muna pwede? Nandito naman ako para samahan ka. Ang pinakauna mong kailangang gawin ngayon ay lagyan ng label 'yang relationship ninyo. Okay? Pagkatapos ay kausapin mo na siya tungkol sa bata," sagot ni Lenie, pagkaraan ay natawa siya. Nagtaka naman si Zyra kaya hindi niya napigilang magtanong sa kaibigan kung ano ang nasa isip nito. "Lenie, bakit ka natatawa? Wala naman
Agad na nagtaka si Gaustav kung ano ang sasabihin ni Zyra sa kanya. Kaya naman, tutok na tutok siya sa dalaga. "Ano 'yong aaminin mo sa akin? Na mahal mo na ako? O 'di ba, kakasabi mo nga lang? Alam mo naman na mahal din kita eh," sagot ni Gaustav, nakangiti. "Gaustav, may kailangan akong aminin sa iyo. Hindi ko alam kung magugustuhan mo dahil na rin sa sitwasyon mo ngayon. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang sabihin sa iyo 'to," nanginginig ang boses ni Zyra habang sinasabi iyon. "Anong hindi ko magugustuhan? Lahat naman ng bagay tungkol sa iyo ay gusto ko," sagot ni Gaustav, nakangiti pa rin. Agad na hinalungkat ni Zyra ang bag niya pero hindi niya makita ang ultrasound na binigay sa kanya ni Fiona. "Hala, bakit wala ngayon rito? Kanina lang ay nandito 'yon ah!" kinalkal pa rin ni Zyra ang kanyang bag pero wala siyang makita. Hindi na niya alam ang gagawin dahil nakatingin na sa kanya si Gaustav ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o mahihiya sa b
Makalipas ang ilang araw ay pinatawag ni Alexis sina Lenie at Zyra. Hindi nila alam kung bakit pero sumunod na lang sila. Seryosong pinaupo ni Alexis ang dalawa pagkatapos ay tiningnan nang madiin. Nagbigay iyon ng takot kay Zyra pero pinilit niyang ngumiti sa harapan ni Alexis. "I've called you here today because of an important matter. Lenie, wala ka bang gustong aminin sa akin? O kaya sabihin?" Pagkarinig noon ay nanlaki ang mga mata ni Lenie, hindi niya alam kung tungkol saan ang sinasabi ni Alexis sa kanya. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Lahat naman ng bagay tungkol sa akin ay alam mo, ah?" sagot ni Lenie, naguguluhan na sa kanyang nobyo. Kaya umayos nang upo si Alexis noon at binago ang kanyang tanong. Seryoso pa rin ang boses niya kaya takot na takot na 'yong dalawa sa kanya. "Okay, mukhang hindi mo pa nakukuha kung anong ibig kong sabihin. Uulitin ko ang tanong ko, may gusto ka bang aminin sa akin tungkol kay Ms. Bermudez?" Dahil sa sinabi ni Alexis ay nagkatinginan
Makaraan ang ilang araw ay pinag-uusapan na nina Gaustav at Zyra kung anong magiging hakbang nila ngayong may baby na sila. Sa bawat araw na lumpas ay lalong nagiging malalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa. "Are you ready? Bakit parang kabado ka?" tanong ni Zyra. "Of course, ngayon lang kasi ako makakaranas ng ganito. Alam kong sasamahan lang naman kita sa doktor pero iba pa rin kasi 'yong feeling," nakangiting sagot ni Gaustav. Agad na hinawakan ni Zyra ang baba ni Gaustav para ito'y deretsong tumingin sa kanya. "Hey, ano ka ba? Ako ang manganganak, hindi ikaw. Kumalma ka, okay? I love you," sabi ni Zyra pagkatapos ay hinalikan si Gaustav sa labi. "I love you too, tara na? I-start ko na 'yong kotse," sagot ni Alexis pagkatapos ay nauna nang lumabas. Habang nag-aayos ng kanyang gamit ay nagulat na lang si Zyra nang marinig niyang may nagsisigawan na sa may tapat ng kwarto ni Gaustav. Hindi muna siya lumabas para mapakinggan muna kung ano ang pinag-uusapan noong dalawa.
Pagbalik nina Zyra at Gaustav ay agad silang pinatawag ni Vilma kay Yaya Frida. Nagtataka sila pero sumunod na lang sila sa dining area. Tutal ay gutom na rin naman si Zyra."Zyra, Gaustav. Umupo kayo, may mahalaga tayong pag-uusapan," sabi ni Vilma habang sila ay naglalakad papunta sa hapagkainan.Nakasimangot si Prescilla na tumingin sa kanila, kumakain din ito. Sinundan niya nang tingin 'yong dalawa."Yes, Mommy? Tungkol po saan ang itatanong niyo sa amin?" tanong ni Gaustav nang umupo siya."May sakit ba si Zyra? If yes, you need to bring her sa ospital for the check-up," sagot naman ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata nina Gaustav at Zyra."Po? Wala namang sakit si Zyra, Mommy. In fact, she is really healthy," sagot ni Gaustav pagkatapos ay tumingin kay Zyra habang hawak ang kanyang kamay."Teka, saan mo naman nalaman na may sakit siya?" tanong ni Gaustav, pansin ang pagtataka sa kanyang mukha.Hindi sumagot si Vilma kaya napatingin si Gaustav kay Prescilla. Umaasa na sana ay may
Sa kotse pa lang ay busy na makipagkwentuhan si Vilma kay Zyra. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil sa wakas ay magaan na ang loob nila sa isa't isa. "Tita, thank you po talaga ha? Kasi po, okay na tayo," sabi ni Zyra, hinawakan naman ni Vilma ang kamay ng dalaga pagkatapos noon. "Zyra, I consider you as mine now. Don't worry, kahit ano pa ang mangyari, alam ko sa sarili ko na anak kita," nakangiting sagot ni Vilma kaya maluha-luha si Zyra. 'Sana, ganito din si nanay. Kaso, mukhang malabo na 'yon.' sabi niya sa kanyang isip. "Hmm, Tita.. Matanong ko lang po, wala po bang ibang kapatid si Gaustav? Wala po kasi siyang nasasabi sa akin," pag-iiba ni Zyra ng topic para hindi na siya tuluyang maiyak. "Ah, naku. Hindi talaga niya kwinento sa'yo? May kapatid na isa pa si Gaustav, babae. Si Amethyst. Kaso, hindi sila okay kaya siguro never niyang binanggit sa'yo ang tungkol doon." Nanlaki ang mga mata ni Zyra pagkatapos ng kanyang nalaman. Gusto man niyang tanungin kung ano ang nangyari
Tuluyan nang nag-resign si Zyra sa RCG dahil hindi naman siya laging pumapasok. Nahihiya lang siya kay Alexis madalas dahil hinahayaan lang ng kanyang boss na ganoon ang gawin niya. "Iha, ano na ang gagawin mo ngayon na wala ka ng trabaho? Gusto mo bang tumulong sa Ramosa? Sabihan mo lang ako, tatawagan ko ang secretary ko kung gusto mo," sabi ni Vilma habang sila ay kumakain. "Mommy, umalis nga sya sa RCG tapos sa Ramosa mo naman pagtatrabahuhin?" sagot ni Gaustav, hindi na hinayaan pa na makasagot si Zyra. Agad namang hinawakan ni Zyra ang kamay ng binata at saka nagsalita. "Gaustav, ano ka ba? Okay lang. She's just asking about it," tumingin si Zyra kay Vilma at saka nagsalita ulit. "I'll think about it po, Tita. Thank you po for considering the idea." Ngumiti lang si Vilma bilang tugon at bumalik na sa paghigop ng kanyang morning tea. Ilang minuto pa ay tinanong ni Vilma ang schedule ng kanyang anak dahil gusto niyang i-treat ang dalawa sa labas. Para makabawi mab l
Nang nasa harapan na sila ng bahay ng kanyang ina ay mahigpit na hinawakan ni Zyra ang kamay ni Gaustav. Dahan-dahan silang naglakad pagkatapos ay kumatok at nang buksan ni Cynthia ang pinto ay seryosong tiningnan nito ang dalawa habang nakatayo ito sa harapan ng bahay niya. Halatang galit pa rin siya sa dalawa."O, ano ang ginagawa niyo rito? Guguluhin niyo na naman ba ako? Aba, kung iyon lang ang gagawin niyo ay umalis na kayo rito," iyon agad ang sabi ni Cynthia, hindi man lang niya pinagbigyan ang anak na makapagsalita."Tita, nandito po kaming dalawa kasi gusto po namin kayong makausap. Lalo na po si Zyra. Gustong-gusto po niya na magbati na kayo," sagot agad ni Gaustav, hindi na pinansin kung ano ang sinabi ni Cynthia."Kami? Magbabati ng babaeng iyan? Naku, huwag na lang. Siya naman itong naunang tumalikod sa aming dalawa, hindi ba? Bakit ko pa 'yan tatanggapin bilang anak?" galit na sagot ni Cynthia, kung tutuusin ay gusto nang sumuko ni Zyra noon dahil sa kanyang mga narinig
Makaraan ang isang linggo, dahil maagang umalis si Vilma sa mansion ay sina Gaustav at Zyra lang ang naiwan para kumain ng umagahan. Ayaw man ni Gaustav na itanong kay Zyra kung ano ang nasa isip niya pero alam kasi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya malaman ang sagot ng dalaga. "Zyra, oo nga pala. Tutal, okay naman na ang lahat dito sa bahay, ano kaya kung maging okay na rin kayo ng pamilya mo? Alam mo na, para masaya ka na rin sa aspetong iyon," sabi ni Gaustav pagkatapos ay ngumiti. Ilang minutong natahimik si Zyra bago niya tuluyang sagutin si Gaustav. Inisip niya muna kasi kung iyon na ba talaga ang tamang panahon para kausapin niya ang kanyang pamilya. "Hey, Zyra. Are you okay? I'm sorry, mukhang hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Wala, naisip ko lang kasi. Gusto ko lang na gumaan na ang pakiramdam mo towards them. After all, pamilya mo pa rin naman sila," sabi ni Gaustav kaya bumalik na siya sa ulirat. "Ah, I'm sorry. May iniisip kasi ako. Paano kung hindi
Kahit nakasimangot si Zyra ay kilig na kilig siya. Ayaw niya lang ipakita iyon kay Gaustav dahil ayaw niyang maisip nito na marupok siya. "Ano naman ang pumasok dyan sa utak mo at may paganito ka pa? Hindi naman kailangan ng ganito, ah?" sabi ni Zyra habang tumitingin sa kanyang paligid. Pagkatapos noon ay binigyan siya ng flowers ni Gaustav. Seryoso man ang mga tingin ng dalaga sa kanya ay tinanggap pa rin iyon ng buong puso ni Zyra. "Anong hindi? Kailangan kaya nito, sa dami ba naman ng kasalanan ko sa'yo, sa tingin ko pa nga, kulang pa ito, e," sagot ni Gaustav, nahihiya sa lahat ng kamalian na ginawa niya sa dalaga. Tumahimik lang noon si Zyra, nakatingin siya sa steak na naroon sa lamesa. Napangiti siya. "You did this for me? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Zyra, ngumiti naman at tumango si Gaustav. "Oo naman. Simpleng bagay lang ito compared sa lahat ng ginawa mo sa buhay ko. Sa totoo nga niyan, hindi ako marunong mang-surprise pero sinubukan ko para sa'
Makalipas ang dalawang linggo, nagulat na lang si Zyra dahil nakita niyang bumaba sa kotse at papasok si Lenie sa mansion. Nasa garden si Zyra ng mga oras na iyon. Narinig pa nga niya ang kaibigan na nagtanong kay Yaya Frida kung nasaan siya. Agad namang pumunta sa living room si Zyra para hindi na pumunta sa garden si Lenie. "Lenie, nandito ako. Bakit? May kailangan ka sa akin?" tanong agad ni Zyra dahil wala naman silang usapan na magkikita sila. "Ah, oo. Sumama ka sa akin," yaya ni Lenie, ni hindi na sinabi kung saan at bakit sila aalis. Kumunot ang noo ni Zyra pagkatapos ay lumapit siya kay Lenie. Tiningnan niya kung may lagnat ang kaibigan. "O, wala ka namang sakit. Bakit ka nagkakaganyan? May nakain ka bang panis?" may pag-aalalang tanong ni Zyra, seryoso ang kanyang mukha kaya hindi alam ni Lenie kung matatawa siya o ano. "Ano namang panis ang sinasabi mo dyan? Zyra, sumama ka sa akin. Gusto kong lumabas, magpahangin, alam mo 'yon?" sagot ni Lenie kaya lalong kumuno
Nanlaki ang mga mata nina Vilma, Gaustav at Prescilla nang makita na magkasama 'yong dalawa."Iha, sino iyan? Bakit mo siya kasama?" may pag-aalalang tanong ni Vilma.Agad na lumapit si Gaustav sa dalawa at kinuha ang kamay ng dalaga. "Zyra, why is he here? Ginugulo ka na naman ba niya?" inis na sabi niya, todo protekta kay Zyra."Ah, hindi niya ako ginugulo. Nandito siya para kausapin tayo. 'Di ba, kakausapin mo kami?" sagot ni Zyra pagkatapos ay humarap na siya kay Stephen."Anong sabi mo? Kakausapin ko kayong lahat? Bakit? Ang usapan nating dalawa ay tayo lang ang mag-uusap 'di ba?""Stephen, you have to know the truth. Gaustav, dinala ko siya rito para malaman na niya ang totoo."Dahil sa sinabi ni Zyra ay mas nanlaki ang mga mata ni Stephen. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. "Truth? What are you saying?" Agad na lumapit si Prescilla sa kanila. Seryoso ang mukha niya at galit na galit."Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Zyra, talaga bang gusto mong lumayas na kami rit
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Zyra sa trabaho ay marami na siyang naikwento sa kaibigang si Lenie. "Ha? Ganoon na agad karami ang nangyari sa pag-stay mo sa mansion na 'yon? Grabe ha! Hindi kita kinakaya, BFF! Iba ka talaga!" "Sa tingin mo, ako kinakaya ko pa? Naku, hindi na rin 'no! Buti na lang din talaga, okay na kami ni Gaustav at Tita Vilma," sagot ni Zyra kaya nanlaki ang mga mata ni Lenie. "Ano kamo? Okay na kayo ng biyenan mong hilaw? At saka ni Gaustav? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lenie. "Oo nga, hindi ko lang nakwento sa'yo kanina kasi nakalimutan ko. Sorry," palusot pa ni Zyra pero ang totoo ay pinili niya talagang huwag ikwento, sadyang nadulas lang siya. "BFF, huwag mo nang itago. Alam ko naman na sinadya mong hindi sabihin dahil ayaw mong asarin kita o may masabi ako sa'yo," sagot ni Lenie habang patuloy na nagtatrabaho. "Hmm.. Okay lang naman na patawarin ko siya, 'di ba? I mean, panay kabaitan naman ang pinakita niya sa akin nitong mga nakaraa
Pagbaba ni Gaustav ay kita niyang kalmado na si Prescilla. May inaayos na lang siya habang hawak-hawak niya si Marcus.Nagtama ang mga mata nilang dalawa at doon na nag-umpisang lumuha na naman si Prescilla. Mas lalo pa siyang umiyak nang tuluyang lumapit si Gaustav sa kanya."Prescilla, ang sabi sa akin ni Mommy, gusto mo raw akong makausap? Bakit?" mahinahon na sabi ni Gaustav."Ah, ano kasi.." halos hindi makatingin si Prescilla sa mga mata ni Gaustav."Ano? Tungkol saan ang sasabihin mo?" ulit na tanong ng binata."Alam ko Gaustav, sobrang kapal na ng mukha ko. Pero, pwede bang dito muna kami ni Marcus? Kahit ilang linggo lang, hahanap lang ako ng matitirhan namin. Kapag nakahanap na ako, aalis kami agad dito.Hindi sumagot si Gaustav, tiningnan niya lang si Prescilla at Marcus. Sa totoo lang ay naaawa siya roon sa bata dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari.Dahil napansin ni Prescilla na parang ayaw ni Gaustav na mag-stay sila roon ay nagsalita siya ulit."Naiintindihan ko