Share

CHAPTER 2: Word

After their steamy morning sex, Veronica and Sin had their late breakfast in the kitchen. Hindi na rin muna pumasok si Veronica dahil medyo tanghali na rin naman at pakiramdam niya sumakit ang katawan niya dahil sa pinag-gagawa nila kanina.

Inirapan niya ang lalaking kasalukuyan ngayong humihigop ng kape habang ngiting-ngiti na nakatingin sa kanya. Ang isang round lang sana ay nasundan pa nang ilang beses, hindi naman niya matanggihan dahil hindi niya ma-i-tatanggi na gustong gusto niya ang pakiramdam na nasa loob ang pagkalalaki nito.

Binalik na lang niya ang kanyang tingin sa kinakain at hindi na lang pinansin ang lalaking patuloy pa rin sa paninitig sa kanya.

Sa gitna ng katahimikan sa pagitan ng dalawa ay bigla silang nakarinig ng tunog ng sasakyan na dumating, at maya-maya pa nga ay pumasok ang isang babaeng nakabusangot. Hindi sila napansin nito dahil tuloy-tuloy na itong umakyat sa itaas, kasunod namang pumasok sa pintuan ay ang kanyang asawa na tila problemado. Napatingin ito bigla sa kanilang direksiyon, kaya nagtungo ito sa kanilang pwesto.

Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi. Gusto sana niyang matuwa dahil matagal na noong huling humalik ito sa kanya, ngunit alam niyang ginagawa lang nito ang bagay na yun dahil kaharap nito ang pinsan. Kitang kita naman niya ang saglit na pandidilim ng mukha ni Sin, dahil kaharap lang niya ito.

"Hey! Wife," ani nito sa kanya. "Cous! Kamusta naman?," baling nito sa lalaking katapat niya ngayon na parang pinaglihi sa sama nang loob kasi ang mukha nito ay tila hindi maipinta.

Pabago-bago talaga itong lalaking ito. Saad na lang ni Veronica sa kanyang sarili.

"Fine," maikling tugon ni Sin sa kanyang pinsan, tsaka humigop sa hawak na kape.

"That's great! I'm glad na nagustuhan mo rito. Just ask my wife if you need anything," nakangiti pa nitong saad sa kanya.

"Gustong-gusto," Ani ni Sin sa mahinang boses, at tsaka tumingin sa babaeng nakaupo sa katapat niya. "Hindi mo ba susundan ang babae mo?" walang prenong saad ni Sin pag lipas ng ilang minuto.

Gusto sanang sawayin ni Veronica ang lalaki ngunit ng tumingin siya dito ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya, kaya agad din lumipat ang kanyang tingin sa lalaking nasa katabi.

"No need, nitotopak lang yun ngayon then maya-maya ay okay na," balewala lang nitong saad at nagkibit-balikat. Sinasabi niya yun na parang wala lang at walang pakialam kung sino 'man ang makakatinig.

"Kala ko ba papunta kayong beach?" ani pa nito. "Bakit ang bilis lang ninyo bumalik ah,"puna nkya dahil wala pa yatang 3 oras na nakakaalis ito, at ngayon ay nakabalik na.

"Yeah, nagpunta na kami kaso nitopak bigla at nag-aya agad umuwi,"saad nito kay Sin na ang nitutuloy ay ai Stacey, ang kanyang kabit. "Sila mama at papa ay naandun pa at gusto pa raw mag stay, at para na rin makapag relax sila, dagdag pa nito.

"Bakit hindi mo sinama itong asawa mo?" tanong ng binata at tumingin sa kanya na agad rin binalik sa kanyang asawa na katabi pa rin niya hanggang ngayon.

Para naman si Veronica matutunaw sa klase nang tingin na binibigay ni Sin. Tuwing magkakatitigan sila ay tila nawawala siya sa wisyo at nahihipnotismo dahil sa mata ng lalaki na kay sarap pagmasdan kahit magdamagan.

Gustong-gusto ni Veronica na sabihing 'hindi' ngunit nanahimik na lamang ulit siya.

"Hindi naman yan mahilig sa mga ganun, right wife," tila siguradong ani nito tsaka tumingin pa sa kanya.

Nakatingin pa rin sa kanya si Sin na tila inoobserbahan ang kanyang magiging reaksiyon.

"Ah. Oo, " Napipilitan na lang na ani ni Veronica at napayukong na lang.

"Una na muna ako Cousin, enjoy your breakfast, bye wife," humalik muna ito sa kanyang pisngi at nagpaalam na aakyat na.

Tinanaw nila ang palayong lalaki bago nagsalita si Sin.

"Your husband is a jerk. Such a bastard," madilim pa din ang mukha nito. "Wipe your cheek," mariing utos nito sa kanya.

Naguguluhan 'man ay sinunod na lang niya ang utos nito at pinagpatuloy ang pagkain kahit tila wala na siyang gana. Hanggang sa matapos na silang kumain ay wala na sa kanila ang may lakas loob na bumasag sa katahimikan.

Pagkatapos kumain ay napagpasyahan na lang ni Veronica na umakyat sa Guest room na kasalukuyan niyang nitutulugan. Ang kwarto kasi nilang mag asawa ay niuukupa na ngayon nang kabit nitong si Stacey, na daig pa ang asawa kung makaasta. Magkasama sa iisang kwarto ang kanyang asawa at ang kabit nito, na tila siya pa tuloy ang lumalabas na sampid sa pamilya, imbes na si Stacey.

Mapaklang napatawa si Veronica tuwing maiisip niya na may ibang kasamang babae ang kanyang asawa, na nasa kabilang kwarto lang at iniisip pa lang niya na masaya ang mga ito ay sumisikip na ang dibdib niya. Dumako ang paningin ni Veronica sa wedding ring na nasa kanyang daliri at tila nanumbalik ang panahong masaya pa sila ni Lucas. Mariin na lang siyang napabuntong hininga dahil sa mga alaalang mananatili na lang na ala-ala.

Pagkalipas ng ilang saglit ay umupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang bag tsaka kinuha ang isang invitation. Invitation ito mula sa isang bagong bukas na resort.

Lost Paradise.

Siguro ito ang tanging paraan upang makatakas muna saglit sa mga problema niya sa ngayon. At least, kahit sa sandaling panahon lang ay makapagpahinga siya at may lakas na nang loob harapin ito pagkabalik niya. Kailangan lang niya ng kauting panahon upang magpahinga mula sa mga bagay-bagay sa loob ng tahanan na dati'y masaya ang nadarama niya, ngayon ay puro lungkot at pangungulila.

Sin groaned in annoyance because of the sound of his phone repeatedly ringing. Kasalukuyan siyang nasa kwartong kanyang inuukuha sa bahay ng mga magulang ng kanyang pinsan na si Lucas. Kinuha at sinagot na niya agad kung sino ang tumatawag ng hindi nititingnan ang caller name.

"Who's this?" tanong niya sa nasa kabilang linya.

"Hindi ba uso sayo na tingan muna kung sino ang tumatawag. This is Simon," mababakas mo sa boses ng nasa kabilang linya na nakangisi ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Nang tingnan ni Sin ang pangalan ng tumatawag para makasigurado ay napabuntong-hininga na lang siya.

Simon Mendez, his friend would never call him just for nothing.

"Anong kailangan mo?" ani niya tsaka siya bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. "It's to early, and yet you're pestering me?."

Simon just laughed at his complaints. "Easy my friend, I just call, cause i want to invite you here at my newly opened resort," ani nito sa kanya. "And besides kailangan mo rin mag chill pa minsan-minsan, puro ka na lang trabaho."

Natigilan naman saglit si Sin at nag isip saglit dahil sa pahayag ni Simon.

"When?" ani niya pagkaraan ng ilang minuto.

"Tomorrow, tsaka isend ko na lang yung invitation. But anyway, nasaan ka ba ngayon?" tanong pa nito.

"I'm here at my cousin house," tila ayaw pang sabihin kung nasaan siya.

"Oh! Kanda Lucas?" nagtatakang ani nang kausap sa kabilang linya.

"Yeah."

"Nagpadala rin ako nang invitations for them, but they called me and said na busy sila," ani pa nito. "But yung asawa ni Lucas na si Veronica ay personally ko nabigyan dahil nakasalubong ko siya sa parking lot ng Mall. And she said na pag iisipan niya pa," mahabang ani nito sa kanya.

"Sige, pupunta ako," saad niya sa kausap sa kabilang linya. "May tatapusin lang ako right now, see you."

"Yeah, gotta go too."

Pagkatapos ng tawag nahiga muli si Sin sa kama at napatitig sa kisame. Iniisip niya pa lang na kung sakaling pupumunta ang babae sa resort ay masosolo na niya ito at walang magiging hadlang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status