Kabanata 1
Hindi pa rin maiwasan ni Percy na pagbuntungan si Luke ng galit niya dahil sa ginawa nito sa kaniyang ina. Kung iisipin naman talaga nang mabuti ay wala itong kasalanan dahil pareho silang biktima ng kakatwang pangyayaring ito pero sumobra na siya, iyon ang sa tingin niya. Kanina niya pa ito tinitingnan nang matalim habang iniisip kung wala ba itong nanay kaya ganiyan ito umasta. Ayaw man niyang pahabain pa ang usapan, hindi talaga niya maiwasang magngitngit pa rin sa galit dahil sa ginawa nito kanina lamang.
“Mag-usap tayo,” mababang sinabi niya kay Luke, tiningnan siya nito nang nakakunot ang noo.
“Ibalik mo muna ang katawan ko, magnanakaw.” mariin nitong sinabi sa kaniya saka ngumisi pa. “Mangkukulam siguro kayo ng nanay mo kaya ganito ang nangyari, ‘no? Bakit? Dahil desperado ka nang magkaroon ng guwapong mukha?” pang-uuyam nito sa kaniya at tumawa pa nang sarkastiko.
Kumuyom ang palad ni Percy dahil sa pagpipigil na suntukin muli ito. Sanay na siya sa mga gano’ng paratang kaya naman kaya niyang tiisin iyon. Isa pa, ayaw naman niyang malamog ang sarili mukha.
“Maaaring malas ako sa hitsura ko pero masasabi kong masuwerte pa rin ako sa pamilya ko. Ikaw ba?” ganti niya rito.
Gusto niyang matawa nang manahimik ito, maging ang ekspresyon nito ay bigla ring lumambot kaya napailing na lamang siya. Sa isang saglit lang ay natumbok rin kaagad niya ang kahinaan ng hambog na lalaking ito.
“Sundan mo ‘ko, mag-usap tayo,” pinal na sinabi niya rito saka saglit na sinilip ang kaniyang ina na kanina pa nakatingin sa kanilang dalawa.
Tinanguan niya ito bago napagpasyahang lumabas na, sumunod rin naman kaagad si Luke.
“Gamitin mo ‘to,” kaswal na sinabi niya sa lalaki bago ibinigay ang isang jacket na may hood.
“Para saan naman ‘to?”
“Mapoprotektahan ka niyan sa mga mapanghusgang mga mata,” simple niyang sagot rito at nagpatuloy na sa paglalakad.
Mabuti na lamang at pagabi na nang mga oras na iyon at kaunti na lang ang taong nasa labasan. Alas sais pa lang kasi ay naghahapunan na ang mga tao sa kanila at saktong alas siyete ang oras ng tulog ng mga ito kaya hindi na niya kailangang matakot pa para sa katawan niya, para sa mukha niya—para kay Luke.
“Bullshit! Ano ba kasing ibig sabihin nito? Nasa teleserye ba tayo? Switching soul? Really?” dinig niyang binubulong ng kasama niya kaya nilingon niya ito.
“May kilala ka bang naniniwala sa mga ganitong pangyayari?” untag niya sa lalaki kaya iniangat nito ang tingin sa kaniya.
Humalakhak ito nang sarkastiko, “Sinong tanga ang maniniwala sa mga ganito? Ikaw ba? Mayroon kang kilalang tanga na naniniwala sa ganito?” balik na tanong nito sa kaniya, napakamot siya sa ulo niya.
Paano niya kakausapin ito nang maayos tungkol sa sitwasyon nila kung ganito ito sumagot? Puros sarkastiko at kayabangan ang nasa loob ng katawan. Matindi yata talaga ang pinagdaraan ng lalaking ito kaya ganito ang ugali nito.
Naiiling na lang na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa may highway. Wala na siyang maisip na paraan para makausap ito nang maayos kaya naisipan niya na ipagpabukas na lamang iyon.
Magpapaalam na sana siya rito nguniy na-unsiyami iyon nang may biglang humintong sasakyan sa harapan nila kaya’t natigilan silang dalawa.
“Ano bang—”
Hindi na naituloy ni Luke ang sasabihin nang biglang bumaba ang windshield ng sasakyan at tumambad sa kanila si Arcadia, diretso itong tumingin kay Percy.
“Luke!” tawag nito sa pangalan niya.
Kumunot ang noo ni Luke dahil hindi ito tumingin sa kaniya nang banggitin nito ang pangalan niya. Doon lang rin niya naalala na wala nga pala siya sa sarili niyang katawan kaya napabuga na lang siya ng hangin.
Taka namang tiningnan ni Percy ang babaeng tumawag sa pangalan ni Luke ngunit nanatiling nakatingin sa kaniya. Naramdaman niya ang presensiya ng lalaki sa tabi niya saka ang pagbulong nito.
“Her name is Arcadia, kababata ko ‘yan. Just act like you really know her,” bulong nito sa kaniya kaya napatango na lamang si Percy.
“B-bakit.. bakit ka nandito?” tanong niya sa babae.
Tuluyan na itong lumabas sa sasakyan at nagsisimula na naman siyang mamangha sa angking ganda nito. Kung nalalaman lang ni Luke ang kaniyang iniisip ay siguradong magsusuntukan na naman sila.
“I’m looking for you. Anong ginagawa mo rito? Mabuti na lang at naka-on ang GPS ng cellphone mo kaya natunton kita rito,” paliwanag nito sa kaniya at kunot-noong bumaling sa katabi niya. “Kaibigan mo?” dagdag pa nito at tipid na ngumiti kay Luke.
“Uuwi rin naman ako mamaya. Mauna ka na,” kaswal na sinabi niya sa babae bago siya binalingan nito.
“Saan kayo pupunta? I’ll go with you,”
“Huwag na, Arcadia..”
Biglang kumunot ang noo ng babae at dinig rin niya ang pagsinghap ni Luke sa tabi niya. Tiningnan niya ito nang nagtatanong kung anong problema ngunit iniwasan na lang siya nito ng tingin kaya bumaling na siya sa babae.
“Arcadia? You used to call me ‘Arc’. Hindi mo pa ako tinatawag sa buong pangalan ko, ngayon lang..” takang sinabi nito sa kaniya kaya napamura siya sa isip niya.
“Umuwi ka na lang, susunod rin ako. Mag-ingat ka,” pinal na sinabi niya rito saka iginiya na papasok sa sasakyan nito.
Ilang minuto pa niya itong kinumbinsing umuwi na bago tuluyan siyang sinukuan. Nang makaalis na ito ay mabilis niyang binalingan ng tingin si Luke ngunit wala na ito sa kaninang puwesto nito. Inilibot niya ang mga mata sa paligid at agad naman niyang nasipat si Luke na nakatayo habang may kausap na matandang lalaki sa malaking punong iyon kung saan nangyari ang aksidente nilang dalawa.
Agad niyang tinakbo ang pagitan nilang dalawa at nang makalapit siya sa lalaki ay nangunot ang kaniyang noo nang bumaling kaagad sa kaniya ang matandang kausap nito, malalim siya nitong tiningnan.
“Ikaw ang may-ari ng katawang ito, tama?”
Muntik na siyang mapaatras dahil sa sinabi nito. Sinipat niya ang kabuuan ng matanda at agad siyang napatango nang makilala niya kung sino ang matandang ito. Minsan na niyang nakasalubong ito habang naglalakad siya papasok at ganito rin ang tingin nito sa kaniya, para bang may pinapahiwatig ang isang ‘to sa kaniya.
“Paano niyo po...”
“May isang mawawala, may isang mananatili. Magkakaroon ng pangitain na siyang magdudulot ng pighati. Kung nais niyong makabalik, may kailangan kayong gawin,” malalim at buo ang boses nito nang sambitin ang mga katagang iyon.
Nagkatinginan silang dalawa ni Luke. Maging ito ay bakas na rin sa mukha ang takot na nararamdaman at pagkalito. “Sinabi mo ba?” bulong niya sa lalaki na mabilis siyang inilingan.
“Paano niya nalama—”
“Nakita ko kung paano nagkapalit ang mga kaluluwa niyo nang mangyari ang aksidente. Maaaring kayo ang muling pinili ng nilalang na iyon para mag-alay sa kanila, maaari ring hindi.” putol nito sa sasabihin niya.
Tinagilid niya ang kaniyang ulo at matamang tiningnan ang matandang sa hitsura nito ay mukhang palaboy sa kung saan. Pilit man niyang basahin kung ano ang nasa isip nito ngunit tila may harang iyon kaya hindi niya magawa.
Lalo pang lumalim ang tingin nito sa kaniya kaya sumuko na siya’t nag-iwas na ng tingin.
“Mag-iingat ka, hijo. Maaaring kayanin mo ang mga makikita mo sa hinaharap, maaari ring mapasuko ka nito,”
Kumalampag ang puso ni Percy dahil sa sinabi nito, “Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Ang berdeng mata ay simbolo ng magandang pangitain at ang abong mata naman ay simbolo ng panganib...” makahulugang sinabi nito sa kaniya bago bumaling kay Luke, “Mangyayari ang ‘di kaaya-ayang sitwasyon sa katawang nasa iyo, hijo. Huwag mong hayaang sumuko ito upang hindi malipat sa ‘yo ang kakatwang sumpa,” dagdag pa nito saka walang sabi-sabing tinalikuran sila at naglakad palayo.
Ilang segundo pa ang lumipas nang mamutawi ang katahimikan sa dalawang lalaki. Pareho silang nakatingin sa direksyon kung saan naglalakad palayo sa kanila ang matandang iyon. Kasabay ng pagbuntong-hininga ni Percy ay ang pagbaling rin niya ng tingin kay Luke na nanatili pa ring walang kibo.
“Baliw ba ang matandang ‘yon? Anong pinagsasabi niya sa ‘tin?” natatawang sambit ni Luke bago bumaling sa kaniya, “Anong—”
Labis na nagtaka si Percy sa ikinilos ng lalaki nang humarap ito sa kaniya. Bigla na lang kasing nanlaki ang mga mata nito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Hindi niya mawari kung anong nangyayari rito kaya tinapik niya ito sa balikat.
“Bakit?”
“‘Yong mata mo, ‘tol…” halos pabulong nitong sambit sa kaniya at dahan-dahang iniangat ang kamay saka tinuro ang mga mata niya.
Agad naman niyang pinakiramdaman ang mga mata sa pamamagitan ng paghawak rito habang nanatili pa rin ang tingin kay Luke.
“Anong mayroon? Wala naman akong—”
Bago pa man maituloy ni Percy ang sasabihin ay bigla na lang nanlabo ang paningin niya. Sa isang iglap ay parang naging bumbilyang nagapapatay-sindi iyon at unti-unti ay may nabubuong imahe sa utak niya.
“Anong nangyayari? Bakit? Ayos ka lang? Hoy!” untag sa kaniya ni Luke habang panay ang yugyog sa balikat niya, ngunit hindi siya hinayaan ng kaniyang utak na pansinin iyon.
Patuloy pa rin sa panlalabo ang paningin niya kaya tuluyan na siyang bumagsak sa lupa.
“Percy!” dinig niyang palahaw ni Luke saka mabilis siyang dinaluhan nito.
Hindi na alam ni Percy ang iisipin. Gusto niyang bigyang atensyon si Luke na nagsisimula nang sumigaw para humingi ng tulong ngunit tila ayaw siyang payagan ng sarili niyang utak. Tila ba may kung sino ang kumukontrol rito—inaayos kaya nagpapatay-sindi ang nakikita niya. Maya-maya pa, ramdam na niya ang panghihina ng kaniyang mga tuhod saka unti-unting lumilinaw na ang imahe sa kaniyang utak na kanina lamang ay nagmistulang basag na salamin.Si Arcadia?! Sigaw niya sa kaniyang isip nang makita niya ang babaeng kanina lamang ay inaaya na siyang umuwi. Dumaan ito sa shortcut kung saan matarik ang daan at madilim pa sa kadahilanang wala nang gas ang kaniyang sasakyan at iyon lang ang alam nitong maiksing daan para makauwi kaagad. Walang ibang makita si Percy kung ‘di ang maliwanag na ilaw mula sa sasakyan ng dalaga at ang madilim na paligid! Nagsimulang magpabaling-baling ng tingin si Percy nang makita niyang may limang grupo ng lalaki ang nag-aabang sasakyang dadaan sa may bandang kakahuyan na at may mga dalang pamalo!
Ilang segundo pa ang lumipas at nakita na nang tuluyan ni Percy ang kahihinatnan ni Arcadia at pagkatapos ay biglang nag black-out na ang mga pangyayari, bumalik na siya sa wisyo. Nakita niyang papaalis na si Luke para humingi ng tulo kaya naman pinigilan niya kaagad ito.
“Luke, si Arcadia!” histerya niya sa lalaki saka tuluyan nang tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa.
Mabilis na tumakbo pabalik si Luke sa kaniya na hinihingal pa. “Anong nangyari sa ‘yo? Anong.. bakit, anong si Arcadia?” naguguluhang tanong ni Luke kay Percy.
Nagpalinga-linga si Percy sa paligid, nagmamatyag na baka may makarinig sa kaniyang sasabihin. Nang masiguro niyang walang kahit na sino sa kinaroroonan nila ay mabilis niyang kinuba ang cellphone ni Luke sa kaniyang pantalon.
“Tawagan mo si Arcadia! Sabihin mong ‘wag siyang dumaan sa shortcut. Sabihin mong—”
“Teka, ano bang nangyayari sa ‘yo?” putol ni Luke sa mga sasabihin niya kaya napahilamos na siya sa kaniyang mukha.
“Nakita ko! Nakita ko kung anong mangyayari sa kaniya ro’n! Puwedeng hindi pa niya nalalaman na kaunti pa lang ang gas ng sasakyan niya, puwedeng hindi niya pa naisip na dumaan sa shortcut na ‘yon kaya tawagan mo na siya!” nagpapanic na paliwanag niya sa lalaki saka mabilis na inabot rito ang cellphone niya.
Nagtataka man, mabilis na kinuha iyon ni Luke at ni-dial ang number ng kababata. Gusto man niyang sabihing nababaliw na ang lalaking ito sa harapan niya, hindi niya magawa dahil bakas sa hitsura nito na nagsasabi nga ito ng totoo.
NAKA-TATLONG ring lang ang nangyari bago sumagot si Arcadia sa tawag ni Luke. Nagtataka siyang inihinto muna ang sasakyan sa may gilid ng daan na tinatahak niya patungo sa shortcut kung saan niya napagdesisyunang dumaan dahil sa malapit nang maubos ang gas, at iyong daan lamang na iyon ang maiksi upang makaabot siya sa bahay.
“O, Luke?”
“Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?” dinig ni Arcadia ang pag-aalala sa tono ng lalaki kaya napangiti siya.
“Not yet pero malapit na. I’ll take this shortcut instead, malapit na kasi akong maubusan ng ga—”
“No! Huwag kang tumuloy, bumalik ka na rito and then I’ll explain everything to you. Come back here right now, Arc please,” pagsusumamo nito sa kaniya kaya nagsisimula na siyang magtaka sa way ng pananalita nito.
Bago siya sumagot ay napatingin siya sa labas ng kaniyang sasakyan nang may makita siya sa gilid ng mga mata niya na tila mga anino ng kung sino. Sumibol ang matinding kaba sa dibdib ni Arcadia at kaagad na binuksan ang makina ang sasakyan. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at tahakin ang daang iyon gayong nakikita niya mula sa kinaroroonan niya kung gaano katarik ang daang iyon at napakadilim pa.
“Hey! Are you still there?” untag sa kaniya ni Luke kaya bumalik siya sa kaniyang isip. Nagmamadali niyang inilihis ang manibela upang mag U-Turn dahil sa takot.
“I’m.. on my way there, Luke,” pinilit niyang itago ang panginginig sa boses nang sabihin iyon sa lalaki saka ibinaba na ang tawag.
Mabilisna pinaharurot ng dalaga ang sasakyan pabalik sa kinaroroonan ni Luke at Percy nang tuluyan na niyang makita sa side mirror ang bulto ng limang lalaki na papalapit na sana sa kaniyang direksyon.
~*~
“Bakit magkaiba ang kulay ng mga mata mo?”
Hindi pa rin maalis ni Percy sa kaniyang isipan kung paano humantong sa ganitong sitwasyon ang mga nangyari. Ni wala siyang ideya kung paano naging berde at abo ang kulay ng mga mata niya gayong nang magising siya mula sa pagkakatulog ng dalawang buwan ay hindi naman gano’n ang nakita niya. Nalaman lang niya ang bagay na ito nang ang mga tanong na iyon mula kay Arcadia ang bumungad sa kaniya nang mangyari ang gabing ‘yon kung saan bigla na lang siyang nagkaroon ng pangitain.
Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang mga sinabi ng matandang iyon sa kanilang dalawa ni Luke. Naniniwala pa rin siyang nagkataon lang na nagkaroon siya ng pangitain nang gabing iyon at hindi na muling mangyayari, ngunit nagkamali siya ng inaakala.
“Hindi ko alam kung paano ako maniniwala sa mga sinabi niyo. Wala akong naging tulog dahil roon, alam niyo ba ‘yon?” panay pa rin ang reklamo ni Arcadia sa dalawa ngunit nanatili lang walang kibo ang huli.
Nais rin naman nilang dalawa na hindi na lang maniwala sa mga nangyari at ituring na lamang iyon na isang malaking kalokohan, ngunit hindi nila magawa lalo pa’t sa kanila nangyayari ang mga kakatwang bagay na iyon.
“Ibig sabihin ay nakikita mo ang mga mangyayari sa hinaharap? Ilang minuto o oras ang pagitan?” dagdag pang tanong sa kaniya ng dalaga.
Sa nagdaang mga gabi ay inabala niya ang kaniyang sarili sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong nila ni Luke sa isa’t isa. Nag research sa kung saan-saang websites at kung maaari lang ay magtatanong na rin sana siya sa eksperto.
Habang pinapagana ni Percy ang kaniyang isip sa pag-iisip ng solusyon kung paano ito mawawala sa kaniyang sistema, si Luke naman ay nanatiling walang kibo sa isang tabi habang iniinda nang mag-isa ang matinding kirot na nararamdaman niya sa kaniyang ulo. Kanina niya pa gustong uminom ng tubig ngunit iniisip niya pa lamang iyon ay nasusuka na siya. Hindi niya malaman kung anong nangyayari kaya nanahimik na lamang siya.
“Sabihin mo kung anong mga makikita mo pa! Gusto kong malaman—shit!”
Bago pa man maituloy ni Arcadia ang sasabihin ay bigla na lang napapikit nang mariin si Percy. Napakapit siya sa sariling damit nang mapagtantong sa oras na iyon ay may makikita na naman siya. Unti-unting nanlabo ang kaniyang mga mata kasabay ng pagpatay-sindi nito. Ang utak niya’y nagmistulang bahay ng itim at puting mga bagay. Ano na naman ‘to? Masama na naman ba ‘to?
Ilang segundo pa ang lumipas ay unti-unti niyang nakita ang imaheng iyon sa utak niya—a, hindi! Hindi iyon imahe kung ‘di tila recording video na nagpe-play na naman sa utak niya.
Kumunot ang noo niya nang may makita siyang isang morenang babae na umiiyak habang nagmamaneho. Kitang-kita niya ang pagliko ng sasakyan nito patungo sa bahay kung nasaan sila ngayon. Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ni Luke habang humihingi ng tawad at pagkatapos ay bigla na lang nag black-out ulit!
“Anong nakita mo? May mangyayari bang masama?” bungad sa kaagad sa kaniya ni Arcadia nang magmulat siya.
Napailing siya at pinilit na tanggalin ang hilo mula sa matagal na pagkakapikit bago bumaling sa katabing si Luke.
“May inaasahan ka bang bisita ngayon?” untag niya kay Luke na kasalukuyang nakapikit ngunit nagmulat naman kaagad nang magtanong siya.
“Wala, bakit?” kunot-noo nitong tanong sa kaniya.
Nagkibit nga balikat si Percy at bumaling naman kay Arcadia saka umiling.
“May papunta kasi rito, nakita ko. Umiiyak, paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan mo. Hihingi yata ng tawad ang babaeng ‘yon sa ‘yo,” paliwanag niya sa mga ito dahilan para lingunin siya ni Luke.
“Ano?”
“I guess, alam ko na kung sino ang bisita mo. It’s Serène, I’m sure of that,” seryosong sambit ni Arcadia kaya napatingin siya rito.
“Sino si Serène?” tanong niya rito.
Ngumisi ito sa kaniya kasabay ng pag-irap sa katabi niya.“Iyong malandi niyang ex. Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa ‘yong ‘wag na ‘wag kang magpapadala sa arte ng babaeng ‘yon dahil sigurado akong sa ‘yo iyon magmamakaawa. Of course, nasa iyo ang katawan ni Luke,” paliwanag nito sa kaniya saka tumayo na.
“Huwag mo nang subuking magpadala sa drama ng babaeng ‘yon, Luke. I’m telling you,” pagbabanta nito sa katabi niya bago sila tinalikuran.
Binalingan niya ng tingin ang lalaki saka humalakhak, “May gusto sa ‘yo ‘yon?” pang-uuyam niya sa lalaki dahilan para tingnan siya nito nang nakangisi.
“Hindi ko masasabi. Ayaw niya kasi kay Serène,” natatawa nitong sagot sa kaniya.
Sasagot na sana si Percy sa sinabi ni Luke ngunit na-unsiyami na iyon nang may marinig silang busina ng sasakyan sa labas kaya sabay silang tumayo para silipin kung sino iyon. Nagkatinginan ang dalawa nang malamang tama nga ang nakita ni Percy kanina lamang. Iyong babae nga sa pangitain niya ang dumating.
“Ikaw na ang tumapos tutal nasa ‘yo naman ang katawan ko,” tamad na sinabi sa kaniya ni Luke at bumalik sa kaninang inuupuan.
Mabilis niya itong nilingon, “Paano kung umiyak o kaya lumuhod?”
“Huwag mong pansinin. Siya ang nagloko, magtiis siya,” nangingiming sagot sa kaniya ni Luke saka ito tumungo sa kusina kung saan tumungo si Arcadia.
Nagkibit na lamang ng balikat si Percy at inabangan na lamang kung ano ang mga mangyayari. Hindi man niya nais na gawin ang sinabi ni Luke, wala rin siyang ibang pagpipilian dahil nasa kaniya ang katawan nito.
Kabanata 2“Saan ba nakatira ang matandang ‘yon? Akala ko palaboy lang iyon rito?” naiinis na tanong ni Luke sa kay Percy habang nagpapalinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling makikita niya ang misteryosong matandang iyon sa lugar nila.“Sigurado akong alam rin no’n kung anong puwede nating gawin para lang maalis na sa ‘tin ‘tong sumpa na ‘to,” dagdag pa nito, nanatiling tahimik si Percy at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Luke.Kung pagiging desperado man ang ginagawa ngayon ni Luke ay wala na iyon sa kaniya. Ang importante lang para sa kaniya ay ang makabalik sa katawan niya dahil hindi na niya kaya ang buhay na mayroon si Percy.Simula nang nagkapalit sila ng katawan ay wala nang araw na hindi siya nakatanggap ng panlalait at pananakit mula sa mga kapitbahay ni Percy. Gusto man niyang sisihin ang estranghero ay hindi rin niya magawa dahil alam niya sa sarili niyang wala itong kasalanan,
Kabanata 3Blangko ang ekspresyon ni Luke habang sinusundan ng tingin ang nanay ni Percy. Kanina pa ito walang tigil sa pagkilos na tila hindi nito alam ang salitang ‘pagod’ kaya’t kanina pa rin siya nakatingin rito. Naalala niya kasi ang pakiusap sa kaniya ni Percy kagabi lamang. Hindi niya alam kung bakit biglang parang may kumatok sa puso niya nang sabihin sa kaniya ni Percy ang naging pangitain nito nang gabing iyon. Hindi naman niya magawang hindi maniwala sa lalaki dahil napatunayan na niyang lahat ng mga naging pangitain nito ay nagkatotoo gaya na lamang ng nangyari kay Arcadia.Marahas siyang bumuntong-hininga at tumayo mula sa kinauupuan. Nilapitan niya si Aling Mercedes na abala pa rin sa pagtutupi ng mga nilabhang damit nila ng kaniyang anak.“Ma…” untag ni Luke sa matanda, hindi niya alam kung bakit nautal siya nang mamutawi iyon sa kaniyang labi.Matagal nang panahon mula noong hu
Kabanata 4Kanina pa malalim ang tingin ni Luke kay Percy na kasalukuyang nakikipag-usap kay Safiya ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. Bawat kilos nito ay hindi niya pinapaligtas sa kaniyang mga mata, maging ang pagbuka ng bibig nito sa t’wing magsasalita ito. Pakiramdam kasi ni Luke ay may mga hindi sinasabi sa kaniya ang lalaki simula nang matigilan ito nang hawakan siya nito noong nakaraang araw. Hindi man niya alam kung ano ang bagay na ‘yon, nararamdaman pa rin niyang isang malaking kawalan iyon sa parte niya.Ilang minuto pa ang lumipas bago iwasan ito ni Luke ng tingin nang makita niyang patungo ito sa kaniya. Nagkunwari na lamang siyang sinundan ng tingin si Safiya na patungo sa likurang bahagi ng kastilyo kung nasaan sila ngayon.“Anong pinag-usapan niyo?” salubong niya kay Percy nang maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.Hindi niya nakita ang binigay nitong ekspresyon sa kaniya d
Kabanata 5“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.“Ihahatid ko lamang kayo sa entrada ng Demetrio dahil hindi ako maaaring pumasok roon. Madaling makaamoy ang alagad ni Ferocé sa lugar na ‘yon kaya‘t baka makasagabal lamang ako sa gagaw
Kabanata 6“Mas kailangan niya ang kaluluwa ni Percy dahil malinis ito upang makatulong sa kaniyang pagbata. Kung sakaling magtagumpay kayong kontrahin ang isasagawa niyang ritwal sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, kayo pa lamang ang makagagawa no‘n at tuluyan nang maglalaho si Ferocé at ang alagad nito. Kailangan niyong mahanap ang aklat sa lalong madaling panahon,” mahabang litanya ni Ginoong Archilles sa dalawa habang naglalakad na ang mga ito patungo sa kung saan.Nanatili lamang na nakikinig ang dalawa. Hindi nila nais sumagot muna dahil gusto rin nilang maintindihan muna ang mga sasabihin nito. Nais nilang maisagawa nang maayos ang plano dahil ito lamang ang iisang paraan upang bumalik sa dati ang lahat ayon sa matanda.
Kabanata7Hindi mawari ang kabang nararamdaman ni Percy nang mga oras na iyon habang nakatingin lamang sa kaibigang si Luke. Nababalot na ito ng itim na liwanag na tila lumulutang sa ere habang patuloy pa rin sa pagbulong si Ginoong Archilles sa hangin, tila nagsasagawa ng isang mahika gamit ang katawan ni Luke.“Maging alerto ka, Percy. Ako na ang bahala rito. Pakiramdaman mo ang paligid. Nariyan lamang sila at mas lalo pang dumarami,” banta sa kaniya ng matanda kaya nabaling ang tingin niya rito.“Kasama ba ang mga ito sa mga alagad ni Ferocé? Ang sabi mo ay nasa Rancor na tayo, ‘di ba? Paano…anong dapat gawin sa kanila?” histeryang tanong niy
Kabanata8Blangko ang isipan ni Percy habang pinagmamasdan niya si Ginoong Archilles na ginagamot ang mga sugat ng kaibigang si Luke. Hindi niya mawari kung anong dapat maramdaman niya nang makita ang sinapit ng sariling katawan sa mga kamay niya lamang; putok ang ilong at labi nito, bali ang buto sa likuran at pilay ang parehong paa. Labis na niyang pinatatakhan ang lahat ng mga nangyayari lalo na nang bigla na lamang siyang nagkaroon ng ganoong lakas dahilan para makapaslang siya ng maraming kalaban sa loob lamang ng ilang minuto.“Patungo ngayon rito si Safiya upang tulungan tayo,” dinig niyang sambit ng matanda kaya nangunot ang noo niya.“Paano niyo ho nalalaman iya
Kabanata9“Anong gagawin natin? Kaunting oras na lang ang natitira, Percy,” puno ng pag-aalalang tanong ni Luke kay Percy na nasa likuran niya na gaya rin niya ay nakatali pareho ang mga kamay nito palibot sa isang bilog na haligi ng Caste Mortis.Matapos ang ginawang iyon ni Ferocé kay Percy kanina lamang ay bigla na lamang may lumapit sa kanilang dalawang Exys, ngunit hindi tulad ng mga naunang Exys na nakalaban nila sa labas dahil itim ang mga kalansay nito at mala-higante ang laki. Pinagtulungan sila nitong itali sa bilog na haliging iyon at iniwan na lamang sila roon na parang walang nangyari.“Kaya mo bang abutin ang kaliwang bulsa ko?” mababang sambit niya kay Luke na hindi man lamang niya makita ang ekspresy
Kabanata10 Blangko ang isip at ekspresyon ni Luke habang nakatingin kay Percy na kasalukuyang nasa loob ng ICU habang maraming tubong nakasaksak sa bibig at katawan nito. Hindi niya alam kung ano nang gagawin nang mga oras na iyon dahil sa kalagayan ng taong ginawa ang lahat upang makabalik sila sa dati nilang buhay. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang makaalis sila sa Rancor at makabalik sila sa kani-kaniyang katawan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor na humahawak at sumusuri kay Percy ay kumalat na ang namuong dugo nito sa kaniyang utak at himala na lamang ang makabubuhay sa kaibigan. Sa oras na tanggalin ang makinang iyon sa kaniyang katawan ay tuluyan na itong mawawala. “Akala ko ay umuwi ka na?”