Simula
“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Percy. Maaayos natin ‘to, huwag mo na lamang silang pansinin. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa kanila,” maluha-luhang pagmamakaawa ng ina sa anak nitong si Percy, ngunit nanatiling walang kibo ang huli.
Tila wala itong naririnig na pagsusumamo mula mismo sa kaniyang ina na halos lumuhod na sa kaniyang harapan. Tanging galit at poot na lamang ang bumabalot sa pobre niyang puso dahil sa mga nararanasan niya mula sa mga kamag-aral sa kolehiyo. Ang kaisa-isang bagay na lamang na nais niya ay magpakamatay dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niya ito.
“Huwag mong gawin ito, anak. Ikaw na lang ang natitira sa ‘kin..” sambit pa nito sa nanginginig na boses.
Pinakatitigan ni Percy ang kaniyang ina at ang lubid na hawak niya. Nais na niyang matahimik ang kaniyang buhay at sa tingin niya ay kamatayan lang ang tanging solusyon sa kaniyang problema, ngunit paano ang kaniyang ina? Anong mangyayari rito kapag siya’y nawala na lang nang biglaan?
Maya-maya pa ay mabilis niyang inilapag sa kama niya ang lubid at dinaluhan ang inang patuloy pa rin sa pagluha. Marahan niyang hinagod ang likuran nito saka niyakap nang mahigpit.
“Hindi na, Ma. Tumahan na po kayo. Ano bang gusto mong kainin?” pang-aalo niya rito.
Makikita ang unti-unting pagsungaw ng ngiti sa mga labi ni Aling Mercedes. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng kaniyang minamahal na anak saka mariing pumikit. “Ipangako mo sa ‘kin na hindi mo na ‘to gagawing muli, Percy. Ipangako mo,” maginhawang sinabi nito at hinalikan ang anak sa ulo.
Sampung taong gulang pa lamang si Percy nang magsimulang mamulat ang kaniyang mga kamag-aral sa kung ano talaga ang hitsura niya. Nang sumapit ang taong iyon ay hindi na tumigil ang mga ito sa pangbu-bully sa bata kaya naman kinagisnan na niya ang iba't ibang estado ng sakit; pisikal man o emosyonal. Hanggang ngayong kolehiyo na siya ay gano’n pa rin ang trato sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Nais man niyang ipatanggal ang malaking itim na balat sa kaniyang mukha, alam niya sa kaniyang sarili na imposibleng mangyari iyon kaya wala na siyang ibang magagawa kung 'di tanggapin na lamang iyon.
“Bibili lang ako ng ulam natin, Ma. Babalik din kaagad ako,” paalam niya sa kaniyang ina nang masiguro niya na ayos na ang kalagayan nito.
Tinanguan na lamang siya nito kaya agad na siyang lumabas. Hindi naman niya gustong iwan ito lalo na’t silang dalawa na lang ang magkasama. Bata pa kasi siya nang mamatay ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente sa trabaho nito bilang construction worker. Nag-iisang anak lang din siya kaya naman kapag nawala siya ay wala na talagang ibang makakasama ang kaniyang ina sa buhay.
Tahimik lang siyang naglalakad ngunit ramdam niya ang mga malalalim na tingin na nakapukol sa kaniya. Tila ba tumatagos iyon sa buong pagkatao niya kaya mas binilisan niya pa ang kaniyang lakad.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw na rin niyang lumabas sa kanilang bahay. Ramdam kasi niya ang sakit na nanggagaling sa mapanghusgang mga mata ng bawat taong makakasalubong niya. Nais nang mawala iyon ni Percy, iyon lang ang kaisa-isang hiling niya.
“Nandiyan na siya! Nandiyan na ‘yong engkanto. Takbo na tayo!” dinig niyang sigaw ng mga kabataan na kahit gabi na’y nakuha pa ring maglalaro sa kanilang iskinita nang makita siya ng mga ito.
Hindi niya iyon ininda sa halip ay binalewala na lamang at naghanda na sa pagtawid sa kalsada, ngunit nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang likuran nang may biglang tumama roon na isang matigas na bagay.
“Engkanto! Umalis ka rito, engkanto ka!” dinig niyang sigaw ng isa sa mga kabataang nakasalubong niya kanina lamang.
Tumagis ang kaniyang bagang at mariing pumikit. Pinigilan niya ang kaniyang sariling sugurin ito at dire-diretsong tumawid patungo sa kabilang parte ng kalsada, ngunit hindi pa man siya nakakarating sa parteng iyon ay dinig na kaagad niya ang malakas na busina ng sasakyan at ang pagkalabog nito nang tumama siya sa salamin nito. Ang kaniyang ulo ang unang tumama sa semento kaya naman mabilis na bumulwak ang dugo mula roon. Kasabay ng pagbagsak ng kaniyang katawan sa lupa ay siya ring paglabas ng kung anong puting liwanag mula sa kaniyang katawan na agad rin namang bumalik rito.
MATALIM pa rin ang titig ni Luke sa basong iyon na may lamang absinthe habang inaalala ang kawalang-hiyaang ginawa sa kaniya ng kaniyang nobyang si Serène. Hindi niya mawaksi sa isipan ang nakita niyang palitan ng text message ng kaibigan niyang si Jason at Serène na naglalaman kung paano siya niloloko ng dalawa. Labis niyang kinamumuhian ang mga ito dahil sa pananaksak ng mga ito sa kaniyang likuran.
“Hayaan mo na ‘tol, kakarmahin rin ang dalawang ‘yon,” pang-aalo sa kaniya ng kaibigan si Harold, sinimsim pa nito kaagad ang alak nang sabihin iyon.
Hindi niya ito kinibo o kahit pinansin man lang. Wala pa rin siya sa tamang pag-iisip ngayon. Pakiramdam niya’y kaya niyang pumatay ng tao ngayon din dahil sa sobrang panggigigil.
Padarag na nilagok niya nang diretso ang laman ng kaniyang baso saka madaliang tumayo. Ramdam pa niya ang kakaibang hilo ngunit hindi na niya pinansin iyon, nais na niyang magpahinga.
“O, saan ka pupunta? Uuwi ka na?” tanong sa kaniya ni Harold na tinanguan lamang niya.
Tinawag pa siya nito ngunit dire-diretso na ang kaniyang lakad palabas ng bar kung nasaan sila. Pagewang-gewang na naglakad siya patungo sa sasakyan, nang makapasok siya ay agad niya iyong pinaharurot sa kung saan.
“Lintik lang ang walang ganti, Serène. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo itong ginawa mo sa ‘kin,” bulong niya sa kaniyang sarili saka mas binilisan pa ang pagmamaneho.
Hindi niya ininda ang hilong nararamdaman. Maging ang kaniyang paningin ay nagsisimula na ring manlabo dahil sa pagod at antok. Hindi na rin diretso ang nakikita niyang daan, ngunit tila ba balewala iyon sa kaniya. Ang nais lamang niya’y madaliang makapunta sa bahay ng nobya upang maisagawa niya ang kaniyang plano.
Nasa kalagitnaan na siya ng isang baryo nang makaramdam siya ng pagkalam ng sikmura niya. Pinakiramdaman niya ito at napamura na lamang siya nang mapagtantong unti-unting umaalsa ang lahat ng ininom at kinain niya nang gabing iyon. Naiinis niyang inabot ang cellphone na nasa dashboard ngunit nalaglag rin kaagad ito nang dumulas sa kamay niya kaya naman napayuko siya, hindi alintana ang kapahamakang dulot nito sa kaniya.
“Gotcha,” bulong niya nang makuha ang cellphone at mabilis na inangat ang tingin.
Laking gulat niya nang may biglang tumawid na lalaki sa kaniyang daraanan kaya naman mabilis ang pagbusina niya rito, ngunit huli na ang lahat. Bago pa siya makapagpreno ay bumundol na ito sa kaniyang sasakyan. Nakita niya pa kung paano tumama ang ulo nito sa salaming nabasag rin kaagad. Sa pag-aakalang makokontrol niya pa ang pangyayari ay agad niyang inilihis ang manibela patungo sa kaliwang parte ngunit mabilis rin siyang sumalpok sa isang malaking puno.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok niya rito ay kusa na siyang tumalsik palabas mula sa harapang salamin dahilan para tumama siya sa puno kung saan sumalpok ang kaniyang sasakyan.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lamang may lumabas na puting liwanag mula sa katawan ng dalawang lalaki at pagkatapos ay bumalik rin kaagad iyon sa pinanggalingan nila. Hindi alintana ng kahit na sino kung anong hiwaga ang nangyari sa dalawang katawan na kung mayroon lang ding mahiwagang tao na nakakita ng nangyari ay masasabing posible ito.
~*~
Namimigat man ngunit pinilit pa ring imulat ni Luke ang kaniyang mga mata. Ramdam niya ang matinding sakit sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan kaya napangiwi siya. Nang tuluyan na siyang magising ay tumambad sa kaniya ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa kulay puting bagay. Agad na kumalampag ang puso niya saka napakunot ang noo.
“N-nasa langit na ba ako?” bulong niya sa nanginginig na boses sa takot na baka tuluyan na siyang kinuha ng nasa itaas.
Klarong-klaro pa rin sa isip niya ang aksidenteng nangyari kanina lamang kaya naman nagka-ideya siya na baka patay na nga siya.
Dahan-dahan siyang gumalaw at inilibot ang paningin sa buong paligid. Nakahinga siya nang maluwag nang mapagtantong nasa ospital lamang siya at kung iisipin naman nang mabuti, hindi naman talaga siya tatanggapin sa langit.
Dumako ang tingin niya sa pinto ng kuwarto kung nasaan siya dahil sa naririnig niyang ingay mula roon. Sa pangalawang pagkakataon ay kumunot muli ang kaniyang noo nang makita niya ang isang matandang babae na nakikipag-usap sa doctor. Hindi niya gaano naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya naman umayos na lamang siya ng upo.
“Doc?” tawag niya rito pagkatapos ay kusang napahawak sa ulo nang makaramdam siya ng matinding kirot mula roon.
Mabilis siyang nilingon ng matandang babae at ng doctor na kausap nito. Mabilis na lumawak ang ngiti ni Aling Mercedes nang makitang gising na sa wakas ang kaniyang anak kaya naman nilapitan niya kaagad ito.
"Percy, anak!” nagagalak na sambit nito saka siya nilapitan.
Natigilan si Luke sa kaniyang narinig. Dahan-dahang bumaba ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa kaniyang ulo saka binalingan ang matandang babaeng tumawag sa kaniya sa pangalang ‘Percy’.
“Anak, mabuti naman at gising ka na. Salamat sa Diyos!” maluha-luha nitong sinabi sa kaniya bago siya yakapin.
Hindi siya gumanti ng yakap sa ginang. Bakit siya gaganti, e hindi naman niya ito kilala? Isa pa, bakit siya nito tinatawag na ‘Percy’?
“Teka ho, Ale, sino ho ba kayo? Luke ho ang pangalan ko at hindi Percy,” naguguluhan niyang sinabi rito bago tanggalin ang pagkakayakap sa kaniya ni Aling Mercedes.
Nakita niya ang pagkatigalgal ng matandang babae habang nakatingin sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at tila nais pang magtanong kaya nagsalita kaagad siya.
“Doc, if you don’t mind, who is she? Bakit nandito ‘yang matandang ‘yan sa kuwarto ko?” pilit niyang itinatago ang iritasyon sa boses nang tanungin niya iyon sa doctor na nakatingin lamang sa kanila.
Ayaw man niyang maging bastos ay iyon na ang lumalabas sa bibig niya dahil sa iritasyon. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ‘yong yayakapin siya nang biglaan lalo na’t hindi naman niya ito kilala.
“Doc, anong nangyayari?” dinig niyang tanong ng matandang babae sa doctor, kitang-kita niya kung paano tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha mula sa mga mata nitong namumugto na.
Binaling niya ang tingin sa doctor na nasa harapan niya. Malalim ang tingin nito sa kaniya kaya tumaas ang kilay niya. “Doc?”
“Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ’yo, hijo?” tanong nito sa malalim na boses.
Tumango siya nang mabilis, “I clearly remember what happened. Naaksidente ako kanina dahil sa tangang lalaking iyon na bigla na lang tumawid sa kalsada—”
“Hindi iyon nangyari kanina, hijo. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang mangyari ang aksidente,” putol nito sa sasabihin niya.
Umangat ang sulok ng labi niya dahil sa nalaman. Hinanap niya ang palatandaan sa mukha nito na nagbibiro lang ito ngunit nanatiling seryoso lang ang tingin nito sa kaniya kaya naman napangisi siya.
“Stop the bulls, Doc. Sigurado akong kanina lang nangyari iyon,” pagpupumilit niya rito.
“We did a surgery on your head dahil sa may namuong dugo sa loob nito. Puwede mo itong ikamatay kung hindi namin kaagad isasagawa ang operasyon kaya hindi na kami nag-aksaya ng panahon. The operation is succesful kaya nga lang ay na-coma ka ng dalawang buwan and I'm glad that you are fine now. Your Mom is really worried ‘bout you, Mr. Steel,”
Sa pangalawang pagkakataon, natigilang muli si Luke dahil sa narinig. Hindi niya alam kung magtatanong ba siya sa mga ito tungkol sa mga sinasabi nila. Gusto niyang paniwalain ang sarili na nagbibiro lang ang mga ito—na siya talaga si Luke at hindi ang kung sinong Percy na iyon, ngunit kahit sa sarili niya’y tukoy niya na seryoso ang mga ito kay nagdesisyon siyang tumayo upang tumungo sa banyo.
“Saan ka pupunta, anak?” agap sa kaniya ni Aling Mercedes ngunit hindi na niya ito pinansin.
Nahihirapan ma’y mabilis ang naging lakad niya patungo sa banyo saka malakas na isinara iyon. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa malaking salamin ng banyo habang hawak nang mahigpit ang kaniyang dextrose.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan nang mga oras na iyon. Hindi niya mawari kung anong dahilan ng pagtibok nang malakas ng puso niya. Wala siyang ideya sa misteryong bumabalot sa katauhan niya.
Nang tumapat siya sa harap ng malaking salamin ay mabilis ang naging pagbabago ng kaniyang ekspresyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata at unti-unting nabitawan ang kaniyang dextrose dahil sa nakita. Isang mukha na may malaking itim na balat... Sino ito?!
NAGTATAKA pa rin ang tingin ni Percy sa taong nakapalibot sa kaniya. Nang magising siya mula sa mahabang pagkakatulog—na ayon sa doctor na nakausap nila kanina ay na-coma siya ng dalawang buwan ay paulit-ulit na ang mga ito sa pagtawag sa kaniya sa pangalang ‘Luke’. Nais man niyang magtanong kung bakit at sino sila ay hindi niya magawa dahil wala rin siyang lakas ng loob lalo pa’t hindi niya kilala ang mga ito. Wala siyang ideya sa mga nangyari. Ang kaisa-isang nais lamang niya nang magising siya ay makita niya ang kaniyang ina ngunit iba ang sumalubong sa kaniya.
“How’s your condition? Are you okay? Please, magsabi ka lang sa ‘kin kung may problema o kung ano ang masakit,” puno ng pag-aalalang sinabi sa kaniya ng babaeng ito na siyang ring sumalubong sa kaniya pagkagising niya.
Hindi niya ito kinibo dahil abala rin siya sa pag-eksamin sa buong mukha nito. Maamo ang mga mata nito, kasing puti ng niyebe ang balat na mala-porselana sa kinis at may makakapal na pilik-mata. Mapupula rin ang manipis na labi niyang iyon at straight ang itim at mahabang buhok nito.
Inaamin niya sa kaniyang sarili na ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae sa tanang buhay niya. Hindi naman siya madalas na lumalabas ng bahay lalo na sa unibersidad kung saan siya nag-aaral dahil alam na niya ang kahihinatnan niya kapag nangyari iyon, kaya naman hindi niya akalain na makakakita pa siya ng ganito ngayon.
Pasimpleng umiling si Percy dahil sa iniisip at hindi na kinibo pa ang babae. Kanina pa rin niya pinagtatakhan dahil tila walang pakialam ang mga ito sa kung anong hitsura niya.
“‘Tol, ayos ka na ba? Ba’t parang wala ka sa sarili mo?” tanong sa kaniya ng lalaki namang iyon na kasama ng babaeng sumalubong sa kaniya.
Dahan-dahan na siyang tumayo kaya agad naman siyang dinaluhan ng mga ito.
“Ayos lang ako,” mababang sambit niya sa mga ito.
“Where are you going?” tanong ng babae sa kaniya kaya tinuro niya ang banyo. “Be careful, Luke,” marahan pang sinabi sa kaniya ng babae bago siya nito tuluyang pakawalan.
Hindi na niya iyon pinansin pa. Diretso siyang lumakad patungo sa banyo at mabilis na isinara iyon. Malalim ang paghinga niya habang patungo sa harapan ng malaking salamin roon. Nais niyang malaman kung bakit siya tinatawag ng mga ito sa pangalang ‘Luke’ gayong Percy naman ang totoong pangalan niya. Nais rin niyang malaman kung sino ang mga ito, bakit hindi ang kaniyang ina ang sumalubong sa pag gising niya.
“Ano bang nangyayar—”
Muntik na siyang pumalahaw ng sigaw nang tumapat siya sa salamin. Tumambad sa kaniya ang ibang mukha kaya naman nanlaki ang kaniyang mga mata. Nanginginig ang mga kamay niya nang hawakan niya ang mukhang iyon. Maging ang salamin ay sinuri rin niya nang mabuti dahil baka peke iyon at ibang mukha talaga ang ipinapakita ng salamin, ngunit mali siya. Totoo ang nakikita niya. Hindi ang mukha niya ang hinahawakan niya, marahil ay maging ang katawan na iyon ay hindi rin sa kaniya. Anong nangyari?!
~*~
“Saan ka pupunta, Luke?” agad na tanong sa kaniya ng babaeng iyon bago pa man siya makalabas ng bahay kung saan siya dinala ng mga ito.
“Saglit lang ako,” kaswal na sagot niya rito.
“I’ll go with you—”
“Huwag na, saglit lang ako,” putol niya sa sasabihin nito at mabilis na lumabas.
Nang tuluyan na siyang makalabas mula sa gate ng malaking bahay ay agad siyang pumara ng taxi. Ayos lang naman iyon, sa tingin niya dahil may ibinigay na wallet ang babaeng iyon sa kaniya kanina nang makauwi sila galing sa ospital.
“Sta. Agatha po,” mababang sinabi niya sa driver nang makasakay siya.
Kinuha niya ang wallet na binigay sa kaniya ng babae saka sinipat ang laman niyon. May nakita siyang I.D sa loob no’n kaya naman kinuha niya agad ‘yon at sinipat ang mga impormasyong nakapaloob roon.
“Luke Stanley... twenty five years old,” bulong niya nang basahin niya ang pangalang nakalagay.
Luke Stanley, ito ang pangalan ng katawang ito...
Nang makita niya iyon ay pumasok na kaagad sa kaniyang isip na baka nasa bahay nila ito ngayon. Na kung nasa kaniya ang katawan nito’y marahil nasa lalaking ito rin ang katawan niya.
Ilang minuto lang ang naging byahe ni Percy bago makarating nang tuluyan sa kanilang bahay. Habang naglalakad siya ay pansin niya ang pagsunod ng tingin sa kaniya ng mga tao roon, ngunit hindi panghuhusga ang nakikita niya rito kung ‘di paghanga. Napailing na lamang siya saka mas binilisan pa ang lakad.
Nasa tapat pa lamang siya ng kanilang bahay at hindi pa man niya binubuksan nang tuluyan ang pinto ay dinig na niya sa labas ang sigawan ng dalawang tao mula sa loob.
“Sabing hindi ako si Percy, e! Bakit ba ang kulit kulit mong matanda ka? Layuan mo nga ako!”
Sumikdo ang galit ni Percy nang marinig niya ang sigaw na iyon na nagmumula sa mismong boses niya, kaya naman padarag na niyang binuksan ang pintuan.
“Ano ba?! Bobo ka ba at hindi ka makaintindi?”
Mas lalong nag-apoy ang galit sa kaniyang puso nang tumambad sa kaniya ang kakawang ina na lumupasay sa sahig nang itulak ito nang malakas ng kaniyang katawan mismo!
Mabilis siyang lumapit para daluhan ito at agad ring bumaling sa lalaking nasa katawan niya na sigurado siyang si Luke.
“Gago ka, a! Wala kang respeto!” galit na buga niya rito at mabilis na sinuntok.
“Ibalik mo ang katawan ko!” dagdag pa niyang sigaw rito.
Hindi alintana kung may nakakarinig ba sa sinabi niya at iisiping nababaliw na siya.
Kabanata 1Hindi pa rin maiwasan ni Percy na pagbuntungan si Luke ng galit niya dahil sa ginawa nito sa kaniyang ina. Kung iisipin naman talaga nang mabuti ay wala itong kasalanan dahil pareho silang biktima ng kakatwang pangyayaring ito pero sumobra na siya, iyon ang sa tingin niya. Kanina niya pa ito tinitingnan nang matalim habang iniisip kung wala ba itong nanay kaya ganiyan ito umasta. Ayaw man niyang pahabain pa ang usapan, hindi talaga niya maiwasang magngitngit pa rin sa galit dahil sa ginawa nito kanina lamang.“Mag-usap tayo,” mababang sinabi niya kay Luke, tiningnan siya nito nang nakakunot ang noo.“Ibalik mo muna ang katawan ko, magnanakaw.” mariin nitong sinabi sa kaniya saka ngumisi pa. “Mangkukulam siguro kayo ng nanay mo kaya ganito ang nangyari, ‘no? Bakit? Dahil desperado ka nang magkaroon ng guwapong mukha?” pang-uuyam nito sa kaniya at tumawa pa nang sarkastiko.Kumuyom an
Kabanata 2“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan,
Kabanata 3Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.Matagal nang panahon mula noong hu
Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d
Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw
Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.
Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy
Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya
Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”
Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy