*****
"Friend? friend gising na."
"Hmmm.."
"Gising na girl. Andito na prof natin."
Bigla naman akong napamulat, gosh! Nasa room nga pala ako! Pasimple kong inayos ang sarili ko, bago ko i-angat ang ulo ko. Tumingin ako sa unahan at nakita kong hindi ito ang unang prof namin.
"Bakit si sir Manalo na 'yung prof?!" hindi makapaniwalang tanong ko kela Jen. Masyado bang napasarap ang tulog ko? Nako! Ano kayang sabi ni sir nuñez?
"Wala tayong prof kanina, hindi pumasok si sir nuñez." nakangiting sabi ni zen
"Hinayaan kana muna namin makatulog." ganoon din si pat.
"Alam namin na kailangan mong makatulog para mawala kahit papaano ang sakit ng ulo mo." nakangiti ding sabi ni jen. Nakahinga ako ng maluwag kalaunan ay napangiti na din. Buti nalang nandito sila, Siguradong binantayan din nila ako.
"Thanks guys. Kahit konti nawala na sakit ng ulo ko. Hindi katulad kanina na sobra at pumipintig."
"Welcome girl, mamaya na tayo mag-usap. Mag-sisimula na si Sir Manalo."
Natapos ang klase kay Sir Manalo, Hinihintay namin ang susunod na prof.
"Grabe. Nagugutom na ako. Pag tapos pa ng susunod na subject natin ang break. Nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan." Nakasimangot na sabi ni zen. nakahawak pa ito sa kanyang tiyan.
"Ako nga din. Naloka ako sa mga tinuro ni sir manalo. Second day palang ng pasukan a! Iba din talaga. Advance mag-isip si sir!"
Ako din nagugutom na' hindi ako nag-almusal ka----ay! May sandwich nga pala ako!
Dali dali kong kinuha ang paper bag na pinag-lalagyan ng sandwich na nasa tapat ng upuan ko.
"Charaaaannn!" masayang sabi ko ng nilapag ko ang paper bag sa ibabaw table ko.
"What's that girl?"
"Hmmm. Tuna sandwich? Gawa ni kuya zion, Hindi din kase ako kumain kanina e, Kaya ayan' ginawan niya ako. Incase na magutom ako, Actually dinamihan ni kuya zion 'to para sainyo."
"Waaaaaaaah friend hulog ka talaga ng langit alam mo yun?! Gutom na gutom na talaga ako! Saka ang sweet naman ni kuya zion mo. Inalala pa talaga niya kami."
Natawa ako kay zen mukhang gutom nga din talaga sila. Binuksan kona ang paper bag at chineck ang laman kung ilan ang ginawa ni kuya zion na sandwich. Wow! walo! Grabe ang dami niyang ginawa 'a.
"Here! walo ang ginawa ni kuya zion, Tig- dadalawa tayo."
"Wow! Bait naman ni kuya zion!"
"Yieee! Thank you girl!"
Sabay sabay kaming kumain habang nag-kwe-kwentuhan..
Maya maya pa dumating na ang prof, saktong katatapos lang namin kumain. Buti nalang may nilagay din bottle water si kuya zion sa paper bag kaya naka-inom kami.
Umayos na kami ng upo.
"Ok class may ililipat dito sa block niyo. Sobra na kase doon sa kabilang room. Dito nalang ang may available at same lang naman ang tinatake niyong course. Hintayin natin sila."
What? Sino naman kaya.
"Hi Sir sorry we're late."
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto. napamaang naman ako, Sila? Pati ba naman dito? Jusmiyo!
"My goodness, sa dinami rami ng pwedeng maging kaklase sila pa?" inis na sabi ni zen.
"Araw araw na natin sila makikita, Araw araw na din masisira ang araw natin dahil sa mga pag-mumukha nila." bulong naman ni jen.
"Sinusundan ba nila tayo? Pati ba naman dito?" pabulong din na sabi ni pat.
Si AJ, Dia, Joyce at keanna. Mag-sasama sama kami sa iisang klase?! 'O Great! Sobrang aarte ng mga to' lalo na ni Dia.
"Hi my name is Dia Baron. Alam ko iba sa inyo kilala na ako/kami at ang iba naman ay hindi. Nawala kase ako ng isang taon sa university e, But now i'm back hindi na ako aalis. Dito na ako hanggang maka-graduate. Sana maging friends tayong lahat." Habang nag-sasalita siya sa'kin ito nakatingin. Tsk! makikipag-kumpetensya na naman siya sa'kin panigurado.
Napairap nalang ako sa kawalan at sumandal sa upuan ko. Sana hindi kana lang bumalik. Sana doon kana lang kung saan ka man pumuntang bansa.
"Hi I'm Aj Pearl Malacay! Cousin ni Dia Baron i hope maging friends tayo!"
Isa pa 'tong bully na ito, akala mo totoo talaga ang sinasabi niya, Alam naman lahat ng Estudyante dito na Bully sila at hindi nakikipag-kaibigan kapag hindi nila ka-level. Plastic talaga.
"Joyce Umali here! Masaya akong makilala kayong lahat!" Isa pa ito. Ibang klase talaga sila. Gagaling umarte na mababait.
"Hello Everyone! Keanna Silay here!"
Sandali nga bakit ba nag-papakilala pa tong mga 'to? Eh sikat na sikat nga sila dito sa university bilang bully at maarte?! Mga pasikat din talaga eh.
Pinag-masdan ko ang mga kaklase namin na kilala sila. Halatang mga natakot na andito ba naman ang mga bully! Tsk.tsk.
"Sige na maupo na kayo sa unahan nila ms.Villanueva."
Oh great! Sa harap pa talaga namin sila uupo?
Nag-lakad naman sila patungo sa upuan nila Kitang kita ang mapaglarong ngisi ni Dia. 'Yung tatlong kasama naman niya nakatingin kela pat.
Sabay sabay silang naupo sa unahan namin. pasimple akong binulungan ni Zen,
"Friend mag-ready kana. Nararamdaman kong may mga binabalak ang mga 'yan. Sa mga tingin at ngisian palang nila. Mukhang magkakaroon ng word war III dito sa room natin."
Tumango naman ako tama siya. Sa mga tinginan nila. May mga binabalak sila. Bakit ba kase hindi matahimik ang mga 'to? Gusto lagi nila ng gulo? Umiiwas kana nga. Sinusundan pa din.
Mag-sisimula na sana si sir ng may kumatok sa pinto. Lahat kami napabaling ulit doon. Nangunot ang noo ko, 'o ano naman ginagawa nila seb at justine dito?
"Ah sir excuse lang po. Uhmm dito po ba ang room g-11?"
"Yes. Why?"
"Dito po kase kami pinalipat sa room na ito."
Napa-maang naman ako, Pati sila?! anong nang-yayari at pati sila dito pinalipat?
"Oh I forgot na 7 students nga pala ang lilipat sa G-11."
What?! Pito? Anim palang sila. Sino naman ang isa?
"Pumasok na kayo at mag-pakilala." Tumango at sumunod naman ang dalawa kong kababata. Pumasok sila at nakangiting humarap samin si Seb.
"My name is Wayne Sebastian Cesar hello sainyong lahat!" masayang pagpapakilala niya.
"Justine Neil Asis." kung anong kinasaya ng pag-papakilala ni Seb, 'yun naman ang kabaliktaran ng isang to. Simple lang at parang bored na bored.
Napatingin naman sa gawi ko si Seb. Nanlaki ang mata niya ng makita ako. May kasama pa ngang pag-turo ang ginawa niya. Baliw. Parang hindi siya makapaniwala na nandito rin ako sa room na ito.
"Oh sh*t iyang?!" Napa-iling ako sa reaksyon niya. Bakit gulat na gulat siya? Hindi ba niya alam na dito din ako sa section na 'to? Hindi ba nabanggit nila jake? Bumaling naman ako kay Justine gulat din ang reaksyon nito. Ang OA naman ng dalawang ito.
"Cesar your mouth!" sita sa kanya ni sir. Ayan kase mura pa more!
"Sorry sir."
"Nasaan ang pang pitong estudyante na lilipat dito? Anim palang kayo."
"Huh? Hindi sumunod satin 'yung isa?" takang sabi ni Seb. Lumakad ito at lumapit sa pinto.
"Anong ginagawa mo d'yan? Pumasok kana men! Hinihintay kana ni sir."
Biglang nahulog ang ballpen ko. Ano bayan! Mawawalan na naman ng tinta 'yon! Yumuko ako. Luh! Nasaan na ang ballpen ko?
"Hi I'm Austin Gio Dela Vega Nice to meet you all."
Napatigil ako sa pag-hahanap ng ballpen. para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Austin Gio Dela Vega? Oh god! Dahan dahan kong inangat ang ulo ko.
Saktong sa pag-angat ng ulo ko nag-tama ang mga mata namin. ang mga mata'ng 'yon..ang matang gustong gusto ko nakikita noon..wala sa sarili na pinag-masdan ko ang buong mukha niya..ang kilay niyang makapal na naiingit pa ako noon dahil makapal na naka korte pa. Lagi ko rinh hinahawan ang kilay niya dahil gandang ganda ako. Ang ilong niyang matangos.. Ang labi niyang mapula..
Sh*t! Bakit biglang bumilis anh tibok ng puso ko?
Ang laki ng nag-bago sa kanya. Lalo siyang pumuti, Lumaki din ang pangangatawan niya, Tumangkad din ito. Bakit.. Bakit lalo siya'ng naging gwapo sa paningin ko? Wait! Sinabi ko bang gwapo? God Kezia! Ano 'yang mga pinag-iisip mo?
"Huy, girl! Bakit tulala ka?" Napa-kurap-kurap naman ako, doon lang naalis ang tingin ko kay Gio, Bakit naman ganito, Tadhana bakit mo naman kami pinag-lalapit ng lalaking ito. Bakit pati dito sa University makakasama ko pa siya? "Ok boys doon kayo maupo sa likod nila Ms. Villanueva." Great! Sa likod pa talaga! Tadhana ano bang nagawa ko para parusahan mo ako ng ganito? Una 'yung mga bully dito sa university. Sa unahan namin sila naupo. Ngayon naman ang mga kababata ko. Sa likod naman namin sila uupo? Paano ako makakahinga ng maayos nito kung napapaligiran ako ng mga taong ayoko makasama o makita? Nag-lakad na sila patungo sa upuan nila, Hindi kona sila tinignan. Yumuko ulit ako, Hinanap kona lang ulit ang ballpen ko.
Kezia Chloe Isang linggo na ang nakakalipas, Isang linggo na din namin nakikita ang pag-mumukha ng mga bullies ng University. Konti nalang mapupuno na ang mga kaibigan ko, Araw araw sila'ng nag-paparinig samin. Lalo na si DIA lagi rin siyang nakadikit sa Austin na 'yon. Tama ang mga kaibigan ko, May lahing LINTA ang babaeng 'yun Tuwing papasok sila sa klase sabay sabay sila kasama ang mga kababata ko. Mukhang close na close na nga sila tsk. Isang linggo kona ring hindi pinapansin ang dalawa kong kababata! Huh! Simula ng makasama nila ang Austin na 'yon binalewala na nila ako! Mga traydor. Mag sama sama sila! Akala nila papansinin ko sila? Dumating lang ang lalaking 'yun hindi na nila ako pinansin, Maski text wala! At laking pasasalamat kona sa buong linggo hindi ko pa nakikita dito sa bahay ang Austin na 'yo
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, Bago ako naglakad patungo sa kanila. Hindi kona hinayaang tumayo pa si Jake. Lahat naman sila napalingon sa‘kin. "Baby! Tapos kana? Anong niluto mo?" Masayang tanong sakin ni kuya zack. Tinignan ko naman sila isa-isa. Ano kakain silang ganyan? Basang basa dahil sa pawis? "Oh baby Zi bakit ganyan ka makatingin samin?" "Maligo muna kayo. Hindi kayo kakain hanggang ganyan mga itsura niyo. Amo'y pawis kayo'ng lahat. Ano gusto niyo ba mag-kasakit? Nag-papatuyo kayo ng pawis?" Mataray kong sabi, kailangan mag-taray para sumunod ang mga ito. "Baby pwedeng mamaya na? Gutom na talaga kami!" "Oo nga baby Zi, Hindi kami nag-almusal kanina." "Aah! Hindi kayo kumain? Wow! Ang
"Alam kona ang dahilan kung bakit umalis si Austin noon..." "WHAT?!" sabay sabay naming sabi nila kuya Zack. umayos ako ng tayo at tinitigan si kuya matt. Bakit hindi niya sinabi samin? ano ba talaga ang dahilan. "F*ck alam muna dude? Bakit hindi mo man lang sinabi samin?!" "I'm sorry." Umiwas siya ng tingin samin at bumuntong hininga. Bakit halos lahat sila nag-lihim na sakin? Una 'yung dalawa. Ngayon ang kuya ko naman. Nakakapang-hina. "Kailan mo pa alam kuya?" Mahinang tanong ko dito. "Noong unang araw dito ni Austin sa bahay. Kinausap ko siya." "Then?" "Doon niya sinabi sakin lahat, Ayoko pa sana malaman mo princess ang lahat kaya sinabi ko kay Austin na h'wag na muna. Kaso ang g*go hindi na makapag hintay." ano ba talagan
Kezia pov "WHAT?!" sabay sabay na sigaw ng tatlo. "Oh my! So sinabi na pala niya ang totoo." tumatango tangong sabi ni jen "Kawawa naman pala." malungkot naman na sabi ni pat "May malalim naman pala na dahilan friend." pagsasalita ni zen. "Pero friend ok na kayo? Bati na kayo?" "Hindi pa. Meddo masakit pa rin dahil hindi niya kami pinag-katiwalaan. Kung sinabi niya sana samin noon e' di ok kaming lahat. Walang ganitong pang-yayari 'di ba?" "May point ka friend." "Alam niyo bang may kinababahala ako?" Muli kong sabi. "Ano naman 'yun?" tanong ni Jen, napasandal ako sa kinauupuan ko at taimtim silang tinignan. "Kahapon nung nag walk out na ako, may pahabol pang sinabi si Austin." "Ano naman?" sabay sabay nilang tanong. &nb
Umayos na kami ng upo, Tumingin ako sa tatlong katabi ko at Kung kanina ay nag-pipigil sila ng tawa ngayon ay nakakalokong ngiti na ang naka paskil sa mga labi nila. Lumapit ng konti sa‘kin si Zen at simpleng bumulong. "Dumada-moves ‘yang childhood friend mo. Kainis lang Nakakakilig!" Napailing nalang ako. "Kakakilig ka dyan, Binigyan lang ako ng chocolate dahil kinain nila kuya Zack 'yung nasa bahay.." "Sus! Nako friend baka ayan na ‘yung sinasabi niyang babawi siya sa‘yo. Oh my god ngayon palang kinikilig na kami." "Baka nga hindi bawi ‘yun e. Malay mo nililigawan kana girl." Singit ni Jen na nakikinig pala samin. "Kayo talaga. Binigyan lang ako ng chocolate." "Hay nako friend sinasabi ko sayo duma-damoves nayan
Tuwang tuwa ako sa kinakain kong chocolate cake ng bigla akong sikuhin ng mahina ni Zen. "Friend new classmate natin mukhang walang maupuan oh." Binaba ko ang kutsarang hawak at bumaling sa tinuro ni Zen. Oo nga, puno na ang lahat ng tables, nag-sabay kase ang break time ng 1st year kaya puno lahat. "Itong satin meron pang isa at doon sa mga bullies nalang." komento ni Pat. "Hala! Hala! palapit siya dito." Umayos sila ng upo, habang ako nakamasid lang sa papalapit na lalaki. "Uhmm. Excuse me? Pwede ba akong maki-upo? Wala na kaseng bakanteng upuan. Ok lang ‘ba?" Magalang at nakangiti nitong tanong. "No/Sure.” Sabay na sabi nila kuya at nila Jen. ano pa nga bang aasahan ko kela kuya, malamang No ang isasagot nila, Habang sila Jen ay payag, Kahit sa'kin ok lang dahil makiki-upo lang naman. Kawawa naman kung mag-hihintay pa siya ng vacant baka m
Haysss. Feel ko pinalayas ako ng mga pinsan ko at kapatid. Pina-andar na rin ni Austin ang sasakyan niya. Habang nasa biyahe kami bigla itong nagsalita. "Iah?" "Hmm.." "Can I ask you something?" "Ok, What is it?" "Are you still mad at me?" Bigla naman akong napatingin sa kanya, nakatingin pala ito sa‘kin. Bakit ganoon? Nakikita ko sa mata niya ang lungkot? Umiwas tuloy ako ng tingin sa kanya, Hindi ko kayang salubungin ang ganoong klaseng mga mata. Bumuntong hininga muna ako bago sinagot ang tanong niya. "Medjo? Hindi naman kase mawawala agad ang galit ko sa‘yo Austin. Napaka-tagal na panahon na nag-isip ako bakit iniwan mo ako noon. ‘yun pala may tinatago kana samin." "I undestand. Hihintayin