Chapter: Chapter 30ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
Huling Na-update: 2021-12-05
Chapter: Chapter 29ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
Huling Na-update: 2021-11-25
Chapter: Chapter 28HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
Huling Na-update: 2021-11-01
Chapter: Chapter 27MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
Huling Na-update: 2021-10-03
Chapter: Chapter 26ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
Huling Na-update: 2021-09-12
Chapter: Chapter 25GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
Huling Na-update: 2021-08-24