~Tana~
Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?""Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito.Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa labas ng bahay namin. Umalis ako sa higaan ko saka sumilip sa bintana at nakita ko siya na nakatayo sa maliit naming hardin hawak ang pala. "Bakit, Lo?" Tanong ko at napalingon ito rito sa gawi ko. "Ano bang ginagawa niyo riyan? Kita niyong sobrang tirik ng araw at ngayon niyo pa naisipan magpala.""Hindi naman ikaw ang magpapala kaya huwag kang magreklamo riyan, Maria Santana," tugon nito, "May iuutos ako sa'yo puntahan mo nga si kumpareng Ernes at hingin mo iyong mga buto ng kalabasa na hinihingi ko sa kanya. Itatanim ko ang mga iyon mamaya pagkatapos ko maghanap ng magandang lupa na tataniman.""Ernes? Iyong bang malapit ang bahay sa simbahan, Lo?""Oo siya nga! Pumunta ka na roon ngayon at huwag ka ng humirit na mamaya mo na pupuntahan, Maria Santana." Puno ng awtoridad ang tono ni lolo na alam na alam na ang linyahan ko kapag imuutusan niya ako.Napakamot-ulo na lamang ako at nag-ayos ng kaunti bago lumabas ng k'warto suot ang backpack ko. Hindi na ako nagpalit ng suot dahil saglit lang naman ako na lumabas kanina kasama ang bespren ko. Nagpaalam na ako kay lolo na aalis at hindi pa man ako nakakalayo ay heto na naman si Juan sa harap ko. Hilig niyang harangan ang dinadaanan ko. Sarap sagasaan ng sasakyan kung meron lang ako!"Oh, ano na naman kailangan mo?""Tanghaling tapat na ang sungit mo pa rin, Santana. Sumasabay ka sa init ng panahon kaya lalo ako pinapapawisan, eh." Ngiting-ngiti ang kuya mo at kita ko ang naninilaw niyang ngipin.Sa dami-rami ng g'wapong nakalista sa crush lists ko kahit isa ay wala man lang akong nabingwit. Tapos itong kisusuklaman ko patay na patay sa beauty ko. Kairita, aba!"P'wedi ba, Juan, Kahit isang araw lang huwag ka magpakita sa akin? Lagi mong sinisira ang araw ko. Yawa!" Nilagpasan ko na siya bago pa humaba ang walang k'wenta naming usapan."Magpayong ka Tana my loves baka masunog ka!" Pahabol pa nito na hindi ko na pinansin pa.Sumakay ako ng padyak pabalik ng bayan dahil hindi na keri ng flawless skin ko ang init. Sa salon na lang ako bumaba dahil maglalakad na lang ako papunta sa bahay ni lolo Ernes. Dadaan muna kasi ako sa simbahan para magdasal bago dumiretso roon kaya ng makarating ako ay agad akong lumuhod para manalangin sa itaas."Hello po Lord nandito na naman po ako ngayon at magdadasal sa inyo. Kakamustahin ko lang sana kung kamusta na sila mama, papa at lola riyan sa itaas. Nami-miss ko na kasi sila pati si lolo ay miss na rin si lola. Sana po ay ingatan niyo sila riyan at huwag niyo pababayaan..." Habang sinasabi ko ang mga dasal ko ay nakapikit ang mga mata ko habang magkasaklob ang parehong kamay ko. "Soon po ay magkakaroon din kami ng reunion diyan sa langit pero huwag muna po ngayon Lord. Hindi pa kasi ako nagkakajowa at gusto ko pa maging Mrs. Capuilet ni Hauser na may isang dosenang anak. Malakas po ang pakiramdam ko na kami ang nakatadhana na dalawa pero kung hindi man kami para sa isa't-isa ay huwag niyo po siyang hayaan maging masaya sa iba. Charot lang Lord baka mabawasan ako ng points diyan sa langit-"Napatigil ako sa pagdadasal ng marinig na may batang nagdadasal sa rin tabi ko. Ang ingay niya rin kasi magdasal at nawala na tuloy ako dasal ko. Hindi ako gumalaw at pinakinggan na lamang ang dasal niya dahil ito ay English spokening dollar. Pinakinggan ko ang mga panalangin niya at katulad ko ay pinagdarasal niya rin ang mga magulang. Tahimik lamang ako na nakikinig ng mga dasal niya kahit nangangalay na ang tuhod ko pati ang mga mata kong nakapikit."Lord, give me also this day burger, hotdog, french fries, sphagetti with coke float. Wala po akong money kaya sana ilibre niyo na lang po ako. Amen!"Agad kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ang huling dasal ng bata at ng lingunin ko ang katabi ko ay isang lalaki na pulubi ito na sobrang rungis. Kaya pala habang nagdadasal ako kanina may mga langaw na nalipad sa ilong ko. "Hoy, bata! Wala ka sa fastfood at hindi staff ng Jollibee si Lord. Hindi rin siya nagpapa-give away ng mga pagkain. Kaloka ka!" Naupo na ako sa upuan dahil ngalay na ngalay na ako."Nagugutom na kasi ako, Ate, eh." Humawak pa ito sa t'yan niya na tila nagpapaawa sa akin."Nasaan ba ang nanay at tatay mo, huh?"Ilang segundo itong naging tahimik bago sinagot ang tanong ko. "Patay na po sila, eh. Namatay sa sakit si nanay habang si tatay naman ay nasagasaan ng truck.""Parehas pala tayo, eh.""Namatay rin sa sakit ang nanay niyo at nasagasaan din ang tatay niyo?""Hindi! Nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang tricycle.""Ang saklap naman po pala ng sinapit ng mga magulang niyo.""Oo at huwag mo na ngang ipaalala!" tugon ko, "Tara sumama ka sa akin-""Huh? Saan tayo pupunta? Ang sabi sa akin ni nanay ay huwag daw akong sasama sa mga stranger, eh. Hindi naman kita kilala, Ate."Grabe! Mukha pa talaga akong stranger sa ganda kong ito?Napairap na lamang ako. "Tawagin mo na lang akong Tana. Hindi ko na sasahihin ng buo pangalan ko dahil baka matulad ka sa lolo ko!""Hello po, Ate Tana!" Kumakaway-kaway pa ito sa akin. "I am Dimitri Laporez and I'm already eight years old! P'wedi pong tawagin niyo na lang akong Tri in short." Pagpapakilala nito sa sarili at hindi ko alam kung pulubi ba talaga ito o nagpapanggap lamang."Okay, Tri! Tara na at may lalakarin pa ako, eh."Lumabas na kaming dalawa ni Tri sa simbahan at dinala ko siya sa karinderya na malapit lang sa kinaroroonan namin. Ayaw pa nga pakainin ni aleng Diva sa loob ang batang kasama ko dahil sobrang rungis nito pero dahil witty ako ay nagawan ko rin naman ng paraan. Iniwan ko na si Tri sa karinderya at nagtungo na ako sa bahay ni lolo Ernes. Nang makuha ko iyong buto na sinasabi ni lolo ko ay umalis din ako aa bahay ng kaibigan niya. Masungit kasi ang matandang iyon kaya ayaw kong magtagal sa bahay niya."Santana."Bago pa man ako makatawag ng padyak ay may biglang tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at isang magandang babae ito na nakasuot ng mamahalin na damit. Ang baby face ng mukha niya kahit halatang may edad na. Sana all baby face. Naglakad ito palapit sa akin suot ang mataas niyang high heels at para siyang model kung maglakad. Nandito kami ngayon sa tapat ng simbahan at mukhang kagagaling lang din niya sa loob."Thank God at nagkaharap na rin tayo personally," sambit nito na nagbigay sa akin ng malaking question mark."Eh? Kilala ko po ba kayo?""Honestly, hindi mo ako kilala but I know you my dear," tugon nito na matamis ang pagkakangiti sa akin, "I know you and also your lolo."Nang malaman kong kilala niya si lolo ay super duper laki ng question mark ang pumasok sa isipan ko. Nandito ako sa loob ng puting sasakyan ng babae at papunta kami sa bahay dahil may mahalaga raw siyang pakay. Hindi ko alam na may kaibigan pala si lolo na ganitong kayaman at kaganda na babae. Baka naman chicks ito ni lolo at matagal na niyang itinatago sa akin. Babaero talaga ang matandang iyon! Balak niya pa yata magdagdag ng apo ata hindi na nakuntento sa akin. Multuhin sana siya ni lola!~Tana~Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?" "Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang
~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe
~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas
~Tana~Nang makarating kami rito sa tapat ng bahay namin ay agad kaming bumaba nang babaeng kasama ko maliban sa driver niya. Alam kong bawal sumama sa stranger pero nag-offer ng ride, eh, why not coconut. Pakiramdam ko tuloy ang yaman ko. Charizz! First time ko makasakay sa magarang sasakyan na may aircon kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon."Dito pa rin pala kayo nakatira ng lolo mo.""Eh? Nakapunta na po pala kayo rito?" "Yes and it was a long time ago. Ngayon lang ako ulit nakatapak dito," tugon nito, "Lagi ka pa ngang ikinukwento ng lolo mo sa akin noon but I didn't get a chance to see you personally back then."Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa sinabi niya. "Pasensya na po pala kung maliit lang ang bahay namin but don't worry po magkakas'ya naman tayong tatlo sa loob. P'wedi niyo rin pong isama itong driver niyo kung gusto niyo." Tukoy ko kay manong na siyang driver nitong babae. "Tara po sa loob doon natin hintayin ang lolo ko. Baka mangamoy araw kayo sayang
~Tana~Minarkahan ko na ng pulang ballpen ang pangalan ni Juan Eusebio sa crush lists notebook ko since may chaka pala siyang girlfriend. Aaminin ko hindi sila bagay at kung masaya man siya sa babaeng iyon ay malaya na siya. Meron pa naman akong Hauser Capuilet kaya may pag-asa pa ako na magkajowa bago ako mapunta sa legal age. Mabuti pa iyong mga nasa grade seven sa school ko may mga ka-callsign ng mahal samantalang ako laging palpak sa mga crush ko. Sa susunod ako na talaga ang manliligaw!Ibinato ko ang sarili ko sa maliit kong higaan at kinuha ang unan na may mukha ni Hauser. "Kailan kaya kita ulit makikita? Naalala mo pa kaya ako?" "Malapit mo na rin akong makita, Tana my darling.""Wahh!" Agad akong napatayo ng biglang magsalita ang hawak kong unan. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ng muli kong tingnan ang litrato niya na nasa unan ko ay nakapikit lamang ito. Ilusyon lang pala. Pisti kaayu!"Maria Santana!"Napatigil na lamang ako ng tawagin ako ni lolo na mukhang nasa laba
~Tana~Parang si Dora the explorer ako na naglakad papunta sa bespren kong si Andrea nang makita ko itong nakatayo sa tapat ng salon. Kanina pa siya rito dahil inutusan siya ng mama niya na bumili nang bigas dito sa bayan. Sakto namang nakita niya ang mga tropa ni Juan ko kaya agad niya akong tinawagan para ichika ang narinig niya. Malapit na rin mag-alasdies kaya I'm sure makikita ko na ang love of my life kong si Juan. "Wow! Halatang pinaghandaan mo talaga, huh?" sambit ni Andrea nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko. "Nakakasilaw ka, Bes!""I know right! Alam ko naman nakakasilaw ang ganda ko kaya makukuha ko ang atensyon ni Juan ko mamaya." Inihampas ko sa hangin ang feeling mahaba kong buhok. "Iyong damit mo ang nakakasilaw! Iyon ang ibig kong sabihin! Chaka nito!" Pambabasag niya ng mood ko. "Mas masilaw ka pa sa tirik na tirik na araw ngayon kaloka! Masyadong matingkad iyang pink mong damit, Inday!"Siraulo talaga ito! Parang sinabi niyang hindi ako maganda, ah?"Kung nas
~Tana~Ako nga pala si Maria Santana Anciano Santisima a.k.a Tana! Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko at ewan ko ba kanila mama't papa kung bakit nilagyan pa nila ng Maria, eh, lumaki naman akong malandi. Charot! Malandi man ako sa inyong paningin at least sa mga crush ko lang! Sa edad na sampung taon ay naulila na ako sa magulang dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan na tricycle nila mama't papa. Ang sabi ng mga pulis ay aksidente ang nangyari dahil nawalan ng preno ang driver kaya nahulog silang tatlo sa bangin. Kaya naman naiwan ako sa puder ng lolo at lola ko sa side ni papa rito sa probinsya namin. Pero noong labing dalawang taong gulang ako ay pumanaw na si lola dahil sa sakit nito at ewan ko ba bakit lagi akong iniiwan. Mabuti na lang si lolo ay kasing lakas pa ng kalabaw kaya kahit senior citizen na ay malakas pa rin siya.Si lolo Tonyo ang lagi kong kasama simula ng maulila ako kaya sobrang close kami sa isa't-isa. Siya ang lagi kong crying shoulder everytime na brokenhe