~Tana~
Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?""Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang ang OOTD niyo, Madam. Mukhang ang pricy pa naman niyan. Ano pong brand ng damit niyo? Channel po ba?"Natawa naman ito ng bahagya. "Oo Channel nga ang brand nitong blouse at trouser ko. How did you find out, Santana?""Paano pong hindi malalaman, eh, ayan po ung maliit na sulat banda sa bulsa ng blouse niyo." Itinuro ko ang bulsa ng blouse niya na nasa kanang bahagi ng dibdib niya."Hahaha! Yeah, right. By the way, hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo, Santana.""Kaya nga po buti alam niyo. Atsaka Tana na lang po huwag ng Santana.""Okay, Tana, kung iyan ang gusto mong itawag ko sa'yo. Let me formally introduce myself to-""Cindy."Hindi natuloy ng babae ang sasabihin niya ng biglang sumulpot si lolo at mukhang alam ko na ang pangalan nitong kasama ko. "Lo, nandiyan ka na pala.""Pumasok ka muna sa loob, Maria Santana," utos ni lolo na nakatuon lamang ang tingin sa kasama ko.Siguradong nagagandahan itong matandang ito kay Ms. Cindy. Kakaloka!"Bakit hindi na lang tayong tatlo ang pumasok sa loob, Lo? Inaya ko na rin kanina si Ms. Cindy na pumasok-""Hindi siya magtatagal dito kaya pumasok ka na sa loob." Putol ni lolo sa akin. "Mag-uusap lamang kami sandali nitong bisita natin."Gusto pa ng privacy! Nandito na nga ako sa harapan nila gusto pa itago ni lolo sa akin na chics niya itong si Ms. Cindy."Magtitimpla na lang ako ng kape sa loob. Wala kaming juice, Ms. Cindy, kaya kape na lang sa tumitirik na araw." Iniwan ko na silang dalawa sa labas pero echos lang dahil nandito ako sa bintana na sinisilip sila habang nag-uusap.Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil hindi ko naman sila marinig mula rito. Sobrang seryoso ng mga itsura nila at siguro nasa love quarrel stage ang relationship nilang dalawa. Hmm, nako-curious na ako kung ano meron, ah! Maya't-maya ay tinalukuran na ni Ms. Cindy si lolo at dumiretso na sa sasakyan niya. Pinanood pa ni lolo ang pag-alis nito at aligaga akong nagkunyaring nakaupo rito sa sala ng makita kong papasok na si lolo rito sa loob."Oh, Lo, ano pinag-usapan niyo ni Ms. Cindy? Bakit umalis na siya? Hindi niyo man lang pinapasok dito ng makasilong sa init," agad na tanong ko ng pumasok na si lolo rito sa bahay, "Sino ba iyon, Lo, huh? Umamin ka nga chicks mo ba si Ms. Cindy? Ang sabi ni lola sa akin noon may history ka na babaero ka noong kabataan niyo." dagdag ko at sumunod sa kanya ng magtungo ito sa maliit naming kusina.Nagpakawala ito ng malalim na hininga habang nagsasalin nang tubig sa baso. Uminom muna ito bago ako hinarap ng puno ng emosyon ang mga mata. "May dapat kang malaman, Apo.""Ano naman iyon, Lo? Chicks mo ba si Ms. Cindy, huh? Iyon ba ang dapat kong malaman, Lo? Bakit mo itinago sa akin ang katotohanan? Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad, Lo? Lolo, naman, eh!""Susmaryahusip, Maria Santana! Ano bang pinagsasabi mong bata ka! Sa tingin mo ba ay mambabae pa ako sa edad kong ito, huh?" Sermon nito na ang talim-talim ng tingin sa akin."Malay mo naman, Lo, 'di ba? Atsaka uso ngayon ang mga age gap at may kasabihan pa na age doesn't matter."Nasapo na lang ni lolo ang noo niya. "Maupo ka ngang bata ka."Naupo kaming pareho ni lolo at magkaharap kami ngayon dito sa lamesa kung saan kami laging kumakain."Lumapit ka nga, Maria Santana."Agad naman akong umurong palapit sa kanya. "Bakit, Lo? Sasabihin niyo na ba na-aray!" Hiyaw ko ng pingutin na lang niya bigla ang tenga ko."Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mong bata ka!" tugon nito na feel na feel pa rin ang pagpingot sa tenga ko, "Hindi ko chicks si Cindy kaya umayos ka!"Nakahinga na ako nang maluwag ng sa wakas ay pinakawalan na niya ako. "Napaka-hurty ng pingot mo, Lo, huh!" Sambit ko habang hinihimas ang tenga ko na piningot ng matandang ito. "Kung hindi niyo pala chicks si Ms. Cindy, eh, ano niyo siya? Bakit sobrang seryoso ng usapan niyo kanina na dalawa? Atsaka kilala niya ako, Lo, hindi ko alam na famous na pala ako ngayon. Omeged!"Muli na naman niyang nasapo ang ulo. "Makinig kang mabuti sa akin, Maria Santana Anciano Santisima. Ang babaeng iyon kanina ay si Cindy Villafuerte. Matagal ko na siyang kilala at siya ang tumulong sa amin ng lola mo noong buhay pa siya sa pagpapa-aral sa'yo. Buwan-buwan siyang nagpapadala ng pera para may magamit ka sa pag-aaral mo kaya nga hindi ka nahihirapan na pumasok sa paaralan.""Kaya naman po pala pero bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na may ibang tao pa lang tumutulong sa pag-aaral ko? Hindi ko ba deserve malaman ang totoo? Akala ko pa naman ay sariling pera natin iyong mga nagamit ko sa school.""Dahil mas mabuti ng hindi mo alam."Bakit feeling ko may sama ng loob itong lolo ko kay Ms. Cindy? Or feeling ko lang kasi feelingera ako?"Ano naman iyong ipinunta ni Ms. Cindy rito, Lo? Ano iyong pinag-usapan niyo sa labas kanina?""Binibigyan ka niya ng opportunity na mag-aral sa paaralan na pagmamay-ari niya.""Talaga po? Lo, baka nandoon ang strands na gusto ko para sa senior high!" Excited kong tugon ng marinig ko ang sinabi niya. "Hindi na pala ako mahihirapan na maghanap ng school kasi si Ms. Cindy na ang nag-offer.""Iyon nga lang ay kailangan mong lumuwas ng probinsya natin dahil nasa Maynila ito."Nang marinig ko ang sinabi ni lolo ay bigla akong natigilan. "Ang layo naman, Lo, sayang. Maghahanap na lang ako ng ibang paaralan na rito lang sa atin at uumpisahan ko na bukas ang paghahanap!""Ayaw mo ba ng offer ni Cindy sa'yo?""Ayoko, Lo! Hindi kita iiwan dito mag-isa kaya no thanks na lang kay Ms. Cindy. Mas mahal ko kayo kesa sa offer niya. Atsaka kung wala naman akong mahanap na ABM dito ay p'wedi namang ibang strands na lang ang kunin ko huwag lang malayo sa inyo." Mahaba kong sambit at agad na kinuha ang mga buto ng kalabasa sa backpack ko. "Ito na po pala iyong mga buto na hinihingi niyo kay lolo Ernes. Ang sungit pa rin talaga ng kaibigan niyong iyon parang menopause na." Pang-iiba ko na ng usapan namin."Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan." Tugon ni lolo saka umalis na sa upuan niya. "Magluto ka na para sa hapunan natin mamaya at itatanim ko muna ito sa hardin.""Sige, Lo, ako na ang bahala sa uulamin natin mamayang hapunan!"Nilagay ko muna ang backpack ko sa loob ng kwarto bago bumalik ng kusina. Tiningnan ko ang loob ng maliit naming refrigerator kung ano ang p'wedi kong maluto. Halos maduling ang mata ko ng makitang wala na pa lang laman ang ref namin. Nakalimutan ko na last na iyong laman na niluto ko kanina para sa lunch."Pok! Pok! Pok!"Isang malaking ngisi ang gumuhit sa labi ko ng marinig si Roberta sa likod ng bahay namin. Si Roberta ang manok ni lolo na kapag nakikita akong nagwawalis ay hinahabol ako. Mukhang ito na ang oras para makaganti ako sa manok na iyon. Baka need na rin ng manok ni San Pedro nang ka-couple sa langit at itong si Roberta ang kailangan niya. Hahaha!Since malaki at matabang manok si Roberta ay niluto ko siya sa dalawang klase. Tinola at adobong manok ang ginawa ko sa kanya. Wala si lolo sa hardin kanina kaya hindi niya narinig ang pagsigaw ni Roberta ng help. Nakaayos na rin ang lamesa at si lolo na lang ang missing in action."Lo kakain na!" sigaw ko rito sa pintuan."Tapusin ko lang sandali ito!" sigaw pabalik ni lolo na hindi ko alam kung nasaan.Bumalik na lamang ako sa kusina para roon na lang maghintay kay lolo. Sinandukan ko na rin ng kanin ang mga plato namin para hindi na mainit mamaya pagkain kapag kumain na kami. Maya-maya pa ay naririnig ko na ang yapak ng paa ni lolo kaya umayos na ako ng upo."Mukhang masarap yata ang ulam natin ngayon, Maria Santana, ah?" Dumiretso sa lababo si lolo para maghugas nang kamay niya."Oo naman, Lo! Ako pa ba? Nagluto ako ng adobong Roberta at tinolang Roberta.""Ro-Roberta?" Natigilan si lolo saka hinarap ako."Opo iyong manok niyo sa likod na salbahes ang ulam natin.""Maria Santana Anciano Santisima!!!" Galit na bulalas ni lolo at agad kong tumakbo papunta sa kwarto ko saka ni-lock ang pinto. Siguradong papaluin niya ako. Hahaha!~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe
~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas
~Tana~Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?" "Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito. Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa laba
~Tana~Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?" "Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang
~Tana~Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?" "Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito. Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa laba
~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas
~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe