Nagsalita nang nag-aalinlangan si Grayson, “Si Jack ay nakikipag tulungan na sa Bell Enterprise at Titus Enterprise para patumbahin ang Grand Asia. Mukhang nanganganib tayo ngayon, Ginoong Ares.”Pinaalalahanan siya ni Jay, “May tao na pwede nating makausap sa Bell Enterprise.”Biglang may naalala si Grayson. “Si Sean Bell.”Simula noong tulungan ni Jay si Sean na pahirapan si Stanley Bell, ang performance ng Bell Enterprises ay unti-unti nang bumabagsak. Habang ang posisyon ni Stanley sa Bell Enterprises ay pababa nang pababa, si Sean ang nagiging bagong mukha ng Bell Enterprises.Tahimik na sinabi ni Jay, “Sa huli, ang Bell Enterprises ay nabibilang pa rin sa ibang tao.”Sinabi ni Grayson, “Ang dahilan kung bakit ginawa ng Ares Enterprises ang mahahalagang bahagi na ‘yon dati ay dahil inakala ni Ginoong Ares na ang Ares Enterprises at ang Grand Asia ay mag-kapamilya. Gayunpaman, ang Ares Enterprises ay gusto talagang maghiganti sa Grand Asia. Nakakakilabot talaga. Mukhang ang Grand A
Si Stanley Bell ay pinigilan ni Jack sa sandaling dumating siya sa pintuan.“Stanley.”Ngumiti si Stanley. “Ah, ikaw pala ‘yan, Jack. Narinig ko na ang dangal mo ay hindi matalo-talo nitong mga nakaraan.”Ngumiti si Jack at sinabi, “At narinig ko na ang posisyon mo sa Bell Enterprises ay nanganganib.”Napakunot ang mga kilay ni Stanley. “Hmmp, ang lahat ng ‘yon ay dahil sa anak mo. Ang titulo ko bilang chairman ay wala nang kwenta.”Lumapit si Jack kay Stanley, isang masamang ngiti ang makikita sa kaniyang mukha. “Stanley, gusto mo bang maghiganti?”Narinig ni Stanley ang mga haka-haka na naghiwalay na sina Jack at Jay bilang mag-ama. Ngayon, nahulaan niyang totoo ito.“Jack, narito ka ba para tulungan ako?”Sumagot si Jack, “Bakit hindi tayo mag-usap sa ibang lugar?”Ang dalawang lalaki ay dumating sa opisina ni Stanley. Sinabi ni Jack, “Stanley, basta’t handa kang suportahan ako sa isang bagay, nangangako ako na tutulungan kitang makuha ang kontrol ng buong Bell Enterprise.”“Ano’ng
Ngayon naman, napilitan si Jack na aminin ang pagkatalo.Hindi niya mapigilang hangaan ang pagiging matalino at maingat ni Jay kapag pinangangalagaan ang isang problema.Ngumiti si Grayson at umalis.Habang pinapanood niya si Grayson na umalis, si Jack ay biglang nagising at hinabol siya. Si Grayson ay kapapasok lamang sa elevator nang bigla ring pumasok roon si Jack.“Mayroon bang gustong sabihin sa ‘kin ang old master?”Nag-alinlangan si Jack bago sabihing, “Grayson, alam ko ang mga kakayahan mo. Alam mo naman siguro na dapat tayong sumasabay sa daloy palagi. Ang Grand Asia ay hindi na kasing laki ng dati. Ngayong paralisado na si Jay sa dalawang binti at wala na sa inyo ang suporta ng Ares Enterprises, hindi na magagawa pang magtagal ng Grand Asia. Gayunpaman, kung handa mo kaming salihan sa Ares Enterprises, nangangako ako na itatrato kita nang maayos.”Nahihiyang ngumiti si Grayson. “Old Master, dahil nakikita ko naman kung gaano kabait ang turing mo sa ‘kin, isipin mo na lang na
Marahan na binuksan ni Jack ang kaniyang mga mata at siya ay napatingin sa batang mukha ni Sera.Kahit na ang itsura ni Sera ay hindi kasing ganda ng kay Angeline, siya ay maganda sa isang makahiyang paraan. Mapagkumbaba simula noong siya ay ipinanganak, siya ay magaling sa pagbabasa ng sitwasyon at paggawa ng paraan para kumapit sa mga makapangyarihan.Noong nakita niya na binabalak ni Jack na pigilan ang pwersa ni Jay, inisip ni Sera kung ano ang pinakamaganda niyang dapat gawin para makakuha ng maraming benepisyo.Pinapakain kay Jack ang mga orange na binalatan niya, ngumiti siya nang matamis. “Old Master Jack, matamis ba?” Nagningning ang kaniyang mga mata.Naramdaman ni Jack ang pagkatuwa niya dahil sa ngiti ni Sera. Nang hindi nagdadalawang isip, niyakap niya si Sera at yumuko upang halikan ito.Ang balak ni Sera ay ang kumapit sa kapangyarihan ni Jack, ngunit ayaw niyang makasama ang matanda bilang isang kasintahan. Sa isang iglap, tinakpan niya ang bibig nito gamit ang isang ka
“Ano’ng gagawin mo?”Lumuhod si Sera sa harap ng Madam at nagmakaawa, “Madam, alam kong mabuti ka talaga sa ‘kin. Wala akong ambisyon sa buhay ngunit mayroon akong isang kahilingan, ang mapakasalan si Master Ares. Madam, pakiusap, tulungan mo akong makamit ito.”“Paano naman kita matutulungan?” Ang madam ay nagulat.“Madam, hikayatin mo ang second lady na tumestigo laban kay Angeline at akusahan siya ng pagpatay. Hindi ako naniniwala na hindi ko makukuha ang pag-ibig ni Jay mula sa isang mamamatay-tao,” may kumpiyansang sinabi ni Sera.“Tutulungan kitang… mag-isip ng paraan,” pilit na sinabi ng Madam.Ang masamang ekspresyon sa mukha ni Sera ay nawala. “Salamat, Madam.” Bigla siyang lumuhod sa sahig at hinalikan ang paa ng Madam bilang paraan ng pagpapakita ng kaniyang pasasalamat.Bumuntong-hininga nang malakas ang Madam bago siya umalis ng silid nang marahan at may madilim na ekspresyon sa kaniyang mukha.Nang panoorin ni Sera ang paglaho ng pigura ng Madam sa pintuan, ang kaniyang e
Isang marahas na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Josephine. “Ang lahat ng ‘to ay kasalanan ni Ama. Kung hindi niya itinuturing ang kanyang sarili na taga-hanap ko ng kasintahan, paano makakapasok ang isang g*gong tulad ni Hiroshi Titus sa Tourmaline Estate?”Noong maalala niya noong muntik na siyang magahasa ni Hiroshi, sa sobrang galit ni Josephine ay hindi siya makapagsalita. “Ang mabuting asawa na pinili ni Ama para sa ‘kin ay malinaw na isang walang hiyang lalaki.”Pagkatapos niyang magsalita, bumagsak ang kanyang mga luha. “Kuya, bakit ‘to ginagawa sa ‘kin ni Ama?”Nanatiling tahimik nang matagal si Jay bago siya magsalita nang seryoso, “Malamang ay dahil tayong dalawa ay hindi niya tunay na mga anak.”Tumigil siya nang sandali bago sabihin, “Si Ina ay baog.”Si Josephine ay natuliro.“Sinasabi ko sa ‘yo ‘to dahil ayaw kong masyado kang umasa sa relasyon na ito ng pamilya. Kung ‘di, ang kalupitan ng tunay na mundo ay wawasakin ka...”Ang pagkabigo ay halata sa mukha ni Josephin
Tumingin lamang sa kaniya si Josie na parang isang manika.“Ina, mukhang maganda ang mood mo, ah,” sabi ni Josie.Ngumiti ang Madam at sinabi, “Narinig ko na maayos ka na. Bakit hindi ako masisiyahan?”Nagpeke ng tawa si Josie.Siya ay sinubukang gahasain ni Hiroshi at sinalo naman ni Angeline ang kasalanan para sa kaniya. Ang lahat ay nagtumpok-tumpok at ang lahat na nangyari ay hindi dapat ikatuwa.Gayunpaman, hindi maitago ng kaniyang ina ang mga nararamdaman nito.Umupo ang kaniyang ina sa kama, kinuha ang kamay ni Josephine, at sinimulan ang proseso ng pag-brainwash sa kaniya nang maingat at hindi halata.“Josie, makinig ka sa ‘kin. Parehong iniisip ng kuya at ama mo na ang nangyari sa inyo ni Hiroshi ay magiging isang iskandalo. Kaya, mas magandang kalimutan mo na ito sa lalong madaling panahon. Sinusubukan nilang dalawa ang kanilang makakaya na pilitin ang pulis. Sa sandaling maayos na ang mga bagay-bagay sa pulisya, makikinig tayo sa kaso sa korte sa susunod na araw.”Nainis si
Si Josie ay matapat kay Jay tungkol sa kung ano ang plano ng kaniyang ina.Pagkatapos makita ni Jay ang mensahe sa kaniyang phone, siya ay natuliro sa loob ng matagal na oras.Ang kaniyang mahinhin at mahabaging ina ay walang pakialam sa pagpatay kay Angeline? Iyon ba ay dahil mahal nito si Josephine o dahil mayroon itong tinatagong motibo?Pakiramdam niya ay mayroong pares ng ‘di makitang mga kamay sa likod niya, minamanipula ang lahat gamit ang huling layunin na dalhin si Angeline sa impyerno.Ang court trial ay malapit nang mangyari.Si Jay ay lubos na kinakabahan.Sangkot dito si Angeline, kaya hindi niya pwedeng hayaan ang kaniyang sarili na gumawa ng mga pagkakamali.Lubos siyang nag-ingat sa pag-iisip ng diskarte.Sa huli, napagpasyahan ni Jay na gumamit ng isang trump card.Tinawagan ni Jay si Grayson. Tinanong niya, “Sino ang makapangyarihan na abogado ni Hiroshi?”Sinabi ni Grayson, “Ang Pamilya Titus ay gumagastos ng maraming pera para kay Conan Waters, isang nangungunang ab
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto