Natapos ang usapan at 'yung babae kanina nauna ng umalis. Todo sorry pa ito sa'kin. kung nakinig lang siya kanina 'e di sana hindi kami humantong sa ganito.
Nandito pa din kami sa loob ng office.
Hindi pa ako tapos sermonan ng kuya ko. Sa susunod daw hindi na ako pwede umalis ng walang kasama. Gosh,
"Nag-kakaintindihan ba tayo Kezia Chloe?"oh-ooh. Tinawag na niya ako sa pangalan ko seryoso talaga siya.
"Yes kuya." nanlulumo kong sagot.
"Ayoko ng maulit ito. Lalo na at nasaktan ka.." Lumingon naman siya sa mga pinsan kong nakakunot noo pa din hanggang ngayon, paano nalaman nila na nag-sabunutan kami nung babae kanina. Ayaw na ayaw nilang nasasaktan ako.
"Kayo Zack,Zion,Jake pag aalis si zia isa dapat sa inyo kasama niya. And you zack nathan tigilan mo ang pambabae mo, dahil dyan napahamak ang pinsan mo. At pwede ba palitan niyo ang tawag niyo kay Zia?" Yeah, palitan na lang nila ang tawag nila sa'kin, Dalaga na ako. Hindi na ako bata para babyhin nila.
"What?! No way Dude! gustong gusto ko ang tawag ko kay baby Zi." Giit ni kuya Zion kambal ni kuya Zack.
"Me too kuya matt. Kung may magbabago man ang tawag kay love, dapat si kuya zack yon, Siya lang naman ang marami babae dito. Wala naman kaming girlfriend ni zion. If ever man na magka girlfriend kami hinding hindi nila masasaktan ang princesa natin."
Mahabang sabi ni jake.
"What the f*ck jake?! Ayoko din! Mula bata tayo ganyan na napag-kasunduan na itatawag natin kay zia!"
"Pero napapahamak si love, Lalo't na ang dami mong girlfriends."
"Wala na akong girlfriend ngayon."
"Sa ngayon oo pero sa mga susunod? Tignan mo nga nang-yare kay love kuya zack? Alam mong ayaw na ayaw nating nasasaktan siya. Pero anong nang-yare?"
Biglang nag-salubong ang kilay ni kuya zack.
"Sa pananalita mo jake ako talaga sinisisi mo? Ginusto ko ba? Sa tingin mo natutuwa ako sa nangyare kay Kezia? saka makapag salita ka ng napapahamak si kezia dahil sa tawag ko sa kanya, Parang hindi din kapa-kapahamak ang tawag niyo sa kanya. Pare-parehas lang tayo dito."
"Oo alam kona pare parehas lang tayo pero ikaw kase ang maraming baba---"
"Enough!" Napaayos naman ako ng upo dahil sa pag-sigaw ni kuya matt.
"Kung ayaw niyo palitan ang tawag niyo kay princess fine! Goodness dahil lang sa tawagan nayan nag-aaway away na kayo. Sino ba kase nakaisip niyan?"
"Kami." sabay sabi ng tatlo kong pinsan.
"Bakit nga ba ganyan ang tawag niyo sa kanya?"
"To protect her." Sabay sabay na naman nilang sabi.
"Protect? Para saan?" nangunot ang noo ni kuya. Oo nga, protektahan para saan?
"Boys."
Wow. Kanina pa sila sabay sabay sumagot ah. Wait what? BOYS?! Bakit?!
"Boys? Bakit marami bang umaaligid kay princess sa university?"
"Sobra kuya matt. Busy ka kase sa student council natin kaya hindi mo napapansin."
"Saka nakakatulong ang endearment namin lalo't na pag nasa mall kami. Maraming nagtatangka na lumapit sa kanya. Pero pag narinig na tinawag namin siya sa endearment namin, Lalayo at sasabihin may boyfriend na pala."
"Malaking tulong ang tawag namin sa kanya dude."
"Ok fine, But please ayoko na maulit masaktan si princess. Nag-kakaintindihan tayo?" Tsk, wala din pumayag din si kuya matt na ganoon pa rin tawag nila sa'kin.
"Yes kuya zack."
"Yes dude."
"Yes bro."
Sabay na sabi ng tatlo.
grabe talaga sila mag-away pag ako na pinag-uusapan. Kulang nalang pati sila mag-kasakitan eh. OA na din talaga minsan. Hays. Hirap napapaligiran ng lalaki at nag iisang babae kalang jusko!
Ano bang nangyare sa araw ko? Gusto ko lang naman bumili ng gamit ko, bakit napunta ako sa ganito? Hays.
"Ok let's go." Tumayo na ako at inayos ang buhok ko na nagulo kanina.
Nang bigla na naman bumukas ng malakas ang pinto.
"Iyang!"
"Yang!"
Oh great! Pati ang dalawang to pumunta pa? Give me a break.
"Yang what happened?"
"Galing kami sa bahay niyo, Sabi ni nanang belen may umaway daw sayo, ok kalang ba?"
"I'm ok. Sana hindi na kayo pumunta dito. Hinintay niyo nalang ako sa bahay."
"Sa tingin mo makakapag hintay kami don? Nag-alala kami sayo iyang."
"Oo nga."
Napabuntong hinga nalang ako. Wala din akong laban sa dalawa kong kababata...
Kezia Chloe Pov.
Pabagsak akong naupo sa sofa, Grabe nakakapagod ang nangyare.
"Baby Zi."
Napalingon naman ako kay kuya zion, Papalapit ito sa'kin. Nang makalapit umupo siya sa tabi ko.
"Yes kuya Zion?"
"Ok kana ba? May masakit ba sa'yo?
"Ok naman ako kuya zion, napagod lang."
"Buti naman kung ganon. Nagugutom ba ang baby Zi ko? Ipagluluto ka ni kuya."
Napangiti ako, kami ni kuya Zion ang mas mag-kasundo, Halos parehas kase kami ng gusto.
Close ko naman lahat ng pinsan ko kaso mas dikit ako kay kuya zion, Si kuya zion kase lagi niya ako tinuturuan sa lahat, Pagluluto, sa pag-aaral, pagsasayaw, kanta at kung ano pa man.
Humilig ako sa balikat niya, ang isa ko pang kinatutuwa kay kuya zion, sweet siya pag dating sa'kin. Overprotective din kaso hindi naman OA na katulad nila kuya matt, kuya zack at jake.
"Gusto ko ng carbonara kuya Ion."
Pag naglalambing ako, Kuya Ion ang tinatawag ko sa kanya.
"Hmmm. 'Yun lang ba baby zi?"
"Yes kuya."
"Ok magluluto na si kuya."
Umalis naman ako sa paghilig sa balikat niya At nakangiting tumingin sa kanya.
"Damihan mo kuya ah? Baka kase konti na naman makain ko, andito pa naman 'yung masisiba sa carbonara."
Natawa naman siya sa sinabi ko, totoo naman halimaw kumain 'yun sila kuya zack at Jake.
"Yes baby Zi. Don't worry dadamihan ko. Sige manood kana muna d'yan at magluluto na ako."
Bago ito tumayo hinalikan muna niya ako sa noo. Ganito silang lahat sa'kin.
Nakangiti ko namang binuksan ang TV.
Wala pa ako sa kalahatian ng pinapanood ko ng biglang may tumabi sa'kin. Pag-lingon ko ang babaero ko palang pinsan. Binalik kona lang ang tingin sa TV.
Inis pa din ako sa kanya, Dahil sa pagiging babaero niya napa'away ako.
"Psst! Baby, are you still mad?"
Hindi ko siya pinansin. Tinuon ko lang ang paningin ko sa TV.
"Baby.."
Naka'Focus lang ako sa panonood hindi ko pa din siya nililingon. Sakit kaya ng anit ko Dahil sa pananabunot ng ex niya.
"Baby naman.."
"Baby sorry na pansinin mona si kuya zack."
"Babawi si kuya promise."
"Sige ganito sa monday ako mag-hahatid sayo sa University, at Lilibre kita ng lunch?"
Psh. Akala niya madadaan niya ako sa ganyan, Pwede naman ako sumabay kay kuya zion. At may pera ako hindi ko kailangan mag palibre sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo. Pasimple ko siyang tinignan kung saan pupunta. Ganoon na lang ang gulat ko ng bunutin niya ang saksak ng TV!
"What is your problem kuya zack? Nakita mong nanonood ako 'di ba?!" Inis kong sabi sa kanya. Minsan din talaga bastos tong pinsan ko eh.
"Finally! pinansin mo din ako."
Bumalik ito sa tabi ko.
"I'm sorry baby, Promise hindi na mambabae si kuya zack."
"Ewan ko sayo."
"H'wag na magtampo ang baby ko, Araw araw ka ililibre ni kuya ng fries na favorite mo. Idedeliver ko pa sa room mo. Please bati na tayo."
Argh! Ang kulit! Pero ginamit na niya ang kahinaan ko, fries! Araw araw niya ako ililibre ng favorite ko. Hmmm.
"Sige pero sa isang kondisyon, Hindi kana mambabae ok? Be a good boy kuya zack. Tignan mo sila kuya zion, Hindi sila babaero like you. May naging girlfriends sila pero hindi naman sabay sabay na katulad mo! Haler kuya?! May pinsan kang babae gusto mo bang ganunin din ako? Yung lokohin 'yung ipa---"
"No way! Bubugbugin ko sila pag niloko ka nila baby! Hindi ako makakapayag na saktan kalang."
"See? Kaya umayos kana. Maging katulad kana lang nila kuya zion at jake. Busy sila sa pag-aaral at sa bussines nila."
"Psh. Ako nakakahalata na baby ah, Lagi muna lang pinupuri 'yung dalawa. Mas love mona ata sila kesa sa'kin."
Eto na nag iinarte na ang pinsan kong minsan isip bata.
"Pasaway ka kase. Sila hindi." Pang-aasar ko sa kanya. Bumusangot naman siya.
"Sus. Akala mo lang hindi pasaway ang dalawang 'yun dami din kayang babae non sa university, Hindi lang pinapakita sa'yo."
"Baka maraming nag-kaka'gusto. H'wag mo nga sila igaya sayo." Well, hindi ko naman itatanggi, Sobrang sikat nila sa School. ang dami nilang fans. Minsan nakaka-irita na nga dahil nakakarindi ang mga tilian nila kapag nakikita ang mga pinsan ko.
"Ouch baby ha! Ginaganyan muna ako."
"Kidding. Pero seryoso kuya magbago kana ok? H'wag nang babaero. Ayoko nang masabunutan ulit."
Natawa naman siya sa huling sinabi ko, Aba.
"Opo ayoko na ulit magalit ang baby ko at higit sa lahat ayoko ng masaktan ka ulit."
"Good. Sige na saksak muna ulit yung TV kuya zack."
Napatulala naman siya sa sinabi ko. Natatawa ako sa reaction niya. Siya nag-bunot kaya siya din mag-sasaksak.
"What kuya? saksak muna ulit, ikaw nag tanggal niyan eh. Bati na naman tayo."
"Oo na po." Tumayo ito at kakamot kamot ng ulo hahaha cute!
************
MONDAY Kanina pa ako naka ready para pumasok, Kaso 'yung mga kasabay ko ang tatagal dinaig pa ako sa pag-aasikaso. First Day of school ngayon, ayoko malate. Gosh. Bakit kase ang aaga nila pumasok, mamaya pa naman klase nila. Ako lang naman ang naiiba ng sched, halos lahat ng kinuha ko pang-umaga, Tsaka ewan koba sa mga pinsan ko, tatlo silang fourth year college na pero kung umasta parang first year palang pa easy easy. Kami lang naman ni jake ang parehas third year pero iba ata kinuha niyang sched. Napatingin naman ako sa hagdan ng sunod sunod na bumaba ang mga pinsan ko at si kuya na nahuhuli. Wow! Saan mall sila pupunta? Bakit pormang porma ang mga 'to? "Let's go princess." "Tara na baby." "Love alis na tayo." "Baby Zi halika na baka malate ka."
"Ayan! Sakto lang sainyo ang uniform." nakangiting bungad ko sa kanila. "Uhmm.Thank you talaga ah? Kung hindi ka dumating kanina baka mas malala pa nang-yare samin." "Oo nga, kung hindi lang kami bago baka sinabayan namin siya! Inisip namin na first day palang tapos may record na kami. Ayaw namin ipag-sapalaran ang Scholarship namin." "Yung babaeng yon! Hindi naman marami ang natapon. At siya naman may kasalanan no'n, Hindi siya nakatingin sa dinaraanan 'e. tapos kami pa sinisi niya." Napatigil ako dahil bigla silang tumapang, Pero kalaunan napangiti na din, Eto talaga ang totoong sila. Kayang kaya nila sabayan sila AJ ang kaso iniisip nila na first day ng school ngayon at ayaw nila masira ang records nila. "Ay pasensya kana 'a? Sa totoo lang kaya naman namin 'yung mga 'yun kaso iniisip namin na pag-pinatulan namin sila, Lalaki lang ang gulo at magk
Pumasok na kami sa loob ng Cafeteria at ayon na naman ang ingay ng mga babae. Nakakarindi. Gosh. "Ang Campus Crusheees! Omg! Omg! Bakit mas lalo silang gumu-gwapo?" "Gosh! Be mine zion!" "Baby zack ko!" "Matthew myloves." "I love you jake!" "Yummmy!" "Ang hot! Goodness." "Aaahhhh! Makita ko palang sila busog na ako!" Napa-irap nalang ako sa kawalan sa huli kong narinig, Landi ni ate. Anong akala niya sa kuya ko at pinsan pag-kain? Nakaka-imbyerna ah. Naka poker face akong nag-tungo sa mau-upuan namin. "Hey baby, ayos mukha. Ayan kana naman poker face." "Don't mind them princess. " "Hindi kapa ba nasanay love?" "Nakakarindi na kase sa tagal na
*FLASHBACK* "I'm home!" Masayang bati ko pag pasok ko ng bahay. Kaso unti-unting nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso silang lahat, Nag-tataka akong lumapit sa kanila. "Hey, may problema ba? Bakit ang seseryoso niyong lahat?" Alanganin tanong ko sa kanila. "Baby.." Nag-aalalang tawag ni kuya zack sa'kin. "What kuya zack? Bakit ganyan kayo kung makatingin sakin?" unti unti na akong kinakabahan dahil sa inaasta nilang lahat. Ngunit walang sumagot sakin. Humarap ako kay justine at Seb. "Seb, justine what's going on?" Umiwas lang sila ng tingin, Great! ano ba talaga ang nang-yayari dito!? "Hey! Ano ba! Kinakabahan na ako ah!" naiinis na sambit ko, para akong walang kausap. "Umalis na si Austin i
Kezia pov KINAGABIHAN Argh. Antok dalawin muna ako please. Bakit kase hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi nila seb? Ano naman kung andito na siya? Kung bumalik na? Dapat hindi na ako maapektuhan ng ganito.. Kinuha ko ang phone ko, Chineck kung anong oras na. Geez! 1:42 am na! Maaga pa pasok ko mamaya. Argh! Kainis naman. Papasok ata akong zombie nito e. Kinuha ko ang unan at tinakpan ang mukha ko. Kailangan kona matulog. Ayoko maging lutang mamaya. ***** WAAAAAAH ano ba 'to! Mukha ako'ng panda! Ganda pa ng sabi ko kanina na ayoko maging lutang. Kainis, hindi talaga ako makatulog kanina. Kung kailan mag-aasikaso na ako para pumasok doon lang ako inantok. Nasaan naba kase 'yung concealer ko, kailangan kong mapatungan tong nag he-hello kong eyebag.
***** "Friend? friend gising na." "Hmmm.." "Gising na girl. Andito na prof natin." Bigla naman akong napamulat, gosh! Nasa room nga pala ako! Pasimple kong inayos ang sarili ko, bago ko i-angat ang ulo ko. Tumingin ako sa unahan at nakita kong hindi ito ang unang prof namin. "Bakit si sir Manalo na 'yung prof?!" hindi makapaniwalang tanong ko kela Jen. Masyado bang napasarap ang tulog ko? Nako! Ano kayang sabi ni sir nuñez? "Wala tayong prof kanina, hindi pumasok si sir nuñez." nakangiting sabi ni zen "Hinayaan kana muna namin makatulog." ganoon din si pat. "Alam namin na kailangan mong makatulog para mawala kahit papaano ang sakit ng ulo mo." nakangiti ding sabi ni jen. Nakahinga ako ng maluwag kalaunan ay napangiti na din. Buti nalang nandito sila, Siguradong binantayan din ni
"Huy, girl! Bakit tulala ka?" Napa-kurap-kurap naman ako, doon lang naalis ang tingin ko kay Gio, Bakit naman ganito, Tadhana bakit mo naman kami pinag-lalapit ng lalaking ito. Bakit pati dito sa University makakasama ko pa siya? "Ok boys doon kayo maupo sa likod nila Ms. Villanueva." Great! Sa likod pa talaga! Tadhana ano bang nagawa ko para parusahan mo ako ng ganito? Una 'yung mga bully dito sa university. Sa unahan namin sila naupo. Ngayon naman ang mga kababata ko. Sa likod naman namin sila uupo? Paano ako makakahinga ng maayos nito kung napapaligiran ako ng mga taong ayoko makasama o makita? Nag-lakad na sila patungo sa upuan nila, Hindi kona sila tinignan. Yumuko ulit ako, Hinanap kona lang ulit ang ballpen ko.
Kezia Chloe Isang linggo na ang nakakalipas, Isang linggo na din namin nakikita ang pag-mumukha ng mga bullies ng University. Konti nalang mapupuno na ang mga kaibigan ko, Araw araw sila'ng nag-paparinig samin. Lalo na si DIA lagi rin siyang nakadikit sa Austin na 'yon. Tama ang mga kaibigan ko, May lahing LINTA ang babaeng 'yun Tuwing papasok sila sa klase sabay sabay sila kasama ang mga kababata ko. Mukhang close na close na nga sila tsk. Isang linggo kona ring hindi pinapansin ang dalawa kong kababata! Huh! Simula ng makasama nila ang Austin na 'yon binalewala na nila ako! Mga traydor. Mag sama sama sila! Akala nila papansinin ko sila? Dumating lang ang lalaking 'yun hindi na nila ako pinansin, Maski text wala! At laking pasasalamat kona sa buong linggo hindi ko pa nakikita dito sa bahay ang Austin na 'yo
Minsan inaakala mo na ok na ang lahat, hanggang sa magugulat kana lang na biglang may malaking problemang dadating na ikasisira ng mundo mo.Akala ko magiging masaya na kami ni Gio, Akala ko ok na ang lahat. pero hindi mo talaga masasabi ang tadhana.Kapag sobrang saya mo talaga, may kaakibat na lungkot ang susunod. Siguro nga, hindi kami para sa isa't isa. at kailangan nalang namin na tanggapin na hanggang doon na lang kami Gio.Acceptance..I was so broke that night, too broke na mawala na ako sa katinuan ko, Kinulong ko ang sarili sa kwarto and with that I got depressed. Naulit na naman ang nang-yari sakin noon, Sobrang nag-alala sa'kin sila kuya. Isang linggo akong nag-kulong sa kwarto ko, Isang linggo akong hindi pumasok, Isang linggo akong hindi kumain, Hinayaan ko ang sarili
Ako dapat ang magalit dahil sa panloloko at pamimilog niya ng isip ko! Iniwas kona ang tingin sa kanya.“I'm sorry for this Chloe, Hindi ko alam ang bagay na ito. Nagulat na lang ako kanina ng sabihin sa‘kin nila mommy ang about dito. Wala na akong magawa. Sorry.” Bulong sa‘kin ni Nicolai.“It's ok, same lang tayo. Wala din akong alam.” Bulong na sagot ko,“Uh, ok kalang ba? about kay Austin..” Tiningala ko siya at nginitian. Tumigil kami sa gilid ng stage.“Please, don't mention his name. Mukha lang akong ok sa panlabas ko, pero deep inside basag na basag na ako. It's fcking hurt, Nicolai. Sumasabay lang ako sa agos for the sake of my family.” Malungkot siyang tumango.“I undestand, Gusto kong malaman mo na nandito lang ako para makinig.” Nginitian ko siya at inalalayan na niya akong umakyat.
Bored akong nangalumbaba sa Table namin habang nag-sasalita sila mom, Marami silang pinasasalamatan.“This party is very important, I would like to inform all of you that Zaldariaga Group of Company and Villanueva Corp will be merge.” Masayang anunsyo ni mommy na kinagulat namin nila kuya. Nag-palakpakan naman ang lahat.“Hindi ba't apelyido ni Nicolai 'yon?” Tanong ni Kuya Zack.Tumango tango naman ako. Jeez, alam kaya ni Nicolai 'to? Hindi ko alam 'to 'a. Ang lalaking 'yun napaka masekreto.“Ang kompanya nila at ang atin pag-iisahin? Hindi ba't hindi basta basta iyon? Pwere na lang kung—” Hindi natuloy ni Kuya Zion ang sinasabi ng muling mag-salita si Mommy.“Not only that, but Dela Vega and Baron Corp will also
******Hindi ako bumaba agad, Hinintay ko na ipatawag ako nila mommy, Hindi ko kaya pansinin si Kuya Matt ngayon,Pagbaba, Good thing na kausap ni Daddy si Kuya kaya hindi niya ako malapitan, pero ramdam ko ang pag-titig niya sa'kin.Sinukat ko agad ang gown, hindi naman masikip o maluwag saktong sakto lang at grabeee ang ganda ganda talaga! Hindi din ako nag-tagal doon ng ok naman na, Umakyat agad ako sa taas at nag-kulong, Dinoble ko ang lock ng kwarto para hindi makapasok si Kuya Matt, Dati hindi ko ginagamit ang chain lock ng kwarto ko, pero ngayon ginamit ko dahil ayoko talaga makausap si Kuya.Humiga na lang ako at tinext si Gio.KINABUKASANNine 'o clock palang ng kumatok si mommy sa pinto ng room ko, Nasa baba na daw ang home service na pinapunta niya para sa Spa, Facial, mani and pedi. Eleven pa naman daw dad
LUNCH BREAK Mabagal akong kumain habang nakatingin kay Gio, patingin tingin siya sa phone niya at sa relo. May hinihintay atang text. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya bumaling siya sa'kin tapos sa kinakain kong kokonti palang ang bawas.”Hey, you ok? Bakit hindi mo masyado ginagalaw pag-kain mo? Ayaw mo ba? Gusto mo bilhan kita ng iba?” Tanong niya, akma siyang tatayo ng umiling ako at tipid na ngumiti.“Wag na, ok naman tong pagkain ko.” Nangunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.“Then bakit hindi ka kumakain?”“Nabusog lang agad ako. marami akong nainom na tubig at nakalahati ko agad 'yung pineapply juice. Pag-dadahilan ko, Ewan ko pero biglang parang ayaw kona umalis si Gio.Parang may pumipigil sa‘kin na 'wag siyang paalisin.“Tsk,
Ang dami naming picture na dalawa, May kinausap pa nga siyang isang lalaki at nakisuyo siya na picturan kami. Tatlong kuha ang ginawa ni kuya, Una naka-akbay sa‘kin si Gio habang parehas kaming nakangiti, Pangalawa Wacky picture, Ngumuso ako at nag-peace sign habang siya nakatingin sa‘kin habang nakangisi, tapos doon siya naka peace sign sa ulo ko, Naisahan ako ng loko! then ang last is nakatalikod kami, nakatingin kami sa View sa harap habang mag-kahawak ang kamay.Nag-pasalamat kami kay kuya pag-katapos then nakangiti kong tinignan ang picture namin.Yung unang picture ginawa kong wallpaper ng phone ko, Then nag-story ako sa insta, nilagay ko 'yung tatlong picture namin. Then nag-lagay lang ako ng maliit na message na Love and Happiness.Wala lang feel ko lang na ganon ang icaption ko, hehe feeling girlfriend lang. pero malapit na ri
THURSDAY Ang bilis ng araw thursday na agad ngayon, Niyaya nga ako ni Gio na pumunta mamaya sa Tanay Rizal kung saan may Cafe na maganda ang View lalo na kapag-gabi daw. Ang hilig talaga niya sa biglaan. pero ok na din 'yun atleast matutuloy kesa naka-plano tapos drawing lang pala. Pag-naka-abot pa daw kami daan din daw kami sa Cloud 9 360 view & Hanging Bridge sa antipolo, Bali pag-maaga kami nakalabas ngayon uunahin namin puntahan ang 360 view sa antipolo bago sa Cafe sa tanay. Bukas kase half day lang siya papasok, Susunduin niya na kase ng hapon sila Tita, Mag-kikita na lang kaming dalawa ng Saturday Night na.Parehas kase kami mahilig ni Gio sa mga cafe then over view. Nakaka-relax kase ang ganoong lugar. Tamang kwentuhan lang habang nag-kakape habang nakatingin sa magandang view.Excited
SUNDAY Maaga kami gumising dahil maaga daw darating ang mga mag-susukat ng Gown at Tuxedo. Talagang pinasadya nila mommy na ipagawa ang maisusuot namin dahil isang malaking Event daw ang magaganap sa Saturday. Gusto niya na bongga ang suot namin nila kuya. Lalo na daw ako, Iisa lang ang kulay at design na pinili ni mommy para daw pare-parehas kami, nangangahulugan na mga Villanueva lahat ng nakasuot ng ganoong design at kulay. Hindi ko alam bakit kailangan pa ng ganoon. Ang daming alam ni mommy. Bored na bored ako habang nakamasid kela kuya na sinusukatan na ngayon. Hanggang ngayon pala isipan pa din sa'kin para saan ang biglaang malaking Event nila mommy. Napalingon ako ng tumabi sa'kin si Gio, Nag-pasukat din siya pero ibang design nga lang dahil kailangan daw same siya sa mga Dela Vega. Kaloka talaga, pa-uso di
May pag-iwas pa 'tong si Justine! Kahit umiwas siya damay na siya sa bunyagan ngayon! Hahaha nauna lang Seb sa kanya dahil bida bida ang lokong 'yun. Maaga pa naman ilang minutes pa bago dumating Prof namin.Ngi-ngisi ngisi ako, Hindi p'wedeng ako lang ang inaasar nila! Napalingon ako kay Gio ng bigla nitong hawakan ulit ang kamay ko, Nag-tataka siyang nakatingin sa'kin.“Para saan ang ngising 'yan Iah? What are you planning?” mahinang tanong niya. Nginitian ko lang siya bago bumaling sa nakatalikod na si Justine, kausap na niya si Grazia.“Justine.” Tawag ko sa kanya, agad naman siyang lumingon. Nag-aalangan! hahaha mukhang alam na niya.“Iyang please, I know what are you thinking.” nag-susumamo ang boses nito pero inferness nandoon pa din ang kaseryosohan 'a.“Hu