Bumukas nang bahagya ang manipis na mga labi ni Jay, ang nakasisindak niyang boses ay lumabas mula sa kaniyang bibig. “Hindi ako pumapayag sa kasal na ito.”Sina Angeline at Josephine ay parehong mukhang naginhawaan.Pinigilan ni Jack ang galit sa kaniyang puso. “Jay, ito ang kasal ng kapatid mo. Wala itong kinalaman sa ‘yo.”Sinabi ni Jay, “Tama ka nga, Ama. Ang kasal ni Josephine ay walang kinalaman sa ‘kin.”Itinuon niya ang matalas niyang mga mata kay Yumi. “Ang pag-ibig ay isang laro sa pagitan ng dalawang tao. Kapag masyadong nangingialam ang mga magulang at mga kapatid, mawawalan ng lasa ang pag-ibig.”Sina Jack at Yumi ay parehong mukhang nangangamba. Mukhang pinapahiwatid ni Jay na sinasakripisyo nila ang kasal ng mahal nila para sa pera.“Jay, hindi na bata ang kapatid mo. Masyado mo nga siyang inaalagaan kaya nabuo sa kaniya ang masamang gawain na maging tamad lang buong araw at walang ginagawa. Hindi ko na pwedeng iwan sa pangangalaga mo si Josephine. Kapag nagpatuloy pa it
“Diyos ko, bakit ang mga ‘yan ang ginamit mo para maglabas ng galit? Hindi mo ba naiisip na sayang sila? Pwede mo naman silang ibigay sa ‘kin, alam mo ‘yon?”Si Angeline na ang sentro ng buong kalawakan noong bata pa lamang siya. Siguro nga ay edukado siya, ngunit sa sandaling makaranas siya ng pighati na nilalagpasan ang kakayahan niya, ang kaniyang ulo ay iinit din.Halimbawa ang nangyayari ngayon—“Marami akong damit sa bagahe ko, kung gusto mo, kuhain mo rin silang lahat. Oh, pati na rin ang mga skincare products na nagkakahalagang sampung milyong dolyar, sa ‘yo na silang lahat. Kung ayaw mo sa kanila, susunugin ko silang lahat!”Siya ay nagalit. “Binili ko sila gamit ang pera ng kuya mo. Ayaw ko na sa kanila. Mula ngayon, maghihiwalay na kami. Wala na kaming dapat pang…”“Wala nang dapat pang ano?” Lumitaw si Storm nang tulak-tulak si Jay sa isang wheelchair. Ang wheelchair ay tumigil sa harap niya.Ang buhok ni Angeline ay nakalugay dahil sa kawalan niya ng tali. Siya ay kasing g
Pinaglaruan ni Jay ang bilog na bato at tumitig kay Angeline nang may malamig at madilim na mga mata.Hindi rin siya nagsalita.Noong una, diniretso ni Angeline ang kaniyang leeg upang tumingin pababa kay Jay, ngunit sa huli, marahan siyang yumuko, kahit ang kaniyang boses ay humina.“Bakit hindi mo ibato pabalik? Hindi ako iiwas.”Kaya, inangat ni Jay ang bato. Ipinikit ni Angeline ang kaniyang mga mata noong nakita niya kung paanong nagbabalak si Jay na ibato ang bato sa kaniya.Ang bato ay dumiretso sa gilid ng kaniyang tainga. Binuksan ni Angeline ang kaniyang mga mata at tumingin kay Jay sa sindak.Binato talaga ni Jay ang bato sa kaniya?Hindi ba ‘yon natatakot na matamaan siya nang hindi sinasadya ngayong nakaupo siya sa isang wheelchair?Hindi natutuwa sa kaniniya si Angeline. Ang itsura ng kaniyang mga mata noong tumitig siya kay Jay ay hindi lamang naglalaman ng inis na mayroon siya para kay Jay kanina, ngunit mayroon na rin itong bakas ng lungkot ngayon.Pagkatapos no’n, lum
Sinabi ni Angeline, “Hinding-hindi ako susuko kahit na patayin mo pa ako sa bugbog.”Si Jay ay mukhang napipikon na. Yumuko siya upang kumuha ng bato sa lupa at binato ito sa tuhod ni Angeline.Ang mga tuhod ni Angeline ay namanhid at napaluhod siya sa lupa. Pinosasan ni Storm ang kaniyang mga kamay noong napansin niya kung ano ang nangyari.Inangat ni Angeline ang mga posas at nagdabog. “Ano’ng ibig sabihin nito, Ginoong Ares? Hindi ba’t ayaw mo sa ‘kin? Bakit hindi mo na lang ako hayaan na lumayo sa ‘yo, ha?”Hinila ni Storm ang kabilang dulo ng posas. “Tara na, Binibini.”Nag-isip nang matagal si Josephine bago mapagpasyahan sa huli na ‘wag mangialam. Sinabi niya kay Angeline, “Alagaan mo ang sarili mo, Angeline. Maghihintay ako sa ‘yo.”Si Angeline ay dinala pabalik sa Fragrant Vessel Court ni Storm.Ang mga bata ay nakapaligid sa mesa, kumakain ng mga prutas. Noong nakita nila sina Storm at Angeline, ang mga mata nila ay napuno ng sorpresa.“Bakit narito na naman siya?” Pagalit na
Tumingin si Storm kay Jay nang may nagmamakaawang mga mata. “Ginoo, sinabi ni Binibining Severe na magpapakagutom siya…”Umangat ang kaakit-akit na mga kilay ni Jay. Binabalaan ba siya ng babaeng ito?“Eh ‘di, hayaan mo siyang magutom.”Naisip ni Jay na dahil masyado niyang pinagbigyan si Angeline dati at hinayaan lamang ang mainiting ulo nito, nagsasanhi sa kaniya na umalis nang hindi nagpapaalam, at umalis pa para magpa-plastic surgery nang hindi man lang sinasabi ang mahalagang desisyon na ‘yon sa kaniya.Mukhang nakagawa siya ng pagkakamali. Mula ngayon, magbabago na siya ng ibang pamamaraan ng disiplina. Magbabago siya mula sa pagiging mapagpabaya at magiging istrikto, siguro ay makakatulong ‘yon sa pagtatama ng mainiting ulo ni Angeline.Pagkatapos sabihin ‘yon, tinulak ni Jay ang kaniyang wheelchair patungo sa kaniyang kwarto.Sumigaw nang matagal si Angeline ngunit walang sinuman ang pumansin sa kaniya.Napagod, humiga siya sa maliit na kama sa tabi niya. Ang magulo niyang buho
Nanigas si Jay.Natuklasan ni Angeline ang sikreto tungkol sa marriage certificate?“Iyon ba ang dahilan kung bakit mo piniling magpa-plastic surgery?”Si Jay ay lubos na nagagalit at ninais na parusahan si Angeline sa pag-alis nang hindi nagpapaalam. Gayunpaman, pagkatapos marinig ang sinabi ni Angeline, nawalan na siya ng tapang na parusahan ito.Ginawa lamang iyon ni Angeline dahil mahal siya nito.Gayunpaman...Kung mahal siya ni Angeline, bakit siya makikipagkita sa isang kakaibang lalaki?“Noong gabing iyon, sino ang lalaking pinuntahan mo?” Tanong ni Jay nang may mabangis na ekspresyon sa kaniyang mukha.“Hindi ko pwedeng sabihin sa ‘yo.” Naalala ni Angeline ang kasunduan na nagkaroon sila ni Peter. Ayaw niyang maging isang tao na sumisira ng mga pangako.Ang puso ni Jay, na kanina lamang gumaan, ay muling nalunod sa pagdududa. Siya ay nabalisa at nabahala.“Angeline Severe, bakit ka pa bumalik?” Si Jay ay malapit nang mabaliw.Ang babaeng ito ay lumalapit sa kaniya habang nakik
“Akala mo ba pwede ka nang umalis pagkatapos ng ginawa natin?” Umangat ang mga sulok ng mga labi ni Jay noong tumingin siya sa babae na nahihiyang yumuyuko at inaamin ang kaniyang pagkakamali pagkatapos iyon gawin.Inaangat ang kaniyang mga mata, seryosong sinabi ni Angeline, “Hindi ako gano’n. Kung gusto mong maging responsibilidad ko, pwede rin kitang alagaan.”Napatingin si Jay sa gown ni Angeline. “Ginamit mo ang card ko para bayaran ang gown, tama ba?”Agad na namula ang mukha ni Angeline.Mapagbigay niyang sinabi na aalagaan niya si Jay, ngunit binibigyan siya ng malakas na sampal sa mukha ng reyalidad. Sa huli, si Jay ang nag-aalaga sa kaniya.“Linisin mo ang lugar na ‘to,” naiinis na sabi ni Jay noong mapatingin siya sa paligid niya.Desperado na pakiusapan si Jay, tumango si Angeline. “Sige.”Noong natapos siyang maglinis, sinabi ni Jay, “Ibalik mo ako sa kwarto ko. Gusto kong maligo.”Walang ibang magawa si Angeline kung ‘di ang bihisan si Jay, itulak ito pabalik sa kaniyang
Si Robbie ay lubos ding nag-aalala. “Mukha nga. Tingnan mo kung paano siyang nakangisi.”Tumingin nang maigi si Jenson sa kaniyang mommy at napagtanto na mayroong walang iniisip na ekspresyon sa mukha ni Angeline. Ang madalas na klase ng ekspresyon ay wala na sa kaniyang mukha, na nagsanhi sa kaniyang pag-aalala na tumindi.Lumilingon para tumingin kay Jay, naghihinala siyang nagtanong, “Daddy, ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Si Jay ay sanay na sa pangisi-ngisi ni Angeline. Noong sila ay bata pa, ang walang iniisip na ngiti ng pagkakuntento na ito ay lilitaw sa mukha ni Angeline sa tuwing natutupad ang kaniyang mga kahilingan.“‘Wag mo siyang pansinin. Kumain ka,” sabi ni Jay.Si Josephine ay nag-aalala pa rin kay Angeline. “Ate Angeline, gusto mo pa rin bang makipagtanan sa ‘kin?”Umiling si Angeline. “Kay Zayne ka na lang makipagtanan. Natatakot ako na papatayin ako ng kuya mo kapag ginawa ko ‘yon.”Si Josephine ay may napagtanto. “Oh, hindi, mukhang hangal na siya ngayon.”Isa-isang na