ANG akala ng iba madali lang maging mobile school teacher for indeginous children of Cordillera. Hindi. Hindi ito ganoon lang kasimple. Marami kasing obstacle, idagdag pa ang mental at physical struggle. Kaya marami sa kanila ang sa una lang magaling, agresibo, pero hindi naman pala tatagal. Konting hirap lang gusto na agad umayaw. Tulad ni Guen, pangatlong araw pa lang niya ito sa pagtuturo ay parang gusto na agad niyang sumuko. Pagkakita pa lang niya sa naghihintay na bangka – sa gagawin na naman niyang pagsasagwan – ay parang gusto na niyang bumalik sa shelter, magpaalam sa kanyang mga co-teacher at umuwi sa Maynila.
“Titser,” kumakaway na tawag ni Amihan, 12 anyos na katutubo, laging may nakasakbat na paslit sa likuran. Kanina pa ito nakapuwesto sa bangka, hawak ang sagwan. “Lika na po, Titser, baka naghihintay na po sila.”
Urong-sulong, nagdadalawang-isip na sumakay si Guen sa bangka.
Pero dahil sa unti-unti na ngang nababawasan ang determinasyon niya sa ginagawa, halos hindi pa man lang sila nakakalayo ay nakaramdam na agad siya ng hirap, ng pagod, ng pananakit ng braso. Humihingal na tumigil siya sa pagsasagwan upang tanungin ang sarili kung hanggang kelan siya ganito, kung hanggang kelan siya tatagal.
“Sabi ko naman po kasi sa inyo, Titser, ako na lang magsasagwan…” natutuwang sabi nito dahil sa kakatwang itsura ng dalaga. “Kayang-kaya ko naman po magsagwan kahit mag-isa. Sanay po ako.”“Okay lang,” aniya. “Mas mabilis kasi kung dalawa tayong nagsasagwan.”“Mabilis nga, pagod naman po kayo. “patuloy ng bata. “ Alalahanin nyo, titser, aakyat pa po tayo sa bundok…”“Hindi bale,” sabay buntunghininga. “Bukas naman sa Ampico na ko. May trak daw ng minahan na dumadaan sa paanan ng bundok, puwede akong makisakay.”
Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Amihan. Ang ibig kasing sabihin niyon ay sa lunes na ulit ang klase nila sa bundok ng Badion.
Ganoon kahirap ang ruta ni Guen. Ahon-lusong siya sa matatarik, mabato at masusukal na mga bundok. Mula lunes hanggang Miyerkules sa Badion ang schedule niya; huwebes hanggang sabado sa bundok ng Ampico; pahinga ang araw ng linggo. Pero sabi nga ng matagal na sa gawaing ito, hindi talaga pahinga ang araw na yon dahil pagkatapos nilang mamalengke, maglaba at gumawa ng lesson plan, ang natitirang oras ay iniuukol nila sa patuloy na pag-aaral ng tradisyon at kultura ng mga katutubo para mas madali nilang magampanan ang bokasyon.
NA KUNG TUTUUSIN ay hindi naman talaga kailangan ni Guen na pagtiisan ang lahat ng iyon. Anak mayaman siya, at hindi lang basta mayaman, old rich kumbaga. Bukod kasi sa ospital na pag-aari ng pamilya nila, marami pa rin silang ibang negosyo na may koneksyon sa medisina. Kaya tulad ng tipikal na kagaya nila, ang nakagisnan niyang magulang ay ang kanyang yaya.
“Gising na,” anito habang inihahanda ang isusuot niya. “Maligo ka na, tapos ready na ang breakfast. Maaga ang piano lesson mo ngayon, di ba?”Pupungas-pungas na bumangon ang batang si Guen.
“Tapos, mamaya…” patuloy nito. “aalis tayo.”“Yey! Punta tayo sa ospital Yaya? Puntahan natin sila Papa?““Hindi,” pagtutuwid nito. “Bawal ang bata doon, di ba? Baka mamaya mahawa ka pa ng sakit doon. Sabi ng mama mo i-enroll daw kita sa ballet class.”Dismayado, nagmamaktol na pumunta siya sa banyo.
“Aba…”“E ayoko naman ng ganoon, e.”“Ano gusto mo?”Hindi na sumagot si Guen. Hindi rin niya alam ang gusto niya. Basta ang alam lang niya, hindi masaya ang ganoon.
Kaya habang nasa harap siya ng piano at tumitipa ng Do-Re-Mi sa tiklado, hindi niya maiwasang tumingin sa bintana. Doon sa gawi ng patio. Nandoon kasi si Yaya, tinuturuan ng ABC ang anak nito sa pagkadalaga, si Roy. Mas gusto niya ang ganoon. Parang ang saya. May kiss pa si Roy pag tama ang basa.
BAGAY na pinagseselosan niya. Naiinggit kasi si Guen sa tuwing magkasama ang dalawa. Sa paglalaba, sa pagtulog, at marami pang iba. Kaya nang minsang papunta sila sa ballet school at magkatabi sila ni Roy sa backseat ng sasakyan, tinyempuhan niyang hindi nakatingin si Yaya at nanggigigil na kinagat niya ito sa tenga.
“Aray!”“Bakit?” Biglang lingon si Yaya. “Anong nangyari sa inyo dyan?”“W-Wala po,” ani Roy habang hawak ang kinagat na tenga. “May langgam po.”
Sa isang banda’y pinagsisihan din ni Guen ang kamalditahan niya. Naisip na kung nagsumbong si Roy ay siguradong mapapagalitan siya ni Yaya. Hindi lang yon, baka nag-alsa balutan pa ang mga ito at iwanan siyang mag-isa. At ayaw niyang umabot pa sa ganoon. Mahal na mahal niya si Yaya at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Ayaw niya mapag-isa.
KAYA mula noon ay naging mabait na siya kay Roy. Lagi silang magkasama, hanggang pre-med ay magkaklase sila. Pabor naman iyon sa mga parents niya para kahit wala daw si Yaya ay may mag-aalaga sa kanya. May mag-aasikaso, may driver… Sa madaling salita, may bantay siya. Bantay na sa tuwing iba ang binabantayan nito ay nagagalit siya. Nagseselos, lalo na kung maganda din ito na tulad niya.
“Sorry na, ““Hmp!”“Kaya ko lang naman siya kinakausap kasi…”“Kasi, ano…”“May modelling agency daw kasi sila,” paliwanag ni Roy. “Puwede daw ako doon.”“Hindi,” aniya. “Ayoko”“Pero…”“Basta,” patuloy na giit ni Guen. “ Sabi ni Papa magdodoktor tayong dalawa.”PERO naging mapilit si Roy. Sa kabila ng pagtutol ng lahat ay sinunod pa rin nito ang gusto. Ipinagpalit ang kursong medisina para sa pagmomodelo.
“Lagot ka pag nalaman ‘to ni Papa.”“Sasabihin mo ba?”“Ano ba kasi talaga problema, sagot naman nila papa pag-aaral mo, a?”“Yon na nga, e. Nahihiya na ako sa mga parents mo,” katuwiran nito. “Pero mag-iipon lang ako, tapos itutuloy ko rin ang pagdodoktor.”“Talaga?”“Oo.” Ani Roy. “Promise…”
DANGAN nga lamang at hindi nito natupad ang pangako. Sa iba kasi nito inilaan ang lahat ng ipon. Kaya nang bigla itong lumuhod sa gitna ng katatapos lang na graduation ni Guen sa kursong medisina at ilahad ang isang mamahaling singsing, lahat ng pagtatampo ng dalaga ay naglahong parang bula. Tuwang-tuwa siyang napaluha.
“Will you marry me?”Yes ang paulit-ulit na sigaw ng mga naka-togang nakapalibot sa kanila. Kanya-kanyang kuha ng picture, ang lahat ay natutuwa sa nagaganap na eksena.
“ Please...…”“Yes!” sa wakas ay sagot niyaNagsigawan sa tuwa ang lahat.
Maging si Yaya ay hindi napigilan ang mapaluha. Tuwang-tuwa ito para sa dalawa.
Pero hindi ang mga magulang ni Guen. Walang lingon-likod na umuna na ang mga ito papunta sa sasakyan.
KAYA nang makauwi sila nang walang imikan sa sasakyan, inaasahan na ni Guen na mahihirapan silang dalawa ni Roy na magpaliwanag sa kanyang mga magulang. Sigurado kasing nabigla ang mga ito kanina. Walang kamalay-malay na silang dalawa na pala.
“Kelan pa ‘to?” Halatang nagpipigil ang Papa ni Guen. “Yaya, alam mo ba ‘to?”Napayuko si Yaya, hindi makasagot.
“Papa…”
Mangangatuwiran sana si Guen pero pinigilan siya ng ina.
“Kinupkop ko kayo,”patuloy na panunumbat nito. “pinag-aral… tapos, ganito pa ang igaganti nyo sa akin?”“Mahal ko siya, Papa…”“Umakyat ka sa kuwarto!”“Pero…”Walang nagawa ang pagpupumiglas ni Guen nang sa tulong ng mga katulong ay dalhin siya ng ina sa kuwarto. Ikinulong siya doon kaya hindi na niya alam kung ano pa ang napag-usapan ng mga ito. Tanging alam lang niya ay mula sa kanyang bintana ay nakita niyang lumabas ng gate sina Yaya at Roy, may dalang gamit.
MULA noon ay hindi na sila nagkita. Sinubukan niyang hanapin ang mga ito. Pati modelling agency na may hawak kay Roy ay pinuntahan niya.
“Sorry,” sabi ng nakausap niya doon. “Medyo matagal na nga din namin siyang hindi makontak. Lumipat lang ng bahay nawala na. Ang dami pa naman niyang naka-line up na project…”Maging ang mga dati nilang kaklase, kaibigan ay sinubukan din niyang puntahan. Pero wala. Tanging nakuha niyang impormasyon ay may pasabi ito na gagawin daw ang lahat para yumaman. At kapag mayaman na ito, saka siya nito babalikan.
Kaya naghintay siya.
Matagal.
Halos bilangin niya ang bawat minuto, bawat oras, bawat araw, bawat taon. Damang-dama niya tunay na kahulugan ng kalungkutan.
Kaya nang hindi na niya nakayanan ang pag-iisa, idagdag pa ang kinikimkim na sama ng loob sa mahabang panahon, naisip ni Guen na iguho ang pangarap ng kanyang mga magulang.
Iniwan niya ang buhay sa ospital.
Nagpakalayu-layo siya. Palipat-lipat ng lugar, walang tiyak na patutunguhan, tanging hangad ay hindi siya matagpuan ninuman.
Hanggang sa makarating siya sa bulubundukin ng Cordillera.
HINDI nagtagal at natanaw na ni Amihan ang maliit na pantalan sa paanan ng bundok Badion. Tuwang-tuwa na kumakaway sa kanila ang naghihintay na mga katutubong bata.
“Titser! Titser!”“Dali, Amihan! Dali!”Binilisan ni Amihan ang pagkampay sa sagwan.
Pagkadaong na pagkadaong ng bangka ay agad na kinuha ng mga bata ang mga dalang gamit ni Guen sa pagtuturo, pati na ang lagi niyang dalang first aid kit.
“Kami na po ang magdadala, titser…”“Salamat…”Nagkakatuwaan na pinangunahan ng mga ito ang maputik at madulas na daan papasok sa masukal na kagubatan.
Pero naiwan si Amihan sa tabi ng bangka. May lungkot sa mga matang nakatingin lamang siya sa nag-iisang bale (bahay ng Igorot) sa di kalayuan. Pagkuwa’y biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Sa gawing likuran ng bale ay may namataan siyang babae na may saklay. Kilala niya ito, hindi siya maaaring magkamali.
“Aliw-iw?”Lumingon si Guen, saka pa lang niya namalayang naiwan pala si Amihan. Sinundan niya ng tingin ang tinatanaw ng batang may paslit sa likuran.
“Amihan…?“Si Aliw-iw po, Titser, “ anito. “Nakita ko po siya…”“Si Aliw-iw na taga-Ampico?” paglilinaw ni Guen.“Opo. KIlala nyo po siya?Tumango si Guen, “Ipinakilala siya sa kin ng mga elders doon sa shelter, siya daw ang coordinator ko sa kabila…”
Muling iginala ni Guen ang kanyang paningin. Wala.
“Paano naman siya mapupunta dito e anlayo ng Ampico dito?”Nagkibit ng balikat si Amihan.
“Lika na kayong magkapatid,” yaya ni Guen kay Amihan.” tatanghaliin na tayo.”Saglit na inayos ni Amihan ang parang backpack na paslit sa likuran, pagkuwa’y sumunod na ito sa karamihan.
Ahon-lusong ang makipot na daan sa gitna ng kagubatan. Laging nasa unahan ni Guen ang mga katutubong bata. Masisigla ang mga ito, parang walang kapaguran. Pakanta-kanta, pasipol-sipol, panay ang tawanan.
Maliban kay Amihan.
Nahalata iyon ni Guen kaya kinausap niya ito ng masinsinan.
“Gusto mo bang sumama sa kin bukas sa Ampico?’ ani Guen. “Dapat nga yata doon ka pumapasok, e. Mas malapit kayo doon diba?”“Ayoko sa kanila,” tanggi nito. “Inaapi nila si Kibaweg!”“Kibaweg?”Akmang may sasabihin sana si Amihan nang mula sa gawing unahan ng kanilang pupuntahan ay nakasalubong nila ang isang hubad-barong lalaki. Pawisang-pawisan ang maskuladong katawan nito, pasan sa balikat ang mga pinulot na panggatong.
“Kibaweg! Kibaweg!”Halos mag unahan ang mga bata sa pagsalubong. Yumayakap, naglalambitin sa matitipunong braso, mainit na pagtangkilik ang ipinadarama ng mga ito.
“Kelan pa po kayo dumating?”“Kagabi,”Pagkuway dumukot ito sa bulsa ng kupas na maong at inilahad sa mga bata ang iba’t ibang uri ng kendi.
May kakaibang tuwa na naramdaman si Guen habang pinapanood niya ang pagkakagulo ng mga bata. Napakasimpleng bagay lang ang natanggap ng mga ito pero kung ituring ay parang napakalaking kasiyahan na. Halos mag-agawan ang mga bata, pati na yung paslit sa likuran ni Amihan ay pilit umaabot ang kamay. Humihingi.
“Teka, teka…Isa-isa lang, lahat kayo magkakaroon. “natatawang saway ni Kibaweg. “Mamaya dumaan kayo sa bahay, bibigyan ko ulit kayo!”“Talaga po?”“Oo”Pagkuwa’y binalingan nito si Guen. Sandali itong natigilan nang mapansin ang mestisahing itsura ng dalaga.
Saglit silang nagkatitigan.
Unang umiwas ng tingin si Guen,
“Tayo na,” aya niya sa mga bata. “Baka hinihintay na tayo ng mga kaklase nyo sa kubol.”May panghihinayang sa mata ng mga bata. Parang humihiling ang mga ito na manatili pa sila doon kahit ilang sagit pa.
Pero matatag na umiling si Guen.
“Sige po, Kibaweg” paalam ng mga bata. “papasok na po muna kami.”“Daan kayo mamaya sa bahay, ha.”“Opo”Ngumiti si Kibaweg nang mapatapat si Guen.
“Ikaw pala ang bagong nagtuturo sa kanila,” bati nito, sabay lahad ng pakikipagkamay. “Ako nga pala si Kibaweg...”Alanganin niyang inabot ang kamay nito. Parang may dumaloy na kuryenteng hindi niya maintindihan kaya agad din niya itong binitiwan.
“S-Sige,” aniya. “mauna na kami. “Malayo na ang nalalakad nila pero hindi pa rin maalis sa isip ni Guen ang kahali-halinang itsura ni Kibaweg. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang matipunong pangangatawan nito, pati na ang mamula-mulang kutis. Ni sa hinagap ay hindi mo isiping katutubo ito. Napakaguwapo.
Hay, naiinis sa sariling umiling siya. Pag-iling na sinasaway ang sarili sa kung anuman itong damdaming nag-uumusbong sa dibdib niya. Pakiramdam kasi niya may mali. Noong nagpunta kasi siya dito ay klaro ang dahilan. Upang lumayo. Para makalimot. Hindi para muling umibig at masaktan.
MADALAS maiwan sa paglalakad si Amihan. Lagi kasi nitong inaayos ang kargang bata sa likuran. Pero wala itong reklamo, Parang kakambal ang ituring dito. Pakiramdan tuloy ni Guen siya ang nahihirapan para sa magkapatid.“Bakit mo ba kasi laging isinasama yan, “aniya “ Paano ka makapag-aaral mabuti kung lagi kayong ganyan. ““Naku, Titser, lalo po akong hindi makakapag-aral pag di ko to isinama. “ anito. “Wala po kasing mag-aalaga.”“Bakit, asan ang nanay mo?”
ANG HINDI alam ni Guen, hindi ordinaryong katutubo lang si Kibaweg. Ni hindi nga niya alam na madiim pa lang ay lulan na ito ng 4X4. Pangiti-ngiti sa sarili habang binabaybay ang maalikabok na daan papunta sa taniman.Malayo pa ang kanyang sasakyan ay nakita na agad niyang kumakaway si Amihan, itinuturo kung saan siya puwede pumarada.“Ama! Ina! Nandito na po si Kibaweg,”Mula sa silong ng bale ay lumabas ang ama ni Amihan, naghanda ito ng mauupuan.Pagkababa ni Kibaweg sa sasakyan ay mer
KANINA pa siya nandoon sa bintana. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip ni Guen kaya di niya namalayan ang paglapit ni Melba.“Ganyan din ako noong una, “ sabi nito. “Laging tahimik, tapos ngingiti, tatawa kahit nag-iisa. ““Ha?”“Naalala mo siya?”“Sinong…?“Siya,” patulo
KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si
PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la