KAYA nang makabalik si Kibaweg sa pinagdadausan ng begnas at malamang wala na ang dalaga, laking panlulumo ang nadama niya. Naligo pa nga naman kasi siya, kuntodo suklay, pabango, tapos… Napakamot na lang siya ng ulo, sabay tingin sa dala niyang mangkok ng pinikpikang manok. Kaugalian ng mga katutubo upang ipahiwatig ang panliligaw.
“Antagal mo kasi, “paninisi ni Lakay. “kinuwentuhan ko na nga ng kinuwentuhan para di mainip, kaya lang nag-aya nang umuwi yung mga kasama.”Hinayang na hinayang, muli niyang tiningnan ang dalang ulam.
“Paano ngayon ‘to,“ aniya“Problema ba yon,” sabi ni Lakay.“ e di kainin natin!”Nagtatawanan, nagtutuksuhan na muli silang nakihalubilo sa nagaganap na begnas.
AKMANG matutulog na sana si Guen nang biglang sumungaw sa pinto si Melba. Parang kinikiliti ito na kinindatan siya.
“Magbihis ka, dali! May bisita ka.”“Ha?”“Dalian mo!”“Hay naku, tigilan mo ko!” Nakikipagbiruang nagtalukbong siya ng kumot. “Kung ayaw mo pang matulog, magpatulog ka!”“Ayaw mo,” patuloy na pangungulit nito. “Pauwiin ko na si Kibaweg?”Dahan-dahang niyang inalis ang kumot sa mukha
“S-Si Kibaweg?”“Oo, may dala pa ngang mangkok e.”Impit na napahagikgik si Guen
Hanggang sa makaharap niya ang binata sa balkon ng shelter ay hindi pa rin niya mapigilan ang saya. Talagang tuwang-tuwa siya. Sa dami kasi ng mga nanligaw sa kanya noon, ngayon lang siya nakaranas na bisitahin ng manliligaw na may dalang mangkok.
“May problema ba sa suot ko?” naiilang na sabi ni Kibaweg. “Pinagbihis mo ko, tapos…”Pilit niyang pinigilan ang sarili, pero hindi niya kaya. Bumulalas ang tawa niya. Sa isang sulok kasi ng kanyang mga mata, pasimpleng tinutukso siya ni Melba. Isang bandehadong kanin ang ipinakikita nito sa kanya.
“Uuwi na nga ako,” Nagkakamot ng ulong tumayo si Kibaweg. “Natatakot na ko sa yo, e. Tumatawa ka mag-isa, baka mamaya bigla ka na lang mangagat.”“Tse!”Napilitan si Melba na lumabas sa pinagkukublihan. Inihain nito sa kanila ang isang bandehadong kanin at dalawang pinggan.
“Tirhan nyo ko niyan, ha.”Saka pa lang naintindihan ni Kibaweg ang kinatutuwaan ng dalaga. Muli itong naupo at inalis ang takip ng mangkok.
“Halika, Melba,” aya ng binata. “Sabayan mo kami.”“Husss,” tanggi nito. “kunyari pa kayo. Syempre gusto nyo magkasarilinan kayo.”“Okay lang,” sabi ng binata. “Tinuruan kasi ako ni Lakay magluto niyan kaya gusto ko matikman nyo.”“Tirhan nyo na lang ako,” Tuluyan nang pumasok si Melba.Paghigop pa lang ng sabaw ay nasiyahan na agad si Guen. Malinamnam. Malasa. Ngayon lang siya nakatikim ng ganitong putahe kaya hindi niya napigilan magtanong kung ano ito.
PInikpikang manok. Isa ito sa mga tradisyunal na pagkain ng mga katutubo. Tinawag itong pinikpikan dahil sa paulit-ulit na pagpalo ng patpat sa katawan ng manok hanggang sa mamatay ito. Sa ganoong proseso ay kakapit ang dugo sa laman nito at iyon ang sikreto kung bakit masarap ito.
“Ow?”“Totoo yon.”Marami pang ikinuwento si Kibaweg tungkol sa iba pang kultura at tradisyon nilang mga katutubo. Nasa anyo nito ang pagmamalaki habang ibinabahagi ang alam tungkol sa liping pinagmulan. Mga bagay na alam ni Guen na hindi magugustuhan ng kanyang mga magulang, kaya pasimple niyang inilayo ang usapan. Iginawi niya ang paksa doon sa mga gusto pa niyang malaman.
“Teka,” aniya. “ ano nga pala trabaho mo sa Maynila?“Wala.”“Ha?” Natampal ni Guen ang sariling noo..“Kakagraduate ko lang kasi sa college nong pumunta ako dito.” mabilis na paglilinaw nito. “Pero dito may trabaho ako.”Nabuhayan ng loob si Guen. “Sa minahan? Engineer ka?”
“Wala ba sa itsura?”Nagkatawanan sila.
“Ikaw,” ganti ni Kibaweg. “anong trabaho mo dati sa Maynila?”“Doktor.”“Ows…Talaga?“Oo.”“Wala sa itsura.”Natawa na naman siya. Halos sumakit ang tiyan niya sa katatawa. Pero hindi dahil sa biro nito kaya siya natawa, kundi sa kaalamang may titulo rin pala ito na puwede niyang iharap sa pamilya. Masayang-masaya siya dahil kahit papaano ay nabawasan ang kanyang problema.
HANGGANG sa pagpunta sa Ampico ay dala niya ang saya. Parang bata na pakanta-kanta siya habang naglalakad paakyat ng bundok, pasayaw-sayaw, magaan na magaan ang pakiramdam niya. Napansin tuloy ni Aliw-Iw ang kakaiba niyang ngiti ngayong umaga.
“Aba,” anito nang salubungin ang dalaga. “mukhang maganda ang gising mo ngayon, a?”Kumindat siya, sabay tawa.
“Maganda nga!”Pati tuloy si Aliw-Iw ay nahawa na sa sobrang saya niya. Kahit paika-ika’y sumabay ito sa pagsasayaw niya.
Hindi sinasadya’y napansin ni Guen ang sugat nito sa kili-kili. Tiningnan niya ang kaputol na sanga ng punongkahoy na ginagawa nitong saklay. May balot ito ng kapirasong tela pero gumagasgas pa rin ito sa balat kaya nagkasugat.
“Sandali,” aniya, sabay halungkat sa lagi niyang dala na first aid kit. “Gamutin muna natin yan.”Itsurang napahiya si Aliw-Iw sa sarili. Agad nitong tinakpan ang kili-kili.
“Pag pinabayaan mo yan,” aniya “baka maimpeksyon yan.”Alanganing lumapit si Aiw-Iw.
Maingat itong ginamot ni Guen.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang isa-isang maglapitan sa kanila ang iba pang mga katutubo.
“Ayos ang babaeng ‘to, a!” maangas na sabi ni ultog, kapatid ni Aliw-Iw. “Maganda na, maasahan pa. Dapat sa ‘yo maging prinsesa dito, asawa ko”Natigilan si Guen sa ginagawa. Nakaramdam siya ng pangamba.
“Ama…” sumbong ni Aliw-Iw.Agad na lumapit ang pinuno ng tribo. Isang matalim na tingin ang ipinukol nito kay Ultog. Parang sinasabi na huwag pakialaman si Guen.
Agad nakaintindi si Ultog, dali-daling umalis.
Saka pa lang nakahinga nang maluwag si Guen. Saka pa lang niya naituloy ang panggagamot. Saka pa lang niya unti-unting naibalik ang naunsiyameng kasiyahan niya.
KASIYAHAN na hanggang sa itinatayong pondohan ng kooperatiba ay makikita sa mukha ni Kibaweg. Para siyang hindi napapagod sa maghapon na pagkukuwento. Paulit-ulit lang naman. Kada pukpok ng martilyo, kuwento. Kuha ng pako, kuwento.
“Sinabi mo na rin yan kanina, e” kantiyaw ni Lakay “Yung bago naman…”“E yung tungkol sa Engineer?”“Kahina mo.” patuloy na pangangantiyaw nito. “ Dapat sinabi mong ikaw mismo ang may-ari ng minahan para…”“Ssssh!”Agad itong pinigilan ni Kibaweg nang matanaw na padating si Guen galing sa gawi ng Ampico. Nagkunyari siya na abalang-abala sa ginagawa, sabay iniba niya ang usapan.
“Syanga nga pala, Lakay,” aniya.“ baka bukas o sa makalawa, may itatayong check point dyan sa tabi natin. Kayo na po ang bahalang mag-asikaso sa kanila, ha… ”“Check point?” ulit ni Guen nang makalapit sa kanila.“Oo,” sabi ni Kibaweg. “Nag-request kasi ako sa presinto na maglagay sila dyan ng check point para mapigilan na ang pagpuputol ng troso dyan sa Ampico. Tsaka para may proteksiyon din tayo dito.”Kumislap ang mga mata ni Guen, halatang minsan pa ay humanga na naman ito sa binata.
Bagay na iyon naman talaga ang gustong mangyari ni Kibaweg kaya tuwang-tuwa siya sa nakitang itsura ng dalaga.
“Yaan mo, “pakikipagsabwatan ni Lakay.. “Ako ang bahala sa check point na yan. Pero dapat may 2 way radio din tayo dito.”“2 way radio?”“Oo,” ani Lakay. “tig-isa tayo. Para pag pauwi na si Titser Guen, iraradyo ko agad sa yo.”Hindi napigilan ni Guen ang matawa. Minsan talaga nagugulat na lang siya sa biro ng matatanda dito. Lagi kasi nilang itinutukso sa kanya si Kibaweg.
“O… ano pa hinihintay mo,” dugtong na panunukso ni Lakay kay Kibaweg. “Itabi mo na yang martilyo at hinihintay ka na ni Titser. Uuwi na daw kayo.”Napapakamot ng ulong tumalima si Kibaweg. Agad niyang kinuha ang mga dalang gamit ng dalaga at iginiya ito sa maalikabok na kalsada pauwi sa kanila.
MULA noon ay naging tagpuan na nila ang kooperatiba. Tumutulong si Guen sa abot ng kanyang makakaya. Sa pagkukuwenta, pag-iistima sa mga biyahero at biyahera, lahat ng magagaan na trabaho’y kanya. Napapagalitan kasi siya ni Kibaweg kapag nagbubuhat siya.
“Uyyy,” tukso ni Melba nang minsang sumama ito doon at makitang binawalan ni Kibaweg si Guen na magbuhat ng kalabasa. “Over protective naman masyado yang knight in shining armour mo.”“Tse!”Sabay nagkindatan sina Melba at Amihan.
Ganoon sila kasaya sa kooperatiba. Laging binabantayan ng mga ito ang kilos ng dalawa, naghihintay ng dahilan para tuksuhin ulit sila. Kaya nang minsang may iniabot si Guen na pera at listahan sa isang biyahera, hindi ito nakaligtas kay Amihan at Melba.
“Ano yon?” sabi ni Melba. “Sinuklian ko na sila, a.”“Pambili ng saklay, mga gamot, at …”“Patay tayo dyan,” bulalas ni Melba, sabay kindat kay Amihan. “Namumuhunan na ang Ale para pag nalaman ni Aliw-iw na sinulot niya si Kibaweg, hindi siya masusumbatan.”“Gaga!”
ISA yon sa nagustuhan niyang ugali ni Melba. Lagi siya nitong pinatatawa, pinasasaya, parang wala itong problema. Madalas tuloy kapag silang dalawa lang ni Amihan ang magkasama, pakiramdam niya ay may kulang sa kanya.
“Gisingin mo na kaya si Melba,” aniya sa katutubong bata habang nagsasampay. “Hapon na, baka hindi na yon makatulog mamayang gabi ako na naman ang kulitin.”Saglit na inayos ni Amihan ang kargang bata sa likuran. Akmang tatalima na sana ito nang walang anu-ano’y may narinig silang kaguluhan mula sa loob ng shelter. Kalabog, yabag ng mga paang nagtatakbuhan, kasunod niyon ay umibabaw ang boses ng isang babaeng naghihisteria.
“Huwag po, Itay! Huwag po!”“Ano yon?” tanong ni Guen kay Amihan.Pero hindi na nito nakuhang sumagot. Dagling tumakbo ang katutubong bata papasok sa loob ng shelter.
Naguguluhang sumunod ang dalaga. At doon, doon mismo sa kuwarto ni Guen ay nabungaran niya ang mga nagkakagulong co-teacher. Hindi malaman ng mga ito kung paano pakakalmahin si Melba na pilit isinisiksik ang sarili sa isang sulok. Magulo ang buhok, yakap ang mga tuhod, naghahalo ang luha at sipon, takot na takot.”
“Tama na po, Itay! Tama na po!”“Mam Melba,”pagsusumamo ni Amihan. “Tigilan nyo na po yan! Parang awa nyo na po, baka po matakot sa inyo si Titser Guen. Mawawalan na naman po kami ng titser sa ginagawa nyong yan, e!.”“Anong…?”Isa-isang napatingin kay Guen ang kanyang mga co-teacher. Paguwa’y isa-isa ring naglabasan ang mga ito sa kuwarto. Walang gustong magpaliwanag kung ano ang nangyayari, walang gustong makialam.
“Amihan…?”Sa halip na sumagot, nilapitan ni Amihan ang dalagang nagsusumiksik sa sulok.
“Nanaginip lang po kayo, Mam Melba, “ alo ng bata. “Wala pong ibang tao dito kundi kaming dalawa ni Titser Guen. “Iyon ang lihim na dahilan ng mga co-teacher kung bakit hindi nila kinakausap si Guen. Ayaw nilang madulas sa pagkukuwento na may mga sandaling nagigising si Melba na wala sa sarili dahil sa bangungot ng nakaraan.
“Tumakas ka na, Cecille,“ patuloy na paghihisteria ni Melba. “Dalian mo, baka abutan ka pa dito ni itay!”“Hindi po, Mam Melba,” sumamo ng batang katutubo. “Hindi po ako ang kapatid niyo. Si Amihan po ako. Si Amihan po!”“Umalis ka na!” Ipinagtulakan ni Melba ang bata. “Umalis ka na!”Pasalyang sumubsob ang bata sa sahig.
Dagli itong tinulungan ni Guen na makatayo. Bahagya silang umatras palayo.
“Mabait po siya,” pagpipiglas ni Amihan. “ Mabait po siya!”“Oo,” aniya.” Oo, naiintindihan ko.”“Wala po kayong dapat ikatakot sa kanya,” nakikiusap ang tinig na yumakap ang bata kay Guen. “Kung gusto nyo po, doon na lang kayo tumira sa amin. Wag nyo lang po kami iwan. Wag po. Wag po…”Mahigpit na niyakap ni Guen si Amihan.
“Hindi kita iiwan…” aniya.“ Hindi ako aalis…Promise.”Inaalo ang bata na inakay niya ito palabas ng shelter.
“Hayaan na muna natin siyang mapag-isa,” patuloy ni Guen. “Makabubuti yon sa kanya. “Sa balkon ay nadaanan nilang nag-uusap ang mga co-teacher.
“Pag ganyan nang ganyan si Melba, “ani ng isa. “Wala talagang tatagal na kasama yan sa kuwarto.”“Oo nga,” dugtong ng isa pa “Kahit bayaran nila ako ng doble, hindi ako papayag na makasama yan sa kuwarto. Delikado, baka isang araw magising na lang ako na sinasakal na ako niyan.”“Sobra ka naman,” saway ng isa pa. “Ikaw man ang paulit-ulit na gahasain ng sarili mong ama, baka higit pa dyan ang mangyari sa yo.”“Sssh…” Inginuso nito si Guen.Kahit narinig ni Guen ang lahat ng pag-uusap ng mga ito ay minabuti niyang manahimik. Masuyo niyang ginabayan ang katutubong bata papunta sa gilid ng shelter, doon sa pinagsasampayan nila ng damit kanina.
“Siya po ang dahilan kaya lagi kaming nawawalan ng titser,” pagsusumbong ni Amihan. “Lahat ng makasama niya sa kuwarto natatakot, hindi tumatagal, umaalis.”Tumango-tango ng pagsang-ayon si Guen.
“Mabait po siya, Titser,” patuloy na pagsusumamo ni Amihan. “Siya po ang nagtuturo sa kin pag wala kaming titser. Kahit pagod na siya, kahit hindi pa kumakain, basta dumating ako tinuturuan niya ko. Hindi po siya humihingi ng kapalit na kamote.”“Alam ko, “aniya. “Alam ko…”Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Amihan.
“Sabi nga niya noong bago pa lang ako dito, Ikaw lang daw ang kaibigan niya,. Ikaw lang daw ang nakakaintindi sa kanya. Dalawa na tayo ngayon.”“T-Talaga po?”PAYAPA na si Melba nang sumungaw sa pinto si Guen. Tahimik itong nakaupo sa gilid ng kama, yukung-yuko ang ulo. Nakikiramdam na pumasok siya sa kuwarto. Tinataniya ang estado ng pag-iisip nito.“S-Sayang”, aniya “Hindi ka sumama sa min kanina. Nagpunta kami ni Amihan doon sa talon, doon kami naglaba.”
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE
MABUTI na lang at mali ang naisip ni Kibaweg. Pagkadaong na pagkadaong ng bangka sa pantalan ng Badion ay agad nilang natanaw si Aliw-Iw sa silong ng bahay niyang yari sa tinistis na tabla. Nakasubsob ang mukha nito sa tuhod, parang nakatulugan na ang pag-iyak.“Ayun!” mahinang sabi ni Amihan.” Ayun si Aliw-Iw!”Hanggang sa makalapit sila ay hindi man lang ito natinag.. Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliw-Iw. Lalo tuloy naawa si Kibaweg sa itsura ng dalaga. Sa kawalan nito ng matutuluyan ay tiniis ang lamig ng gabi sa silong ng bahay niya.“Aliw-Iw…” aniya, kasabay ng banayad na tapik sa b
ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo
ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”
HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld
MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq
ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin
GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop
NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si
PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu
ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la