Home / All / Sight of Soul / Kabanata 4

Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2021-05-20 22:02:44

Kabanata 4

Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.

“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.

Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya dahil hindi siya rito nakatingin. Nanatili lamang ang atensyon niya sa malaking kastilyong nasa harapan nila, ang mga iilang taong sumusulyap sa kanila.

“Humingi lang ng pasensya tungkol sa nangyari,” kaswal na sagot sa kaniya ni Percy kaya natawa siya.

Walang gana niyang tinanggal sa ulo niya ang hood ng jacket na iyon saka nilingon ang lalaki. Gusto niyang mamangha dahil sa hitsura ng sarili niyang mukha. Bukod sa madilim ang awrang pumapalibot rito, tila unti-unting pumupusyaw ang magkaibang kulay na ‘yon ng kaniyang mga mata.

“Sinong mamamatay sa ‘ting dalawa?” blangko niyang tanong sa lalaki na halata ang pagkagulat sa kaniyang sinabi.

Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya saka umiling, “Hindi ko alam, Luke,”

“Bakit? ‘Di ba nakikita mo ang mga mangyayari? Anong nakita mo noong hinawakan mo ‘ko nang araw na ‘yon? Ako ba ang mamamatay sa ‘ting dalawa?” sunod-sunod na tanong niya rito.

Hindi niya nais na kulitin ito tungkol sa mga mangyayari dahil wala naman talaga siyang pakialam pero pakiramdam niya, hindi niya kayang manatiling bulag na lamang sa mga nakikita nito sa paligid lalo pa‘t malinaw niyang narinig ang sinabi ni Safiya kanina; isa sa kanila ang maaaring mawala.

“Huwag mo nang alamin, Luke. Magpasalamat ka na lang dahil hindi mo nakikita ang mga nakikita ko,” pinal na sinabi sa kaniya ni Percy saka ito tumalikod sa kaniya.

Hahablutin na niya sana ang braso nito ngunit natigil lang iyon nang biglang may tatlong babae at dalawang lalaking lumapit sa kanilang dalawa. May mga suot itong itim na kapa, pulang pantaas at tsokolateng pambaba at ang mga sapatos nito‘y abot hanggang tuhod.

Agad na tumayo ang dalawa habang naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Kaysa sa kaniya, mas malalim at matalim ang tingin ng mga ito kay Percy kaya mas lalong umuusbong ang kaniyang kyuryusidad patungkol sa kanilang sitwasyon.

“Kailangan niyong sumama sa ‘min,” malalim na wika ng isang babaeng nasa gitna na tila ito ang lider sa kanilang lima.

Nangunot ang noo ni Luke, “Paano kung ayaw namin?”

“Luke…” dinig niyang pigil sa kaniya ni Percy kaya mas lalo siyang nainis.

“Sasama kami,” wika naman ni Percy bago pa siya makapalag.

Maya-maya pa, tuluyan na silang iginiya ng mga ito papasok sa kastilyong kanina pa nila tinititigan. Pagkapasok na pagkapasok nila sa malaking kastilyo ay nabalot kaagad sila ng takot at panlalamig dahil sa hitsura nito. Purong itim ang kulay nito sa loob na kung wala ang mga apoy na iyon sa bawat malalaking posteng kanilang madaraanan ay wala silang makikita sa kanilang paglalakad.

Tahimik lang silang dalawa na pinagmamasdan ang buong looban nito habang naglalakad hanggang sa makarating sila sa isa pang pinto na wala ni isa sa kanila ang may alam kung anong mayroon roon.

Nang buksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ay tumambad sa kanila ang malawak na kagubatan at ang mga taong kapareho ng mga suot nito na kung bibilangin nang mabuti ay sa tingin nila‘y nasa daan-daang kabataan iyon.

“Anong mayroon rito?” mga salitang namutawi sa bibig ni Luke habang kabig-kabig siya ng isa sa tatlong babaeng nagdala sa kanila roon, ngunit wala siyang natanggap na sagot kaya‘t nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

Bawat hakbang nila‘y tila hindi iyon pinapalagpas ng mga matang nakatingin sa kanila. Gaya ng mga tingin ng mga nauna sa kanila, gano‘n rin ang tingin na ipinupukol ng mga ito kay Percy kaya labis na ang pagtatakang nararamdaman niya.

Maya-maya pa, tumatakbong lumapit sa kanila si Safiya kasama ang babaeng iyon na nagngangalang Taliya.

“Sagutin niyo lang nang maayos ang mga tatanungin niya sa inyo, hindi niya kayo gagalawin,” tila banta sa kanila ni Safiya kaya nangunot ang kaniyang noo. Anong sinasabi ng babaeng ‘to?

“Bakit? Sinong—”

Hindi na naituloy pa ni Percy ang dapat na sasabihin nang biglang kusang humiwalay ang mga tao sa pagkakadikit-dikit nito na parang may hangin na humawi sa gitna nito. Pinagmasdang mabuti ni Luke ang mga nangyayari lalo na nang dumako ang tingin niya sa gitna kung saan niya nakita ang babaeng may pulang kapa, itim ang pantaas at tsokolateng pang-ibaba. Ang sapatos nito ay hanggang tuhod rin, ngunit hindi roon natuon nang mabuti ang kaniyang atensyon kung ‘di sa mga mapupulang mga mata nito. Mapupusyaw iyon kaya halos iyon ang unang napapansin ng lahat, tila ito ang pinuno nilang lahat.

“Hayan na siya,” dinig niyang bulong ni Safiya.

Inabangan niya ang tinging ipupukol nito kay Percy at tama nga siya, gaya ng mga naunang tingin, gano‘n rin ang ibinigay na tingin ng babaeng iyon kay Percy.

Walang anu-ano‘y tuluyan na nitong nilapitan si Percy. Mabilis ang naging kilos nito nang hawakan nito ang kamay ng lalaki saka mariing pumikit, habang si Percy ay unti-unting nawawalan ng lakas.

Nagsimulang mag histerya si Luke sa kinatatayuan nang makita niyang nagsisimula nang manginig si Percy. Walang kahit na sino ang nais na pumigil sa babaeng iyon kaya‘t mabilis niya itong nilapitan saka marahas na itinulak.

“Luke!”

“Anong ginagawa mo?!” puno ng galit na sigaw niya sa babaeng may pulang kapa.

Nang magmulat ito at diretsong tumingin sa kaniya ay kamuntik na siyang mapaatras dahil sa biglaang pag-ilaw ng mga mata nito. Hindi na niya alam ang gagawin kaya‘t nilakasan na lamang niya ang kaniyang loob saka inakay si Percy na kamuntikan nang bumagsak sa lupa dahil sa nawalan ito ng malay.

“Hindi natin matutulungan ang mga taong ito, Safiya. Ilabas niyo na sila sa aking kaharian!” nahihindik na sinabi nito sa matinis na boses bago sila tinalikuran.

Bumaling ang tingin ni Luke kay Percy na wala pa ring malay bago itinuon ang tingin kay Safiya at sa babae.

“Pero, Satanya—”

Bago pa man maituloy ni Safiya ang sasabihin ay marahas itong lumingon sa kaniya saka pinukol siya ng matalim na tingin.

“Kung nais mong tulungan ang mga taong ‘yan, umalis ka na rito at huwag nang babalik pa.”

“Ngunit, bakit? Ganito rin ang nangyari noon nang tulungan natin ang isa sa mga biktima ni Ferocé bago mamatay si Zhask. Bakit ngayon ay hindi na—”

“Dahil ikamamatay ng lahat sa atin kung tayo ang kokontra sa sumpa kaya palabasin niyo na ang mga ‘yan ngayon din!” pinal na sinabi nito sa babae bago bigla na lang naglaho sa harapan nilang lahat.

Halos lumuwa ang mga mata ni Luke dahil sa nasaksihan. Ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng lakas dahil sa mga nasasaksihang misteryo, ngunit pinilit niyang lakasan pa ang loob sa kadahilanang kailangan na nilang makaalis sa lugar kung nasaan sila ngayon.

Bagsak ang balikat ni Safiya nang tingnan siya nito. Saglit na sinulyapan nito ang akay-akay na si Percy bago bumaling sa kaniya ng tingin. Hinintay niyang may sabihin ito ngunit tumango na lamang ito at tinulungan na siyang akayin ang lalaki.

Gabi na nang makalabas sila sa kagubatang iyon. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Ramdam ni Luke na hindi pa rin gigising sa mga oras na iyon si Percy kaya sinamantala na niya ang pagkakataong iyon upang makapagtanong kay Safiya habang hindi pa ito umaalis.

Marahan niyang ipina-upo ang wala pa ring malay na si Percy sa katawan ng putol na puno sa entrada ng kagubatan at isinandal rin mismo sa puno sa tabi nito. Matapos masigurong maayos ang kalagayan ni Percy ay saka lamang niya binalingan si Safiya na nakatalikod mula sa kanila.

Nilapitan niya ito. Handa na sana siyang magtanong ngunit naunahan na siya nitong magsalita.

“Hanapin ninyo si Ginoong Archilles sa lalong madaling panahon, Luke,” seryoso nitong sinabi sa kaniya nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

Nangunot ang kaniyang noo dahil sa binanggit nitong pangalan. “Ginoong Archilles?”

“Siya iyong matandang nagbigay sa inyo ng babala nang gabing ‘yon. Kailangan niyo siyang mahanap sa lalong madaling panahon dahil siya lang ang nakakaalam kung paano kayo mababalik sa dati lalo na si Percy,” puno ng pagbabantang sinabi nito sa kaniya.

Saglit na binalingan niya ng tingin si Percy saka muling tumingin sa babae, “Ano bang mayroon? Sabihin mo nga sa ‘kin, Safiya. Anong mangyayari kay Percy sa oras na hindi kami kaagad makabalik sa dati? Sino ang mamamatay sa ‘ming dalawa? Bakit sa amin nangyari ang kalokohang ‘to?” puno ng iritasyon na tanong niya sa dalaga.

Umiwas ito ng tingin sa kaniya at akmang magsasalita na kaya‘t inagapan niya kaagad iyon.

“Kailangan kong malaman! Paano ako makakatulong kung wala akong alam sa lahat ng nangyayari?” hindi na niya napigilang sigaw rito.

Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito ngunit hindi na niya iyon pinansin pa. Alam niya sa sariling niyang wala naman talaga siyang sapat na maitutulong, ngunit sa kabila noon ay nais pa rin niyang malaman ang lahat lalo na ang mga mangyayari pa sa mga susunod na araw. Pakiramdam kasi niya‘y habang tumatagal ay mas lalong kumakapal ang usok ng misteryos sa kanilang katauhan lalo na sa may-ari ng katawan kung nasaan siya ngayon.

Ilang saglit pang naghari ang katahimikan sa dalawa bago marahas na bumuntong-hininga si Safiya at simpleng tumingin sa kinaroroonan ni Percy.

Napailing siya at muling bumaling kay Luke, “Maaaring kuhanin ni Ferocé ang kaluluwa ni Percy dahil sa ito ang mas malakas ang katauhan kaysa sa ‘yo. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, isasagawa niya ang ritwal sa paghigop ng kaluluwa ni Percy at sa mga oras na ‘yon, kung ano man ang huling magiging pangitain niya ay iyon ang magdadala sa kaniya sa kabilang mundo…kung saan naroon ang mga naging biktima na ni Ferocé, ngunit kung bibilisan niyo ang pagkilos at mahahanap ninyo kaagad si Ginoong Archilles bago sumapit ang kabilugan ng buwan, mapuputol ang sumpa at kusang matitigil ang ritwal,” puno ng pag-aalalang paliwanag nito sa kaniya dahilan para tuluyan nang bumagsak ang kaniyang balikat.

Tatlong araw na lang bago sumapit ang kabilugan ng buwan…

~*~

Namimigat ang mga matang iminulat iyon nang dahan-dahan ni Percy. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang naiwang bigat ng kamay na humawak sa kaniyang kaliwang kamay kanina lamang kaya napapangiwi na lamang siya. Nang tuluyan na siyang magising mula sa mabigat na pag tulog ay tumambad sa kaniya ang isang abandonadong silid-aklatan na may mataas na istante ng mga ibro sa pinakagitna.

Madilim ngunit tama lang ang liwanag mula sa bilog na buwan upang makita niya ang kalumaan ng silid maging ang mga alikabok at sapot ng mga gagamba rito. May mga iilan rin siyang aklat na nakita sa istante ngunit hindi siya sigurado kung maayos pa iyon.

Sa pag-aakalang kasama pa niya si Luke at Safiya at sa loob lamang ito ng kastilyo ay hindi na siya lumingon pa sa likuran.

“Bakit nandito tayo?” walang muwang na tanong niya sa hangin saka nilapitan ang mga lumang aklat na maayos pang nakahilera sa ibabang bahagi ng istante nito.

Kumuha siya ng isa roon at pinagpag na lamang ang mga alikabok na bumabalot sa libro. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa pamagat na nakapaloob sa libro bahagyang nagulat siya.

Pabulong niyang binasa ang pamagat habang dinadama ito ng kaniyang mga daliri.

“Arce Vitae…” bulong niya bago natigilan,

“Ito iyong nakalagay sa ulo ng leon na nakaukit roon sa sigil,” dagdag pa niya kaya mas lalong naghari ang pagkamangha sa kaniya.

“Luke, tingnan—”

Hindi na naituloy pa ni Percy ang sasabihin nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya walang kasama sa silid na iyon nang lumingon siya sa kaniyang likuran. Kusang dumulas ang aklat na iyon sa kaniyang kamay ngunit tila wala na siyang pakialam pa nang bumagsak iyon sa kaniyang paanan.

“Luke…Safiya…” nangangambang sambit niya sa pangalan ng dalawa ngunit tanging echo lamang ng kaniyang boses ang bumalik sa kaniyang tainga.

Mabilis niyang nilibot ang tingin sa buong silid. Tuluyan na siyang pinagsakluban ng takot at pangamba nang malaman niyang mag-isa nga lang talaga siya sa nakakatakot na silid na iyon kaya‘t hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, mabilis niyang tinungo ang pinto ng silid upang makalabas. Mas lalo siyang nataranta nang hindi niya mabuksan ang pinto na kahit hindi naman ito naka-lock sa loob, tila may humihil nito sa labasa para hindi siya tuluyang makalabas!

“Tulong! Palabasin niyo ako rito!” palahaw niyang sigaw at nagsimula nang kalabugin ang pintong iyon na gawa pa sa puno ng narra.

Maya-maya pa, natigilan na lamang siya nang maramdamang parang nasusunog na naman ang kaniyang mga mata kaya napahawak siya roon.

“Ahh!” impit na sigaw niya saka tuluyan nang napaupo sa sahig ng silid. “A-anong nangyayari—ahh!”

“Tiisin mo lang ang sakit, Percy…mawawala rin iyan. Sandaling oras na lamang at tuluyan ko nang lulukubin ang kaluluwa mo,” dinig niyang sambit ng isang nakakatakot at malalim na boses ng babae bago ito humalakhak nang walang humpay.

“S-sino ka?! Bakit…b-bakit mo ginagawa ito?!” nauutal niyang sigaw sa nilalang na hindi niya nakikita sa kadahilanang hindi na niya maimulat ang mga mata.

“Sandali na lamang at mapapa-sa ‘kin na ang kaluluwa mo!” dinig niyang sinabi nito saka muling humalakhak bago siya tuluyang mawalan ng malay.

“AHH! Layuan mo ako!”

“Percy, gising!”

Agad na napabilkwas ng bangon si Percy nang may maramdaman siyang mainit na bagay na nakahawak sa kaniyang balikat at tila niyugyog nito ang kaniyang pagkatao. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay tumambad sa kaniya ang sariling mukha kaya mas lalo siyang nagulantang.

“Ano bang nangyayari sa ‘yo? Nananaginip ka lang!” untag sa kaniya ni Luke kaya agad siyang nabalik sa wisyo, ngunit inilibot pa rin niya ang kaniyang tingin sa buong paligid upang makasigurado.

“Nasaan na tayo? Bakit tayo nandito?” naguguluhan niyang tanong habang inieksamin nang mabuti ang kapaligiran.

Napagtanto niyang nasa entrada na sila ng kakahuyan kung saan sila pumasok kasama si Safiya kaya lito siyang bumaling kay Luke.

“Nasaan ang Arce Vitae? Anong ginagawa natin rito?”

“Kailangan nating hanapin si Ginoong Archilles sa lalong madaling panahon kaya huwag ka nang magtanong nang magtanong diyan. Halika na!” salungat na sinabi sa kaniya ni Luke at tinulungan pa siya nitong makatayo dahil sa lupa pa pala siya nakahiga kanina pa.

“Ginoong Archilles?”

Gusto niyang lamutakin ang kaniyang utak dahil tila wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari. Kanina lamang, bago siya mawalan ng malay ay natatandaan pa niyang nasa loob pa sila ng Arce Vitae, ngunit bakit narito na sila sa labas ngayon? Sino ang Ginoong Archilles na tinutukoy niya?

Pakiramdam tuloy ni Percy ay naging mahaba ang oras ng kaniyang pagtulog dahil sa dami na ng naganap habang siya‘y nahihimbing.

“Iyong matandang nagbigay sa atin ng babala nang gabing iyon,” seryosong sinabi sa kaniya ni Luke at nagsimula nang maglakad kaya sinundan niya ito.

Saka lamang niya naalala ang panaginip kaya inusisa kaagad niya ito.

“Anong nangyari sa kastilyo? Bakit tayo pinalabas?” pagpupumilit niyang tanong rito kahit sinabihan na siyang huwag nang magtanong nang magtanong.

“Hindi nila tayo matutulungan. Ang sabi ni Satanya ay ikamamatay nilang lahat sa oras na sila ang kumontra sa sumpa,”

“Sino naman si Satanya?” kunot-noong tanong pa niya rito kaya tuluyan nang napakamot sa ulo si Luke bago bumaling sa kaniya.

“Iyon ang pinuno nila Safiya. Tayo lang ang puwedeng makapigil sa sumpa. Sa oras na sumapit ang kabilugan ng buwan, isasagawa na ni Ferocé ang ritwal upang makuha nito ang kaluluwa mo. Kaluluwa mo lang, Percy! Kung mawawala ka nang lang bigla, paano ang Mama mo? Hindi mo siya puwedeng iwanan nang gano‘n gano‘n na lang kaya kailangan nating mahanap si Ginoong Archilles dahil siya lang ang nakakaalam kung paano tayo makakabalik sa dati,”

Tila bumagal ang tibok ng puso ni Percy nang marinig niya iyon mula kay Luke. Hindi niya alam kung anong unang iisipin nang mga oras na ‘yon; kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang panaginip o ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nawawala sa tamang pag-iisip dahil sa mga nangyayari. Na kahit ipaliwanag pa sa kaniya ito nang paulit-ulit ay paulit-ulit pa rin niyang hindi maiintindihan.

Namuo ang kaniyang luha sa gilid ng mga mata niya kasabay ng pag-init no‘n na tila ba nasusunog. Mabagal ngunit mabigat ang kaniyang naging paghinga habang nakatitig sa kaniyang mukha—kay Luke. Hindi siya sigurado kung pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito kaya napailing siya.

“A-ano bang sinasabi mo? Imposible iyon…” natatawa niyang sinabi kay Luke bago tuluyan na ngang lumandas ang luhang iyon sa kaniyang mga mata.

Dinig niya ang pagpapakawala ni Luke ng mga mura at nag-iwas sa kaniya ng tingin.

“Alam kong nakita mo ang sarili mo na mamamatay nang hawakan mo ako nang gabing iyon, Percy kaya alam mo rin sa sarili mong posibleng mangyari iyon, ngunit may pag-asa pa tayo. Kung bibilisan lang natin ngayon upang mahanap kaagad si Ginoong Archilles—”

“Hindi niyo na ‘ko kailangang hanapin pa,”

Mabilis at sabay ang kanilang paglingon sa matandang nagsalita at gano‘n na lamang ang kanilang gulat nang makita nila ito na maayos na ang kasuotan. May hawak-hawak itong kahoy na mataas pa sa kaniya at iba na rin ang hitsura nito. Puti na ang mahaba nitong buhok maging ang bigote nito na puwede na ngang itali sa sobrang haba.

“Ginoong Archilles!” tuwang-tuwa na sambit ni Luke bago ito tinakbo saka niyakap nang mahigpit habang si Percy at nanatili lamang sa kaniyang kinatatayuan. Natatakot man ngunit alam niya sa kaniyang sarili na kaya niyang harapin kung ano man ang mga mangyayari.


Related chapters

  • Sight of Soul   Kabanata 5

    Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 6

    Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

    Last Updated : 2021-07-02
  • Sight of Soul   Kabanata 7

    Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 8

    Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 9

    Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Kabanata 10

    Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”

    Last Updated : 2021-07-04
  • Sight of Soul   Simula

    Simula“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Percy. Maaayos natin ‘to, huwag mo na lamang silang pansinin. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa kanila,” maluha-luhang pagmamakaawa ng ina sa anak nitong si Percy, ngunit nanatiling walang kibo ang huli.Tila wala itong naririnig na pagsusumamo mula mismo sa kaniyang ina na halos lumuhod na sa kaniyang harapan. Tanging galit at poot na lamang ang bumabalot sa pobre niyang puso dahil sa mga nararanasan niya mula sa mga kamag-aral sa kolehiyo. Ang kaisa-isang bagay na lamang na nais niya ay magpakamatay dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niya ito.“Huwag mong gawin ito, anak. Ikaw na lang ang natitira sa ‘kin..” sambit pa nito sa nanginginig na boses.Pinakatitigan ni Percy ang kaniyang ina at ang lubid na hawak niya. Nais na niyang matahimik ang kaniyang buhay at sa tingin niya ay kamatayan lang ang tanging

    Last Updated : 2021-05-20
  • Sight of Soul   Kabanata 1

    Kabanata 1Hindi pa rin maiwasan ni Percy na pagbuntungan si Luke ng galit niya dahil sa ginawa nito sa kaniyang ina. Kung iisipin naman talaga nang mabuti ay wala itong kasalanan dahil pareho silang biktima ng kakatwang pangyayaring ito pero sumobra na siya, iyon ang sa tingin niya. Kanina niya pa ito tinitingnan nang matalim habang iniisip kung wala ba itong nanay kaya ganiyan ito umasta. Ayaw man niyang pahabain pa ang usapan, hindi talaga niya maiwasang magngitngit pa rin sa galit dahil sa ginawa nito kanina lamang.“Mag-usap tayo,” mababang sinabi niya kay Luke, tiningnan siya nito nang nakakunot ang noo.“Ibalik mo muna ang katawan ko, magnanakaw.” mariin nitong sinabi sa kaniya saka ngumisi pa. “Mangkukulam siguro kayo ng nanay mo kaya ganito ang nangyari, ‘no? Bakit? Dahil desperado ka nang magkaroon ng guwapong mukha?” pang-uuyam nito sa kaniya at tumawa pa nang sarkastiko.Kumuyom an

    Last Updated : 2021-05-20

Latest chapter

  • Sight of Soul   Kabanata 10

    Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”

  • Sight of Soul   Kabanata 9

    Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy

  • Sight of Soul   Kabanata 8

    Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya

  • Sight of Soul   Kabanata 7

    Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy

  • Sight of Soul   Kabanata 6

    Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.

  • Sight of Soul   Kabanata 5

    Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw

  • Sight of Soul   Kabanata 4

    Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d

  • Sight of Soul   Kabanata 3

    Kabanata 3Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.Matagal nang panahon mula noong hu

  • Sight of Soul   Kabanata 2

    Kabanata 2“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status