Inimpake ni Angeline ang mga dokumento sa mesa, pagkatapos ay hinawakan ang folder gamit ang kaliwa niyang kamay at naglakad patungo sa pinto.Ang wheelchair ni Jay ay nakaharang sa pinto.Ang mga mata ni Jay ay hindi kailanman lumayo sa pigura ni Angeline habang si Angeline naman ay nanatiling walang pakialam. “Excuse me,” magalang na sabi ni Angeline kay Jay.Tumitig si Jay kay Angeline. Ang madilim niyang mga mata ay puno ng matinding pagtanggi.Paano sila umabot ni Angeline sa puntong ito?Sila ay mas masahol pa sa dalawang estranghero.Napatingin siya sa nakabalot na braso ni Angeline, at walang emosyon ang maririnig sa tono ng kaniyang boses noong magtanong siya ng, “Ayos lang ba ang braso mo?”Ngumiti nang kalmado si Angeline at mahinang sinabi, “Salamat sa pag-aalala mo, Ginoong Ares. Hindi naman ito malaking problema para sa ‘kin.”‘Ginoong Ares’ ulit ang tawag sa kaniya ni Angeline.Ganoon ang tawag sa kaniya ni Angeline sa tuwing hindi maganda ang kanilang relasyon.Ang mukh
Lumapit si Sean habang si Angeline ay naghihintay para sa susunod na elevator.Naiiyak na sinabi ni Angeline, “Alam kong nakikipagtulungan ka kay Jack. Naisip mo ba kung ano ang babayaran ng Bell Enterprises sa pagtataksil niyo pagkatapos bumalik ng kumpanya ni Master Ares sa tuktok?”Napangiti si Sean at sinabi, “Binibining Severe, ang pagnenegosyo ay parang pagsabak sa giyera. Ikaw ang mamamatay o ako ang mamamatay. Maraming taon nang namumuno ang Grand Asia sa market at nagsanhi sa ibang mga kumpanya na bumagsak. Dapat ay alam niyang darating ang araw na ito. At sa tingin ko ay may pagkakapareho ang Grand Asia sa presidente nito. Pareho silang hindi na makakatayo muli.”Tumingin si Angeline sa elegante at mahinhin na mukha ni Sean bago siya matawa nang bigla. “Sean, narinig ko na ang dahilan kung bakit mo nagawang tumayo nang ganito sa Bell Enterprise ay dahil sa tulong ni Master Ares na paalisin si Stanley Bell. Ganito ba ang isusukli mo sa kaniya?”Sinabi ni Sean, “Noong tinulunga
Nangutya si Angeline, “Hindi ako galit sa ‘yo. Siguro ay hindi mo ‘to alam, pero noong lumabas ako ng Garden of A Diary noong araw na ‘yon, nalilito ako at may ginawang katangahan. Nabangga ako ng kotse pero buti na lang, niligtas ako ng taong nagmamaneho ng kotse na ‘yon. Noong nagising ako, napagtanto ko na naibigay ko na ang buhay ko sa ‘yo, kaya wala na akong utang na loob sa ‘yo. Mula sa sandaling ‘yon, nangako ako na mabubuhay na lang ako para sa sarili ko. Kaya, Ginoong Ares, umaasa ako na pakawalan mo na rin ako.”Si Jay ay tahimik, at nagsimulang pumangit ang kaniyang itsura.Mukhang lubos niyang nasaktan si Angeline noong araw na ‘yon. Naisip pa ni Angeline na magpakamatay.Ang bawat salita mula kay Angeline ay lubos siyang sinaktan. “Maraming taon ko nang binibigay ang buhay ko para sa ‘yo. Ngayong nagising na ako mula roon, napagtanto ko na dapat akong maawa sa sarili ko. Mula ngayon ay mabubuhay na lang ako para sa sarili ko.”“Bale pinapaalis mo na ako sa buhay mo? Iyon b
Sumandal si Jay sa kaniyang wheelchair. Isang natalong ekspresyon ang lumitaw sa kaniyang mukha. Siya ay nakakaramdam ng pagtanggi noong sinabi niyang, “Mukhang makatwiran nga ang pag-aalala ni Old Master Severe.”Sino’ng makapangyarihan na tao ba ang ginalit ng Pamilya Ares?Iyon ay isang tao na nagsanhi kina Old master Severe at Grand Old Master Ares na mainggit.Nag-isip si Grayson. “Ginoong Ares, may tinatago bang sikreto ang Pamilya Ares?”Ang pahiwatig ni Old Master Severe na ‘York’ ay lumitaw sa isipan ni Jay.Napa-isip nang malalim si Jay, sinasabing, “Kung gusto nating malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito, natatakot akong kailangan nating buksan ang mga sikreto na nanggaling sa pamilya ng ina ko.”Ang mukha ni Grayson at ng iba pa ay naging seryoso.“Ginoong Ares, ang pagkakakilanlan ng ina mo ay tinago ng Pamilya Ares nang halos kalahating siglo. Kung iimbestigahan mo ulit ang pagkakakilanlan niya, natatakot akong pipigilan ka ng Pamilya Ares sa bawat posibleng pa
Gayunpaman, mayroon pa ring bahagi niya na umaasa na ang sikretong iyon ay hindi malalantad. Sa ganoong paraan, masasamsam pa rin niya ang kasiyahan at kapayapaan ng buhay.Gayunpaman, alam niyang sa sandaling umikot ang kamay ng relo, magagawa niyang baguhin ang takbo ng kapalaran. Ang kailangan lamang niyang gawin ay ang magkusa para siya naman ang manguna.Nagtungo si Jay sa kaniyang study, kumuha ng lapit, at nagsimulang gumuhit nang maayos. Napagpasyahan niyang iguhit ang mukha ng kaniyang ina, si Chloe.Sa mga unang oras ng umaga, pinasok niya ang pininta niyang larawan sa reverse image search na ginawa ng Grand Asia. Sa isang iglap, daan-daang mga tao na kamukha ni Chloe ang lumitaw.Ang isa sa kanila ay nahuli ang atensyon ni Jay.Iyon ay dahil ang apelyido ng taong iyon ay York.Noel Yorks.Hinanap ni Jay ang impormasyon tungkol sa lalaking ito. Ang lalaki ay mayroon lamang isang larawan. Siya ay mukhang bata at may kaparehong mga mata kay Chloe.Ang impormasyon tungkol sa kan
Ang lalaki ay kasing gwapo ni Jay.Tumayo ang lalaki sa tabi ni Angeline at ngumiti. Ang kaniyang pagkilos ay elegante at marangya habang siya ay malambing na nakatingin kay Angeline.Siya ay mukhang mayaman at mayroong estilo ng isang makapangyarihan na tao.Pakiramdam ni Jay ay mayroong isang makapangyarihan na bantang papalapit sa kaniya.Marahil ay hindi alam ni Angeline kung sino ang may-ari ng Hummer, ngunit hindi napansin ni Angeline si Jay.Tinulungan ni Angeline si Grand Old Master Severe at naglakad patungo sa harap ng medical department.Ang lalaki sa tabi niya ay maginoong sinukbit ang kaniyang bag. Ang ganoong lalaki ay siguradong galing sa kalangitan, ngunit siya ay bumaba para pagsilbihan si Angeline. Maliban sa pagmamahal, hindi makaisip si Jay ng anumang dahilan kung bakit iyon gagawin ng lalaki.Nagsimulang mapuno ng inis ang puso ni Jay, at pakiramdam niya ay tumigil sa pagdaloy ang dugo sa kaniyang katawan.Si Angeline at ang lalaki ay tinulungan si Grand Old Master
Si Angeline ay mayroong malamig na ekspresyon. “Pwede kong pirmahan ang mga divorce paper kasama si Ginoong Ares sa anumang oras na gusto niya. Sabihin niya lang at makikisama ako.”Si Jay ay nagalit.Upang mabawi ang dignidad niyang nawala sa harap ni Jay, ginamit lamang ni Angeline si Cole upang magpanggap na ipagyabang ang kaniyang pagmamahal.“Hindi ba’t sinabi mo na gusto mo akong pakasalan?” Tumingin siya kay Cole. Ang kaniyang boses ay mahina at malambing.Si Cole ay mabait sa kaniya at tumango. “Oo.”Alam niya na sinasadyang galitin ni Angeline ang lalaki sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaniyang paglalambing. Kung ito ay ibang araw, si Angeline ay hindi magiging ganito sa kaniya.Gayunpaman, siya ay hindi nagalit.Sa kabaligtaran, siya ay patagong nagpapasalamat kay Jay dahil nakikita niya ang malambing na pag-uugali ni Angeline.“Gusto ko ng enggrandeng kasal. Gusto kong suotin ang pinaka-magandang wedding dress sa buong mundo. Gusto ko ng isang yayamaning kotse, isang mansyo
Kahit na napasulyap lang siya, nakita niya ang pag-angat ng pantalon ni Jay at ang pagkurot ng doktor sa kaniyang paa.Agad na nalaman ni Angeline kung ano ang nangyayari. Si Jay ay naroon para sa isang check-up at upang pagalingin ang kaniyang mga binti.Tahimik siyang nagtago sa likod ng pinto at nakinig sa mga boses sa loob.Malungkot na sinabi ng doktor, “Ginoong Ares, ang mga kalamnan ng binti mo ay wala nang lakas at natatakot ako na mahirap nang ibalik ang mga ito sa normal.”Matapang na binaba ni Jay ang kaniyang paa at sinabing, “Kailangan kong tumayo.”Si Angeline ay nagulat. ‘Hindi ba’t ayaw ni Jay na magsagawa ng rehabilitation theraphy dati?’Sa mga mata ni Jay, ang pinakamahalagang bagay para sa kaniya ay ang oras. Ang walang kabuluhan na rehabilitation ay isang aksaya ng oras para sa kaniya.‘Ano’ng nagpabago sa kaniyang isipan?’Si Angeline ay bahagyang malungkot dahil nararamdaman niyang gusto talagang tumayo ni Jay.Gayunpaman, ang diagnosis ng doktor ay hindi maganda
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto