Share

CHAPTER 28

"PAPA, ALAM KONG hindi ka masaya ngayon dahil sa nangyari. Alam ng Diyos na wala akong kinilaman sa sulat na iyon. Alam na alam niya ang lahat kaya sana po'y huwag na po kayong magalit sa akin. Si Trixie, ang babae pong iyon ang may gawa ng sulat. Mahal na mahal po kita, sana po'y huwag na kayong malungkot at magalit sa akin. Kung nasaan man po kayo ngayon, sana po'y maayos na kayo," naluluhang ani Shanelle habang nakayuko— nakatingin sa puntod ng papa niya.

Hindi niya pa rin tanggap ang nangyari rito. Nawala ito ng ganoon-ganoon lang at hindi man lang niya nakitang maayos— na gumaling ito sa sakit na iniinda. Gusto niyang ibalik ang oras pero alam niyang hinding-hindi na iyon mangyayari. Sising-sisi siya sa nangyari sa papa niya. Sa kaniya nagsimula ang lahat at kahit na hindi siya ang nagsulat ng liham, pakiramdam niya'y siya rin ang may gawa kaya namatay ito. Kung noon pa sana siya bumalik, pero ang walang hiyang si Elvin ay hindi siya pinayagan. Baka kung noon ay nakabalik na siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status