Share

She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)
She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)
Penulis: Annciety

Kabanata I

Penulis: Annciety
last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-19 05:08:36

~Tana~

Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang!

Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.

Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhearted ako sa mga crush ko at siya rin ang laging nagbibigay ng payo sa akin. Sobrang close kami ng lolo ko kaya wala akong tinatagong sikreto sa kanya except sa pangungupit ko ng k'warta sa wallet niya.

"Lo, magpapaalam nga pala ako sa inyo." Pambabasag ko sa katahimikan habang kumakain kami ng agahan dito sa sala. Pandesal at kape ang almusal namin ngayon gaya ng araw-araw naming kinakain t'wing umaga.

"Magkano ang kailangan mo?" tanong ni lolo na hindi man lang inalis ang tingin sa pinapanood nitong action movie ni Robin Padilla.

"Hahaha! Grabe ka naman, Lolo, magpapaalam lang ako hindi manghihingi nang k'warta!"

"Talaga ba, Maria Santana?" Nilingon ako nito at pinanliitan nang mata bago binalik ang tingin sa pinapanood.

"Oo nga, Lolo!"

"Oh, sige sabihin mo na kung ano ang ipapaalam mo sa akin."

Lumapit ako ng kaunti sa kanya rito sa maliit naming sofa para marinig niya ng maayos ang sasabihin ko. Medyo may pagkabingi pa naman ang matandang ito. "Kasi, Lo, ganito iyon. Alam mo naman na crush ko si Juan, hindi ba?"

"Sinong Juan? Si Juan Tamad ba?"

"Lolo naman, eh, hindi iyon! Mukha bang mag-aasawa ang apo niyo ng tamad?"

"Eh, sino ba kasing Juan iyan? Bigyan mo ng apilyedo dahil maraming Juan ang gumagamit nang pangalan na iyan," tugon nito saka humigop nang kape sa tasa niya, "Pweding si Juan na kapitbahay natin. Iyong malaki ang mata na mukhang k'wago na napabayaan ng nanay niya sa kusina. Si Juan k'wago ba ang tinutukoy mo?"

"Yuck! Hindi iyon ang tinutukoy ko, Lo! Ang tinutukoy kong Juan ay iyong classmate ko noong Grade eight. Si Juan Eusebio po ang crush ko hindi si Juan na kapitbahay natin."

"Ahh, iyon bang batang gwapo na sinabi mo noong isang araw, Santana? Si Juan na gwapo?"

"Oo, Lo, siya nga! Eh, kasi nalaman ko kay Andrea na may lakad ito ngayon sa bayan kaya pupunta rin ako roon mamayang alasdies,"

"Maglalandi ka na namang bata ka!" sermon ni lolo na muli akong pinasadahan ng tingin dito sa gilid niya, "Asikasuhin mo muna ang paaralang papasukan mo para sa senior high. Saka mo na asikasuhin iyang mga lalaki mo."

"Maka mga lalaki mo ka naman, Lo!" Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Bakit hindi ba? Eh, noong pinakita mo sa akin iyong pink mong notebook ay halos punuin mo ng pangalan ng mga lalaki iyon."

"Huwag ka ngang maingay riyan, Lo! Sekreto lang natin ang notebook na iyon!" Mahina kong bulong sa kanya. "Atsaka matagal pa naman ang pasukan kaya may oras pa ako para maghanap ng papasukan na paaralan. Iyong ngayon muna, Lo. Aalis ako para makita si Juan ko." Sambit ko at parang six years old na batang nag-iinarte rito sa pwesto namin.

"Oh, siya! Humayo ka na at maglandi sa labas!" Ikinumpas pa nito ang isang kamay na parang sinasabing bahala na ako.

"Hehe! Alam mo na ang drill, Lolo. Pahingi akong dalawang daan." Inilahad ko ang dalawa kong palad sa kanya habang nagpa-puppy eyes at bigla na lamang niyang pinitik ang noo ko. "Lolo, masakit iyon, ah!"

"Akala ko ba hindi ka manghihingi nang k'warta?"

"Nakalimutan ko kasi na kulang ang k'warta ko. Babayaran ko rin naman, Lo, kapag yumaman na ako kaya don't worry!"

"Ano pa nga ba? Eh, lagi mo akong binubudol araw-araw." Kamot-ulo na tugon nito saka dumukot sa bulsa niya ng tigbibenteng dalawang daan. "Bayaran mo kaagad iyan kapag nakapagtinda ka na ng bananaque o barbeque ulit at hindi ko na yata mahihintay ang pagyaman mo. Baka kasama ko na si San Pedro kapag nangyari iyon."

"Lolo, naman! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at kinakabahan ako. Baka wala ng magsabit ng medal sa akin sa stage kung pati ikaw ay iiwan ako." Inipit ko na sa loob ng bra ko ang tigbibenteng dalawang libo na binigay ni lolo. Parang medyo lumaki ang s**o ko sa k'warta na nakaipit sa bra ko? Chos!

"Hahaha! Nagbibiro lang ako apo. Maaabutan pa kitang mag-aasawa kaya huwag kang mag-alala. Kakambal ko yata ang kalabaw natin." Itinaas pa nito ang braso na pinapakita ang payat niyang muscle.

Napairap na lamang ako saka tumayo na rin. Tapos na rin naman ako na mag-almusal. "Ay ambot, Lo! Maliligo na po ako at ilang oras na lang ay mag-aalasdies na."

"Sige at tatapusin ko muna itong pinapanood ko. Hindi ako makapag-focus dito dahil dinadaldal mo ako kanina pa."

Natawa na lamang ako at naglakad na papunta sa kwarto ko para maligo. Hindi na ako makapaghintay na makita si Juan ko kaya pagkatapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng bahay suot ang kulay pink kong daster. Kulay pink din ang suot kong headband sa ulo simbolo ng pagkamalandi ko-este pagkababae. At syempre hindi mawawala ang cute kong pink na backpack na may mukha ni Hello Kitty. Nandito sa loob ng backpack ang buong buhay ko kaya hindi p'weding mahiwalay ito sa akin. For emergency purposes!

"Lo! Aalis na po ako!" sigaw ko at naglakad na palayo sa bahay namin ng may ngiti sa mukha.

Hindi pa man ako nakakalayo ng bahay namin ay nawala na kaagad ang ngiti ko ng makita si Juan na kapitbahay namin. Napangiwi at napairap na lamang ako ng mag-wave ito sa akin habang naglalakad palapit dito sa kinatatayuan ko. Sisirain pa yata ang araw ko.

"Hello, Tana, saan ang punta mo?"

Inihampas ko muna sa hangin ang kulot kong buhok na as if ang haba-haba. Well, kahit hindi naman ako kasing ganda ni Megan Fox ay may nahuhumaling din sa akin at isa na itong si Juan k'wago! "Pakialam mo ba? Hindi naman kita boyfriend para tanungin ako kung saan ako pupunta! Kaya p'wedi ba umalis ka sa harap ko at nagmamadali ako, hmp!"

Napakamot-ulo na lamang ito saka tumabi sa gilid para padaanin ako. "Nagtatanong lang naman ako ang sungit mo na kaagad."

"Nya! Nya! Nya! Ambot!" tugon ko at nilagpasan na siya pero may pahabol pa ang kuya mo.

"Mag-iingat ka Tana my loves!"

Kilabutan nga siya sa sinabi niya!

Kahit paborito ko ang chicharon ni Mang Juan ay hindi ako natutuwa sa pagmumukha niya kahit na Juan din ang pangalan niya. Mas'yado siyang obsessed sa kagandahan ko at isang Juan lang ang gusto kong makita ngayon...

Bab terkait

  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata II

    ~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-19
  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata III

    ~Tana~Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?" "Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito. Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa laba

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-19
  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata IV

    ~Tana~Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?" "Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang

    Terakhir Diperbarui : 2022-11-19

Bab terbaru

  • She's Into The Heartless Playboy (Tagalog)   Kabanata I

    ~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe

DMCA.com Protection Status