“Akala mo ba pwede ka nang umalis pagkatapos ng ginawa natin?” Umangat ang mga sulok ng mga labi ni Jay noong tumingin siya sa babae na nahihiyang yumuyuko at inaamin ang kaniyang pagkakamali pagkatapos iyon gawin.Inaangat ang kaniyang mga mata, seryosong sinabi ni Angeline, “Hindi ako gano’n. Kung gusto mong maging responsibilidad ko, pwede rin kitang alagaan.”Napatingin si Jay sa gown ni Angeline. “Ginamit mo ang card ko para bayaran ang gown, tama ba?”Agad na namula ang mukha ni Angeline.Mapagbigay niyang sinabi na aalagaan niya si Jay, ngunit binibigyan siya ng malakas na sampal sa mukha ng reyalidad. Sa huli, si Jay ang nag-aalaga sa kaniya.“Linisin mo ang lugar na ‘to,” naiinis na sabi ni Jay noong mapatingin siya sa paligid niya.Desperado na pakiusapan si Jay, tumango si Angeline. “Sige.”Noong natapos siyang maglinis, sinabi ni Jay, “Ibalik mo ako sa kwarto ko. Gusto kong maligo.”Walang ibang magawa si Angeline kung ‘di ang bihisan si Jay, itulak ito pabalik sa kaniyang
Si Robbie ay lubos ding nag-aalala. “Mukha nga. Tingnan mo kung paano siyang nakangisi.”Tumingin nang maigi si Jenson sa kaniyang mommy at napagtanto na mayroong walang iniisip na ekspresyon sa mukha ni Angeline. Ang madalas na klase ng ekspresyon ay wala na sa kaniyang mukha, na nagsanhi sa kaniyang pag-aalala na tumindi.Lumilingon para tumingin kay Jay, naghihinala siyang nagtanong, “Daddy, ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Si Jay ay sanay na sa pangisi-ngisi ni Angeline. Noong sila ay bata pa, ang walang iniisip na ngiti ng pagkakuntento na ito ay lilitaw sa mukha ni Angeline sa tuwing natutupad ang kaniyang mga kahilingan.“‘Wag mo siyang pansinin. Kumain ka,” sabi ni Jay.Si Josephine ay nag-aalala pa rin kay Angeline. “Ate Angeline, gusto mo pa rin bang makipagtanan sa ‘kin?”Umiling si Angeline. “Kay Zayne ka na lang makipagtanan. Natatakot ako na papatayin ako ng kuya mo kapag ginawa ko ‘yon.”Si Josephine ay may napagtanto. “Oh, hindi, mukhang hangal na siya ngayon.”Isa-isang na
Bumaba muli si Angeline nang may malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha. Hinahawakan ang braso ni Jay, nagreklamo siya, “Bakit ayaw nila akong pansinin?”“Ayos lang ‘yan, papansinin na lang kita,” sagot ni Jay.Binaon ni Angeline ang kaniyang mukha sa mga tuhod ni Jay at sinabi, “Jaybie, ikaw pa rin ang taong may pinakamagandang trato sa ‘kin.”Hinimas ni Jay ang kaniyang buhok nang mahina. “Ngayon mo lang ‘yan napagtanto?”“Oo.” Nilagay ni Angeline ang kaniyang pisngi sa palad ni Jay.Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata upang tumingin sa pinto ng kwarto ng mga bata na nakasara. Ninas niyang sabihin kay Angeline, ‘Nakalimutan mong sabihin sa kanila na ikaw si Rose Loyle, ang kanilang mommy. Sa tingin ng mga bata ay bago ka nilang mommy. Malamang, hindi ka nila papansinin.’Gayunpaman, noong nakita niya kung gaano katuwa-tuwa ang itsura ni Angeline na nakapatong sa kaniyang palad, pinigilan niya ang kaniyang sarili na sabihin kay Angeline ang katotohanan.“Angeline, maglakad tayo,”
“Jaybie, sandali lang.” Binitawan ni Angeline ang kamay ni Jay at tumalikod upang umalis.BIglang hinawakan ni Jay ang kaniyang kamay. Tumalikod si Angeline at narinig si Jay na magbabala sa isang malamig na boses. “Tatlong pangungusap lang ang pwede mong sabihin sa kaniya. Pagkatapos ay dapat na siyang umalis.”Kumikibot ang mga daliri, isang nangingiwing ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Angeline. “Hindi ba’t… parang masyadong kaunti ang tatlong pangungusap?”Hindi niya maisip kung paano paalisin ang isang tao gamit lamang ang tatlong mga pangungusap. Sapat na ba ‘yon?Malamig na sinabi ni Jay, “Young Master Titus! Pasensya na, akala ko ay ibang tao ka! ‘Wag na tayong magkita ulit!”Natuliro si Angeline. “Oh, gano’n lang? Gagana kaya ‘yon?”Nahihiyang naglakad si Angeline patungo kay Hiroshi Titus.Tumingin si Hiroshi sa papalapit na si Angeline. Ang kaniyang kagandahan at kabigha-bighaning pigura ay mas tumindi sa paglipas ng oras, lubos na pinapatindi rin ang kaniyang karisma. Nar
Nagtanong si Hiroshi sa pagtataka, “Ate, paano mo nalaman na may away sa pagitan nina Jack Ares at Jay Ares?”Misteryosong ngumiti si Yumi. “Wala ka nang pakialam do’n. Ang kailangan mo na lang gawin ay ang magpakahirap na mahulog sa ‘yo si Josephine Ares. Ang ate mong ‘to ay gagantimpalaan ka ng maraming bagay.”Hinimas ni Hiroshi ang kaniyang baba, isang masamang ngiti ang kumakalat sa kaniyang mukha. “Lumandi? D’yan ako magaling.”Pagdating ng gabi, si Josephine ay tumambay sa Flying Moon Cottage.Ang mga katulong ay naghanda ng hapunan para sa kaniya. Ang hapunan sa gabing ito ay bahagyang naiiba mula sa iba, dahil wala itong sabaw. Gayunpaman, mayroon itong kasamang isang bote ng Château Lafite-Rothschild.Kinuha ni Josephine ang bote ng wine at tiningnan ito. Ito ay isang bote ng Château Lafite-Rothschild na ginawa noong 1887. Ngumiti siya at sinabi, “Ang ganito kamahal na bote ng red wine ay dapat ipadala sa Fragrant Vessel Court. Ang pagsasamang muli ni Kuya at ni Ate Angeline
“Dapat lang sa mahal ko ang pinaka-engrandeng kasal. Hindi niya dapat akong pakasalan sa ganoong kaawa-awang paraan,” seryosong sabi ni Jay.Seryosong sumagot si Angeline, “Hindi naman ako naaawa sa sarili ko. Maraming laman na pera ang bank card na binigay mo sa ‘kin. Sa sobrang dami ay hindi ko mauubos ‘yon sa buhay na ‘to.”Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jay noong mabanggit ang pera...“Ano’ng gusto mo?”“Jaybie, ang bank card ay pwede nang regalo mo sa ‘kin sa kasal,” nakangiting sabi ni Angeline.Tumingin sa kaniya nang tahimik si Jay bago hilahin ang kaniyang baba at halikan siya nang mahina sa labi.“Kung gano’n, ano’ng ibibigay mo sa ‘kin?” Nagningning ang mga mata ni Angeline dahil siya ay nananabik sa regalo mula sa kaniyang mahal.“Ako!” Sabi ni Jay habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.Muntik nang mabulunan si Angeline. Umubo siya nang malakas, bumulong siya, “Hindi naman ‘yan kasing ganda ng pera.”Tinulak siya palayo ni Jay at tumingin sa kaniya nang masama. “Ayaw
Si Ginang Zonder, isa sa mga katulong sa Flying Moon Cottage, ay ang nagpadala roon ng wine. Kaya, halata naman na siya ay inutusan ni Josephine na gawin iyon.Si Angeline ay matalino. Alam niyang hindi siya sasaktan ni Josephine, ngunit kung sinuman ang nagbigay kay Josephine ng wine na iyon ay binigay iyon nang may masamang intensyon.Si Angeline ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ni Josephine.Sa Flying Moon Cottage, katatapos lamang ni Josephine na kumain ng hapunan nang maramdaman niya ang buo niyang katawan na umiinit at nawawalan ng lakas.Napaupo lamang si Jospehine sa sofa at sinabi, “P*ta, nalilibugan ako pagkatapos na pagkatapos kong kumain?”Tumunog ang pinto at isang lalaki ang pumasok.Namutla ang mukha ni Josephine noong mapagtanto niya kung sino iyon.“Hiroshi Titus, ano’ng ginagawa mo rito?”Tumayo si Hiroshi sa harap ni Josephine at gumamit ng isang kamay upang iangat nang mahina ang baba ni Josephine at sinabi nang may masamang ngiti sa kaniyang mukha. “Second Lady,
Walang masabi, sumagot nang mahina si Josephine, “Mas malibog ka pa sa mga g*go na ‘yon.”“Sa sobrang laki ng mga ‘yan, kahit ako ay naiinggit.” Pang-aasar ni Angeline habang tinutulungan niyang magbihis si Josephine.“Pwede mo ba pakita sa ‘kin ‘yang iyo?” Tanong ni Josephine.Tumawa si Angeline at sinabi, “Ang mga ‘to ay hindi kasing laki ng iyo.”“Kung gano’n ay kailangan pang galingan ng kuya ko.” Sabi ni Josephine.Sinabi ni Angeline, “Naku, napaka-galing na kaya niya.”Ngumuso si Josephine, “Aba, ngayon lang kayo ulit nagsama ng kuya ko at binigay mo na agad ang sarili mo sa kaniya?”Naiinis na sabi ni Angeline, “Ang kapal ng mukha mo! Kung ‘di dahil sa wine na pinadala mo, hindi ako magiging kahiya-hiya kanina. Nasobrahan ako ng pangangawawa sa kuya mo kanina. Hindi ko alam kung paano ko siya babawian bukas.”Nagtanong si Josephine, “Bakit kailangan mo pang bumawi? Umaarte ba siyang kaawa-awa kahit na siya pa ang lamang?”Tinulungan ni Angeline si Josephine na tumayo. Pagkatapos
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto