Share

CHAPTER 3: Vacation

Maagang gumayak si Veronica para hindi na rin siya makita ng mga tao sa bahay na aalis.

Sabagay, ano nga bang pakialam nila kahit umalis ako. Mukhang inaantay na nga lang nila na ako ang magkusa.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang pintuan bago sumilip dito upang tiyakin na walang tao, pagkatapos masigurado na walang makakakita sa kanya ay lumabas na rin siya, tsaka maingat na bumaba sa hagdan.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran.

"Saan ka pupunta?" boses pa lang nito ay kilalang kilala na niya.

"Sa labas lang," tipid lang niyang sagot dito at hindi pa rin nililigon.

"Outside ha..., with a large bag?" ani nito sa kanya. "Answer me honest, woman. Where are you going?. And can you please face me when I'm taking," tila nagtitimpi ang tono nang pananalita nito.

Unti-unti siyang humarap dito at nakita niyang nakakunot-noo ito habang nakapamulsa at pinagmamasdan siya.

Napabuntong-hininga na lamang siya bago sagutin ang tanong ng binata.

"Okay fine. Mag babakasyon muna ako, cause pagod na pagod na ako. Sin kahit kaunting panahon lang gusto ko muna magpahinga at bigyan ng time ang sarili ko."

Nakita niyang lumambot sandali ang expression ng binata, ngunit agad din bumalik sa pagiging masungit.

"At saan ka pupunta?"

"Kahit saan, kung saan-saan na. Basta, hindi mo na kailangan malaman yun. Pinsan ka lang ng asawa ko at hanggang doon lang," ani na lang niya at handa na sana siyang tumalikod ng magsalita ito ulit.

"Pinsan lang ha, let's see about that," binaliwala na lang niya ang narinig mula rito at tuluyan na siyang lumabas at tumungo sa kanyang sasakyan. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay napagtanto niya kung bakit nasabi niya ang ganung bagay, at tila kusa na lang itong lumabas sa kanyang bibig at binigkas ang mga ito.

"Myghod Veronica, bakit mo naman sinabi yun," naiinis na sermon niya sa sarili. "Hayst! Pero bahala na," nagbuntong-hininga muna siya bago pinaandar ang sasakyan.

Nakatunghay lang si Sin sa papalayong sasakyan ni Veronica. Pagkatapos ng mga katagang binitawan nito ay napagtanto niya na wala talaga siyang karapatan sa babae upang malaman ang mga bagay-bagay tungkol dito, ngunit hindi siya papayag na pagiging pinsan lang ng asawa nito ang papel niya.

Humanda ka Veronica. Ipaparamdam ko sa'yo kung ano talaga ang papel ko sa buhay mo.

Pagkaraan ng ilang minuto ay napagpasyahan na niyang umakyat sa kanyang kwarto upang makapag-impake, balak niyang sundan ang babae dahil alam niya na ang nitutukoy nitong pagbabakasyonan ay sa resort ng kanyang kaibigan na si Simon. Nasa kalagitnaan pa lang siya sa paglalakad ng makasalubong niya si Stacey na kabit ng kanyang pinsan. Nakatapis lang ito ng tuwalya at magulo ang pagkakatali ng buhok na tila minadali lang talian.

"Hi," malandi itong ngumiti sa kanya, ngunit tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ito pinansin.

Rinig pa niya ang padabog na paglalakad nito pababa ng hagdan.

Tsk! Bitch... Ani niya sa mahinang boses at nagpatuloy na papunta sa kanyang kwarto upang makapag impake.

Pagkatapos mag impake ay naligo muna siya sandali bago nagbihis at bumaba na pagkaraan ng ilang sandali ng masigurado niya na kompleto na ang lahat na kanyang dadalhin. Nadatnan pa niya sa sala ang kanyang pinsan at ang kabit nito na ngayon ay iba na ang suot at hindi katulad kanina na tanging tuwalya lamang.

Kasalukuyan ang mga ito na naghaharutan kaya handa na sana niyang lampasan ang mga ito ng magsalita ang kanyang pinsan.

"Sin, saan ka pupunta?" takang tanong sa kanya nito at dumako ang tingin sa hawak niyang bag na naglalaman ng kaniyang mga gamit.

"Business," maikling sagot na lang niya dito at hindi sinabi ang tunay na balak. Ang planong magbakasyon at para na rin sundan si Veronica na alam niyang doon ngayon patungo.

"By the Way, Sin. Nakita mo ba si Veronica?" tanong nito sa kanya. "Wala kasi siya sa guess room ng pumunta ako dun at sumilip."

Natawa na lang si Sin sa kanyang isip ng marinig ang sinabi nang kanyang pinsan.

Really ang asawa pa talaga ang natutulog sa ibang kwarto. Such a bastard! Ani niya sa mahinang boses na sapat lang upang siya lang ang makarinig.

"No," maikling sagot niya sa kanyang pinsan na hindi hindi pa rin humihiwalay sa babaemg katabi nito. "Bakit hindi mo hanapin ang iyong asawa, imbes na nakikipag-harutan ka diyan sa babae mo," walang preno niyang ani at pinasadaan ng tingin ang babaeng katabi nito.

Natawa na lang ang kanyang pinsan sa kanyang sinabi.

"Chill ka lang Sin, nagtatanong lang naman ako. Alam mo, you need to get laid," natatawa pa rin nitong ani habang nisasaad ang mga katagang iyon. "I'll call her na lang later. I know her naman na puro trabaho lang ang inatupag, kaya hindi kami magka-anak, " dagdag pa nito at humarap sa babaeng katabi nito, na kung makapulupot ay parang ahas.

Sabagay ang mga ahas ay takot sa kapwa nila ahas, takot na takot maagawan. Ani niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang dalawang taong nakaupo sa sofa.

"Bastard, and your wife is enough for me," Sin said with a very low tone.

"Anong sabi mo Sin, can't hear what you said clearly," ani nito at lumingon sa kanya.

"Nothing, i really need to go," ani na lang niya.

"Yeah, take care," nakangiting ani sa kanya ni Lucas. "Get laid sometimes ha," dagdag pa nito at natatawang bumaling sa katabi.

Napailing na lamang siya dahil sa sinabi nito.

"Yeah, you too, take care..." tsaka nipasadahan ulit ng tingin ang babaeng katabi nang kanyang pinsan na ngayon ay umayos na sa pagkaka-upo ng makitang nakatingin siya.

Pathetic bitch...

Umalis na rin siya sa harapan ng dalawa dahil kanina pa niyang gustong makaalis sa harapan ng mga ito, ngunit ayaw naman niya maging bastos. Tumungo na siya sa garahe upang pumunta na sa kaniyang sasakyan. Nilagay niya muna sa passenger seat ang bag na kanyang dala at pumasok sa driver seat, tsaka binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at umalis. Habang na biyahe ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa dashboard at nakita niya ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Simon.

"Yes?" ani niya pagkasagot ng tawag.

"Nasaan ka na?" boses iyon ng kanyang kaibigan na si Simon na nagmumula sa kabilang linya.

"I'm on my way, just chill, okay," ani niya habang nakatingin sa harapan, tsaka mas binilisan pa ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan. "Is Veronica already there?"tanong niya dito habang nakafocus pa rin sa pagmamaneho.

Saglit natahimik ang kabilang linya dahil parang may dumating na bisita at kinakausap ito.

"Hi, I thought your can't come, cause your husband told me na busy sa business," rinig niyang ani ng kaibigan mula sa kabilang linya.

"Buti nakarating ka, thanks for accepting my invitation," rinig ka niyang dagdag nito.

"That cabin is still empty."

"Yes, Of course. You can use that cabin over there, you're welcome and enjoy," rinig pa niyang saad ng nito, kung sino 'man ang kausap.

"Sorry bro, ano nga ulit yung tanong mo?"tanong nito sa kanya na sa wari niya ay umalis na ang kausap nito kanina.

"Nothing, I'm on my way na rin," pag-iimporma niya kay Simon.

"Oh, okay. May aasikasuhin muna ako kaya later na lang pagdating mo, see you," paalam din nito.

"Yeah," ani na lang niya sa kaibigan bago pinatay ang tawag.

Mas binilisan pa niya ang pagpapaandar ng kaniyang sasakyan upang makarating na siya agad sa resort ng kaibigan.

Mula sa malayo ay nakita siyang sign board na may nakasulat na 'Lost Paradise' kaya nitahak na niya ang daan papasok dito. Pagkalipas nga nang isang minuto na pagmamaneho ay nakita na niya ang mga tanawin na napakagandang pag masdan at kahit hindi pa siya bumababa sa kanyang sasakyan ay nadadama na niya ang napakalamig na simoy ng hangin dahil nakabukas ang bintana sa kanyang pwesto. Pinarada niya ang kanyang sasakyan kasama ang iba pa sa parking lot kung saan nakita niya ang sasakyan ni Veronica at nakumpirma niyang naandito na ang babae.

Pagkababa pa lang ng kanyang sasakyan ay sumalubong agad sa kanya ang napaka preskong hangin na nagmumula sa mga puno na nakapaligid sa resort.

"Nice place ah, its so relaxing," ani na lang niya sa kanyang sarili habang nililibot ang kanyang paningin sa magagandang tanawin ng resort. Labas pa lang nito ay napakaganda na, lalo na siguro sa loob. "Magaling din pumili ang gagong iyon. This places feel so unreal," dagdag pa niya at hindi pa rin makapaniwala na may ganito pa pala kagabdang lugar.

Kahit napakarami na niyang napuntahan na may mga magagandang tanawin ay hindi niya ikakaila na kakaiba ang ganda nang lugar na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status