NAKANGITI SI SHANELLE habang pinagmamasdan ang magandang view sa kaniyang harapan. Nasa rooftop siya at doon niya muna naisipang magpahinga ng ilang oras. Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari iyon sa kanila ng mama niya. Ang pagdukot sa kanila ni Liyah at wala pa silang awang itinapon sa bangin. Mabuti na lang at nakaalis sila kaagad doon dahil kung hindi, baka roon na sila mismo mamatay. Tinupad niya rin ang pangako sa kaniyang mama na hindi na siya pupunta kay Elvin. Kahit ganoon pa man, walang araw ang hindi niya nami-miss ang binata dahil minahal na niya ito kahit papaano. Mas mabuting lumayo na lang siya sa binata kaysa sa mapahamak pa sila ng mama niya. Marahil ay ang paglayo niya ang magiging rason ng panghabang-buhay nilang katahimikan. Sisimulan na rin niyang kalimutan ang binata kahit na masakit sa kaniyang kalooban."Anak, handa na ang tanghalian," ani ng isang tinig mula sa kaniyang likuran.Binalingan niya iyon at nakita niya ang mama niyang naka-apron pa, halatang k
MARAMING ORAS, ARAW, at linggo ang lumipas. Ganoon pa rin sina Shanelle at mama niya. Nagtatago sa bahay para maprotektahan ang mga sarili. Isang buwan na ang nakalipas pero ang takot ay hindi pa rin umaalis sa buong pagkatao ni Shanelle. Isang buwan na rin ang nakalipas nang malaman niyang buntis siya. Isang buwan na siyang nabubuhay ng hindi masaya. Oo, masaya siya dahil sa anak niya pero iyong mga nangyayari... iyon ang hindi kasiya-siya.Abala si Shanelle sa pagkutkot ng kaniyang cellphone nang bumukas ang pinto. Binalingan niya iyon at mula roon ay nakita niya si Kevin habang may kasamang isang pamilyar na babae. Hindi siya maaaring magkamali dahil ang babaeng iyon ay ang babaeng nandoon sa bahay ni Levin noong nakaraang buwan. Kung hindi siya nagkakamali ay Cherry Pie ang pangalan nito."Hey, Shanelle. Tulala ka!"Natigilan siya nang biglang magsalita si Kevin na nasa harap na pala niya. Lumunok siya saka binalingan ang binata. "H-hindi. Ano kasi... jowa mo?" Sabay turo niya kay
"HUWAG SANANG MAGALIT si Elvin kapag nakita ka niya ulit. Alam kong masakit iyon, iyong iniwan mong sulat sa kaniya kahit na hindi ka naman talaga ang nagsulat. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Sana talaga'y huwag siyang magalit," sabi ng mama ni Shanelle habang papasok sila sa kanilang bahay.Hindi siya umimik bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya kay Elvin. Ano na bang mangyayari kapag nagkita muli sila ni Elvin? Magagalit ba ito dahil iniwan na lang niya ito ng basta-basta? Na kahit hindi naman niya gusto, magagalit kaya ito? Kapag ba nagpaliwanag siya, papakinggan siya nito? Hindi naman talaga niya gustong iwan ang binata pero nang dahil kay Liyah, wala siyang ibang nagawa. Mas pinili niya ang kanilang buhay kaysa sa lalaking mahal niya. Mas mahalaga pa rin ang mama niya kahit pagbaliktadin man ang mundo. Oo, nagkamali siya na pinili niya iyon— kaysa naman sa mamatay sila.Hindi na niya namalayan na nakapasok na sila ng bahay. Basta't namataan na
"Natandaan mo ba iyong iligal na trabahong pinasok ko rati? Iyong ibinenta ko ang sarili kong pagkababae para lang may tuition sa pag-aaral. Akala ko'y tapos na ang lahat pero hindi pala, doon ay nagsimula ang babangungot sa buhay ko," mahinahong sabi nito pero ramdam niya sa boses nito ang sakit na may halong galit."Naalala ko iyon dahil maski ako ay pumasok na rin doon. Anong bangungungot ang tinutukoy mo?" naguguluhan niyang tanong kapagkuwan.Inalis ni Pamela ang tingin sa kaniya at tumingin sa kawalan kapagkuwan ay malalim na bumuntong-hininga saka nagsimulang magsalita— magkuwento. "Binenta ko ang sarili ko dahil alam kong iyon lang ang way para magpatuloy ako sa pag-aaral. Binenta ko ang pagkababae ko sa isang hayop and demonyong lalaki. Hindi natuloy ang napag-usapan. Isang session lang ang pinili ko pero ilang ulit niya akong ginalaw hanggang sa magdugo na ang pagkababae ko. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang nang nagpatuloy. Hanggang sa nagmakaawa na akong tama na
"Elvin..." hindi makapaniwala niyang sabi.Ngumiti ang binata. Bago siya sinagot, inabot muna niya ang mga anak nila kay Dave. "Hi, Shanelle," malamyos na sabi nito.Kung kanina'y naiiyak siya dahil sa anak niya, ngayon naman ay naiiyak siya dahil sa wakas ay kasama na niya si Elvin. Walang pagdadalawang-isip na tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at mahigpit itong niyakap."Elvin," umiiyak niyang sabi sa gitna nang mahigpit nilang pagyayakapan.Humiwalay din naman kaagad si Elvin at masuyo siyang tiningnan. Ang mukha nito, hindi niya mapigilang mapalunok dahil lalo itong gumuwapo. Na-miss niya ang binata at sana'y wala nang sumira sa relasyon nilang dalawa. Kapagkuwan ay inangat ng binata ang mga kamay at hinawakan ang magkabila niyang pisngi."I'm happy to see you again, Lane. I'm really happy," nakangiting anito saka hinalikan siya sa kaniyang noo. "I thought hindi na tayo magkikita but God gave me a right time to see you and our children. I couldn't believe it, Lane. I really c
ISANG LINGGO ANG nakalipas..."Ate Tere, iiwan ko po muna rito ang mga anak ko, ha. Kikitain ko lang po kasi ang kaibigan ko sa bayan. Hayaan niyo, babalik po ako agad," nakangiting sabi ni Shanelle sa kasambahay nilang si Tere.Tumango lang ito. "Makakaasa po kayo, ma'am. Aalagaan po namin sina Elvis at Erin," anito."Sige po, nasa kuwarto sila at natutulog.""Sige po."Hindi na siya nagsalita pa dahil naglakad na siya palabas ng bahay. Hindi sana siya aalis pero tinawagan siya ni Fatima at may importante raw itong sasabihin sa kaniya. Hindi niya alam kung ano iyon pero pakiramdam niya'y importante talaga ang sasabihin nito. Hindi na rin niya kailangang matakot dahil may mga nagbabantay sa kanila. Parang katulad lang din noon, kung paano siya pinabantayan ni Elvin. Oo nga pala, nasa Maynila ito at may gagawin daw na mahalaga na ilang araw ng hindi nabalik.Nang makalabas, sinalubong siya ng dalawang lalaki. "Saan po kayo pupunta, ma'am?" tanong ng isa sa mga ito."Sa bayan lang at ma
IT HAS BEEN almost a year since Elvin didn't see Lane. Halos pagsakluban siya ng langit at lupa dahil wala siyang ibang inisip kundi ang dalaga. And Elvin knows there is a right time to meet her. He misses Lane. He misses his wife. He misses all of her being. He wants Lane right now. He needs her. Muli, nilagok na naman ni Elvin ang alak sa bote na hawak-hawak niya. Nasa kaniyang bahay siya— mag-isa habang nagpapakalunod sa alak. Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa pader at hindi na mabilang ang mga bote ng beer na nagkalat sa kuwarto niya. He was depressed. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin dahil matagal na niyang hindi nakikita si Lane. Isang taon ang nakalipas, wala siyang ibang ginawa kundi ang ipahanap, hanapin, at isipin ang babaeng pinakamamahal niya. Mahal na mahal at miss na miss na niya si Lane. Napabayaan na niya ang kaniyang sarili. Palagi na lang siyang sa loob ng bahay at ni hindi man lang lumalabas. Nakalimutan na rin niya ang kaniyang kumpanya pero mabut
HE HEAVED A deep sigh. Ngayong alam na ni Elvin ang lahat, ano na ang gagawin nito? Naiiling na lang siyang lumabas ng bahay ng kapatid at mabilis na sumakay ng kaniyang sasakyan. He drove his car towards to his building. He is the owner of Savannah & Beverly Hotel. That name are names of his younger sisters. Savannah, who died years ago and Beverly who's still alive and currently studying.Habang nagmamaneho, biglang tumunog ang cellphone niya na nasa kaniyang bulsa. He shook his head for countless times before he took his phone in his pocket.Rogue's calling...It's his friend."I have an important matter to tell you, Levin," he said.Levin's forehead furrowed. "Ano na naman iyan, Rogue? I'm driving. And please, sabihin mo na sa akin agad," aniya sa naiinis na tono.Pagak na tumawa ang kaibigan. "I'm here at the mall." Paused. "Sipping my milk tea." Paused, then he heard a sipping tune. "Wanna know what I have saw?" tanong nito kalaunan.Shit this man. Wrong timing! "Could you tell