ANG HINDI alam ni Guen, hindi ordinaryong katutubo lang si Kibaweg. Ni hindi nga niya alam na madiim pa lang ay lulan na ito ng 4X4. Pangiti-ngiti sa sarili habang binabaybay ang maalikabok na daan papunta sa taniman.
Malayo pa ang kanyang sasakyan ay nakita na agad niyang kumakaway si Amihan, itinuturo kung saan siya puwede pumarada.
“Ama! Ina! Nandito na po si Kibaweg,”Mula sa silong ng bale ay lumabas ang ama ni Amihan, naghanda ito ng mauupuan.
Pagkababa ni Kibaweg sa sasakyan ay meron na kaagad siyang pasalubong na candy para kay Amihan.
“Salamat po,”“Magbihis ka na, “aniya “ihahatid kita sa shelter para makita ko si Titser.”“Huwebes po ngayon,” anito “Sa Lunes na po uli ang pasok namin.”Napakamot ng ulo si Kibaweg, dismayadong hindi niya makikita ang dalaga
“Pero puwede po natin siyang abangan mamaya,” pasaring ng bata. “Makikisakay daw po siya sa trak ng minahan. ““Talaga?”“Yon po ang sabi niya kahapon.”Tiningnan niya ang relo. Alas sais pa lang ng umaga, May isang oras at kalahati pa bago dumaan ang trak papuntang minahan.
“Ahoy,” tawag ni Lakay, ama ni Amihan.” Akala ko ba e tutulong ka sa pag-aani? Bat ganyan ang bihis mo, para kang luluwas ng Maynila?”Napakamot ng ulo si Kibaweg. Napapahiya sa sariling lumapit sa matanda.
“Kape?” alok ng matandang babae na sumungaw sa pinto ng bale.“Opo,“ aniya. “Kaya nga po ako nagpunta dito para makikape.”“Nakow, “may himig pagbibirong sabi ni Lakay. “Nalintikan na naman ang tinitipid-tipid kong kape. Para sa bisita lang iyon, iho.”“Aba’y bisita rin naman po ako, a” pakikipagbiruan niya. “Tsaka pag hindi nyo ko pinakape, hindi ko sasabihin sa inyo ang resulta ng ginawa ko sa Maynila.”Nagkakatuwaang nagyakapan ang dalawang lalaki.
Ang kasunod ay parang walang katapusang kuwentuhan, biruan at kumustahan.
Pagkatapos magkape ay sama-sama na silang nagpunta sa taniman. Panay ang pasimpleng ngiti ni Amihan, panay ang tukso, panay ang palihim na senyas kay Kibaweg tungkol sa aabangan nilang trak na papunta sa minahan.
MALAYO NA ang nalalakad ni Guen nang marinig niya ang rumaragasang ugong ng trak sa kanyang likuran. Nabuhayan ng loob na nilingon niya ito. Nagliliparang alikabok ang kanyang nakita. Papalapit nang papalapit. Agad niya itong kinawayan, pinara.
“Puwede hong makisakay? Sabay ubo dahil sa alikabok. “Dyan lang ho ako sa paanan ng Ampico. “Dahil may mga kargamentong umuukopa sa tabi ng matandang nagmamaneho ng trak, walang imik na isinenyas nito ang likuran.
“Salamat po. “Punum-puno ng mga minero ang likuran ng trak. Mataas ang tungtungan, at dahil na rin sa dami ng dala ni Guen ay hindi siya makasampa.
Isang patpating minero ang agad na bumaba upang tulungan siya.
Kung iisipin ay napakamaginoo ng ginawa nito. Pero hindi ganoon ang nadama niya. May pisil kasi ang ginawa nitong paghawak sa beywang niya. Parang inamoy pa nito ang kanyang buhok habang inaalayan siya. .
“Ay…” napatili siya nang maramdamang itinulak ng kamay nito ang puwitan niya.Muling nagliparan ang alikabok nang umarangkada ang trak.
Habang daan ay napansin ni Guen ang kakaibang tingin sa kanya ng mga minero. Nakakatakot ang ipinahihiwatig ng mga mata nito. Malaswa. Parang siyang hinuhubaran. Kaya minabuti niyang takpan ang kanyang hita. Wala. Ni hindi man lang nahiya ang mga ito. Nandoon pa rin ang tensiyon. Parang lalo pang bumangis ang itsura ng mga ito.
Hanggang sa tuluyan siyang daklutin ng pangamba.
“Para!” may garalgal na ang tinig niya. “Dito na lang po ako! Para! Para! “Hindi tumigil ang trak, wari’y lalo pa itong bumilis.
“Para!“ ulit niya. Naghihisterikal na ang boses niya. “Parang awa nyo na po! Para! Para!”Dahan-dahang tumigil ang trak.
Agad na bumaba si Guen, takot na takot.
Malayo na ang trak ay nangangatog pa rin ang kanyang mga tuhod. Parang nag-uunahan ang tibok ng kanyang puso. Nahihirapan siyang huminga. Parang panic attack ang dumale sa kanya. Hanggang ngayon ay parang nakikita pa rin niya ang mahahalay na tingin ng mga minero sa kanya. Damang-dama tuloy niya ang pag-iisa. Ang kawalan ng magtatanggol sa kanya mula nang iwan siya ni Roy at Yaya.
“Guen!”Mula sa di kalayuang taniman nila Amihan ay namataan niyang tumatakbong palapit sa kanya ang hubad-barong si Kibaweg. Kaligtasan ang agad niyang nadama. Pero hindi siya makagalaw. Ni hindi niya maikilos ang kanyang mga paa. Takot na takot pa rin siya. Kaya nang makalapit ito ay pasubsob na yumakap siya. Mahigpit. Humihingi ng saklolo ang iyak niya.
“Bakit,” anito. “Anong nangyari?”“UUwi na ko, “humahagulgol na lalo siyang nagsumiksik sa dibdib nito. “Ayoko na dito. Uuwi na ko!”“Bakit nga, ano ba nangyari?”“Titser!” Humihingal na lumapit si Amihan, sabay ayos sa puwesto ng batang karga sa likuran. “Bakit po, Titser? Bakit po kayo sumigaw?”Saka pa lang nahimasmasan si Guen. Para siyang napahiya nang makita ang bata. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap kay Kibaweg.
“Y-Yung mga minero…” aniya. “Ambabastos nila! Ambabastos nila!”Nagkatinginan sina Lakay at Kibaweg.
Nakakaintindi sa sitwasyon na yumakap ang bata.
Umiiyak pa rin na gumanti ng yakap ang dalaga. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit.
“Lagot sila kay Kibaweg,” alo ni Amihan. “Lagot sila… Di ba, Ama, lagot sila kay Kibaweg?”“Ssssh…”Katahimikan.
Matagal namagitan ang katahimikan. Matagal bago tuluyang kumalma ang pakiramdam ni Guen.
“Ama, “binalingan ni Amihan si Lakay. “Puwede po ba, hindi na muna ako tutulong sa pag-aani? Ihahatid ko po si Titser sa Ampico para hindi na siya matakot. “Hindi nakaimik si Guen. Nasa isip pa rin niya ang plano kanina na huwag nang tumuloy sa Ampico. Sa halip ay mag-iimpake na siya, magpapaalam sa mga co-teacher, at iiwan na niya ang lugar na ito. Uuwi na siya.
“Paano,”sabi ni Kibaweg. “Ano’ng desisyon mo? Saan ka namin ihahatid? Sa Ampico o sa terminal ng bus?”“Bus?” ulit ni Amihan. Hindi makapaniwala. “Bakit sa bus? Hindi ka na magtuturo, Titser? Wala na naman kaming Titser?Masusing tinitigan ni Guen ang bata. Pilit niyang sinasalamin sa mga mata nito ang kahungkagan ng buhay kung mawawala siya sa lugar na ito.Hindi napigilan ng bata ang luha. “Antagal po naming hinintay na may pumalit doon sa dati naming titser, tapos hindi ka rin pala tatagal? Paano kami, sino pa ang magtitiyaga sa ‘min kung lagi kayong ganyan?”
Parang nakakaintindi na pumalahaw ng iyak ang batang nasa likuran ni Amihan. Malakas, palakas nang palakas ang panaghoy, halos makapunit ng damdamin.
“Titser,” pagsusumamo ni Amihan. “maawa naman po kayo sa amin. Kahit ako na lang po ang magsagwan para hindi na kayo mahirapan. Kahit ako na rin po ang magdala ng gamit nyo, pati po paglalaba ng mga damit nyo ako na rin…”Hindi nakatiis na muli itong niyakap ni Guen.
“Sige,” aniya. “Para sa inyong magkapatid. Sige, hindi na ko aalis…”Giba pa rin ang mukha na sinilindro ni Amihan ang naghalong luha at sipon.
“Tara, “aya ni Kibaweg sa dalaga. “Ihahatid kita sa Ampico. Ako’ng bahala sa ‘yo ““Hindi, “mabilis na tutol ni Lakay. “Ako ang maghahatid sa kanya.”“Pero…”“Delikado,” diin ng ama ni Amihan. “Alam mo naman yon, di ba? Di ba?”Hindi nakaimik si Kibaweg.
“Ang mabuti pa ay pumunta ka sa minahan, “mungkahi ni Lakay. “Alamin mo kung ano talaga ang nangyari para hindi na ‘to maulit “Tumututol man ang kalooba’y walang nagawa si Kibaweg
KAYA ganoon na lang ang pagkataranta ng unipormadong guwardiya nang malayo pa lang ay bumubusina na si Kibaweg. Paulit-ulit. Halatang galit. Hindi tuloy malaman nito kung paano mapapadali ang pagbubukas sa gate.
“Tawagin mo ang lahat ng sakay ng trak!”“Alin pong trak?”“Yung kdarating lang dito.”“B-Bakit po?”“Dalian mo!”“Opo! Opo! Ngayon din po!”Halos magkandarapa sa pagsunod ang unipormadong guwardiya. Takot na takot. Pati tuloy iba pang tauhan ng minahan kinabahan.
BAGAY na kabaliktaran naman ng nararamdaman ngayon ni Guen. Panatag na ang loob niya, Nakukuha na niyang ngumiti sa tuwing naalala ang nangyari kanina. Para kasing may magic. Takot na takot siya tapos niyakap lang siya ni Kibaweg nawala na.
“ Mamayang uwian,” sabi ni Lakay. “babalikan na lang kita.”“Naku,” bulalas niya. “kahit wag na po. Kaya ko na po”“Sigurado ka? ““Opo!”“Bahala ka.”Habang naglalakad ay napansin ni Guen na mas matarik ang bundok na ito kumpara sa Badion. Kitang-kita niya ang malaking pagkakaiba ng dalawa. Sa dinanaan nila ay nagkalat ang di mabilang na bakas ng mga pinutol na troso. Damang-dama ng kalikasan ang walang humpay na pagsasamantala ng mga taga-rito.
“Lakay,” hindi nakatiis na sabi ni Guen.“O…?”“Bakit po delikado kay Kibaweg na pumunta dito?Hindi nakaimik si Lakay. Abot-tanaw na nila ang maliit na komunidad ng Ampico. Kumakaway na ang mga katutubong naghihintay sa kanila.
“Lakay…”Paika-ika, hirap na hirap maglakad na sumalubong si Aliw-Iw. Nakatukod ang kili-kili nito sa pinutol na sangang ginawang saklay.
“Magandang umaga po, Titser,” anito. “Naiayos ko na po sa kubol ang lahat ng mga gagamitin nyo sa pagtuturo.”“Naku, nag-abala ka pa.”Ngiti ang itinugon ni Aliw-Iw, pagkuwa’y hinarap nito si Lakay. “Kumusta po?”
“Mabuti naman…”
“S-Si Kibaweg po ba…?”“Hindi pa kami nagkakausap ulit, ” pagtatakip nito. “Hayaan mo, babanggitin kita pag nagkita kami.”Biglang nagliwanag ang mukha ni Aliw-iw. Parang nakakita ng pag-asa,
Sa nakitang reaksyon nito, naisip ni Guen na iyon marahil ang dahilan kung bakit nakita ito ni Amihan kahapon sa gawi ng bahay ni Kibaweg. May gusto ito sa binata. Nagbabakasakali na makita ito kahit sandali..
“Tayo na po, Titser, naghihintay na ang mga bata.”“Sige,”Akmang susunod na sana si Lakay nang pasimple itong pigilan ni Guen. Humihingi ng paliwanag ang kanyang mga mata.
”Naghihintay na sila,” sa halip ay tugon nito.
“Pero…”“Titser,” kumakaway na tawag ni Aliw-iw “Halika, ipapakilala kita sa aking ama”Wala nang nagawa si Guen nang akayin siya ni Lakay para ipakilala sa pinuno ng tribo.
KANINA pa siya nandoon sa bintana. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip ni Guen kaya di niya namalayan ang paglapit ni Melba.“Ganyan din ako noong una, “ sabi nito. “Laging tahimik, tapos ngingiti, tatawa kahit nag-iisa. ““Ha?”“Naalala mo siya?”“Sinong…?“Siya,” patulo
KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”
PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si
PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la