Home / All / Sight of Soul / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2021-05-20 22:00:38

Kabanata 2

“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.

“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.

Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.

Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan, pareho lang silang biktima ng isang misteryo.

“Hindi mo na ba kaya? Kamusta si Mama?” tanong sa kaniya ni Percy saka walang muwang na umupo sa ilalim ng malaking punong iyon kung saan nila nakita ang matanda.

Mabilis niyang nilingon si Percy, “Seryoso ka ba sa tanong mo? Bakit? Nagugustuhan mo na ba ang buhay ko kaya’t wala kang ginagawang paraan para bumalik ang lahat sa dati?” may halong pagbabantada boses niya.

Nakita niya ang pag-iling ni Percy kaya lumapit siya rito at tumabi sa inuupuan nitong kahoy.

“Buti ka nga, hindi mo nakikita ‘yong mga mangyayari sa paligid mo. Bago ako pumunta rito, may nakita akong aksidente sa utak ko. School bus at lahat ng estudyante, namatay. Hindi ko alam kung kailan mangyayari ‘yon pero kung hindi pa man nangyayari ang kaganapang iyon, gusto ko nang pigilan. Nakita ko kasi kung paano nagluksa ang mga pamilya ng mga namatay,” seryosong sinabi sa kaniya ni Percy, nakikinig lamang siya rito habang blangkong nakatingin sa kung saan.

“Minu-minutong umaatake. May mga magagandang bagay pero mas madalas ang trahedya. Hindi ko alam kung bakit sa ‘kin binigay ang bagay na ‘to. Siguro kasi akala ng may-ari nito, kaya kong pigilan ang mga mangyayaring trahedya, e wala naman akong magawa,” dagdag pa ni Percy bago ito tumayo at naglakad-lakad.

Sinundan ito ni Luke. Nakasunod lang siya habang nagtatago sa jacket na may hood na iyon na binigay nito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong iisipin niya; kung ang paraan kung paano sila makakabalik sa kaniya-kaniyang katawan o ang sinabi nito sa kaniya. Kung tutuusin ay wala naman iyon sa kaniya dahil wala naman talaga siyang pakialam sa lalaking ito, ngunit hindi niya maiwasang magtanong; bakit sa kanila ito nangyari?

Habang naglalakad ang dalawa patungo sa kung saan, biglang natigilan si Luke nang maramdaman na naman niya ang matinding kirot na iyon sa ulo niya. Huminto siya at pumikit nang mariin.

“T-teka lang, ‘tol,” tawag niya kay Percy na agad namang nilingon siya.

“Bakit? Anong nangyayari sa ‘yo?” takang tanong ni Percy sa kaniya bago siya nito nilapitan.

Hindi na makasagot si Luke dahil sa matinding kirot na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay binibiyak ang kaniyang ulo at para na naman siyang masusuka. Simula nang umuwi sila galing ospital ay bigla-bigla na lang itong umaatake. Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na nakatulog siya sa banyo ng sariling kuwarto nang umatake ito at hindi niya nakayanan. Wala siyang ideya kung bakit nangyayari ito kaya hindi na rin niya sinabi sa kahit na sino.

“‘Y-yong ulo ko… teka..” nanginginig na sambit niya.

Paulit-ulit na siyang nagmura hanggang sa unti-unting mawala ito. Nang imumulat na niya ang kaniyang mga mata ay siya namang paghawak sa kaniya ni Percy na bigla ring natigilan dahil sa nakita niya.

       WALA sa sariling nakatingin lang si Percy sa harap ng salamin ng kaniyang kuwarto—na kuwarto talaga ni Luke. Kanina pa niya tinititigan ang mga mata niyang mayroon nang dalawang kulay samantalang dati ay iisa lang ang kulay nito; brown lamang, pero ngayon ay berde at abo na. Nahihiwagaan siya sa mga nakikita niya pero mas nahihiwagaan siya sa kaniyang hitsura ngayon. Nais niyang takpan ito ngunit hindi niya alam kung paano.

“What’s wrong? Kanina pa nakatulala diyan,”

Halos mapasigaw siya sa sobrang gulat nang biglang sumulpot sa gilid niya si Arcadia. Nagtataka na siya sa babae kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ito, ngunit hindi naman niya magawang magtanong dahil wala naman siyang karapatan.

Nilingon niya ito saka nahihiyang umiling, “Nag-iisip lang ako kung paano ko tatakpan itong mga mata ko,” mababa niyang sagot sa babae.

Maya-maya pa ay mas lumapit ito sa kaniya at may kung anong kinuna sa drawer na nasa gilid ng salamin. Ilang segundo lang ang lumipas nang humarap ito sa kaniya at may iniabot na maliit na lalagyan.

“Makakatulong ‘yan,” nakangiting sinabi nito sa kaniya.

Nagdalawang-isip pa siya kung kukunin niya ba iyon pero sa huli ay tinanggap na rin niya. Binuksan niya ang lalagyan na iyon saka tumambad sa kaniya ang dalawang pares ng contact lens. Nilingon niya si Arcadia at nahihiyang ngumiti.

“Hindi ako marunong maglagay nito, e,” pagtatapat niya sa babae na nginitian lang siya at kinuha rin ang lalagyan sa kaniya.

“Ako na, upo ka diyan,” walang anu-anong sinabi nito.

Sumunod naman kaagad siya at tiningala ang babaeng nasa harapan na niya. Naghahanda na itong ilagay iyon sa mga mata niya kaya napatitig na lamang siya rito.

“Huwag kang pipikit, a,” halos pabulong nitong sinabi sa kaniya saka yumuko na sa harapan niya upang ilagay sa mga mata niya ang contact lens na iyon, ngunit hindi pa nga ito nagtatagal nang ilang segundo sa mga mata niya ay pakiramdam niya’y unti-unting sinusunog ang mga mata niya.

“Ah!” impit na sigaw niya nang maramdaman ang matinding sakit at init sa mga mata niya.

Sinubukan niyang imulat ang kaniyang mga mata ngunit wala siyang makita! Marahas siyang napatayo mula sa kinauupuan nang mas tumindi pa ang init na kaniyang nararamdaman mula sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya’y may sumusunog rito!

“A–ah! T-tanggalin mo! H-hindi ko na kaya! Ahhh!” maluha-luhang sigaw niya kay Arcadia dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

“W-wait! Oh my god! I’m sorry, what should I do, Percy?” kinakabahan at nag-aalalang tanong sa kaniya ni Arcadia, naramdaman pa niya ang paghawak nito sa braso niya.

Napapikit siya nang mariin at sinubukang alisin sa mga mata niya ang contact lens na iyon. Nang magtagumpay siyang matanggal ito ay kaagad na nawala ang init na nararamdaman. Kasabay no’n ay mabilis niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nakahinga siya nang maluwag nang lumiwanag at malinaw na ang kaniyang paningin. Kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata si Arcadia na nakatulala sa kaniya.

“I-m sorry, Percy… hindi ko alam..”

“Ayos lang, wala ‘yon,” halos pabulong niyang sinabi dahil na rin sa panghihina.

Napatitig si Percy sa contact lens na iyon. Isa lang ang ibig sabihin ng nangyari; hindi—ayaw ipatago ng kung sino ang hiwagang nasa mga mata niya. Maaaring hindi na siya magkaroon ng pangitain kapag tinakpan niya ito ngunit maaari rin niyang ikabulag iyon. Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Nang hapon na iyon ay nagdesisyon si Percy na puntahan si Luke sa bahay nila. Ayaw man niyang lumabas dahil baka kung ano na naman ang makita niya ay hindi niya puwedeng gawin ‘yon. Bukod sa kailangan niyang bantayan ang mga galaw ni Luke hinggil sa kaniyang ina, kailangan rin niya itong paalalahanan sa mga maaaring mangyari lalo pa’t patindi nang patindi ang mga nakikita niya. Isa pa, may usapan sila ni Luke noong bago ito umalis kahapon sa bahay niya na hahanapin nila ang matandang iyon na nagbigay babala sa kanila kamakailan lang.

“Ibigay mo na sa ‘kin ‘yan!”

Naputol ang pag-iisip ni Percy nang makarinig siya ng isang impit na sigaw mula sa ‘di kalayuan kung saan siya naglalakad. Nang hanapin niya ang pinanggalingan ng boses na iyon ay nakita niya ang isang lalaking may hawak na kulay pink na tsinelas at isa namang umiiyak na babae.

“Sumama ka muna sa ‘kin sa bahay. Birthday ko ngayon, ayaw mo bang kumain ng mga handa ko?” may halong pagsusumamo ang boses ng batang lalaki nang sabihin niya iyon.

Nakatayo lamang si Percy sa isang gilid roon habang pinagmamasdan ang dalawa. Bigla niyang naalala ang kababata niyang iniwan siya nang walang paalam sa kadahilanang sa ibang bansa na ito mag-aaral.

Kasabay ng pagsungaw ng ngiti sa mga labi ni Percy ay ang panlalabo na naman ng mga mata niya at ang pagpatay-sindi pa no’n. Muntik pa siyang mawalan ng balanse nang mga oras na iyon. Maya-maya pa, nagmistulang recording video na naman ang paningin niya kung saan nakita niya ang imahe ng batang lalaki at batang babae, ngunit may edad na ang hitsura nito. Nakasuot ng maternity dress ang babae habang akay siya ng lalaki na sa palagay niya’y asawa nito. Bago pa man mapangiti si Percy ay unti-unti nang naglaho ang senaryong iyon at mabilis na napalitan ng ibang senaryo kung saan nagsilang na ang babaeng iyon ng isang pares ng kambal.

Nakaramdam siya ng ginhawa sa kaniyang puso matapos ang pangitain na iyon sa dalawang batang nag-aaway sa harapan niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman; kung tuwa ba o mas mag-aalala pa dahil alam niya sa sarili niyang hindi iyon palagi mangyayari.

Iwinaksi na lamang ni Percy ang mga iniisip saka pumara na ng taxi nang tuluyan na siyang makalabas sa subdivision.

Ilang minuto lang ang naging byahe niya at ‘di rin nakaligtas ang driver ng taxi na sinakyan niya sa kaniyang pangitain nang mga oras na iyon. Nakita na lamang niya ang walang kamuwang-muwang na taxi driver sa kaniyang vision na nagmamakaawa sa presinto habang humahagulhol ang limang mga anak nito at ang kaniyang asawa. Gusto pa sanang alamin ni Percy kung anong nangyari ngunit mabilis rin iyong naglaho kaya napailing siya’t sinulyapan ang tahimik na driver na halatang may edad na.

Nang ihinto nito ang taxi kung saan siya bababa ay humugot siya ng dalawang libo sa wallet saka inabot rito. Bakas pa sa mukha ng driver ang pagtataka.

“Sir, isang daan lang po,” mababang sinabi nito sa kaniya.

Ngumiti na lang si Percy saka inilapag iyon sa dashboard nito, “Pakainin niyo ho ng masarap na hapunan ang lima ninyong mga anak at ang asawa niyo, ‘Tay. Mag-iingat po kayo,” pinal na sinabi niya rito saka binuksan na ang pinto ng taxi.

“Teka, Sir paano niyo po nalaman?”

Nilingon niyang muli ito nang may malawak na ngiti, “Mag-ingat po kayo sa pagmamaneho. Gabi na ho,” paalam niya rito saka marahan nang sinara ang pinto.

Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa bahay nila nang walang patid ang kaniyang ngiti. Sakto namang nakasalubong na niya si Luke na palabas ng iskinita kaya sumabay na siya rito.

“Pinakain ko na ang Mama mo,” malamig na bati sa kaniya ni Luke kaya napatango siya.

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa lalaki, hindi siya nito nilingon at sumagot lang,

“Hahanapin natin ‘yong matanda, ‘di ba?” sambit pa nito kaya sinundan na lamang niya ito sa paglalakad.

Minsan ay gusto niyang basahin kung anong nasa isip ng lalaking ito. Sa t‘wing makikita niya kasi ito ay blangko lang ang ekspresyon at tahimik na tila laging malalim ang iniisip, ngunit naisip niya na huwag na lamang mag-usisa dahil hindi naman sila close ng estranghero. Marahil ay gano’n pa rin ang tingin nito sa kaniya.

Ilang oras na silang naglalakad hanggang sa mapadpad na naman sila sa malaking punong iyon. Saglit lang silang nagpahinga roon bago naglakad-lakad muli nang bigla na lamang maramdaman ni Percy ang paghinto ni Luke sa paglalakad. Narinig pa niya itong tinawag siya kaya mabilis niya itong nilingon.

Tumambad sa kaniya ang maputlang kulay ni Luke habang nakahawak sa ulo nito at paulit-ulit na sinasambit ang ulo niya. Tila labis ang nararamdaman nitong sakit base sa nakikita niyang ekspresyon nito kaya napahawak na lamang siya sa balikat nito, ngunit hindi pa nga nagtatagal ang pagkakahawak niya roon ay inialis niya rin kaagad iyon dahil sa nakita.

Kumalampag nang husto ang puso ni Percy nang saglit na nakita niya sa kaniyang vision ang sariling katawan. Nakapikit na parang natutulog sa isang putting higaan habang may nakakabit na tubo sa bibig niya. Saglit lamang ang pangitain na iyon kaya’t agad siyang nanghina dahil hindi niya nakuha ang sagot sa tanong niya. Bakit ako nakaratay sa ospital?

~*~

“Hindi ko alam kung paano ka naging kaibigan ng anak ko pero salamat sa ‘yo, hijo. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng kaibigan,” nagagalak na sinabi ng kaniyang ina sa kaniya—sa katawan at mukha ni Luke na ngayon ay nasa labasan.

Pinakatitigan ito ni Percy nang mabuti. Bakas sa mukha nito ang katandaan ngunit kitang-kita pa rin ang kagandahang taglay at busilak na kalooban na dahilan kung bakit ito minahal ng kaniyang ama.

Ilang araw na niya itong hindi nakakasamang kumain at natutulungan sa mga gawaing bahay dahil na rin sa nasa katawan pa siya ni Luke. Nais man niya itong samahan o ‘di kaya’y sa bahay na lamang manatili ay alam niyang hindi maaari dahil baka magtaka pa ito. Hindi nito maaaring malaman ang nangyari sa kaniya dahil ayaw niyang madamay pa ito kung sakali.

Inabot niya ang mga kamay ng kaniyang ina at pinisil iyon nang marahan bago ngumiti.

“Wala po ‘yon, Aling Mercedes. Mabuting tao ho ang anak ninyo at hindi niya kailan man kasalanan ang pagkakaroon ng gano’ng hitsura,” malawak ang ngiti niya nang sabihin iyon.

Nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata ng ina na tila nagbabadya sa pagluha. Gumanti ito ng pagpisil sa kaniyang mga kamay kaya napangiti siya.

“Mabait na bata iyong si Percy. Lagi kaming sabay na kumakain no’n, palagi rin niya akong tinutulungan sa gawaing bahay pati na sa pagtitinda ng mga kakanin sa labas, pero simula noong maaksidente siya’t magising, pakiramdam ko, hindi na siya ang anak ko. Naku! Namimiss ko na ang paglalambing ng isang iyon sa ‘kin,” maluha-luha nitong kuwento sa kaniya kaya natigilan siya.

Humigpit ang hawak niya sa mga kamay nito kasabay ng pagkadurog ng puso niya. Pakiramdam niya ay may libo-libong kutsilyong sabay-sabay na tumarak sa kaniyang dibdib nang marinig niya iyon. Sinundan pa niya ito ng tingin nang mabilis na magpunas ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Tila nababasag nang paunti-unti at dahan-dahan ang puso ni Percy habang nagkukuwento ang kaniyang ina tungkol sa nagbagong ugali nito. Nais mang sisihin ni Percy si Luke dahil sa kagaspangan ng ugali na ipinapakita nito sa kaniyang ina ay hindi niya magawa. Wala siyang magawa kung ‘di tiisin na lamang muna ang sakit na iyon hanggang sila ay makabalik.

Unti-unti niyang binitiwan ang mga kamay nito at akma nang yayakapin nang bigla na lamang manlabo muli ang kaniyang mga mata. Nagmistulang punding ilaw na naman na patay-sindi ang kaniyang paningin at mabilis na rumehistro sa kaniyang utak ang isang senaryo kung saan kasama ang kaniyang ina.

Kumunot ang noo ni Percy habang kumakalampag nang husto ang kaniyang puso dahil sa takot na baka isang trahedya ang nasa pangitain niya tungkol sa kaniyang ina. Pinipilit niyang dumilat dahil ayaw niya itong makita ngunit hindi niya magawa! Tila may kumokontrol sa buong katawan niya nang mga oras na iyon.

“Luke hijo, anong nangyayari sa ‘yo?” dinig niyang usisa sa kaniya ng kaniyang ina ngunit hindi niya ito nasagot.

Sumikdo ang kaniyang damdamin nang makita niya mismo ang panginginig ng katawan nito habang nakahiga sa isang sahig ng isang establisyemento. May lumalabas na dilaw na likido sa bibig nito at maya-maya pa ay natigil na ito sa panginginig. May mga taong blurred ang mukha ang tumulong upang gisingin ang kaniyang ina ngunit hindi na ito rumeresponde. Maya-maya pa ay unti-unti na iyong nawala kasabay ng pagmulat ng mga mata niya. Anong nangyari? Anong mangyayari?—mga tanong ni Percy sa kaniyang isipan na hindi siya sigurado kung masasagot pa ba iyon.

“Hijo, ayos ka lang ba?”

Natuon ang pansin niya kay Aling Mercedes kaya agad niya itong niyakap nang mahigpit. Patuloy sa pagkalabog ang dibdib niya. Mas lalong nawawarak ang kaniyang puso sa naging pangitain. Gusto niyang pumalahaw ng sigaw! Gusto niyang magwala dahil sa nakita! Wala siyang ideya kung anong dahilan bakit gano’n ang nakita niya—bakit ang kaniyang ina pa?

“S-sorry po, sorry po talaga…” bulong niya rito at mas hinigpitan pa ang yakap.

Matapos nilang mag-usap ay hinayaan na niya itong magpahinga sa sarili nitong kuwarto. Pagod at wala sa sarili siyang naglakad palabas kung saan nadatnan niyang nakaupo si Luke sa may maliit na kubo roon habang nakapatong ang ulo sa isang lamesita. Kaagad niya itong nilapitan at umupo sa kaharap nitong upuan.

“Sasama ka ba? Hahanapin ako ang matandang iyon ngayon,” malamig na untag niya sa lalaki na nag-angat kaagad ng tingin sa kaniya.

“Bukas na lang, inaantok na ako,” tamad na sinabi nito sa kaniya kaya napailing siya.

“Sige, ako na lang,” naiinis na sinabi niya saka mabilis na tumayo.

Bago pa siya makahakbang ay nagsalita na ito kaya ibinaling niya kaagad ang tingin rito.

“Tanga ka ba? Maghahanap ka ngayong gabi? May bukas pa, Percy,” mayabang na sinabi nito sa kaniya kaya mas lalong nag-alab ang galit niya para sa lalaki.

“Sa tingin mo, kaya ko pang ipagpabukas ‘to kung alam kong sasaktan mo na naman ang magulang ko? Hindi ko na puwedeng ipagpabukas ‘to, Luke dahil sinisira mo na ang imahe ko sa mata ng mga magulang ko!” hindi na niya napigilang sigaw rito.

Bakas sa mukha ni Luke ang pagkalito dahil sa inasal ni Percy ngunit walang pakialam rito ang huli.

Nais na niyang bumalik sa dati! Nais na niyang alagaan ulit ang kaniyang kawawang ina. Nang makita niya ang mukha nito kanina ay bakas na bakas roon ang pagod at pangungulila sa kaniya, ngunit wala man lang siyang magawa, lalo pa nang magkaroon siya ng pangitain tungkol rito. Hindi niya alam kung kailan iyon mangyayari kaya’t nais niyang bantayan ito nang mabuti.

“Teka, ano bang sinasabi mo?” takang tanong ni Luke sa kaniya saka ito tumayo at hinarap siya. “Nababaliw ka na ba? Ni hindi ko nga kinakausap ang nanay mo, e!”

“Hah! Wala ka bang mga magulang kaya ganiyang ang ugali mo? Na imbes na alagaan mo muna iyong tao dahil ikaw ang gumagamit ng katawan ko, e sinasaktan mo pa? Hindi mo pa ba nararanasang mag-alaga ng sarili mong ina kaya ganiyan ka? Ano, Luke?! Kaya ba ganiyan ka dahil wala nang kumakalinga sa ‘y—”

“Tumigil ka na,” pigil nito sa sasabihin niya kaya sarkastiko siyang tumawa.

Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin kaya nasuntok na lamang niya ang lamesitang iyon na nasa harapan lamang nilang dalawa. Gusto niyang magmura at ilabas lahat ng galit rito ngunit hindi niya magawa. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang magawa!

“Pakiusap, Luke…habang nasa katawan ko ikaw, paki-alagaan naman. Ako na ang nagmamakaawa sa ‘yo, alagaan mo siya. Kung wala ka nang mga magulang, puwede mo naman siyang ituring na nanay mo, e. Nakita kong...nagkaroon ako ng pangitain sa tungkol sa kaniya. Mamamatay siya, Luke kaya pakiusap, habang ikaw ang nasa katawan ko, iparamdam mo sa kaniya ang pagiging anak mo…” pagsusumamo niya rito at tuluyan na nga siyang humagulhol.

Related chapters

  • Sight of Soul   Kabanata 3

    Kabanata 3Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.Matagal nang panahon mula noong hu

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 4

    Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 5

    Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 6

    Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

    Last Updated : 2021-07-02
  • Sight of Soul   Kabanata 7

    Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 8

    Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 9

    Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 10

    Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”

    Last Updated : 2021-07-04

Latest chapter

  • Sight of Soul   Kabanata 2

    Kabanata 2“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status