Share

Kabanata II

Author: Annciety
last update Last Updated: 2022-11-19 05:09:28

~Tana~

Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan.

"Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!"

"I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok.

"Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"

Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?

"Kung nasisilaw ka edi mag-shades ka!" Kinuha ko na lang ang cute na telescope ko sa suot kong backpack na nabili ko sa tingian. Hindi naman mamahalin ito dahil isang daan ko lang nabili kaya gawa lamang ito sa plastic. Parang 'yong made in China mong friend. Charizz!

"Wow! Ang cute naman niyang telescope mong pambata," komento ni Andrea na hindi ko alam kung compliment or inaasar niya lang ako.

"Huwag ka na ngang maingay riyan at hinahanap ko saang lupalop naroroon si Juan!" Iginala ko ang mata ko habang nakasilip sa pink kong telescope.

"Gaga! Ayun lang si Juan mo, oh! May kasamang bruhilda!" Itinapat niya ang telescope na hawak ko kung nasaan si Juan na may ka-holding hands na ibang babae.

Wala sa sarili kong naibaba ang telescope ko at parang dinurog ang puso ko sa nakikita ko ngayon. "Girlfriend niya?"

"Obvious ba? Gusto mo lapitan natin ng makumpira nating girlfriend niya iyong ka-holding hands niya?"

Napangiwi na lamang ako kasabay ng pagbusangot ng mukha ko. "Hindi na umuwi na lang tayo. Hindi ko alam na mahilig pala sa chaka si Juan. Sayang siya!" Ipinasok ko na ang telescope ko sa backpack ko at umatras na lamang.

Sabay namin tinahak ni Andrea ang daan pauwi since hindi naman nagkakalayo ang mga bahay namin. Lagi rin kaming sabay pumasok sa eskwelahan because that is what friends are for pero kapag naiinip ako sa kabagalan niya mag-ayos ng sarili ay iniiwan ko na lang siya. Masamang paghintayin ang beauty ko!

(Notification sounds)

Kinuha ko ang cellphone ko sa backpack ko ng marinig ko na tumunog ito. Pagkabukas ko ng screen ay agad na tumambad ang basang semi-hubad na katawan ni Hauser habang nakasabit sa leeg niya ang puting t'walya. Nakasuot ito ng itim na boxer na siyang nagpalaki sa ngiti ko. May nakikita akong bumabakat hindi ko sasabihin! Kyah!

Bago pa man mapusuan ng iba ang hottie picture niya na kaka-post lang ay inunahan ko na sila. First reactor here! Hart! Hart! Hart! Comment ko pa sa picture ni Hauser my loves at syempre automatic save sa gallery ko. Halos hindi ko na nga mabilang ang mga picture niya na nasa gallery ko, eh. Meron pa akong poster niya sa k'warto ko na nakasuot siya ng school uniform at noong nag-beach sila kasama ang daddy niya na magiging papa ko na rin soon. Iyong unan na ko na lagi kong yakap sa pagtulog ay may mukha niyang nakapikit kaya feeling ko katabi ko siyang matulog sa gabi.

"Kyah!" Sa super ultra mega kilig ko ay hindi ko na namalayang nahampas ko na pala si Andrea.

"Ano ba! Bakit ka ba bigla-bigla nanghahampas diyan!" Inis akong hinarap ni Andrea na nakapameywang.

"Eh, kese nemen kenekeleg ako, Bes, ehe!" Hinawi ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko habang nagpa-puppy eyes sa kanya.

"Kinikilig?! Nakalimutan mo na bang broken ka na naman sa crush mo? Usually kapag ganito ay umiiyak ka at nag-iinarte. Parang nag-iba yata ang ihip ng hangin, Bes? Umamin ka nga anong meron?" Sunod-sunod na tirada ng bibig niya na hindi man kang huminga kahit isang segundo.

"Ang dami mo namang sinasabi!" Pinalakasan ko ang brightness ng cellphone ko at itinapat sa mukha niya ang screen nito. "Kaka-post lang kasi ni Hauser sa social media account niya at ako ang unang nag-heart. Kyah! Kinikilig ang mga lamang loob ko, Bes!"

"Patingin nga!" Kinuha niya ang cellphone ko at tiningnan ng malapitan ang tinutukoy kong post ni Hauser. "Hoy! Ang hot, Bes! Parang lalo yatang uminit ang panahon! Teka hindi ako makahinga." Umarte pa ito na hihimatayin na ikinangiwi ko na lang. "Iyan ba iyong long-time crush mo, huh? Mukhang yayamanin at mukhang model ng mga boxer. Parang daks din!"

Kinuha ko na ang cellphone ko sa kanya bago pa mahulog itong bespren ko sa crush ko. Balak pa yatang agawin sa akin! "Oo siya nga. Mabuti na nga lang natanong ko iyong pangalan niya noon kaya lahat ng social media accounts niya ay naka-follow ako kaya lagi akong updated." Sambit ko na nakatingin sa gwapong mukha ng future asawa ko.

"Kaya naman pala hindi ka na umiiyak lately sa mga crush mo, eh, may nagpapasaya pala sa'yo riyan!" Kinurot niya ang tagiliran ko. "Pero, Bes..." Umangkla ito sa braso ko at para kaming magjowa na naglalakad dito sa gilid ng kalsada. "Hindi sa sinisiraan ko iyang Hauser na iyan, huh? Pero mukhang babaero, eh. In short playboy!"

Napatigil ako bigla sa sinabi niya. "Grabe ka naman, Bes! Hindi naman lahat ng gwapo, eh, babaero na or playboy. Sabi pa nga don't judge the book by its cover."

"Kahit na, Bes! Hindi ka sigurado na mabait nga talaga iyang Hauser na iyan."

"Sigurado akong mabait si Hauser at 'di ba nga tinulungan niya ako noong nadapa ako? Nandito pa rin nga iyong bandaid na inilagay niya sa sugat ko six years ago." Dali-dali kong kinuha sa loob ng backpack ko ang bandaid na tinutukoy ko na nakaipit sa crush list notebook ko. "See? Nandito pa at once na magkita kami ay ipapakita ko ito sa kanya ng maalala niya ako." Sambit ko na ipinakita sa kanya ang hawak ko.

"Yuck! Kadiri ka naman, Bes! Ilayo mo nga iyan ang baho! May maliliit pang balahibo mo na nakadikit, oh!" Lumayo ito ng kaunti sa akin habang nakatakip ang isang kamay niya sa ilong.

"Ang arte nito." Inipit ko na lang pabalik sa notebook ko ang bandaid na hawak ko.

"Kung ako si Hauser ay siguradong lalayo ako sa'yo kapag pinakita mo sa akin iyang bandaid mo."

"Pero hindi ikaw si Hauser!"

"Kahit na ba!"

"Ambot!"

Umuwi na lamang kaming pareho ni Andrea since wala namang nangyaring maganda. Kung meron mang nangyaring ikatutuwa ko ngayon ay iyon ang maging first reactor ni Hauser my loves! Ilang beses na ako na naging first reactor at commentator sa mga post niya pero never pa niyang ni-heart iyong mga comments ko. I'm sure naman nakikita niya mga comments ko kahit hindi siya nagri-react. When kaya ako mapapansin ng lalaking iyon? Kahit react lang sa comment ko masaya na ako. Hihihi!

Related chapters

  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata III

    ~Tana~Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?" "Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito. Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa laba

    Last Updated : 2022-11-19
  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata IV

    ~Tana~Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?" "Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang

    Last Updated : 2022-11-19
  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata I

    ~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe

    Last Updated : 2022-11-19

Latest chapter

  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata II

    ~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas

  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata I

    ~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status