“Dapat lang sa mahal ko ang pinaka-engrandeng kasal. Hindi niya dapat akong pakasalan sa ganoong kaawa-awang paraan,” seryosong sabi ni Jay.Seryosong sumagot si Angeline, “Hindi naman ako naaawa sa sarili ko. Maraming laman na pera ang bank card na binigay mo sa ‘kin. Sa sobrang dami ay hindi ko mauubos ‘yon sa buhay na ‘to.”Nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jay noong mabanggit ang pera...“Ano’ng gusto mo?”“Jaybie, ang bank card ay pwede nang regalo mo sa ‘kin sa kasal,” nakangiting sabi ni Angeline.Tumingin sa kaniya nang tahimik si Jay bago hilahin ang kaniyang baba at halikan siya nang mahina sa labi.“Kung gano’n, ano’ng ibibigay mo sa ‘kin?” Nagningning ang mga mata ni Angeline dahil siya ay nananabik sa regalo mula sa kaniyang mahal.“Ako!” Sabi ni Jay habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.Muntik nang mabulunan si Angeline. Umubo siya nang malakas, bumulong siya, “Hindi naman ‘yan kasing ganda ng pera.”Tinulak siya palayo ni Jay at tumingin sa kaniya nang masama. “Ayaw
Si Ginang Zonder, isa sa mga katulong sa Flying Moon Cottage, ay ang nagpadala roon ng wine. Kaya, halata naman na siya ay inutusan ni Josephine na gawin iyon.Si Angeline ay matalino. Alam niyang hindi siya sasaktan ni Josephine, ngunit kung sinuman ang nagbigay kay Josephine ng wine na iyon ay binigay iyon nang may masamang intensyon.Si Angeline ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ni Josephine.Sa Flying Moon Cottage, katatapos lamang ni Josephine na kumain ng hapunan nang maramdaman niya ang buo niyang katawan na umiinit at nawawalan ng lakas.Napaupo lamang si Jospehine sa sofa at sinabi, “P*ta, nalilibugan ako pagkatapos na pagkatapos kong kumain?”Tumunog ang pinto at isang lalaki ang pumasok.Namutla ang mukha ni Josephine noong mapagtanto niya kung sino iyon.“Hiroshi Titus, ano’ng ginagawa mo rito?”Tumayo si Hiroshi sa harap ni Josephine at gumamit ng isang kamay upang iangat nang mahina ang baba ni Josephine at sinabi nang may masamang ngiti sa kaniyang mukha. “Second Lady,
Walang masabi, sumagot nang mahina si Josephine, “Mas malibog ka pa sa mga g*go na ‘yon.”“Sa sobrang laki ng mga ‘yan, kahit ako ay naiinggit.” Pang-aasar ni Angeline habang tinutulungan niyang magbihis si Josephine.“Pwede mo ba pakita sa ‘kin ‘yang iyo?” Tanong ni Josephine.Tumawa si Angeline at sinabi, “Ang mga ‘to ay hindi kasing laki ng iyo.”“Kung gano’n ay kailangan pang galingan ng kuya ko.” Sabi ni Josephine.Sinabi ni Angeline, “Naku, napaka-galing na kaya niya.”Ngumuso si Josephine, “Aba, ngayon lang kayo ulit nagsama ng kuya ko at binigay mo na agad ang sarili mo sa kaniya?”Naiinis na sabi ni Angeline, “Ang kapal ng mukha mo! Kung ‘di dahil sa wine na pinadala mo, hindi ako magiging kahiya-hiya kanina. Nasobrahan ako ng pangangawawa sa kuya mo kanina. Hindi ko alam kung paano ko siya babawian bukas.”Nagtanong si Josephine, “Bakit kailangan mo pang bumawi? Umaarte ba siyang kaawa-awa kahit na siya pa ang lamang?”Tinulungan ni Angeline si Josephine na tumayo. Pagkatapos
“Ang kuya mo… ay hindi ang tunay na anak ng ama mo. Natural lang na ayaw nitong ibigay sa kaniya ang pangangasiwa ng Ares Enterprise.” Ayaw magsinungaling ni Angeline kay Josephine.Si Josephine ay lubos na nagulat.May paniniwalang sinabi ni Angeline, “Naghihinala rin ako na hindi ka rin tunay na anak ng ama mo.”Ang kaniyang mga salita ay sinaktan si Josephine.“Kung gano’n, sino ang ama ng kuya ko?” Tanong ni Josephine.“Hindi ko alam.”Nang bigla, ang imahe ng lalaking kamukhang-kamukha ni Jaybie ay pumasok sa kaniyang isipan.Nagkatinginan sina Josephine at Angeline. Nang biglaan, pakiramdam nilang dalawa ay may tinatagong sikreto ang Pamilya Ares sa kanila.Sa sumunod na araw.Ang liwanag ng umaga ay niliwanagan ang Fragrant Vessel Court, pinapaalis ang hamog. Kahit sa pasilyo, na syang madalas ay madilim at mapanglaw, ay naging maliwanag at maganda.Hinahawakan ang kaniyang palda, tahimik na naglakad si Angeline patungo sa kwarto ni Jay.Sana, ang kaniyang mahal ay tulog pa rin.
Nagsalita nang kalmado si Jay, “May araw ba na hindi kakaiba ang kinikilos mo?”Pinagpawisan si Angeline.Totoo nga na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging mabangis siya kay Jay, ngunit hindi naman ito isang madalas na pangyayari.“Mahal, pag-isipan mo pa nang maigi…” Naglalambing na reklamo ni Angeline.Nag-init ang puso ni Jay sa sandaling magsimula si Angeline na kumilos nang katuwa-tuwa. Hinila niya ito at naglalambing na ginulo ang kaniyang buhok. Sa wakas ay nagsimula na siyang mag-isip nang maigi.Nang may pumasok sa kaniyang isipan, ang ekspresyon sa mukha ni Jay ay biglaang nagdilim. “May mali sa wine na ininom mo kahapon?”Ngumiti si Angeline at tumango. “Nahulaan mo.”“Bale nagtungo ka sa Flying Moon Cottage para maging isang bayani?”Hindi narinig ni Angeline ang ‘di pagkatuwa at sarkastikong tono ng kaniyang mga salita. Tumatango, nagmamalaking sinabi ni Angeline, “Buti na lang, sakto ang pagdating ko. Kung ‘di, ang mala-anghel mong kapatid ay winasak na ni Hi
Ang masarap na almusal ay biglang nawalan ng lasa para kay Jay. Dinudura ang kaniyang pagkain sa malapit na basurahan, umupo siya nang may pangit na ekspresyon sa kaniyang mukha.Sinusubukan ba ng mga bata na harangan ang kaniyang daan patungo sa kasiyahan?Ang tatlong mga bata ay tumingin sa kanilang daddy...Nagpanggap si Robbie na bumuntong-hininga na parang isang matanda. “Ah, kahit ang mga bayani ay may kahinaan sa alindog ng isang magandang babae.”Sumagot si Jay, “Ang pinaka magandang kagandahan ay hindi nahahanap, ngunit dinadala ng tadhana sa ‘tin. Kung nakita mo na ang iyo, sabihin mo kay Daddy. Pwede kitang tulungan na makuha ang asawa mo para sa ‘yo.”Inasar ni Jenson ang kaniyang daddy nang hindi nag-aalinlangan, sinasabi, “Hindi lahat ay isang animal sa kagandahan tulad mo. At saka, hindi lahat ay isang pedophile na tulad mo.”Walang masabi si Jay.“Sino’ng nagturo sa ‘yo na magsalita nang ganito?” Pagalit na sigaw ni Jay.Tinago ni Angeline ang kaniyang mukha sa kaniyang
Tumingin nang masama si Jack kay Josephine. “Josie, ano’ng nangyayari?”Nababaliw na humiyaw si Josephine, “Paano ko malalaman? Ang aksidente na ‘to ay nagkataong nangyari habang nasa bahay ako, pero wala akong kinalaman d’yan.”Noong dumating sina Jay at Angeline sa Flying Moon Cottage, niyakap ni Josephine si Angeline.“Ate Angeline, sa tingin nila ay ako ang sumubok na patayin si Hiroshi Titus.”Seryosong sinabi ni Angeline, “Ayos lang ang kumain nang parang isang baboy, pero ‘wag kang magsalita na parang baboy. Responsable ka sa mga salitang binibigkas mo.”Matigas ang mga mata ni Jay. “May ebidensya ba?”Sinabi ni Yumi, “Pinapakita ng surveillance footage na ang kapatid ko ay pumasok sa Flying Moon Cottage, mga 6:50 pm kagabi. Maya-maya ay dumating naman si Binibining Severe. Nitong umaga lang, nakita namin ang sugatan kong kapatid sa Flying Moon Cottage pagkatapos umalis ni Binibining Severe. Tanging si Binibining Angeline at Binibining Josephine lang ang narito kagabi. Kung hind
Nilagay ni Angeline ang kaniyang mga labi sa gilid ng tainga ni Jay at binulong, “Mahal ko, tutulungan kitang protektahan ang mga taong gusto mong protektahan. Isipin mo na lang na minamahal ko ang mga taong konektado sa ‘yo.”Walang masabi si Jay.Ang mga salita ni Angeline ay pinakita ang walang hanggan nitong pagmamahal kay Jay.Gayunpaman, hindi alam ni Angeline na siya ang pinagmumulan ng sigla at saya ni Jay.Hinawakan ni Jay nang mahigpit ang mga kamay ni Angeline at pilit na sinabi, “‘Wag mo hayaan ang sarili mong makawawa pagdating mo roon. Kahit na punitin mo ang langit, tatahiin ko itong muli para sa ‘yo.”Ngumiti nang matamis si Angeline. “Sige.”Nag-aalala na baka mabagot at malumbay si Angeline, binigyan siya ng gawain ni Jay. “Gamitin mo ang matalino mong isip para pag-isipan ‘to kapag wala kang ginagawa. May ginalit ka bang tao? Halata naman na ang taong nasa likod nito ay gusto kang pagbalakan.”Mayabang na sinabi ni Angeline, “Maganda ako at minamahal mo. Maraming tao
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto