MADALAS maiwan sa paglalakad si Amihan. Lagi kasi nitong inaayos ang kargang bata sa likuran. Pero wala itong reklamo,
Parang kakambal ang ituring dito. Pakiramdan tuloy ni Guen siya ang nahihirapan para sa magkapatid.“Bakit mo ba kasi laging isinasama yan, “aniya “ Paano ka makapag-aaral mabuti kung lagi kayong ganyan. ““Naku, Titser, lalo po akong hindi makakapag-aral pag di ko to isinama. “ anito. “Wala po kasing mag-aalaga.”“Bakit, asan ang nanay mo?”
“Nasa taniman po, tumutulong kay Ama “
Nakauunawang ipinagpatuloy nila ang paglalakad.
Hindi nagtagal ay narating din nila ang maliit na komunidad ng Badion. Mahamog ang lugar, talagang napakataas ng kanilang kinalalagyan. Halos nasa tuktok na sila ng bundok. Abot-tanaw ang buong kapaligiran. Sa gitna ng nakapalibot na bale ng mga katutubo ay nakapuwesto ang kubol na kung ituring ng mga ito ay eskuwelahan.
“Andyan na si Kibaweg” pasigaw, paulit-ulit na pagbabalita ng mga bata. “Kagabi daw po siya dumating!”
Sa malaking pagtataka ni Guen, pati matatanda’y kinakitaan niya ng tuwa. Ng galak. Ng pag-asa. Pakiramdam tuloy niya, napaka-espesyal na tao ni Kibaweg sa mga ito.
“Kumusta daw ang lakad niya sa Maynila, “salubong ni Apo Dulay, ang pinuno ng tribo. “Naayos na daw ba niya ang tungkol sa kooperatiba?”
“Ho?”
“Wala siyang nabanggit?”
“Hindi po kami nakapag-usap,” aniya. “Dumiretso na po kasi kami agad papunta dito. “
Tumangu-tango ang matanda.
“Sige po,” paalam ni Guen
“Mabuting tao si Kibaweg,” habol ni Apo Dulay. “Siya ang gumawa ng paraan para magkaroon kami dito ng eskuwelahan, pati na doon sa iba pang lugar. Wala siyang pinipiling tulungan. Para siyang sugo ng aming mga anito. “
Minabuti ni Guen na ituloy na ang naudlot na paghakbang upang hindi na humaba pa ang usapan. Dumiretso siya sa kubol. Sa loob nito ay nandoon din ang matatandang nahihiya magpaturo kaya kunyari ay binabantayan ang mga bata.
“Good morning, class “
“Good morning din po, Titser!” mas malakas ang boses ng matatanda.
“Warm up muna tayo, ha…” panimula ni Guen. “Balikan natin sandali yung lesson kahapon para doon sa mga hindi nakapasok dahil nasa taniman “
Naglabas siya ng picture ng prutas.
“A is for…?” aniya
“Atis! “sabay-sabay na sagot ng mga ito
“B is for…?” isang uri ng reptile ang ipinakita ni Guen.
“Bayawak!”
“K is for…” pinakita niya ang picture ng kalabaw.
“Kibaweg!” umiibabaw ang boses ni Amihan
“Teka, teka…” natatawang sabi ni Guen. “Ba’t pati si Kibaweg nasali na naman dito?”
“Kasi po para siyang kalabaw,” ani Amihan. “Mabait, pero pag nagalit nanunuwag.”
Tawanan, pati matatanda ay naghagikgikan.
PABABA na sila ng bundok pero hindi pa rin maintindihan ni Guen kung bakit parang iba ang saya ng mga katutubo kanina. Nakakahawa. Parang hindi tuloy siya nakaramdam ng pagod. Maaliwalas na maaliwas ang kanyang aura.
“Ikaw na magsabi … “ anas ng isa kay Amihan.
“Ba’t ako…”“Basta…”“Titser, “ saglit na inayos ni Amihan ang natutulog na bata sa likuran. “Puwede po bang dumaan tayo sandali sa bale ni Kibaweg?”Tiningnan ni Guen ang kanyang relo. Malapit na dumilim. Hindi pa niya gamay ang pasikut-sikot ng kagubatan pauwi sa shelter nilang mga mobile school teacher. Siguradong mahihirapan siyang maghanap kung aasa lang sa flashlight.
“Sandali lang po tayo,” pakiusap nito. “Sandaling-sandali lang po…”Binalingan niya ang mga bata. Higit na mas marami ang mga ito ngayon kesa kanina. Pare-parehong nakikiusap ang mga mata.
“Sige,” aniya, kay Amihan nakatingin. “Pero ihahatid mo ko mamaya, ha. Baka maligaw ako pauwi.”“Opo! Opo!”Tuwang-tuwa na bumilis ang lakad ng mga bata. Pabilis ng pabilis, halos tumakbo na ang mga ito. Pagkuwa’y isa-isang lumihis ang mga ito papunta sa ibang direksyon ng kagubatan.
“Teka,” pigil ni Guen. “Hindi naman dyan ang bangka natin, a.”“Doon din po ang bagsak natin, “sabi ni Amihan. “Doon po sa kinakitaan ko kay Aliw-Iw kanina. Kay Kibaweg po ang bale na yon!”“Pero…“Muling tiningnan ni Guen ang kanyang relo“Mas mabilis po dyan”Nameywang si Guen, parang sinasabi na kung mas mabilis diyan bakit hindi tayo dyan dumadaan. Aber?
“E kasi po…,” Napakamot ng ulo si Amihan. “bilin po kasi ni Apo Dulay. Delikado daw po para sa inyo ang daan. Madulas, malumot… ”“Malumot?”“Opo, may talon po kasi sa dadaanan natin…”“Waterfalls?”“Opo, maganda po doon”Dahil sa narinig ay naenganyo si Guen na doon sila dumaan. Totoo, medyo delikado nga ang daan. Bangin ang makipot na daan. Konting pagkakamali ay siguradong sa ilog
ka na pupulutin, sugatan. Pero kung kagandahan ng lugar ang pag-uusapan, ay grabe. Ang sarap sa pakiramdam. Preskong hangin, mataas na talon sa di kalayuan, kulay berdeng kapaligiran… Parang nangangako ito ng walang hanggang kaligayahan. Ganitong lugar ang kailangan niya upang makalimot. Ganito at isang katulad ni…Umiling siya.
Mali na naman
Ayaw na niyang isipin si Kibaweg. Ginugulo lang nito ang isip niya.
“ Dyan po masarap maglaba,” ani Amihan ”sabay ligo bago umuwi.”Napaisip si Guen. Tinantiya ang layo nito sa inuuwian ng bata.
“Sabi po kasi ni Ina, dalaga na daw po ako,” anito “Kaya sa tago na ko naliligo”“Sabagay…”Libang na libang si Guen sa sobrang kagandahan ng lugar kaya nagulat pa siya nang bigla na lamang sila iniluwa ng kagubatan. Tumambad sa kanilang harapan ang malaking lawa. Sa gawing kaliwa nito ay ang bahay ni Kibaweg na yari sa tinistis na tabla at sa kanan naman ay ang nakadaong nilang bangka.
“Sige na,” taboy niya sa mga bata. “Puntahan nyo na si Kibaweg. Aantayin ko na lang kayo sa bangka.”“Pero…”“Sige na, Amihan, ” pilit niya. “Dalian nyo, ha.”“Opo”Saka pa lang tumalima ang mga bata.
Habang papunta si Guen sa bangka ay naisip niyang iyon ang tama. Ang umiwas. Ang lumayo. Layuan ang lalaking hindi niya alam kung bakit sa sandaling pagkakakilala nila ay pinatibok agad nito ang kanyang puso.
DANGAN nga lamang at nang maglabasan ang mga bata sa bahay ng binata ay nakita ni Guen na kasunod ng mga ito si Kibaweg. Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naisip na baka magulo ang kanyang buhok.
“Nainip ka ba, “ nasa himig nito ang paghingi ng dispensa. “Natuwa kasi ako sa mga bata kaya…”“Okey lang,” pasimple niyang ikinubli ang pamumula ng pisngi. “S-Sige, mauna na kami. Halika na, Amihan, baka gabihin na tayo.”Nakaalalay na hinawakan ni Kibaweg ang bangka para alalayang makasakay sina Guen at si Amihan. Hindi nito inaalis ang tingin sa dalaga.
“Sige po,” paalam ng bata.“S-Sige,”Pero ayaw pa rin nitong bitawan ang bangka. Hindi mapuknat ang tingin kay Guen
“Aalis na kami,” aniya“Ha”“Ang kamay mo,”dugtong niya” bitawan mo na ang bangka”“Punta ako sa inyo bukas”“Ha? Bakit?”“A…e… “ Biglang nalito si Kibaweg, ibinaling ang tingin sa bata. “Ang ibig kong sabihin ay… Pupunta ako bukas sa taniman. Tama. Pupunta ako sa inyo bukas, Amihan, sa taniman, tutulong ako sa pag-aani. ““Talaga po?“Oo”
“Sige po, makakarating kay ama.”
Akmang magsasagwan na sana sina Guen at Amihan nang pigilan ulit ni Kibaweg ang bangka.
“Hatid ko na kayo”“”Naku, wag na!” mabilis na tanggi ni Guen. Ewan kung bakit bigla siyang nataranta. Nalito sa nararamdaman. Iniisip pa lang niya ang sitwasyon na tititigan siya nito hanggang sa makauwi sila ay parang hihimatayin na siya. “Nakakahiya, maaabala ka pa”“Hindi abala yon,”giit nito. “Lalo na sa tulad mong nagmamalasakit sa mga bata.”“Sa ibang araw na lang,” pilit niya. “Tayo na, Amihan, gagabihin na tayo.”Nanunukso ang tingin sa dalawa na sinimulan ni Amihan ang pagsagwan.
Nasa gitna na sila ng malawak na lawa ay kumakaway pa rin si Kibaweg. Inihahatid sila ng tanaw. Wari ay sinisiguro nito ang kanilang kaligtasan.
“Alam mo, Titser” nakikiming sabi ng bata habang nagsasagwan. “Pag ako nagpasakop sa kapangyarihan ng isang lalaki, gusto ko tulad ni Kibaweg.” “Ha?”Gulat na tiningnan ito ni Guen. Hindi makapaniwala sa sinabi ng bata. Hindi niya inaasahang sa edad ni Amihan ay marunong na pala itong humanga. Impit siyang tumawa. Talagang natuwa siya. Ngayon pa lang ay parang nasisiguro na niyang magkakasundo silang dalawa.
“Bakit mo naman nasabi yon?” aniya“Daku!” Kinikilig na iminuwestra nito ang matipunong pangangatawan ni Kibaweg. “Parang mga bato sa talon ang mga masel. Alun-alon…”“Gaga!” Tuluyan na siyang napatawa. “Ke bata-bata mo pa…”HANGGANG sa shelter ng mga mobile school teachers ay dala pa rin ni Guen ang kasiyahang iyon. Gulat na gulat tuloy sa kanya si Melba, kasama sa kuwarto, tanging co-teacher na kumakausap sa kanya at sumasabay sa pagkain.
“Himala!” anito habang gumagawa ng lesson plan. “Ang ganda ng aura mo ngayon, a. Siguro may nakilala ka nang binata sa school mo, no?”Isa-isang umiwas ng tingin ang mga co-teacher. Halatang ayaw sumali ng mga ito sa usapan nila. Pero hindi na yon pinansin ni Guen. Pangiti-ngiti sa sarili na tumuloy siya sa kuwarto.
“Luto na hapunan, “habol ni Melba. “Kain na tayo?”“Mauna ka na,” tanggi niya. “Andaming pinakain sa kin nila Apo Dulay, kung anu-anong prutas. Parang puno pa ang tyan ko. ““Ikaw ang bahala…”Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto. Nagpalit siya ng pambahay. Sa malaking pagtataka, maiglas na maiglas pa rin ang pakiramdam niya. Hindi tulad kahapon at noong unang araw niya dito. Bagsak agad siya sa kama. Matamlay, laging nakatingin sa kisame, magulo ang isip. Sabagay, may dahilan kasi siya noon. May dahilan din kaya siya ngayon?
Sinubukan niyang ilayo ang isipan.
Kinuha niya ang gamit sa pagtuturo para gumawa ng lesson plan.
Pagkuwa’y nalungkot siya. Naisip na sa Ampico ang ruta niya bukas. At ang ibig sabihin niyon ay hindi niya makakasama ang nakakatuwang si Amihan at ang batang lagi nitong karga sa likuran. Hindi niya makakakuwentuhan ang masayahing si Apo Dulay. Hindi niya makikita ang mataas na talon, matagal pa bago niya makita uli si Kibaweg.
Si Kibaweg na naman?
Napabuntunghininga si Guen. Dahil aminin man niya o hindi, gusto niya ang naramdaman kaninang makita ulit si Kibaweg bago siya umuwi. Dangan nga lamang at kailangan niyang pigilan ang sarili. Nasaktan siya noon dahil mahirap lang si Roy. Tapos ay iibig siya ngayon sa isang katutubo? Parang nakikita na niyang hahamakin din ito ng kanyang mga magulang.
ANG HINDI alam ni Guen, hindi ordinaryong katutubo lang si Kibaweg. Ni hindi nga niya alam na madiim pa lang ay lulan na ito ng 4X4. Pangiti-ngiti sa sarili habang binabaybay ang maalikabok na daan papunta sa taniman.Malayo pa ang kanyang sasakyan ay nakita na agad niyang kumakaway si Amihan, itinuturo kung saan siya puwede pumarada.“Ama! Ina! Nandito na po si Kibaweg,”Mula sa silong ng bale ay lumabas ang ama ni Amihan, naghanda ito ng mauupuan.Pagkababa ni Kibaweg sa sasakyan ay mer
KANINA pa siya nandoon sa bintana. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip ni Guen kaya di niya namalayan ang paglapit ni Melba.“Ganyan din ako noong una, “ sabi nito. “Laging tahimik, tapos ngingiti, tatawa kahit nag-iisa. ““Ha?”“Naalala mo siya?”“Sinong…?“Siya,” patulo
KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si
PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la