Share

SOOTB: Chapter 3

MONDAY 

Kanina pa ako naka ready para pumasok, Kaso 'yung mga kasabay ko ang tatagal dinaig pa ako sa pag-aasikaso. 

First Day of school ngayon, ayoko malate. Gosh. Bakit kase ang aaga nila pumasok, mamaya pa naman klase nila. 

Ako lang naman ang naiiba ng sched, halos lahat ng kinuha ko pang-umaga, Tsaka ewan koba sa mga pinsan ko, tatlo silang fourth year college na pero kung umasta parang first year palang pa easy easy. Kami lang naman ni jake ang parehas third year pero iba ata kinuha niyang sched. 

Napatingin naman ako sa hagdan ng sunod sunod na bumaba ang mga pinsan ko at si kuya na nahuhuli.

Wow! Saan mall sila pupunta? Bakit pormang porma ang mga 'to? 

"Let's go princess."

"Tara na baby."

"Love alis na tayo."

"Baby Zi halika na baka malate ka."

Napatulala nalang ako sa kanila, 'yung totoo sa university ba sila pupunta? Papasok ba talaga ang mga 'to O mag gagala? 

"Saan mall kayo pupunta? May mga date ba kayo?" Hindi ko mapigilang mag-tanong sa kanila. 

"What?"

"Huh?"

"Wala"

"Ihahatid ka namin sa university."

Sabay sabay nilang sabi. Great! 

"Seriously guys kailangan ganyan talaga porma niyo? Papasok kayo 'di ba?"

"Baby wash day namin." Wash day sa unang araw ng pasukan? Pinag-loloko ba nila ako. Bago palang mag-pasukan binibigyan na kami ng uniform, pwera nalang sa mga transferee. At kabilin bilinan ng Dean na naka-uniform daw kami para maganda tignan. 

"Yung totoo? unang araw ng pasukan ngayon tapos wash day agad?" Nakataas ang kilay ko habang naka-tingin sa kanila.

"Hay, yeah hindi nga namin wash day pero pwede naman mag sibilyan ngayon dahil unang araw ng klase." Ha? at kailan pa pumayag ang school? napatingin ako kay kuya matt. Tsk, alam na may kapit kase. 

"Hay nako! bukas mag-uniform na kayo, Hindi porket may kapit kayo hindi na kayo susunod sa patakaran ng school natin. Maging mabuting Estudyante kayo. Saka bakit kase pormang porma kayo?!"

"Kailangan laging gwapo baby."

"Simple lang naman suot namin baby zi."

"Oo nga."

"May problema ba sa suot namin princess?"

"Argh! Tara na nga maloloka ako sainyo e. Tinalo niyo pa ang babae sa tagal kumilos at pumorma eh. Basta bukas mag-uniform na kayo. 'wag kayong pasaway."

Tumalikod na ako at naunang lumabas. Gosh ang aga-aga na-stress ako ng bongga sa mga to. 

HABANG binabaybay namin patungo sa University napapaisip ako bakit ang aaga pumasok ng mga 'to. Ako kase 7:30 start ng klase ko. 5 o' clock palang gising na ako para mag-asikaso dahil ayoko sa lahat 'yung nalalate ako. Naka-alis kami sa bahay ng 6:20 na. 10-15 minutes lang naman ang biyahe namin patungo sa University dahil hindi naman Traffic pag-ganitong oras, pwera na lang kung Traffic inaabot ng 30mins- 1hour.

Nilingon ko si kuya zion na nasa tabi ko. 

"Kuya Ion bakit ang aga niyo pumasok?"

"Para ihatid ka." Napangiwi ako.

"Ihatid? Kailangan kayong apat talaga ang mag-hatid sa'kin?"

Tumango tango naman ito. Ang lakas talaga ng trip nila, Pwede naman isa lang mag-hatid sa'kin, or pwede nga si mang carding na family driver talaga namin. Pero sige, ok na din kase effort nila ito. Bibihira magising ng maaga ang mga ito, tamad bumangon pero kanina 5:30 palang gising na sila at nag-asikaso 'yun nga lang ang tagal. 

Binaling kona lang ulit sa bintana ang atensyon ko. Baka matuluyan ako pag kinausap kopa sila. 

Nang makarating kami ng University nag-hanap agad si kuya ng paparkingan. 

Habang pababa ako ng kotse napakunot noo ako sa mga nag-kukumpulan malapit sa pinaradahan ni kuya. 

Anong meron? kay aga-aga meron agad komusyon dito? At First day pa talaga, Dahil ako agad ang bumaba pumunta ako sa nag kukumpulan na Estudyante. I don't know pero feeling ko hindi maganda ang nang-yayari. 

"Hey baby Zi!"

"Princess where are you going?!"

"Baby!"

"Love hintayin mo kami."

Hindi ko pinansin ang tawag sa'kin nila kuya. Nag madali ako pumunta sa kumpulan ng mga Estudyante. 

"Bakit ba kayo pahara-hara dito sa parking lot? Tignan niyo ang ginawa niyo sa damit ko! Alam niyo bang mahal to?!"

"H-hindi n-naman n-namin sinasadya. Sorry.."

"A'bat sumasagot kapa!"

"I think those cheap girls were only able to enter here because of the scholarship, right keanna?"

"Nako sumagot pa siya kay AJ malalagot siya lalo niyan."

"Yeah right."

"Mga bagong student 'yan dito sa monlimar 'di ba?"

"Scolar nga daw, Kawawa naman sila."

"Si AJ pa talaga."

Nang- marinig ko ang lahat, Dali dali kong hinawi ang Estudyante para tignan ang nangyayare at laking gulat kona lang na may tatlong babaeng binubully na naman si AJ! Ang Reyna ng maarte sa university nato! Ang Reyna ng bully! at patay na patay sa pinsan kong si kuya Zack. Hindi talaga nila pina-lagpas ang unang araw ng pasukan. 

"Si Zia."

"Nako magbabait baitan na naman si AJ niyan nandyan si zia eh."

"Buti nalang dumating si zia."

"Kawawa pa naman 'yung bagong students."

 Bulungan ng nasa gilid ko, napabuntong hininga nalang ako dahil hindi magawang tulungan ng mga ito ang mga bagong estudyante dahil pati sila madadamay. Masyado kaseng malalakas ang loob ng mga ito na mambully dahil may kapit sila. 

"Z-zia! A-andyan ka pala." Nauutal na saad ni AJ ng makita ako. 

Hindi ko siya pinansin at pumunta sa gitna. Nilapitan ko ang tatlong binubully ni AJ,  Basang basa ang mga ito, gulo gulo ang buhok. First day na, first day ganito agad ang bumungad sa kanila. Kung hindi mali ang pag-kakarinig ko kanina Scholar sila dito. 

Nilingon ko sila Aj Pearl Malacay at ang mga alipores nito na sila Keanna Silay, at Joyce Umali. Sila ang bullies dito sa university. 

"Anong ginawa nila sa'yo para gantuhin mo sila?"  Seryosong sambit ko. Hindi porket scholar mamaliitin na nila. Hindi nila alam ang hirap at pag-aaral na ginagawa ng mga ito para makamit ang scholarship at makapasok sa University at makapag-aral. Hindi nila alam ang ibig sabihin no'n dahil umaasa sila sa pera ng magulang nila, may pambayad sila ng Tuition. Baka kung sa patalinuhan mas may ibubuga ang minamaliit nila. Baka mapahiya lang sila. 

"Ah-- kase-- ano-- zia tinapunan nila ng kape 'yung damit ko, wala pa naman akong pamalit papasok ako pahara hara kase sila sa daan, mga naghaharutan ---"

"Natapunan kalang ginanto mona sila? Humingi naman ata sila ng tawad sa'yo 'diba? bakit kailangan basain at saktan sila?"

Tsk, I can't believe AJ's reason, she can ignore what happened, They didn't mean to and they apologized already. Talagang Bully lang ang babaeng 'to at mapanakit. 

Mag-sasalita pa sana ang Alipores ni AJ ng mag ingay ang mga Estudyanye na nandito. 

"Hala andito ang campus crushes!"

"Omg! ang hot ni Zack!"

"Lagot ka ngayon AJ nandito si matthew myloves! Student Council 'yan!"

"Gosh ang gwapo talaga ni papa Zion kahit simple lang ang suot niya."

"Bagay na bagay kay Jake 'yung suot niya! Lalo siyang naging yummy!"

"Zack baby!"

"Hala seryoso silang lahat!"

Napabuntong hininga na lang ako at nailing, Dami talagang fans ng mga 'to. Attention Seeker pa tsk.

"What's happening here?" Seryoso sambit ni kuya habang nakatingin sa gawi namin. Nasa gilid niya ang pinsan ko na seryoso din. 

"First day of school ganito agad?" Saad ni kuya zack. 

Binaling kona lang ang tingin ko sa tatlong babae na nabully. Impaktita talaga ang AJ na 'to. 

"Hey, ok lang ba kayo?"

Tinignan naman nila ako at sabay sabay tumango. 

"Basang basa kayo, may pamalit ba kayo?"

Sabay sabay din silang umiling. 

"Tara! Sama kayo sa'kin,  may mga extra uniform ako at PE sa locker ko. Hiramin niyo muna. "

"Ha? A-ano h'wag nalang, uuwi nalang kami." nahihiya nilang sabi.

"First day oh, uuwi kayo?  tara na."

"Ah-a-nakakahiya."

"H'wag na kayo mahiya, tara na at baka sipunin pa kayo."

Inalalayan ko sila tumayo at humarap kela kuya. 

"Kuya una na kami, Baka kase lamigin sila at sipunin, Ikaw na bahala dito 'a?"

Lumapit naman silang apat sakin. 

At isa-isa nila akong hinalikan sa noo. 

"Susunduin ka namin mamayang lunch, Sabay sabay tayo kakain ok?"

Tumango naman ako kay kuya matt. Sanay na ako'ng hinahalikan nila sa noo sa maraming tao. Ganoon na kase ang nakasanayan. 

"Sige bye! See you later guys!"

Tumango silang apat, Humarap na ako sa tatlong babae.  Kaso bumaling ulit ako kela kuya ng may maalala ako. 

Nag-tataka naman silang tumingin sa'kin, Tinignan ko si kuya zack at ngumiti. 

"Kuya zack 'yung promise mo, remember? Don't forget ok? Paki damihan na din." kinindatan ko ito bago ako humarap ulit sa tatlong babae. 

Mga nakatulala sila. 

"Ang gwapo nila."

"Para silang anghel."

"Mga adonis."

Natawa naman ako sa reaction nila, pati sila natamaan sa apat nayon. 

"Hey! Let's go. Para makaligo kayo at makapag palit."

Sumunod naman sila sa'kin, habang nag-lalakad pinag-titinginan kami, Hayy.

Nakayuko lang sila habang nag-lalakad, sinabayan ko sila at binulungan. 

"Hey, h'wag niyo sila pansinin. Dedmahin niyo lang ang mga Tsismosa nayan."

Nang makarating kami sa locker ko kinuha ko agad ang Extra kong School uniform at PE uniform. Lagi talaga ako nag-lalagay ng Extra dito, Incase of Emergency at kapag may period ako. Nilagay ko 'to noong kinuha ko ang Schedule ko noong isang araw. 

"Here. Sakto dalawa ang extra ko dito at may P. E uniform pa."

"Thank you." sabay sabay nilang sabi. 

"Welcome. Tara may C.R na malapit dito, doon na kayo magpalit.."

********

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
grabe naman ang Aj na yon kasama mga alipores nya first day of sch.hibdi pinalampas ang pangbu-bully buti na lang nandyan si Zi para tulungan ang mga na-bully good heart...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status