Pagkalipas ng ilang linggo ay umuwi na nga si Zyra sa mansion. Habang papalapit sila ay naiiyak na siya dahil alam niyang wala na sila ni Gaustav. Kukunin na lang niya ang mga gamit doon at aalis na. Pero ang mas dumurog sa kanya ay hindi niya alam kung saan siya pupulitin pagkatapos ng lahat. Ayaw naman niya sa nanay at kapatid niya dahil alam niyang wala na itong pakialam sa kanya. Pagbaba sa kotse ay pumunta agad siya sa kwarto ni Gaustav. Nakita siya nina Vilma at Prescilla pero hindi nila pinansin ang dalaga. Tuloy lang sila sa pagkain. Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit ay biglang dumating si Gaustav sa loob. Nagulat ang binata pero hinayaan niya lang si Zyra na kunin ang mga gamit niya. "Gaustav, wala na ba talagang pag-asa na maging okay tayo? Kahit konti? Mahal mo pa rin naman ako, 'di ba? Let's start over," pakiusap ni Zyra. "Zyra, please. Don't go to that topic. My decision is final. Ipapahatid kita kay Jericho sa bahay nina Tita Cynthia at Leo," sagot ni G
Tila mayabang ang mga tingin ni Cynthia sa kanyang anak bago tuluyang magsalita. "O, bakit ka nandito? Huwag mo sabihing babalik ka na rito sa bahay? Aba, pagkatapos ng sinabi mo sa amin, sa tingin mo ay tatanggapin ka pa namin?" mataray na sabi ni Cynthia. Halos hindi naman mahanap ni Zyra kung ano ang mga salitang sasabihin niya sa kanyang ina. Gusto niyang mag-sorry pero sa sinabi pa lang nito ay tiyak na hindi na siya patatawarin. "Nay, pasensya na po kayo, o. Alam ko pong marami po akong nasabi sa inyo pero sana naman po ay patawarin niyo ako," pakiusap ni Zyra. "Bakit ko naman gagawin iyon, aber? Teka, nasaan ba si Gaustav? 'Di ba, ang sabi mo ay siya na ang pinipili mo kaysa sa amin?" tanong ni Cynthia, mataray pa rin siya sa kanyang anak. "H-Hiwalay na po kami, nay," nauutal na sagot ni Zyra, ni hindi siya makatingin sa kanyang ina pagkasabi noon. Tumawa naman nang payak si Cynthia pagkatapos ay hinarap ulit ang dalaga. "Tingnan mo, ang yabang mo pa sa akin noon,
Pagkadating nila sa condo ay pinagtimpla agad ni Lenie ang kanyang kaibigan ng chamomile tea para kumalma ito. Si Alexis naman ay agad na nagpaalam para bumalik muna sa mansion ng mga Ramirez. Pagod na pagod si Zyra na umupo sa sofa at ilang minuto lang din ay binigay na ni Lenie ang chamomile tea na kanyang ginawa para sa kanilang dalawa. "O, ito na 'yong chamomile tea na ginawa ko para sa iyo. Inumin mo iyan para kumalma ka at makatulog kang maayos mamaya ha?" "Naku, maraming salamat. Pasensya na rin kayo ni Sir Alexis kung kayo pa ang naisipan kong guluhin. Alam kong busy din kayo," sagot ni Zyra pagkahigop doon sa tsaa. Agad na tinanong ni Lenie si Zyra kung ano nga ba ang nangyari sa dalawa. Awang-awa din siya na pati ang kanyang Tita Cynthia ay walang pakialam sa nangyari kay Zyra. "Okay lang iyon. Ano ka ba? Pero, maiba tayo ng topic, Zyra. Seryoso ba? Talagang naniwala siya sa babaeng iyon? Sira naman pala ang ulo niya eh. Hindi siya bagay maging isang ama," inis na
Makaraan ang ilang linggo ay naging abala si Prescilla kay Gaustav. Sinasamahan niya ito kung saan-saan at pinagsisilbihan. Kulang na nga lang ay sabihin niyang siya ang asawa ng binata. "Gaustav, here's your breakfast! Sana, magustuhan mo. Ako ang nagluto noong egg. Si Yaya Frida naman doon sa ham and bacon. Kumain ka na," masayang sabi ni Prescilla pagkatapos ay umupo sa tabi ni Gaustav. Nilingon niya ang buong paligid at nagtataka siya dahil wala ang Mommy Vilma niya. Ni hindi man lang tiningnan at in-appreciate 'yong luto ni Prescilla. Nagtataka siya dahil lagi niya itong kasabay sa pagkain these past few days. "Prescilla, where's Mommy? Wala naman siyang nasabi sa akin kagabi na may meeting siya?" tanong ni Gaustav, nalungkot tuloy si Prescilla dahil wala man lang itong komento sa pagkain na hinanda niya. "Ah, ang sabi niya ay may emergency meeting daw siyang pupuntahan. 'Yon ang sabi niya sa akin kanina. Hindi ka na raw niya ginising kasi ang sarap daw ng tulog mo eh," sa
"I guess that's it. Thank you, Mr. Ramos for doing this. Ito na ang partnership na matagal ko nang hinihintay," sabi ni Mr. Taneco. "Mr. Taneco, ako po ang dapat na magpasalamat sa inyo. If you didn't seal the deal ay hindi po ito magiging possible. Thank you for partnering with Ramosa Group of Companies. Surely, matutuwa po ang mga magulang ko rito," sagot ni Gaustav pagkatapos ay nilahad ang kanyang kamay. "Oh, Gaustav. Kung hindi ka naman magaling mag-explain ay hindi mo ako mapapa-oo. So, congratulations to you," sagot ni Mr. Taneco. Muling nagpasalamat si Gaustav pagkatapos ay nagpaalam na si Mr. Taneco sa kanya. Naiwan siya sa meeting room sa Ramosa Group of Companies dahil may inasikaso pa siya. Nang nakarating na sa parking lot ng building ay hindi niya maiwasang isipin si Zyra. Kating-kati na talaga siyang makausap ang dalaga. Kaya naman, kahit kagagaling lang sa meeting ay minabuti niyang pumunta sa bahay nina Zyra. Bahaha na kung anong mapag-usapan nila. Ang importa
Nagsimula na nga si Zyra na magtrabaho muli sa RCG nang bigyan siya ni Alexis ng isa pang pagkakataon. Bukod pa roon ay pinatira rin nito ang dalaga sa isa sa mga condo niya.Binuksan ni Zyra ang pintuan papasok ng nasabing condo. Pagod na pagod siya galing trabaho. Pupunta na sana siya nang may marinig siyang ingay mula sa sala."Hmm."Laking gulat niya nang makita ang isang lalaki. Hindi niya ito kilala pero sa tingin niya ay galing itong opisina at dumeretso lang sa inuman dahil amoy na amoy niya ang alak na ininom nito."Who the hell are you? Bakit ka nasa condo na 'to?! Teka, paano ka rin nakapasok? Magnanakaw ka, no! Guard! Guard!"Natigilan lang si Zyra nang lumapit 'yong lalaki sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Inis na inis naman ang dalaga dahil ang baho ng amoy ng lalaki sa harapan niya.Pagewang-gewang pa ito kaya lalong nainis si Zyra. "Ano ba?! Nakainom ka pa! Kadiri!" sigaw ni Zyra."Miss, sino ka? Bakit ka nandito sa condo ni Alexis?" tanong noong la
Makalipas ang ilang araw ay uumpisahan na ni Gaustav ang paghahanap niya kay Zyra. Nilihim iyon ni Gaustav kina Vilma at Prescilla dahil alam niyang tutol ang dalawa sa kanyang gagawin. Habang kumakain sila ng umagahan ay kinakausap pala siya ng kanyang Mommy Vilma."Hey, son. Are you even listening to me? Ang sabi ko, bakit mo inaway si Prescilla noong isang araw? Iyan tuloy, galit pa rin siya hanggang ngayon at ayaw niya tayong kasabay na kumain. Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo?" may inis sa boses ni Vilma nang sabihin niya iyon sa kanyang anak."Mommy, kung ano man po ang pinag-awayan namin. Wala lang po iyon. You know girls nowadays, hindi mo lang sila pagbigyan sa gusto nila ay grabe na kung magmaktol. Please, hayaan na lang po natin siya kung ayaw niya pong sumabay sa ating kumain," sagot ni Gaustav, inis na rin ang kanyang boses."Well, you better treat her right. May anak kayo na papalakihin. Yes, aaminin ko na ayaw ko pa rin naman sa kanya hanggang ngayon pero para sa anak
Hindi makapaniwala na nilapitan ni Zyra ang kaibigan pagkarinig niya noon. Namuo ang takot sa kanyang dibdib, feeling niya ay hindi siya makakababa mamayang lunch break."Ano? Bakit siya pumunta rito? Anong sinabi mo sa kanya?" may pag-aalalang tanong ni Zyra sa kaibigan."Syempre, sinabi ko na hindi ko alam kung nasaan ka. Well, inalam lang naman niya kung okay ka. Sinagot ko na lang para hindi na siya mangulit sa akin," sagot ni Lenie.May pangamba pa rin si Zyra dahil baka nasa baba pa rin si Gaustav. Tinanong niya ulit si Lenie kung iyon lang ba talaga ang sinabi nito sa binata."Sigurado ka bang iyon lang ang sinabi mo? At saka, sure ka bang wala na siya sa baba? Baka mamaya niyan, biglang magkita kami.""Sure ako, umuwi na siya. Bago ako pumunta dito ay sinilip ko pa siya eh. Kaya, makakababa ka na mamaya. Sige na, magtrabaho na tayo," yaya ni Lenie.Nag-iisip man dahil sa kwinento ni Lenie ay nag-focus na lang si Zyra sa kanyang trabaho.Nagulat na lang siya nang makita si Alex
Dahil nga inis na inis si Cynthia kay Vilma ay nag-isip ito ng magandang plano laban kay Vilma. Sasarilinin dapat niya iyon pero naisip niya na kung siya lang ang gagawa nito ay hindi niya kakayanin. Agad niyang sinabi kay Leo ang kanyang balak. Noong una pa ay ayaw ni Leo dahil binigyan nga siya ni Vilma ng pagkakataon para makapag-aral sa magandang eskwelahan. Pero, pinilit pa rin ni Cynthia ang kanyang anak dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman kay Vilma. "Seryoso ba kayo, nay? Parang ang hirap naman po ng gusto niyong mangyari. Isa pa, ang bait sa akin ni Tita Vilma. Parang hindi ko naman kaya 'yan." "Aba, at ikaw pa ang nagiging mabait sa kanya ngayon? Bakit? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang magkapera tayo? O, ito na. Gagawin na natin. Okay lang ‘yon, mayaman naman sila. Tiyak na makakabili ulit sila ng panibagong alahas kapag nagnakaw na tayo sa kanila,” sagot ni Cynthia, todo ngiti pa sa kanyang anak. “Pero nay, magnanakaw talaga tayo sa kanila? Paano ku
Agad na kinausap ni Zyra ang kanyang ina pagkatapos ng awayan noong dalawa. Hindi na nga natapos ang kanilang pagkain dahil nawalan na sila ng gana. "Nay, ano? Hindi na ba talaga kayo magiging maayos ni Tita Vilma? Sa tuwing magkikita ba kayo ay mag-aaway na lang kayo? Nay, paalala ko lang, kayo po ang sumama kay Gaustav noon at nagsabing gusto niyo pong tumira rito, hindi po ba?" Ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit ng kanyang anak sa bawat salitang binitawan nito. Hindi niya alam kung maiinis siya o masasaktan dahil sa sinabi ni Zyra. "Paano ba naman kasi, mapapel 'yang Vilma na iyan eh! Nananahimik ako tapos kung anu-ano ang sasabihin? Hindi tuloy ako nakakain ng maayos dahil sa kanya. Nakakainis!" sagot ni Cynthia, walang pakialam sa sinabi ng anak kanina. "Nay, kahit ganoon po siya, hindi mo naman kailangan na itulak siya palayo. Siya pa rin po ang may ari nitong mansion kaya please, respetuhin niyo po siya, kahit para sa akin na lang po, nay," may lungkot sa mga mata ni
Simula noon ay nagpapaligsahan na sina Vilma at Cynthia sa harapan ni Zyra. Kung ano ang gusto ng dalaga ay binibigay nila kaya litong-lito na si Zyra kung ano ang nangyayari sa kanila. "Ito, Zyra. Baka gusto mo. Masarap 'to, luto ito ni Yaya Frida. Pinaluto ko ito para talaga sa'yo," nakangiting sabi ni Vilma. Ngumiti naman si Zyra sa kanya. Sobrang thankful niya kay Vilma pero may lungkot sa mga mata ni Zyra dahil naisip niya na baka magselos si Cynthia kapag nalaman na todo ang effort ni Vilma sa kanya. "Thank you po, Tita ha? Don't worry po, kakainin ko ito. Mukha pong masarap, sure ako mauubos natin ito," nakangiting sagot ni Zyra. Agad niyang chineck kung lumabas na ba si Cynthia sa guest room. Nang makita niyang wala ay masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na niluto ni Yaya Frida. Nang tikman na nga ni Zyra ang ulam ay naging masaya siya. Masarap ang niluto ni Yaya Frida. "Hala, oo nga po 'no? Ang sarap pala talaga magluto ni Yaya Frida. Salamat po dito ah," nakan
Nang makauwi na sila ay hinintay ni Vilma na makapunta sa kwarto si Cynthia. Gusto kasi niyang kausapin si Zyra tungkol sa pagsisinungaling niya roon kanina sa school. "Zyra, pwede ba tayong mag-usap? Gusto ko lang sanang magpaliwanag kung bakit ko ginawa 'yong kanina. Kung okay lang?" hindi makatingin ng deretso si Vilma kay Zyra dahil nahihiya siya. "Ah, actually, gusto ko na nga rin po kayong makausap tungkol doon. Aaminin ko po, hindi ko rin nagustuhan ang sinabi niyo pero umaasa po ako na may dahilan kayo kung bakit ganoon po ang ginawa niyo kanina." Umupo si Zyra sa sofa at sumunod naman si Vilma sa kanya. Ilang minuto pa silang naging tahimik bago tuluyang magsalita ni Vilma. "Zyra, I'm really sorry. Ginawa ko lang naman iuon dahil alam kong hindi makakapasok si Leo kapag hindi ako nagsinungaling. Alam mo na, I have to use my connections para maayos natin ang requirements niya. Kaya iyon, naisip ko na magpanggap na ako ang nanay ni Leo." Tumango-tango naman si Zyra,
Napatigil sina Cynthia at Leo. Napangiti naman ang binatilyo dahil sa totoo lang ay gusto niya talaga na roon pumasok. Ayaw na niyang bumalik sa dati nilang buhay. Nang lumapit na si Vilma sa kanila ay agad nitong tinanong kung ano ba ang naging problema nila. "Ano bang problema rito? Naririndi ako sa sigawan niyo," inis na sagot ni Vilma. "Mrs. Ramos, sinabi po kasi niya na siya po ang nanay noong enrollee. Mukhang yaya naman po siya," sagot noong babae. Sa isip-isip ni Vilma ay gusto na niyang matawa dahil sa narinig. Tiningnan niya si Cynthia, mukha nga naman itong yaya sa suot nito. "I'm his mother. Totoo, yaya talaga siya ng anak ko," sabi ni Vilma kaya nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Muli na naman tuloy nag alburoto si Cynthia. Alam niyang iniinis talaga siya ni Vilma. Kaya, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. "Vilma, ano bang sinasabi mo? Alam natin na anak ko ito! Palibhasa, mayaman ka kaya ang lakas ng loob mo na gawi
Umalis na nga sila papunta sa magiging bagong school ni Leo. Ang buong akala ni Cynthia ay siya lang ang kasama pero nagulat siya nang makitang pati si Vilma ay sumakay ng kotse. Hindi tuloy niya naiwasang hindi magtanong sa anak kung bakit pati si Vilma ay nandoon. "Zyra, talaga bang pati siya ay kasama? Akala ko, tayo lang tatlo ni Leo ang pupunta roon?" Sasagot na sana si Zyra pero dahil narinig iyon ni Vilma ay siya na lang ang sumagot. "Ah, balae, sasama ako sa inyo para mas madali ang process ni Leo sa bago niyang school. Kaibigan ko kasi ang head doon, baka makatulong ako." Kumunot naman agad ang noo ni Cynthia. Balae? Paano naman naging balae ang tawag ng ginang kay Cynthia e hindi pa nga ito kasal kay Gaustav? "Balae? Hindi pa naman kasal ang mga anak natin, hindi ba?" sabi ni Vilma, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pagtatanong. "Ah, balae na ang itatawag ko dahil ikakasal naman ang mga bata. Hindi nga lang ngayon pero in the future. Pwede naman sig
Makaraan ang ilang linggo, dahil nga hindi na pumasok sa RCG ay dinalaw na lang siya ni Lenie sa mansion. Pinagbuksan siya ng gate ni Yaya Frida kaya tinanong na rin niya rito kung nasaan si Zyra. "Ay, Yaya Frida, nasaan po pala si Zyra? Pakisabi naman po na dumalaw ako sa kanya." "Sige po, pasok po muna kayo at umupo rito. Nasa kwarto pa si Zyra, nag-aayos. Aalis po yata sila mamaya," sagot naman ni Yaya Frida. Tumango na lang siya. Pagkapanhik ni Yaya Frida ay naiwan si Lenie sa living room. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lang si Lenie nang makita si Cynthia sa mansion. Kakalabas lang nito sa guest room. "O, Aling Cynthia. Nandito na po pala kayo. Ibig sabihin, okay na po kayo ni Zyra?" tanong ni Lenie, kumunot agad ang noo ng matanda. Nagtaka tuloy si Lenie at napatanong sa kanyang sarili. 'May nasabi ba akong masama?'
Pagkatapos makipag-usap ni Cynthia kay Zyra ay bumalik na ulit siya sa guest room at kwinento kay Leo kung ano ang pinag-usapan nila ng kanyang panganay na anak."Hay naku, ang bilis naman pala niyang mapaniwala. Konting yakap lang, konting luha, okay na agad siya. Naniwala na agad na okay kami. Ano ba namang klaseng mga tao 'to?" natatawa pa si Cynthia pagkatapos sabihin iyon."Sabi ko naman sa'yo nay, konting lambing mo lang ang kailangan ni Ate Zyra. Titiklop agad iyan. Kaya, umarte lang tayo nang umarte, ha? Sigurado ako, maniniwala siya na okay na talaga tayo sa kanya. Kunwari, mabait pero may ibang pakay pala," natatawang sagot ni Leo."Kunwari? E, mabait naman talaga ako. Sadyang nainis lang talaga ako sa Ate Zyra mo. Hindi sumusunod sa akin. Kung sumusunod naman siya, hindi ko na sana siya peperahan pa. Wala, eh. Makulit siya!" sagot naman ni Cynthia."Nay, kalma ka lang. Ibaba mo ng konti ang boses mo at baka marinig ka nila. Sige
Pagkatapos kumain mg merienda ay agad na kinausap ni Zyra si Gaustav. Hindi pa rin rumerehistro sa utak niya na nasa mansion na ang kanyang ina at kapatid. "Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang buong akala ko, bibisita lang sila sa akin, tapos malalaman ko ngayon na rito na sila titira? Aba, ibang klase ka rin naman kung magdesisyon!" sabi ni Zyra pagpasok nila sa kanyang kwarto. "Zyra, pwede bang tanggapin mo na lang? Kahit ako, nagulat din sa naging desisyon nila eh. Pero, ano bang magagawa ko? Gusto nilang sumama sa akin at tumira raw dito," may inis na rin ang boses ni Gaustav. "Okay sana kung totoo ang intensyon nila sa akin. Pero, sa nakita ko kanina? Parang may mali eh. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero ramdam ko, may mali talaga," sagot naman ni Zyra. Hindi na maintindihan ni G