KANINA pa siya nandoon sa bintana. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip ni Guen kaya di niya namalayan ang paglapit ni Melba.
“Ganyan din ako noong una, “ sabi nito. “Laging tahimik, tapos ngingiti, tatawa kahit nag-iisa. “
“Ha?”“Naalala mo siya?”“Sinong…?“Siya,” patuloy na panunukso ni Melba, “ yung dahilan kung bakit nandito ka”Hindi nakaimik si Guen
“Ikaw, ako, silang mga nasa kabilang kuwarto, “patuloy nito. “Pare-pareho tayong may tinatakasan kaya tayo nandito. “Nananantiyang hinarap ito ni Guen. Mataman niyang tinitigan si Melba.
“Lalaki rin ba ang dahilan mo?” aniyaLumikot ang mga mata ni Melba, umiwas ng tingin. Agad na humagilap ito ng balabal at tuluyang inilayo ang usapan. Halatang ayaw nitong pag-usapan ang nakaraan.
“May gaganapin nga palang begnas sa tabi ng lawa, “anito. “Pupunta sila, sama tayo. Masaya yon!”“Begnas?”“Ritwal,” paglilinaw ni Melba. “Pasasalamat sa magandang ani.”NAKAPAGSIMULA na ang begnas nang sapitin nila ang lugar. Sumasalamin sa tubig ng lawa ang malaking apoy na nagbibigay liwanag sa mga sumasayaw sa tunog ng gangsa.
“Dalawang araw na idadaos yan,” ani Melba. “Noong una daw, sabi ng matatanda, may kainan pa yan. Pero katagalan nabago ang tradisyon, puro katutubong sayaw na lang ngayon. ““Walang patid? aniya. “Tuluy-tuloy?”Isang katutubong babae na walang takip sa dibdib ang lumapit sa kanila. Nag-aayang hinawakan nito ang kamay ni Melba.
“Makibahagi po kayo, Titser, “Hindi nagkait ang grupo ng mobile school teacher, lalo na yung matatagal na sa bokasyong ito na nakakaintindi na sa kultura ng mga katutubo. Pero dahil nahihiya pa si Guen, pinagkasya na lang niya ang sarili sa panonood.
“Hoy,” kumakaway na tawag ni Melba. “Halika, Sali ka!”Nakangiting tumanggi siya.
Walang anu-ano”y napako ang tingin niya sa isang lalaking bahag lang ang suot. Kasaliw ito ng iba pa sa gitna ng kasiyahan. Sa mapusyaw na liwanag ay nakilala niya ang malapad na balikat nito.
Si Kibaweg.
Impit na hagikgik ang narinig ni Guen mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito. Kahit nakakubli ito sa dilim ay nahulaan agad niyang si Amihan ito dahil sa batang karga sa likuran.
“Daku!”Natutuwang niyakap ni Guen ang magkapatid. Pinaghahalikan niya ang mga ito na parang kaytagal nilang hindi nagkita. Napakasarap ng pakiramdam niyang may kayakap sa ganito kalamig na gabi.
“Bat di kayo sumasali sa kanila” aniya“Kasali po ako kanina, “anito. “Hinahanap po kasi kayo ni Kibaweg kaya sinundo ko kayo. Kaya lang nagkasalisi tayo…”“Ha? Ako, hinahanap ni…” Pasimple niyang sinulyapan ang binata. “Bakit daw?”“Uyyy, kunyari pa si Titser?” tukso nito. “Kunyari di alam…”Tawanan.
Pagkuwa’y walang sabi-sabing hinila nito si Guen papunta sa gitna ng kasiyahan. Sapilitan nitong tinuruan ng katutubong sayaw ang dalaga.
“Ganito po, Titser, gayahin nyo ko…”Noong una’y nahihiya pa si Guen. Pero di nagtagal ay nagliyab ang kasayahan nang magsimulang sumaliw ang dalaga sa tugtog ng gangsa. Iisang bagay lang kasi ang ibig sabihin niyon para sa mga katutubo, hindi na siya iba. Kapanalig na nila ang dalaga.
“Ayayayayayaaay
Salidugmay, dang-dang-ay,
Salidugmay, insalidugmaaaay…”
Hindi sinasadya’y nagkatingnan sina Guen at Kibaweg. Sa pagitan ng nagliliyab na apoy ay nag-usap ang kanilang mga mata. Hindi napigilan ng dalaga na magpakawala ng matamis na ngiti.
“Titser,” Sumenyas ng hugis puso si Amihan “ Uyyy”“Tse!”Hindi nagtagal ay nakadama ng pagod si Guen. Halos pabagsak siyang naupo sa katig ng nakadaong na bangka. Pangiti-ngiti siya sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa nagaganap na begnas.
“Mabilis ka naman pala matuto, e…” sabi ni KibawegNakikimi, umiwas ng tingin si Guen. Naiilang siya. Hindi siya kumportableng tumingin sa kaharap na lalaking kapirasong tela lang ang nakatakip sa katawan.
“ May nasabi ba akong…”
Tuluyang bumulalas ang tawa ng dalaga.
“Ano kasi,” aniya. “Ako ang giniginaw sa ayos mo…”Napakamot ng ulo ang binata.
“Nasa bahay kasi ang damit ko,” anito. “Nandoon sa kabila ng lawa…Dahil sa tinuran ay naganyak si Guen na ang tanawin kung gaano ito kalayo. Pero iba ang umagaw sa kanyang pansin. Bilog na bilog ang buwan, gumuguhit ang liwanag nito sa tubig ng malawak na lawa, napakagandang pagmasdan ng buong kapaligiran.“Sandali,“ anito para mailusong ang bangka sa tubig. “Magpapantalon lang ako. Huwag ka munang uuwi, ha, sandali lang ako…”Gusto sana niyang humabol. Gusto sana niyang sumama. Napakaromantiko kasi ng ideya. Sa ilalim ng kabilugan ng buwan ay namamangka silang dalawa sa tahimik na lawa.
“Titser,” tawag ni Lakay.“Po?”Pagtingin niya uli sa bangka, malayo na ito. Naiwan na siya bago pa niya nasabi ang kagustuhan niyang sumama.
“Saan pupunta yon?”“Magbibihis daw po,”Nakauunawang tumangu-tango ng pagsang-ayon si Lakay.
“ Bulaklak na dating buko,
Pagkuwa’y nagiging bunga,
Ay, salidugmay
Mula bubot ay nahihinog…”
Mula sa gitna ng kasiyahan ay panay ang ngiti ni Amihan kay Guen. Kumakaway ito, sumesenyas, nanunukso.
“Pasensya ka na nga pala doon sa Ampico, “ sabi ni Lakay. “hindi ko masagot ang mga tanong mo.”“Naiintindihan ko na po, “anito. “Wala tayo sa tamang lugar para pag-usapan yon.”Patuloy sa panunukso si Amihan kaya palihim niyang iningusan ito. Tse. Pero nakangiti siya. Para kasing patungkol sa kanya ang lyrics ng kanta. Unti-unti’y nahihinog ang damdamin niya kay Kibaweg.
“Mabait na bata yan,” patuloy ni LakayAt may special ability to move people, gusto sana niya idagdag.
“Ang totoo,” dugtong nito. “Malaking bagay sa min yang si Kibaweg. Alam mo bang nilakad niya sa Maynila na makapagpatayo kami dito ng kooperatiba?”“May nabanggit po sa kin si Apo Dulay,” aniya. “ Tinatanong nga ako kung naayos na daw po ba?”“Aba’y, oo!” may pagmamalaking sabi nito. “Baka bukas-makalawa, magtatayo na kami ng pondohan. Lahat ng ani namin na palay, prutas, gulay at mga bulaklak doon na namin ipagbibili. Hindi na kami mababarat ngayon ng mga biyahero “Kagyat na tumangu-tango ng pagsang-ayon si Guen. Pagkuwa’y naisip niyang samantalahin ang pagkakataong ito upang ungkatin ang tungkol sa tila hindi magandang relasyon ng mga ito sa tribo ng Ampico.
“Para sa lahat po ba ang kooperatiba?” panimula niya,“Oo,” anito. “Kahit hindi katutubo, basta may kalakal na gustong ipagbili…”“Kahit taga-Ampico?”Natigilan si Lakay. Hindi nakaimik. Matagal nitong tinitigan ang dalaga.
“Dandang-ay sidong-alay,
Insalidugmay,
Ay, salidugmay
Dumiwas, salidugmay…”
“Lakay,” giit ni Guen. “Kahit po ba mga taga-Ampico ang magdala ng anil?”
“A…e… Nakausap na nga pala ni Kibaweg ang mga minero, “Paglalayo nito sa ussapan. “Nabanggit na ba niya sa ‘yo?”Umiling si Guen.
“Pasensiya na daw,” patuloy nitong paglalayo sa usapan. “Ngayon lang daw kasi sila nakakita ng artista.”Napahagikgik si Guen. Nandoon pa rin ang kilabot sa tuwing naaalala niya, ang pagtayo ng balahibo, pero ewan kung bakit natuwa siya. Siguro ay dahil sa alam niyang kahit maulit iyon ay may magliligtas sa kanya. Hindi na siya nag-iisa.
“Hindi nyo pa po sinasagot ang tanong ko,” pagpapaalala niya habang pinipigil ang pagtawa. “Yung tungkol po sa Ampico…?”Napabuntunghininga si Lakay, pagkuwa’y hinarap nito sa Guen.
“Mahirap kasi silang kausap,”“Bakit naman po?“Kow, “anito. “Mahabang istorya yon, Titser,”Umayos ng puwesto si Guen at inihanda ang sarili sa pakikinig.
“Sanggol pa lang si Kibaweg nang itakas siya ni Carlo…”BIgla siyang nalito. Habang hinahalukay niya ang misteryo sa pagkatao ni kibawig ay parang lalong gumugulo. Dumadami ang sangkot na tao. Pero nanatili siyang tahimik at hinayaan itong magkuwento.
Diumano, taga-Maynila si Carlo. Palibhasa’y mabuting tao, marami Igorota ang nagkakagusto. At isa na doon ang ina ni Kibaweg. Dangan nga lamang at ipinagkasundo na ito sa iba. Kaya palihim ang ginawa nilang pagkikita, ang pagtatagpo sa mga tagong lugar. Ganoon nang ganoon hanggang sa mabuntis ito. Nagalit ang buong tribo dahil sa kahihiyang idinulot ng relasyong iyon kaya minabuti nilang tumakas. Lumayo. Takbo, lakad, tago. Malapit na sila sa naghihintay na sasakyan na gagamitin nila paluwas ng Maynila nang abutan sila ng panganganak sa daan. At dahil may mga humahabol sa kanila, minabuti ng ina na magpaiwan na lang upang iligtas ang mag-ama. Mula noon ay hindi na sila nagkita. Lumaki ang bata sa malayong lugar, pinabinyagan ng kristiyanong pangalan, doon na rin yumabong ang kaalaman. Nang mamatay ang ama dahil na rin sa kataandaan, saka pa lang nakabalik dito si Kibaweg para hanapin ang ina. Pero huli na ang lahat. Wala na ang ugat na pinagmulan. Tanging inabutan ay tinahi-tahing kasinungalingan.
“K-Kasinungalingan?” ulit ni Guen.“Sabi kasi ng mga taga-Ampico,” kibit-balikat na paglilinaw ni Lakay. “Kaya daw si Aliw-iw ang nag-alaga sa ina ni Kibaweg ay dahil sa ipinagkasundo na silang dalawa…”“Po?”“Natural tumanggi si Kibaweg,“ dagdag nito. “Ano nga ba naman ang malay niya sa usaping iyon.”“Napahiya si Aliw-Iw kaya nagalit ang mga taga-Ampico,” pagtalon ni Guen sa konklusiyon. “Ganoon po ba?”“Hindi lang yon,” pagtutuwid nito. “Nagtangka kasi siyang magpakamatay. Nagpatihulog si Aliw-iw doon sa mataas na talon, kaya siya napilay”Gimbal na napahumindig si Guen. Hindi makapaniwala.
“Kamuntik na ngang dumanak ang dugo noon,” patuloy ni Lakay.“ Mabuti na lang at nakialam ang matatanda ng bawat tribo. Walang bisa daw ang kasunduan kung hindi ito ipinahayag sa buong kabundukan.”
Minsan pa, namagitan sa kanila ang katahimikan.
“Pero alam mo,“ pagkuwa’y sabi nito. “Mula nang dumating dito si Kibaweg, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya.”Napatingin dito si Guen, may kislap ang mga mata.
“Laging ikaw ang bukambibig niya.”Tuluyan na siyang natuwa, parang kinikiliti siya.
Dangan nga lamang at kung bakit ngayon pa siya tinawag ni Melba. Uuwi na daw sila. Hinayang na hinayang tuloy siya sa pagkakataon. Marami pa kasi sana siyang gustong malaman kay kibaweeg at kung bakit ito masaya.
“S-Sige po,” aniya. “tutuloy na po kami.”“Sige.”KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si
PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la