Share

Chapter 13

Author: Ernie Bueno
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MABUTI na lang at mali ang naisip ni Kibaweg. Pagkadaong na pagkadaong  ng bangka sa pantalan ng Badion ay agad nilang natanaw  si Aliw-Iw sa silong ng bahay niyang yari sa tinistis na tabla. Nakasubsob ang mukha nito sa tuhod, parang nakatulugan na ang pag-iyak.

“Ayun!” mahinang sabi ni Amihan.” Ayun si Aliw-Iw!”

Hanggang sa makalapit sila ay hindi man lang ito natinag.. Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliw-Iw. Lalo tuloy naawa si Kibaweg  sa itsura ng dalaga. Sa kawalan nito ng matutuluyan ay tiniis ang lamig ng gabi sa silong ng bahay niya.

“Aliw-Iw…” aniya, kasabay ng banayad na tapik sa b

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 14

    ANG DAMING kuwento ni Kibaweg habang nagkakape sa patio. Sari-sari, kung anu-ano, pero ang higit na kinatutuwaan ni Guen ay yaong tungkol sa paghahabulan nina Melba at Amihan sa gitna ng sagradong ritwal sa Ampico.“Kumekerengkeng...,” tumatawang ulit ni Guen. “ Si Melba talaga, oo… Andaming

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 15

    ILANG saglit pa at umingit ang mga baitang ng hagdan. Kasunod niyon ay ang tunog ng tila akyat-panaog na mga tsinelas, wari’y may mga naghahabulan. Nakakatuwa pakinggan ang bawat pagtili ni Guen, ramdam na ramdam sa buong paligid ang kanyang kasiyahan. Para silang mga bata ni Kibaweg na masayang nagkikilitian.“Huli ka!”“Ay!”Mula sa hapag-kainan ay sinutsutan sila ng pilyang maid. Isinesenyas nito ang kanilang magulang.“Good morning po, “ nahihiyang bati ni Kibaweg.“Ikaw kasi…” pasimpleng kurot ni Guen.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 16

    DAHIL sa nangyari sa mga ari-arian ng minahan ay naging tahimik tuloy si Kibaweg sa harap ng wedding coordinator. Nakatingin siya sa mga ito pero parang wala siyang nakikita. Naririnig niya ang pinag-uusapan pero parang wala siyang naiintindihan. Malayo kasi ang isip niya, nandoon sa Cordillera. Kaya nang ihain sa kanya ni Guen ang kontrata, pati na ang ginawa nilang authorization letter para makuha ng mga ito ang dokumento nila, saka pa lang niya namalayang pagsang-ayon na lang pala niya ang kulang at tapos na ang meeting nila.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 17

    KINAUMAGAHAN ay agad nilang pinuntahan ang mga nasaktang tauhan ng minahan. Inalam ni Kibaweg ang lagay ng mga ito, binigyan ng panggastos hanggang sa makabalik sa trabaho, sabay latag na rin niya ng imbitasyon sa bawat tribo. Kumbidado ang lahat.“Talaga po?” tuwang-tuwa, hindi makapaniwala ang buong komunidad. “Lahat kami? Hindi lang ang mga may katungkulan, pati kaming mga ordinaryong mamamayan? Pati mga anak namin?”“Opo!” tugon ni Lakay. “Gusto kasi ni Kibaweg na makilala nyo ang babaeng bumihag sa kanyang puso.”“Bumihag po talaga?” biro ng isa. “Ang lalim, hindi namin maarok! Kulang na lang dugtungan nyo pa ng: datapuwat, ngunit, subalit…”Tawanan, pati matatandang walang ngipin ay naghahagikgikan.Masayang-masaya ang lahat.Umaalingawngaw sa buong kapaligiran ang masigabong halakhakan.Aligaga tuloy sa ginagawa ang pinakamatandang

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 18

    KASUNOD niyon ay umatikabo ang masayang tuksuhan, kantiyawan at biruan. Namula kasi ang pisngi ni Guen. Talagang nag-blush siya. Kundangan naman kasi may spark pa rin siyang nadama. May kuryente ang halik, nandoon pa rin ang magic. “Uyyy,” sabi ng isa. “mukhang may magkakabalikan, a!”Ngumiti si Guen. Pagkuwa’y umiling siya. Itinanggi sa sariling naapektuhan siya. Mali kasi. Kahit saang anggulo niya tingnan, mali ang matukso pa siya sa iba. Ikakasal na siya. Unfair kay Kibaweg. Napakabuti nitong tao para saktan niya.“So sweet!”“Langgam,,” patuloy na tukso. “andaming langgam!”“Wait,” singit ng isa pang ballerina. “ Teka lang, guys, wag muna kayong maingay.... Narinig nyo yon?”“Ang alin?”“Wedding bells! Kumakalembang!”Tawanan. Lalong sumaya ang tuksuhan.“Actually…” pigil niya sa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 19

    ANG siste, nanganganib na nga ang buhay ng mga nakulong sa loob ng kuweba, dumagdag pa sa problema ang mga kabataang rallyista. Gumawa sila doon ng barikada, iminuwestra ang mga dalang plakard, sinamantala nila ang isyu habang nandoon ang media.“Isara! Isara ang minahan!” paulit-ulit na sigaw. “Isara!”Sa litanya ng isang aktibista gamit ang megaphone ay ipinahayag nito na ang nangyari ngayon dito ay isang patunay lamang na ang minahan ay nakasisira sa kalikasan.“Isara! Isara ang minahan!”Pero hindi sila pinapansin ng mga tao sa loob ng napakalawak na bakuran. Abala ang mga ito sa pasa-pasang paghahakot ng bato palabas ng kuweba. Nagmamadali ang kilos, bawal mapagod, puwedeng tumigil sandali para humingi ng tubig kila Melba at Aliw-iw, pero hindi puwedeng maputol ang momentum. Sayang ang oras, buhay ang nakataya sa bawat segundong lumilipas.“Apo Dulay,” nag-aalalang tawag pansin ni Aliw-Iw. &ldquo

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 20

    ANG dami nilang inikutan na ospital. Sa La Trinidad, Benguet, Itogon, Baguio, at kung saan-saan pang karatig na bayan. Pero pawang wala silang malapagan ng helicopter. Nag-aalala na tuloy si Guen. Sayang ang oras kakalipad nila habang patuloy na nauubusan ng dugo si Kibaweg. Pag nagtagal pa sila sa ere nang walang tiyak na patutunguhan ay posibleng manganib na ang buhay nito.“Sa Clark po, Doktora,” mungkahi ng piloto. “ sigurado tayo doon.”Saglit na nag-isip si Guen. Tinantiya niya ang distansiya ng Pampanga sa Maynila. Ilang minuto lang ang diprensiya. Mas kumportable siya sa pag-aari nilang ospital. Mas maaasikaso niya ito doon, mas mabibigyan ng prayoridad.“Sige po, Doktora,” sang-ayon ng piloto. “coordinate ako sa base para pagdating natin doon ready na ER.”“Thank you, Capt.,” aniya “thank you!”Takot na takot si Aliw-Iw habang lumilipad ang helicopter.Lalo na s

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 21

    ANG kulit ni Aliw-Iw. Hindi pa man ay excited na agad siya. Ang dami na agad niyang pangarap. Siguradong pag-uwi niya sa Cordillera ay magugulat ang lahat, tapos pag magaling na ang kanyang paa’y makakalangoy na ulit siya sa lawa, hindi na siya mapapatid ng mga alagang baboy sa tuwing nililinisan niya ang kural ng mga ito, hindi na siya mahihirapan magdala ng panindang rice wine sa kooperatiba, napakarami na ulit niyang puwedeng gawin pag nakakalakad na siya.“At hindi lang ‘yon,” dugtong ni Guen.” makakatakbo ka na rin pag ayaw mo sa manliligaw mo!”“Oo nga,” aniya “pero pag may dalang pinikpikan, kukunin ko muna yung mangkok bago ko siya takbuhan!”Tawanan.“Infairness, masarap talaga yung pinikpikan, ha!” ani Guen. “Lalo na kung si Kibaweg ang nagluto!”“Syempre,” sang-ayon ni Aliw-Iw. “si Kibaweg pa!”“Tse! Bakit, ipina

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 30

    ANG SAYA sa Cordillera, lalo na doon sa tabi ng lawa. Para kasing fairy tale, ang dami ng bulaklak, May tulips dito, may tulips doon, may hawak na tulips ang mga ballerina habang nagsasayaw sa pantalan. Tuwang-tuwa tuloy si Guen, mula kasi sa bintana ng bahay ni Kibaweg ay kitang-kita niya ang lahat. Nasunod ang lahat ng plano nila, nadagdagan pa ito ng symphony orchestra, grabe sa ganda ang kasal niya. Sobra.”Wag kang iiyak,” sabi ni Luna. “tigilan mo yan. Masisira ang make-up mo...”“Waterproof.”“Kahit na, iba pa rin siyempre yung fresh ka…”“Si Mama,” aniya. “si Mama ang alalahanin mo, baka burado na ang make-up n’on kakaiyak dyan sa ibaba…”“Sus, tawa ng tawa ‘kamo. Tuwang-tuwa sa suot na bahag ng Papa mo!”“Ha? Amerkana ang suot niya kaninang umalis tayo sa hotel, di ba?”&ldquo

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 29

    ANG BILIS ni Guen, halos lundagin niya ang hagdan para tulungan si Kibaweg. Ganoon din ang iba pa. Kandarapa ang mga ito, nag-uunahan, kanya-kanyang kilos para sumaklolo. May agad na humawi sa wheelchair, may kumuha ng first aid kit, may tumakbo sa radio room para tumawag ng ambulansiya.“Balik!” sigaw ni Papa. “Balik na tayo! Emergency!”Lahat sila ay gumagalaw, natataranta, maliban sa isa...Si Apo Dulay.Naiwan ito sa mesa, sapo ang dibdib, paulit-ulit nitong hinihigit ang pinakamalalim na hininga.“Si Apo,” pansin ni Amihan. “si Apo…”“Ha?”“Ambulansiya!” sigaw ni Mama. “Tumawag kayo ng ambulansiya!”“Meron na po,” tugon ni Luna. “tumawag na po ako sa Queen Guenevere!”“Tumawag ka ulit, dalawa ang ipadala mo!”“Opo!”“Dalian mo!”

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 28

    HANGGANG sa loob ng elevator ay iniisip pa rin ni Guen ang mga sinabi ni Melba.5th floor.Marami itong pilit na ipinaliliwanag pero hindi niya maintindihan.6th floor.Tanging rumihistro sa kanya ay may mali daw sa ginagawa niya.7th floor.Well, that’s just great, maktol ng isip niya. Ginagawa na nga niya ang lahat, tapos...8th floorNaputol ang iniisip ni Guen nang bumukas ang pinto ng elevator. Naagaw kasi ang pansin niya ng umaalingawngaw na kasiyahan sa hallway. Galing iyon sa di-kalayuang nurse station. Kinatutuwaan ng mga ito si Kibaweg. Ang dami kasi nitong kuwento. Kuntodo muestra pa, puro kalokohan lang naman.“Eto pa, eto pa...” dugtong nito. “alam nyo ba kung bakit nakaangat sa lupa ang bahay namin sa Cordillera?”“Bakit?”“Para walang lamok.”“Ows?”“Totoo,” giit ni Kibaweg. &ld

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 27

    MALINAW kasi ang ibig sabihin ni Roy. Tanggap na nito ang sitwasyon. Hindi na ipipilit ang sarili, ipinauubaya na siya sa mas karapat-dapat, wala na siyang dahilan para umiwas pa. Kaya nang akmang lalagyan na nito ng orthopedic sling arm si Kibaweg, panatag na ang loob niyang pigilan ito.“Ako na lang mamaya,” aniya. “bibihisan ko muna siya…”“S-Sige.”“Thank you.”Iyon lang at tuluyan nang humupa ang tensiyon. Kumportable na itong lumipat kay Aliw-Iw, hindi na nanginginig ang kamay sa pag-aalis ng cast, nagagawa na ulit nitong magbiro. Mambola. Tatak Roy na hindi na yata talaga mawawala.“Ang ganda ng paa mo,” anito. “bagay sa ‘yo. Maganda ka kasi...”Kilig na kilig tuloy si Aliw-Iw. Sa sobrang tuwa ay natampal niya sa balikat si Melba.“Aray!”“Naku, sorry… Sorry!”&ldq

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 26

    ANG SAYA ni Guen nang matapos ang meeting. Panay ang tawa niya habang inihahatid ang wedding coordinator, hindi matatawaran ang hagikgik niya sa hallway, umaalingawngaw ang kasiyahan niya sa buong VIP ward. “Ay, grabe!” bati ng mga duty sa nurse station. “Ang sarap ng tawa ni Doktora! Winner!” “Parang tumama sa Lotto!” “Daig pa ‘kamo ang nanalo sa Lotto!” “Kainggit,” dugtong ng isa pa. “sana ma-meet ko na rin ang Kibaweg ng buhay ko!” “Ako din!” “Sorry,“ aniya. “nag-iisa lang si KIbaweg! Akin lang siya!” “Ang daya!” “Stop the wedding!” isisigaw daw nila sa kasal niya. “Subukan nyo,” banta niya. “ililipat ko kayo sa ER!” Tawanan. “Doktora,” hirit ng isa pa “pag nahirapan po kayong matulog kakaisip sa kasal, marami pong gamot dito, ha” “Hay naku, tigilan mo ko, mas effective ang pampatulog ko!” “Hala, kaya pala laging naka-lock ang pin

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 25

    GANOON nga ang nangyari. Sa harap ng mainit na kape ay ipinaliwanag ni Kibaweg ang plano nila sa kasal. Walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil family code ng estado ang susundin nila, dito sa Maynila irerehistro ang marriage contract, venue lang ang sa Cordillera. Doon kasi sila nagkakilala, doon nagkulay rosas ang pagmamahalan nila, kaya wala na silang ibang mahihiling pa kundi doon din sana maidaos ang kasal nila.“Malayo” hirit ni Papa. “baka maligaw yung mga bisitang galing dito sa Maynila…”“Don’t worry, ‘Pa, naisip na namin yan....” salo ni Guen. “may sketch yung ipagagawa nating wedding invitation, may mga landmark para hindi sila mahirapan maghanap ““Paano yung walang sasakyan?”“May aarkilahin kaming bus para sa mga ballerina., dadagdagan na lang natin para sa iba pang bisita”Hindi kumbinsido, napapailing na humigop

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 24

    NALITO si Guen si sinabing iyon ni Kibaweg. Hindi niya lubos-maisip paano nito kakausapin ang kanyang ama. Lalo kasi itong nagalit nang mag-alsa balutan siya kanina. Ni hindi nga siya pinigilan nito nang magpaalam siyang may dalang maleta.“Yung gamit ko?”“Ha?”“May naiwan akong mga papeles doon, importante…”’“Saan nakalagay?”Sa halip ay itinuro nito ang telepono. “Kausapin ko yung maid…”Naguguluhan man ay walang nagawa si Guen kundi sundin ito. Pagka-dial niya sa telepono ay agad niyang niabot dito ang awditibo.“Hello…”PAGKABABA ng awditibo sa kabilang linya ay dali-daling umakyat sa itaas ang pilyang maid. Dire-diretso siya sa guest room. Pagkatapos niyang kunin ang isang envelope sa tabi ng lampshade ay agad din siyang bumaba ng hagdan para ibigay iyon kay Papa.“Si

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 23

    PAGBALIK sa ospital ay may dala na siyang maleta, ilang piraso ng paper bag, at kung anu-ano pa. Mabigat ang mga hakbang na sumakay siya sa elevator, bagsak ang mga balikat na bumaba sa eight floor, hanggang sa pagpasok niya sa office ni Luna ay hindi makakapagsinungaling ang kanyang mga mata. Hindi maganda ang resulta ng pakikipag-usap niya sa ama.“Susmaryosep!”Hindi makatingin ng diretso, nagpapahid ng luhang inilahad niya ang susi ng kotse nito.“Anong...?”Yuko ang ulo, akmang tatalikod na sana si Guen pero pinigilan siya ni Luna.“Teka, sandali,” anito. “mag-usap muna tayo...”Awang-awa sa sarili na yumakap siya.Mahigpit.Matagal.“H-Hindi daw sila pupunta sa kasal ko…”Ha?”Iyon lang at tuluyan na niyang hindi napigilan ang pag-iyak. Damang-dama niya ang sakit, ang kirot, sumambu

  • Slow Dance Beneath The Stars    Chapter 22

    ANG kulit ni Kibaweg. Walang tigil sa pag-iinarte, maya’t-maya ang daing nito, andaming masakit. Kesyo masakit daw ang ganito kailangan ng kiss, masakit daw ang ganoon pero ang hinihinging gamot ay kiss, lagi nitong itinuturo ang labi. Laging masakit, kailangan ng kiss.“Heh!” pakikipagharutan ni Guen. “Nakakadami ka na, ha! ““Aray, ” patuloy na paglalambing nito, inginunguso ang labi. “hindi ko matiis, Doc Guen. Gamutin mo ko, please…”Nakikipaglokohan na kumuha ng injection si Guen, pabirong itinutok iyon sa labi ni Kibaweg.“Ay,” biglang iwas nito. “wala ng aray!. Hindi na masakit, Doc! Ang galing mo!”Lalong natuwa si Guen. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na panggigilan ito ng halik. Sa pisngi, sa ilong, sa kabilang pisngi, sa labi, sa noo, sa tenga…“Saan pa?” aniya. “Saan pa may masakit? Gagamutin ko la

DMCA.com Protection Status