Share

Kabanata 637

Bumukas nang bahagya ang manipis na mga labi ni Jay, ang nakasisindak niyang boses ay lumabas mula sa kaniyang bibig. “Hindi ako pumapayag sa kasal na ito.”

Sina Angeline at Josephine ay parehong mukhang naginhawaan.

Pinigilan ni Jack ang galit sa kaniyang puso. “Jay, ito ang kasal ng kapatid mo. Wala itong kinalaman sa ‘yo.”

Sinabi ni Jay, “Tama ka nga, Ama. Ang kasal ni Josephine ay walang kinalaman sa ‘kin.”

Itinuon niya ang matalas niyang mga mata kay Yumi. “Ang pag-ibig ay isang laro sa pagitan ng dalawang tao. Kapag masyadong nangingialam ang mga magulang at mga kapatid, mawawalan ng lasa ang pag-ibig.”

Sina Jack at Yumi ay parehong mukhang nangangamba. Mukhang pinapahiwatid ni Jay na sinasakripisyo nila ang kasal ng mahal nila para sa pera.

“Jay, hindi na bata ang kapatid mo. Masyado mo nga siyang inaalagaan kaya nabuo sa kaniya ang masamang gawain na maging tamad lang buong araw at walang ginagawa. Hindi ko na pwedeng iwan sa pangangalaga mo si Josephine. Kapag nagpatuloy pa it
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status