Share

CHAPTER 5

Pagkadating ni Veronica sa resort ay agad siyang namangha dahil sa angking kagandahan nito.

"This places is the answer of my player," ani niya habang pinagmamasdan ang paligid.

Pagkapasok niya ay agad naman niyang nakita si Simon, ang nag imbita sa kanya dito. May kausap ito sa kanyang cellphone kaya hindi siya napansin nitong lumapit.

"Hi," ani niya nang makarating siya sa pwesto nito.

Nakita naman niyang nilayo nito sandali ang kanyang Cellphone upang makipag-usap sa kanya.

"Hi, I thought you can't come, cause your husband told me na busy sa business," ani nito sa kanya. "Buti nakarating ka, thanks for accepting my invitation," dagdag pa nito.

Yeah, busy sa babae niya. Mahinang ani niya na sapat lang upang siya lang ang makarinig.

"Anong sabi mo?" tanong sa kanya ng binata na nasa kanyang harapan.

"Nothing, Saan nga pala ako pwede mag stay while I'm here?" tanong niya dito at sinimulang ilibot ang kanyang paningin sa naturang lugar. May nakita siyang isang Cabin na nakapukaw ng kanyang atensyon kaya agad niya itong nituro sa binata. "Available pa ba yung cabin banda doon?" ani niya at nituro ang pwesto kung nasaan ang cabin na gusto niyang ukupahin habang naandito siya sa resort.

Nang tingnan naman ng binata ang Cabin na nitutukoy niya ay agad itong sumagot.

"That cabin is still empty," Napangiti na lamang siya dahil sa narinig.

"So, can i use that?" paniniguradong tanong pa niya rito. "Thank you in advance if ever," natatawa pa niyang ani sa binata.

"Yes, Of course, you can use that cabin over there, you're welcome and enjoy," nakangiting ani sa kanya nito.

Nagpaalam na rin siya sa binata pagkatapos nilang mag-usap at narinig pa niyang humingi ito ng pasensiya sa kausap dahil na putol ang pakikipag-usap nito ng kausapin niya ang binata. Tumuloy lang siya patungo sa Cabin na kanyang napili, medyo malayo sa ibang mga cabin ngunit gusto niya ang vibes dito. May isa pang cabin itong katabi kaya napagpasyahan niyang ukupahin na lang ang cabin na nasa bandang kaliwa dahil may mga bulaklak na nakatanim banda rito.

Nakita niya ang susi sa kanang bahagi ng pintuan kaya agad na niya itong kinuha at binuksan na ang pinto upang makapag ayos na rin siya ng gamit. Malayo-layo rin ang lugar kaya nangalay ang kanyang braso sa pagmamaneho. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang simple kwarto ngunit maganda ito. Binaba muna niya ang kanyang dalang bag sa sofa na nakita niya sa may gilid bago nitungo ang kama, may kalakihan ito at tansiya niya ay pwede sa mag-asawa kung uukupahin ito. Pagkalipas ng ilang saglit at kinuha na niya ang kanyang gamit upang ayusin at ilagay sa nakita niyang closet. Balak lang niyang mag stay ng tatlong araw dito kaya konting damit lang ang kanyang dala, sapat na siguro ito para makapag isip-isip siya.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga ito ay napagpasyahan niyang buksan ang bintana na nasa kabilang dako ng kwarto, unang bumungad pagkabukas niya nito ay ang napakagandang falls. Mula sa kanyang pwwsto ay kitang-kita niya ang mga taong nagtatampisaw at lumalangoy sa ibaba ng falls.

"Ang ganda," namamanghang ani niya habang pinagmamasdan ito.

Hinayaan lang niyang nakabukas ang kanyang bintana at tumungo sa kama upang magpahinga sandali. Wala pa siyang maayos na tulog simula kagabi dahil sa dami ng problem na kanyang iniisip kaya maya-maya pa ay nikatulog na rin siya. Nagising na lamang siya dahil sa napakalakas na pag ring ng kanyang cellphone, nang makita niya kung sino ang tumatawag ay tila nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin ba niya ito. Bumangon na siya sa kama at napagpasyahang lumabas bago sagutin ang tawag.

"Where are you," bungad na ani ng kanyang asawa ng sagutin niya ang tawag.

"Business trip," maikling sagot niya.

"Umalis ka ng madaling araw pa lang?" tanong nito sa kanya.

Lumabas na siya sa kanyang Cabin bago sagutin ang tanong nito.

"Yeah, hindi na ako nagkapagpaalam dahil tulog pa kayo," ani pa niya. "Naandiyan naman si Stacey kaya hindi mo ako kakailanganin," dagdag pa niya at tsaka mapait na ngumiti kahit alam niyang hindi ito makikita ng kanyang asawa.

"Gaano ka katagal mag stay diyan?" baliwalang ani nito sa sinabi niya.

"Baka 1 week akong mag stay dito," ang plano niyang tatlong araw lang sana na pananatili sa reaprt ay naging one week dahil hindi pala talaga niya kayang makaharap ang asawa at ang kabit nito.

"Okay, bye," malamig ang tono ng pananalita na ani nito sa kanya.

Pinatay na lamang niya ang tawag dahil alam niyang napipilitan lang naman itong kausapin siya.

Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok dahil sa kanyang nararamdaman. Sinilid na niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang Jeans.

Nagpagpasyahang na lang niyang pumunta sa cottage upang kumain, naalala niyang hindi siya kumain simula kanina bago siya umalis sa kanilang bahay kung hindi lang tumunog ang kanyang tiyan.

Saktong pagkaharap niya dahil patungo sana siya sa loob ng Cabin, at upang kunin ang wallet ay saktong pagsara ng pintuan sa katabi niyang cabin. Pinagsawalang bahala na lang niya ito at kinuha ang pakay niya sa loob at lumabas rin para makakain na siya.

Tumungo siya sa counter upang umorder ng pagkain. Sinabi niyang isunod na lang sa cottage ang kaniyang mga order na agad naman ng mga itong sinang-ayonan.

Habang inaantay ang kanyang mga order ay pinagmamasdan niya ang mga tanawin na hindi nakakasawang tingnan. Hanggang sa dumating na ang kaniyang mga order kaya nagpasalamat siya sa mga ito. Nag order din siya ng wine upang kasama ng mga pagkain.

Habang nakatulala at umiinom sa hawak na baso ng wine ay pakiramdam ni Veronica ay may nakatingin sa kanya, kaya nilibot niya ang kaniyang tingin ngunit wala siyang nakita. Panagpatuloy na lang niya ang kanyang pagkain dahil baka guni-guni niya lang ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status