Share

CHAPTER 6

Nang nakabalik na si Veronica sa kanyang Cabin ay napagpasyahan niyang maligo sa banyo dahil nanglalagkit na siya. Balak sana niyang maligo sa falls ngunit ipagpapabukas na lamang niya ito, dahil hapon na rin at malapit ng gumabi. Masarap maligo sa falls sa umaga na napakalamig ng tubig.

Habang si Sin at Simon naman ay napagpasyahang maupo saglit sa mga bato dahil sa pagod sa paglalangoy. Hindi na nila namalayan ang oras kasi nawili sila nang sobra.

Napagpasyahan na rin nilang umahon upang bumalik na sa Cabin at makapagpalit ng mga damit.

"Dito na ako, bro," ani ni Sin kay Simon ng makarating sila sa tapat ng Cabin na nitutuluyan ni Sin.

"Yeah, tomorrow ulit," ani ni Simon at nitapik pa ang balikat ni Sin bilang paalam.

Pumasok na rin si Sin sa loob ng matanaw niyang pumasok na si Simon sa isang Cabin na medyo may kalakihan na sa wari niya ay ang nitutuluyan nito habang naandito sa resort.

Nagbanlaw lang siya ng katawan saglit bago nagbihis at nahiga sa kama. Habang nakatingin sa kisame ay iniisip niya kung ano ba ang ginagawa ng babae ngayon na nasa kabilang Cabin lamang.

Habang si Veronica naman ay nakatulog na lamang sa paghihintay kung tatawag ba ulit sa kanya ang asawa, ngunit nabigo siya.

Sa kalagitnaan ng paninitig ni Sin sa kisame ay tumunog ang kaniyang cellphone na senyales na may tumatawag.

Pangalan agad ng kanyang pinsan ang bumungad sa kanya. Wala siyang ibang alam na rason kung bakit ito tatawag, gayon na hindi naman sila close. Wala na sana siyang balak sagutin ito ngunit baka importante.

"Yes," ani niya pagkasagot ng tawag.

"Yes, Lucassss...... faster" hindi iyon boses ng kanyang pinsan kundi ungol ng babae.

"The fuck."

Ang mga halinghing na naririnig niya sa kabilang linya ay mas lumalakas pa.

"Ang sarap mo talaga Stacey....uhmm," ungol ng kanyang pinsan.

"Of course, your wife is nothing compare to me, uggghhh," ani nito na tila nang-iinsulto sa tono ng pananalita.

"Faster, love!"dagdag pa ng babaeng katalik ng kanyang pinsan sa oras na ito.

"My pleasure," at mas lalong naging malakas ang mga ungol na tila sarap na sarap.

"Bastard! magpakasasa ka sa babae mo," padabog niyang ni baba ang kanyang cellphone ng patayin ang tawag.

Hindi niya hahayaang insultuhin lang ng mga ito ang babaeng gusto niya. Oo, hindi niya itatanggi na nagugustuhan na niya ang babae kahit maiksing panahon pa lang silang nagkakasama. Kaya't gagawin niya ang lahat mapasakanya lamang ang babae, kahit ang pinsan pa niya ang karibal.

Hindi agad nakatulog si Sin kahit anong pilit niya, gusto niyang puntahan ang babae na nasa kabilang Cabin, ngunkt pinipigilan lang niya ang kanyang sarili. Mali ang magkagusto sa taong pagmamay-ari na ng iba, ngunit handa niyang hamakin ang lahat maangkin lang ang babae.

"Pahiram ng asawa mo Lucas," ani niya na tila kaharap lang ang kanyang pinsan. "Oh, hindi lang pala hiram, kundi akin na," dagdag pa niya.

At sisiguraduhin niyang magiging kanya ito. Walang makakapigil sa kanya, dahil sa oras na lumapat ang paningin niya sa babae ay itimakda na niya itong sa kanya.

Napagpasyahan na niyang matulog ng maramdaman niyang tila bumibigat na ang talukap ng kanyang mata, kaya hinayaan na lang niyang tangayin siya nito.

Nagising si Veronica dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nang tingnan niya kung anong oras na ay alas onse na pala at hindi niya namalayan na nakatulog siya dahil sa paghihintay sa tawag ng kanyang asawa.

"Wala na talaga siyang pakialam sakin," ani niya sa sarili bago tumungo sa maliit na sala ng Cabin.

Nakita niya ang mga bottles of water sa ibabaw ng lamesa kaya kumuha siya ng isa para uminom, bago bumalik ulit sa kama at bumalik sa pagkakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status