Pagbalik nina Zyra at Gaustav ay agad silang pinatawag ni Vilma kay Yaya Frida. Nagtataka sila pero sumunod na lang sila sa dining area. Tutal ay gutom na rin naman si Zyra."Zyra, Gaustav. Umupo kayo, may mahalaga tayong pag-uusapan," sabi ni Vilma habang sila ay naglalakad papunta sa hapagkainan.Nakasimangot si Prescilla na tumingin sa kanila, kumakain din ito. Sinundan niya nang tingin 'yong dalawa."Yes, Mommy? Tungkol po saan ang itatanong niyo sa amin?" tanong ni Gaustav nang umupo siya."May sakit ba si Zyra? If yes, you need to bring her sa ospital for the check-up," sagot naman ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata nina Gaustav at Zyra."Po? Wala namang sakit si Zyra, Mommy. In fact, she is really healthy," sagot ni Gaustav pagkatapos ay tumingin kay Zyra habang hawak ang kanyang kamay."Teka, saan mo naman nalaman na may sakit siya?" tanong ni Gaustav, pansin ang pagtataka sa kanyang mukha.Hindi sumagot si Vilma kaya napatingin si Gaustav kay Prescilla. Umaasa na sana ay may
After 2 weeks ay nangulit si Zyra na lumabas sila ni Lenie dahil bored na bored na talaga siya sa mansion. Ilang beses man siyang pigilan ng kaibigan ay ayaw niyang makinig dito. "Naku, kapag ako talaga ay napagalitan ni Gaustav, sasabihin ko na ikaw ang may gusto nito. Bilin na bilin sa iyo ni Fiona na kailangan mong mag-bed rest, hindi ba? sabi ni Lenie. "Ilang araw na rin naman akong nagpapahinga. Siguro naman, naiintindihan niya na nabo-bored din ako rito. Feeling ko, wala na akong silbi dahil sobra na ang paghiga ko sa kama. Ang sakit na nga ng likod ko eh," sagot naman ni Zyra. "Sige na, umalis na tayo. Baka mamaya ay abutan pa tayo ni Gaustav. Hindi ka pa payagan noon. Pero, mabilis lang tayo, ah?" sagot ni Lenie. Medyo malapit lang naman sa mansion ang mall kaya kung gusto nang umuwi ni Zyra ay mabilis lang iyon. "BFF, bawal na ko ng kape ha? Magtu-tubig na lang ako saka blueberry cheesecake kapag kumain tayo. Gusto ko ng matamis eh," sabi ni Zyra. "Sige ba, walan
Nagising si Zyra na nasa ospital na siya. Nawalan kasi siya ng malay dahil sa stress niya noong nasa mall sila ni Lenie. Nagulat si Gaustav nang makita na mulat na ang mga mata ni Zyra. Nilapitan niya agad ito. Wala pa mang sinasabi si Zyra ay lumuha na siya. Nagsisisi na lumabas pa siya ng mansion. "Baby, I'm really sorry. Hindi ko alam na mangyayari ito. K-Kamusta ang baby ko? Okay naman siya, 'di ba?" sabi ni Zyra, naisip agad ang bata sa sinapupunan niya. "Yes, okay siya. Pero, matatagalan ka pa rito sa ospital kasi they will run some other tests pa and tinaasan din ni Doc Fiona ang dosage ng gamot mo dahil mahina talaga ang kapit ni baby sa iyo," paliwanag ni Gaustav kaya lalong umiyak si Zyra. "H-Ha? Mahina ang kapit niya sa akin? Ibig sabihin, pwedeng mawala-" hindi na natapos ni Zyra ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Gaustav sa kanya. "No, hindi mawawala sa iyo si baby. What you need now is a lot of rest. 'Yon lang. Huwag kang mag-iisip na mawawala ang anak
Dumalaw sina Vilma at Prescilla sa ospital kahit na ayaw nila para ipakita kay Gaustav na okay ang lahat at wala silang problema. "Zyra, what are you feeling? Okay ka naman ba? You should be. Hindi pwedeng mawala ang apo ko," sabi ni Vilma. "Opo, hindi ko po hahayaan na mawala ang anak ko, Tita. Salamat po sa pagbisita," sagot naman ni Zyra, halata sa kanyang takot na takot siya sa kanyang biyenang hilaw. Si Prescilla naman ay nakatayo lang doon. Walang sinasabi pero ramdam ni Zyra na ayaw talaga niyang bumisita. Napilitan lang siya dahil sa pumunta si Vilma roon at bilang respeto ay sumama siya. "Anak, may kailangan tayong pag-usapan. Pwede bang lumabas muna tayo?" tanong ni Vilma kay Gaustav. "Pero, Mommy. Wala po si Lenie eh. Hindi ko maiiwan si Zyra dito. Wala pong magbabantay sa kanya," sagot ni Gaustav. Agad-agad na nagpresinta ng kanyang sarili si Prescilla dahil nakatingin na si Vilma sa kanya. "Gaustav, hindi mo ba ko nakikita? Ako muna ang magbabantay sa kany
Makalipas ang ilang linggo ay umuwi na si Zyra sa mansion. Hindi niya malaman kung bakit biglang naging okay si Prescilla pagkatapos ng nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung ikakasaya niya ba iyon o ipagtataka. Pero, masaya na rin siya kasi unti-unti nang nagiging okay ang lahat para sa kanya. "Naku, Gaustav. Ako na ang mag-aalaga sa kanya, ha? Don't hire a nurse. Kaya ko na siyang alagaan dito sa mansion," sabi ni Prescilla pagdating pa lang noong dalawa. "Ha? Sigurado ka ba? E si Marcus, babantayan no pa, 'di ba? Hindi na, kukuha na lang ako ng nurse para kay Zyra," sagot naman ni Gaustav. "Gaustav, nandyan naman si Yaya Frida. Makakatulong ko siya sa pag-aalaga ko sa anak natin. Don't you trust me? Promise, aalagaan ko talaga si Zyra. Gusto kong bumawi sa kanya," pangungulit ni Prescilla kay Gaustav. Ngumiti si Zyra at sumang-ayon na rin kay Prescilla. Ayaw din naman ni Zyra na gumastos pa si Gaustav para sa kanya. "Oo nga, Gaustav. Ayaw mo ba noon? Magiging close kami ni P
Makalipas ang ilang linggo ay si Prescilla na nga ang nag-alaga kay Zyra. Tuwing aalis si Gaustav para pumasok sa kumpanya ay iniiwan na niya ito sa nanay ng anak niya. "Zyra, uminom ka na ng gamot mo, o. Alam mo naman, kailangan nating sumunod sa oras," sabi ni Prescilla. Ilang araw na nanghihina si Zyra noon kaya hindi niya naiwasang magtanong kay Prescilla tungkol sa gamot na iniinom niya. "Prescilla, sigurado ka bang okay para sa buntis itong binigay mong gamot sa akin? Madalas na kasi akong mahilo at manghina simula nang inumin ko iyan," sabi ni Zyra. "Ha? Naku, hindi ko pala nasabi sa iyo. Ganoon nga ang affect niyan sa buntis. Kahit nga ako, ganyan din sng naranasan ko noong buntis pa ako kay Marcus," sagot naman ni Prescilla pagkatapos ay binigay na kay Zyra ang gamot. May mga gamot naman si Zyra na iniinom pero iyong gamot na binigay ni Prescilla ay hindi prescribed ng doktor sa kanya. Wala nang nagawa si Zyra noon, ininom na niya ang gamot na binigay sa kanya ni
Makalipas ang ilang oras ay dumating na sa ospital si Lenie kasama si Alexis. Ang dami nilang dalang pagkain at prutas para kay Zyra. Agad niyang nilapitan ang kaibigan, naluluha siya dahil sa balitang natanggap niya. Nagulat si Zyra dahil sa presensya ng kanyang boss pero sa loob-loob naman niya ay masaya siya. Kahit kasi pinaalis na siya ni Alexis ay kita niyang concerned pa rin ito sa kanya. "I know, this is hard for you. We will always be here, Zyra," sabi ni Alexis. "Thank you, Sir Alexis. Masaya po akong makita kayo ulit. Pasensya na po at nakita niyo pa po ako sa ganitong sitwasyon," sagot naman ni Zyra. "You don't need to be sorry. Basta, nandito lang kami ni Lenie. Sabihin mo lang sa amin kung anong kailangan mo." Umupo si Lenie sa upuang malapit kay Zyra pagkatapos ay agad na kinamusta niya ang kanyang kaibigan. "Kamusta ka na? Buti na lang at gising ka. Sobra akong nag-aalala sa iyo, BFF. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm sorry for your loss," sabi ni Lenie
Nang makauwi sina Lenie at Alexis ay agad na kinausap ni Gaustav si Zyra galit na galit siya dahil sa nangyari. Hindi niya malaman sa kanyang sarili kung maniniwala ba siya kay Prescilla o hindi. "Gaustav, maniwala ka naman sa akin. Hindi ko naman gagawin iyon sa anak natin. Kita mo naman, 'di ba? Gustong-gusto kong magkaroon tayo ng baby," halos pagmamakaawa na ni Zyra noong umupo ang binata sa tabi ng hospital bed. "Zyra, sa totoo lang ay hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Sana man lang ay inaalam mo kung ano ang iniinom mo!" galit na sagot ni Gaustav. "Oo, iyon talaga ang pagkakamali ko. Hindi ko inalam muna kung ano ang pinapainom sa akin dahil akala ko ay isa na siyang mabuting tao pero hindi pa rin pala. Binaliktad niya ako!" sigaw ni Zyra, iyak na siya nang iyak noon. "Kahit na binaliktad ka niya, alam mo sana na kakaiba na ang pinapainom sa iyo. Nanay ka na, 'di ba? Ramdam mo iyon pero tinuloy mo pa rin! Anong klaseng ina ka?" Dahil sa sinabi ni Gaustav
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G