Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2021-05-20 22:02:12

Kabanata 3

Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.

Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.

“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.

Matagal nang panahon mula noong huli niyang nakasama ang kaniyang ina. Ang pagkamatay nito sanhi ng isang aksidente sa constraction site kung saan ito ang nagpapagawa ang dahilan kung bakit bigla na lamang tumigas ang kaniyang puso sa kahit na sino. Idagdag pa ang panlolokong ginawa sa kaniya ni Serène.

Unti-unting nag-angat sa kaniya ng tingin ang ginang, bahagya pang nakakunot ang noo nito. “Anak…”

“Magpahinga po muna kayo, ako po muna diyan. Hindi pa nga po kayo kumakain ng tanghalian, e,” kaswal na sinabi niya kay Aling Mercedes saka tinulungan itong makatayo mula sa kinauupuan niya.

Nakikita man ni Luke ang pagtataka sa ekspresyon ng ina ni Percy ay hindi na niya iyon pinansin pa sa halip ay napangiti na lamang siya.

“Kakain naman ako kung gusto ko, Anak,” malamig na sinabi nito sa kaniya kaya napawi kaagad ang ngiting iyon sa labi niya.

Binalingan niya ito ng tingin, “Kung sasabayan ko ho ba kayo ngayon sa pagkain, kakain ho kayo?” magaang tanong niya rito kasabay ng pagkislap ng mga mata nito kaya napangiting muli siya.

“Babawi ako sa ‘yo, Ma…pangako ‘yan,” halos pabulong na sambit niya rito at kinabig papunta sa kaniya upang yakapin.

Ilang taon nang nangungulila si Luke sa kalinga ng isang ina kaya naman halos tumalon siya sa sobrang tuwa nang gumanti ito ng yakap sa kaniya. Napapailing na lang siya dahil tama na naman si Percy sa mga sinabi nito tungkol sa kaniya. Napariwara ang buhay niya dahil sa wala na itong mga magulang at labis siyang naiinggit sa pamilyang mayroon ito. Hindi man buo pero sobra-sobra ang pagmamahal na inilalabas ng bawat puso sa kanila. Sana lang ay mas maaga niya iyong napagtanto bago pa man sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain niya tungkol rito.

Samantala, si Percy naman ay tahimik na nakaupo lamang sa may upuan ng isang tren habang nakadungaw sa bintana nito. Balak niyang puntahan ang sinabing kilalang public library ng isang ‘Anonymous Identity’ na iyon na nakilala niya sa isang site kung saan siya kumukuha ng nga impormasyon patungkol sa sitwasyon nilang dalawa ni Luke. Nais naman niyang hanapin pa rin ang misteryosong matandang iyon na nakausap nila nang mga nagdaang araw ngunit para sa kaniya ay masyadong mabagal nang hakbang iyon.

Simula nang makita niya ang kakatwang pangitain na ‘yon tungkol sa kaniyang ina at sa kaniyang sarili mismo ay nais na niyang mapabilis ang paghahanap nila ng solusyon sa kanilang problema kaya’t naghanap siya sa internet ng mga maaaring pagsabihan ng hiwagang nangyari sa kanila dahil roon ay kampante siyang walang makakakilala sa kaniya kung sakaling ipagsasabi niya ang kakayahang mayroon siya.

Gumawa siya ng pekeng account sa nasabing site at doon niya nakilala ang taong iyon na may screen name na ‘Anonymous Identity’ na siyang nagsabi sa kaniya ng mga detalye tungkol sa public library na pupuntahan niya ngayon. Hindi man siya sigurado sa sinabi nito, wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya.

“Excuse me, may katabi ka ba?” untag sa kaniya ng isang babae kaya agad niya itong nilingon.

Nakita pa niya ang pagkagulat sa mukha nito nang dahil siguro sa kulay ng kaniyang mga mata. Tipid na lamang siyang ngumiti saka umiling bago umupo sa tabi niya ang babaeng estranghero.

“Totoo ba ‘yang mga mata mo?” maya-maya pang tanong nito sa kaniya kaya nilingon niyang muli ang dalaga.

Hindi niya alam kung anong isasagot sa tanong nito dahil sigurado siyang kapag sinagot niya ito ay posibleng hindi na ito tumigil at batuhin pa siya ng mga tanong ulit, kaya pekeng nginitian na lamang niya ito at bumaling na ulit sa labas.

“May kakayahan kang makita ang mga mangyayari sa hinaharap, hindi ba?”

Kusang tumigil ang paghinga ni Percy nang ilang segundo dahil sa sunod na narinig niya. Hindi niya alam kung lilingunin niya bang muli ang babae o hindi na lamang papansinin ang sinabi nito dahil hindi naman siya sigurado kung siya ang kinakausap nito.

Maya-maya pa, bago pa man niya ito lingunin ay naramdaman na lamang niya ang mainit nitong palad sa braso niya kaya mabilis niya iyong binalingan. Kasabay ng pagbaling niya sa babae ng tingin ay ang mabilis na pag-atras nito sa kaniya habang bakas na bakas sa ekspresyon nito ang takot at gulat.

“B-bakit…paanong nangyari lahat ng ‘yan sa ‘yo? Hindi ko maintindihan. Paano napunta sa ‘yo ang ganiyang sumpa?” gulong-gulo na tanong nito sa kaniya habang palalim nang palalim ang tingin nito sa kaniya.

Nangunot ang noo ni Percy dahil sa mga tanong ng babae. Pinasadahan niya nang mabuti ang babae at mas lalong nangunot ang kaniyang noo nang makita ang mga mata nito; purong lila ang kulay ng mga mata nito.

Hindi alam ni Percy kung anong iisipin nang makita niya iyon. Kanina naman ay wala pa iyon nang balingan niya ito ng tingin o namamalikmata lamang siya, ngunit hindi! Totoo ang nakikita niya sa mga oras na iyon. Hindi siya namamalikmata lamang o ano.

“Anong sinasabi mo, Miss?” pilit niyang itinatago ang kaba nang tanungin niya iyon rito dahil sigurado siyang hindi maganda ang kahahantungan niya sa mga oras na iyon, sigurado siyang sa oras na magbigay siya ng senyales tungkol sa kakayahan niya ay hindi siya nito titigilan sa kung ano man ang totoong pakay nito sa kaniya.

Biglang nagpalinga-linga ng tingin ang babae sa loob ng buong tren kung nasaan sila, tila sinisiguro na walang ibang makakarinig sa mga sasabihin nito. Nang masiguro nito na sila lamang dalawa ang maaaring makarinig ng mga sasabihin nito’y kaagad siya nitong nilingon at  tila mas lalo pang pumusyaw ang kulay ng mga mata nito. Umiilaw na!

“Nakita ko kung anong mga nangyari sa inyo ng lalaking nakapalitan mo ng kaluluwa. Nakikita ko kung paano minamanipula ni Ferocé ang lahat ng mga mangyayari sa inyong dalawa. Isa lang ang kailangan mong gawin ngayon, sabihin mo sa ‘kin kung sino ang nagpaliwanag sa inyo ng lahat tungkol sa bagay na iyon,” seryoso nitong sinabi sa kaniya kaya nagsisimula na namang kabahan ang lalaki.

Hindi mahanap ni Percy ang tamang sasabihin sa babae. Nais niyang makita kung sino ito ngunit tila wala siyang kakayahang makita iyon ngayon. Isa lang ang nakikita niya ngayon sa kabuuan ng babaeng nasa harapan niya; nagliliwanag ang mga mata nito at tila mas nais na iparating sa kaniya.

“Sabihin mo—”

“Paano mo nalaman?” putol niya sa sasabihin nito. “At ‘yong mga mata mo…”

“Lumalabas lang ang tunay na kulay nito kapag nakakaramdam ako ng kakaibang malakas ngunit mapanganib na pwersa sa isang tao. Malayo pa lang ako sa ‘yo kanina ay ramdam ko na ang mapanganib ng pwersang pumapaloob sa katauhan mo kaya nilapitan kita rito at hinawakan. Nakita ko ang mga nangyari sa inyo at ang mga mangyayari pa lang sa inyo. Ngayon, sabihin mo sa ‘kin kung sino ang matandang ‘yon? Ano ang sinabi niya sa inyo?” halos bulong na nitong paliwanag sa kaniya, iniiwasan na marinig ang kanilang pinag-uusapan.

Wala sa sariling umiling si Percy, “H-hindi maaari…”

“May kakayahan rin akong makakita ng mga mangyayari ngunit hindi mapanganib gaya ng kakayahang mayroon ka. Interdum, vita et maxime in tempus, sequentur te mori,” (Sometimes, life but most of the times, death will follow you)

Sa pagkakataong iyon, tila may malaking bombang sumabog na lang nang bigla sa kaniyang dibdib nang marinig niya iyon mula sa babae. Gusto niyang patuloy na lang na magmaang-maangan dahil hindi niya talaga alam kung paano niya ito ipapaliwanag, ngunit tila wala siyang takas rito lalo pa’t nakasunod pa rin ito sa kaniya nang bumaba na siya mula sa tren.

Naiinis na binalingan niya ito, “Ano bang kailangan mo sa ‘kin? May mas importante pa akong—”

“At ano iyon, Percy? Ang sagot kung paano kayo makakabalik sa kaniya-kaniyang niyong mga katawan at kung paano mawawala sa ‘yo ang kakayahang ‘yan?”

Natigilan kaagad sa paglalakad si Percy dahil sa sinabi nito. Marahas niya itong nilingon, ramdam na niya ang matinding lamig na nanunuot sa kaibuturan niya dahil sa paunti-unting pagbagsak ng niyebe. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

“Hindi ko alam ang sinasabi mo, Miss,” pilit niyang itinatago ang interes na malaman pa ang mga sasabihin sa kaniya ng babae nang sabihin niya iyon.

Ayaw niya itong sakyan sa kadahilanang ayaw niya itong madamay pa lalo na’t hindi naman sila magkakilala. Ayaw niya ring paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi nito dahil wala siyang pinagbabasehan, wala itong ebidensya na totoo ang mga sinasabi niya. Na baka nagkataon lang na alam nito ang lahat tungkol sa kaniya.

Iiwasan na sana niya ito ng tingin ngunit hindi na niya iyon natuloy nang hawakan siya nito sa braso, “Kilala ko kung sino ang makakatulong sa inyo,”

“At anong magiging kapalit? Hindi kita kilala, hindi mo ako kilala, paano ako maniniwala sa ‘yo?” agaran niyang sagot sa babae dahil pakiramdam niya’y inuubos lamang nito ang kaniyang pasensya upang masabi rin niya ang lahat rito.

Nakita niya ang malamig na usok na lumabas mula sa bibig nito nang ibuka nito iyon. Namumula na rin ang magkabilang pisngi nito senyales na hindi na rin nito kaya ang lamig dahil sa patuloy na paglakas ng pagbagsak ng mga niyebe.

“Kilala kita. Nang hawakan kita kanina ay nakita ko kung sino ka. Pagkatiwalaan mo lang ako, sasabihin ko sa ‘yo ang lahat ng kailangan mong malaman. Your life is in danger, maaaring ikaw o ang taong nasa katawan mo ngayon,”

~*~

“Nasaan ba tayo? Anong ginagawa natin sa ganitong lugar? Hindi naman mukhang eskwelahan ‘to, e,” reklamo ni Luke sa dalawang kasama habang naglalakad sa isang masukal na kagubatan.

Inilingan lamang ito ni Percy saka tumingin kay Safia, ang babaeng may lilang mata na kasabay nilang naglalakad ngayon. Nang araw na iyon ay nagdesisyon rin kaagad si Percy na makisakay na lamang sa gustong mangyari ng babae dahil nais na rin niyang makabalik sa normal.

Nang sabihin niya rito na pumapayag na siya sa gusto nitong mangyari ay kaagad na sinabi sa kaniya ng babae na kailangan nilang tumungo sa isang lugar kung saan marami ang kapareho niya. Natatakot man ay wala na rin siyang nagawa dahil nakatatak na rin sa isipan ng binata ang nais nitong mangyari—ang makawala sa kakatwang sumpa na lumulukob nang paunti-unti sa kanilang pagkatao.

“Hindi bagay sa ugali niya ang mukha mo, sa totoo lang,” naiiling na sinabi nito sa kaniya habang diretso lang ang tingin nito.

Bahagya siyang natawa sa tinuran ng babae at nilibot na lang ng tingin ang buong paligid.

“Saan ba kasi talaga tayo pupunta?” tanong naman niya bago tiningala ang mga naglalakihang puno na nadaraanan nila, napapikit pa si Percy dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ngunit nang idilat niya rin kaagad iyon ay tila naging blangkong itim na bagay na naman ang kaniyang paningin.

Alam na niya sa kaniyang sarili na sa oras na iyon ay may makikita na naman siyang kung ano kaya natigilan siya sa paglalakad. Nakaramdam siya ng lamig na bumalot sa kaniyang braso bago unti-unting sumulpot ang isang senaryo sa kaniyang isipan.

Isang malaki at mataas na gusali ang kaniyang nakita kung saan maraming nga taong kasing-edad lamang nila na nakasuot ng isang itim na mahabang damit habang ang panloob ay isang tsokolateng maong na hanggang tuhod at pulang pang-itaas naman. Ang mga suot nito ay isang sapatos na umaabot hanggang tuhod at maayos ang pagkakatali ng mga buhok nga mga babae. Sa senaryong iyon ay tila naroon siya sa lugar na iyon at pinagmamasdan ang lahat habang naglalakad, ngunit ang mga ito ay hindi bumabaling ng tingin sa kaniya. Maya-maya pa, sa gitnang parte ng gusali kung saan natatapat ang isang malaking estatwa ng ‘di malaman kung anong nilalang, tumambad kay Percy ang isang babaeng nakasuot naman ng pulang kapa at itim naman ang panloob nito. Ang mga mata nito ay purong pula na nagmimistulang dugo sa paningin niya. Akma siyang hahawakan nito kaya mabilis ang pag-atras niya at kasabay no’n ay ang unti-unting paglaho ng senaryong iyon sa kaniyang isip.

Mabilis at mabigat ang kaniyang paghinga nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Sa pagbaling niya ng tingin kay Safia at Luke, namataan niya na ang malamig palang bagay na bumabalot sa kaniyang braso ay ang kaliwang kamay ni Safia.

Taka niya itong tiningnan na tila binabasa ang iniisip ng babae, “Ano…iyon?” putol-putol niyang tanong sa babae dahil sa paghahabol ng hininga.

Binitiwan siya ng babae saka nagpatuloy na sa paglalakad kaya sinundan niya ito.

“Pinakita ko lang sa ‘yo ang pupuntahan natin,” simple nitong sinabi sa kaniya, si Luke ay nauuna nang maglakad sa kanila na parang wala itong kasama.

Napakamot sa ulo si Percy dahil hindi niya talaga naiintindihan ang mga salitang bininitiwan nito.

“Mukhang gubat ang lugar na nakita ko pero sa ganitong lugar?” huminto siya at nilibot ang tingin sa paligid, “Wala namang malaking gusali rito, at ‘yong mga tao? Paanong—”

“Huwag ka na ngang maraming tanong. Nandito na tayo,” putol nito sa sasabihin niya saka huminto sa paglalakad, nakaharap ito sa isang malaking puno.

Taka niyang tiningnan ang babae dahil sa pagiging werdo nito. Sinuri niya rin nang maayos ang paligid at tila hinahanap ang lugar na tinutukoy nito ngunit wala talaga siyang makitang iba kung ‘di mga puno lamang.

“Hoy! Ano bang ginagawa niyo diyan? Bilisan na natin!” sigaw sa kanila ni Luke na ‘di gaanong malayo na sa kanila.

Nilingon niya ito at sinenyasan na bumalik muna bago muling bumaling kay Safia na may kung ano nang binubulong.

“Cinis de memorias, non videbit. Arce vitae videbis me,” malumanay ngunit mabagal nitong sambit sa hangin.

Matapos nitong banggitin iyon ay isang nakabubulag na ilaw ang sumalubong sa kanilang mga mata at nang mawala ito ay nagbago ang parteng iyon na nasa harapan nila.

Isang napakataas na gate ang tumambad sa harapan ng tatlo. Konkreto ito at makapal na bakal ang lagusan na siyang nagsisilbing pinto papasok sa kabilang dulo nito.

Walang anu-ano’y diretsong naglakad patungo sa loob si Safia upang makapasok. Nais mang tumunganga muna ni Percy dahil sa pagkamangha ay sinundan na niya rin ang dalaga habang si Luke ay tila isang batang nagugulat pa rin sa mga nangyayari. Nang tuluyan nang makapasok ang tatlo ay naghari ang pagkamangha sa kanilang isipan maliban na lamang kay Safia.

Napakaganda ng lugar kung nasaan sila. Hindi mawari ni Percy kung bakit parang napakapamilyar sa kaniya ng lugar na iyon, saka lamang niya naalala ang nakita niya kanina lamang nang hawakan siya ni Safia. Para itong kastilyo ngunit may modernisadong hitsura pa rin ito. Sa harap nito ay naroon ang gawa sa seda na tela na naglalaman ng isang sigil. Nakasabit ito, dalawa sila’t nasa magkabilaang parte ng harap ng kastilyo.

“Iyan ang sigil ng Arce Vitae,” nakangiting sinabi ni Safia sa dalawa habang nakatingin rin sa nasabing tela.

“Anong Arce Vitae?” walang muwang na tanong ni Luke sa babae habang nakatingala rin sa bagay na iyon.

“Castle of Life. Dito ako naninirahan. Minsan lang ako lumabas ng kastilyo kapag kailangan na talaga,” paliwanag nito sa dalawa at nagpatuloy na sa paglalakad nang hindi nakasunod si Percy.

Nanatili pa rin itong nakatitig sa sedang tela na iyon na tila kinakabisa bawat disenyo ng nasabing sigil. Isang babaeng may korona. Napapalibutan ito ng apoy at sa ibaba nito ay may mga dahong hugis apoy. Kung susulyapan lamang ito ay simple lang ang makikita rito ngunit kung titingnan naman ito nang mabuti ay tila may hiwagang nakapalibot sa buong sigil lalo na sa leong iyon.

“Sino ka?”

Napukaw ang isipan ni Percy nang makarinig siya ng boses ng babae sa kaniyang likuran. Mabilis ang kaniyang naging lingon rito at tumambad sa kaniya ang babaeng may maputlang kulay. Ang kasuotan nito ay kaparehong-kapareho ng nasa pangitain niya kanina lamang. Asul ang kaliwa nitong mata at berde naman ang nasa kanan.

Nang makita siya nito ay napansin kaagad niya ang bahagyang pag-atras nito palayo sa kaniya kaya nangunot ang kaniyang noo.

“P-paanong…paanong nakapasok ka rito? Sino ka?!” sigaw nito sa kaniya na siyang ikinagulat niya.

Akmang bubuka na sana ang bibig ni Percy upang magpaliwanag ngunit napigilan na iyon ng isang asul na liwanag na nagmumula sa mga kamay ng babae saka iyon itinutok sa kaniya.

“Sabihin mo sa ‘kin, paano ka nakapasok rito? Mga kampon lamang ni Ferocé ang may ganiyang kulay ng mga mata! Sabihin mo kung ayaw mong makitil kaagad ang buhay mo!”

Sa isang iglap ay biglang nagningas ang liwanag na nasa kamay nito at tila naging apoy. Mabilis na ang paghinga ni Percy at nais nang sumigaw upang humingi ng tulong ngunit hindi siya makagalaw. Tila pinipigilan nito ang kaniyang pagkilos!

“M-magpapaliwanag ako—”

“Magtigil ka! Huwag mo nang subukang kumawala dahil mahihirapan ka lang!”

“Taliya, itigil mo ‘yan!” agad ang pagsulpot ni Safia kung nasaan ang dalawa dahil sa naramdaman niyang paglabas ng isang pwersa mula sa mga ka-uri niya at tama nga siya.

Nakita ni Percy kung paano mabilis na tinakbo ng babae ang pagitan nila at ang pagharang nito sa kaniyang harapan.

“Anong ginagawa mo, Safia?”

“Kasama ko siya kaya itigil mo na ‘yan. Hindi mo dapat ipinapakita iyan sa isang taong katulad niya!”

Nanatili lang na nakikinig si Percy sa dalawa dahil wala naman siyang ideya sa tinutukoy ng mga ito. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang kaniyang mga paa at kamay kasabay ng paglapit sa kaniya ni Luke.

“Anong nangyari?” tanong kaagad sa kaniya nito na inilingan na lamang niya saka bumaling sa dalawa.

Wala na ang kakaibang liwanag ng apoy na iyon sa kamay ng babaeng iyon na tinawag ni Safiya sa pangalang Taliya, ngunit malalim at matalim pa rin ang tingin na ipinupukol nito sa kaniya.

“Hindi mo dapat sila isinama rito, Safiya. Nararamdaman kong kampon sila ni Ferocé,” dinig ni Percy at Luke na sinabi ng babaeng iyon kay Safia bago sila muling tiningnan nang matalim.

“Hindi sila kampon ni Ferocé. Kailangan nila ang tulong natin upang makawala sila sa sumpa nito, Taliya. Maaari nilang ikamatay ang mga susunod na makikita ng isa sa kanila kapag hindi kaagad sila nakabalik sa dati,”

Sa puntong iyon, napagtanto na ni Percy at Luke kung ano ang ibig sabihin ng matandang kumausap sa kanila nang gabing iyon. Kamatayan.


Related chapters

  • Sight of Soul   Kabanata 4

    Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 5

    Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 6

    Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

    Last Updated : 2021-07-02
  • Sight of Soul   Kabanata 7

    Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 8

    Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 9

    Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 10

    Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Simula

    Simula“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Percy. Maaayos natin ‘to, huwag mo na lamang silang pansinin. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa kanila,” maluha-luhang pagmamakaawa ng ina sa anak nitong si Percy, ngunit nanatiling walang kibo ang huli.Tila wala itong naririnig na pagsusumamo mula mismo sa kaniyang ina na halos lumuhod na sa kaniyang harapan. Tanging galit at poot na lamang ang bumabalot sa pobre niyang puso dahil sa mga nararanasan niya mula sa mga kamag-aral sa kolehiyo. Ang kaisa-isang bagay na lamang na nais niya ay magpakamatay dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niya ito.“Huwag mong gawin ito, anak. Ikaw na lang ang natitira sa ‘kin..” sambit pa nito sa nanginginig na boses.Pinakatitigan ni Percy ang kaniyang ina at ang lubid na hawak niya. Nais na niyang matahimik ang kaniyang buhay at sa tingin niya ay kamatayan lang ang tanging

    Last Updated : 2021-05-20

Latest chapter

  • Sight of Soul   Kabanata 10

    Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”

  • Sight of Soul   Kabanata 9

    Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy

  • Sight of Soul   Kabanata 8

    Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya

  • Sight of Soul   Kabanata 7

    Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy

  • Sight of Soul   Kabanata 6

    Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

  • Sight of Soul   Kabanata 5

    Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw

  • Sight of Soul   Kabanata 4

    Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d

  • Sight of Soul   Kabanata 3

    Kabanata 3Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.Matagal nang panahon mula noong hu

  • Sight of Soul   Kabanata 2

    Kabanata 2“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan,

DMCA.com Protection Status