Share

Kabanata 716

Si Angeline ay natuliro.

Nahihiyang tumawa si Cole. “Dapat mong malaman na isa akong perfectionist. Nag-aalala ako na hindi kita magagawang halikan kapag nalaman kong may mga pilat ka sa katawan mo.”

Namula ang mukha ni Angeline at napalayo. Isang nagbababalang ekspresyon ang nasa kaniyang mukha noong sabihin niyang, “Imposibleng maging tayo.”

Napabuntong-hininga si Cole noong tumingin siya sa puwang sa pagitan nila. “Naging mahirap para sa akin na makahanap ng isang babae na magsasanhi sa ‘kin na maging seryoso. Pero heto, ayaw mo sa ‘kin.”

Agad na namutla ang mukha ng drayber at nagsimulang pagpawisan.

Paminsan-minsan siyang tumitingin kay Angeline gamit ang rear view mirror, natatakot para sa buhay ng babae.

Ang lahat ng mga babaeng tumatanggi sa young master ay hindi nagkakaroon ng magandang kapalaran.

Hindi napagtanto ni Angeline na may ininsulto siyang tao at nagpatuloy na pahiyain si Cole. “Pwede mo naman akong ibaba pagdating natin sa Imperial Capital. Pamilyar naman ako sa lug
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status